Chapter 11 Yelena's POV "Oh em gi maam! Yur so byutipul!" tili ni Mildred. "Talo niyo pa po si Miss Columbia sa ganda." Ako naman ay napatulala sa nakita. Alam ko naman sa sarili ko na maganda ako. Pero hindi ko alam may igaganda pa pala ako. Nagbuhat talaga ng sariling bangko. My hair was tied in a messy bun that makes me look hot. Light rin yung pagkakamake-up sa akin ni Mildred maliban sa eyeshadow na mas lalong na-emphasized yung mga mata ko. And with red lipstick, I looked fierce and hot. Akalain mo namang may talent pala na ganito si Mildred. "Wow! Super galing mo naman Mildred. Sana naging make-up artist ka na lang kaysa maging katulong." "Gusto ko nga po dahil matagal ko na po yung pangarap kaya lang may pinag-aaral pa kasi po akong mga kapatid." Bumaling ako rito at hinawa

