Chapter 12 Yelena's POV Maingat kong minasahe ang sumasakit kong paa. Tatlong oras yata akong nakatayo lang, hindi pa naman sanay ang mga paa ko sa matataas na heels. Nasa garden ako ng venue at naka-upo sa gilid ng fountain. Napagdesisyunan ko kasing lumabas kaysa makita ang ginagawang pakikipaglandian ni Diane kay Xander. At ang huli naman ay hindi man lang pumalag, parang gusto pa nga. Hindi na lang sana ako nito sinama kung may gusto pala itong makasama. "Eh di magsama sila nung malanding bruhang babae na pinaligo yata ang gluta sa puti." Bitter lang teh? Hinubad ko ang aking suot na sandal at pa-indian sit na umupo. Nilinga ko ang aking paningin sa buong hardin. Napakaganda ng mga makukulay na bulaklak lalong-lalo na sa ilalim ng liwanag ng buwan. "Uhuh... Uhuh!" Napa-igtad ak

