Chapter 10 Yelena's POV "Kainis naman oh! Ba't ba hindi mawala-wala itong sakit na'to," pagmamaktol ko habang nagbibihis. Ang tagal ko kasi maisuot yung pants ko dahil sumasakit ang balakang ko kapag yumuyuko. Nalagyan ko na naman ng salumpas at cold compress pero putakte talaga oh, ang sakit-sakit parin. Isang katok ang nagpalingon sa akin sa pintuan."Sino yan?" sigaw ko. "It's Xander. May ibibigay lang sana akong pain reliever para diyan sa balakang mo," saad nito mula sa labas. "Papasok ako ha." Shit! Hindi ko nai-lock ang pinto. "S-sandali lang!" sigaw ko. Ngunit nabuksan na nito ang pinto at nabungaran akong nakatayo na nakapanty at bra lang naman habang hawak-hawak sa kamay ko ang pantalon. Napatigil ito sa pagpasok at ako naman ay hindi makakilos sa kinatatayuan. "S-sorry!"

