Chapter 9 Yelena's POV Mga yapak na paparating ang narinig ko at siguro narinig rin ni Xander dahil bigla na lang niya ako hinila sa likod ng pinto. Kung makahila naman tong lalaking ito, tanggal ang braso ko sa lakas. "Wala namang tao, siguro nga guni-guni ko lang yung narinig kong mga boses." Si Mildred pala, ibang klase rin ang pandinig nito ha ang dali makasagap ng inggay. "Makainom nga muna ng tubig. Oh, kay sino namang pinagkainan ito. Kay maam siguro, ang aga naman kasing naghapunan." Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil baka mahuli na naman kami sa isang spg na tagpo. Wala na siguro akong mukhang maihaharap. Nakasandig ako ngayon sa pader at natatabunan ako ni Xander. Ramdam ko ang katawan nito na ang lapit-lapit sa akin. Napadako ang paningin ko sa nakalantad nitong d

