Chapter 5
Yelena's POV
"Pasok!"
Hala! Para yatang galit ito ha.
Ipinihit ko ang seradura para makapasok. Unang nabungaran ko ang napakaraming libro na nakahilera sa bookshelves.
May pocketbook kaya rito?
"Ba't ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay rito," may halong iritasyong sabi nito.
Napatingin naman ako sa kaliwang bahagi ng library at voila, nahanap ko rin ang hinahanap ko. Ang pinto na may office na nakasaad, nasa loob lang pala ng library. Napadako naman ang mga mata ko sa taong nakaupo sa pang-isahang sofa na bakas sa mukha ang iritasyon. Infairness, gwapo pa rin.
"Kasa..."
Kasalanan ko bang ang laki nitong bahay mo.
Isasagot ko sana, syempre hindi ko itinuloy. Hindi naman kasi gagawin yun ni Therese. Bilin kasi ni tanda na dapat maging finnesse ako sa lahat ng aksyon at salita ko, dahil iyon daw si Therese.
Ah... puro na lang Therese, Therese. Baka makalimutan ko na pangalan ko dahil Therese na lang lage ang naririnig ko.
"Kasi naligaw ako," saad ko na lamang.
"What!" Singhal nito.
Ano 'to. Paulit-ulit, bingi lang. Sininghalan pa talaga ako.
Muntik ko nang paikutin ang mga mata ko buti na lang napigilan ko pa.
"Sabi ko, naligaw kamo ako. Kaya I'm sorry kung natagalan ako."
"Naligaw? Ang dali lang nga matunton ang kwartong ito. Hindi ba sinabi ni Manang Coring ang papunta rito?"
"Sinabi pero hindi ko naman alam na nasa loob pala ng library yung office mo. Sabi kasi niya na hanapin ko lang raw yung pinto na may nakalagay na office sa labas," namumula kong pagpapaliwanag. Yeah, I know I' m stupid sometimes. Bakit kasi hindi ko naman naisip na nasa loob ng library yung office.
Nagpakawala lang ito ng hininga. "Baka nakalimutan banggitin ni Manang. Pasensya na at nasigawan kita."
Buti nga alam mo!
"It's okey," tipid na sagot ko na lamang.
"Have a sit."
Umupo ako na nakaharap rito. May iniabot naman itong mga papeles. "Ito na yung napagkasunduan natin na terms and conditions in this marriage the last we talked. Pirmahan mo na lang para maging legal."
Nakakunot ang noo kong binasa ito. Hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko sa nakasaad run.
So, ito pala yung sinasabi niyang kasunduan.
Halos umabot sa twenty ang nakasulat na terms and conditions. Isa na roon ang hindi pakikialam sa ano mang gagawin ng bawat isa. Sa papel lang ang pagiging mag-asawa nila at sa mga taong hindi alam ang sirkumstansya ng pagpapakasal nila. Hiwalay na kwarto, pag-aako nito sa lahat na gagastusin ko at magfifile ng annulment after 2 years.
"2 years kasi ang provision ni papa bago mapunta sa akin lahat ng karapatan sa kompanya," paliwanag nito.
Hindi pala till death do us part ang marriage na'to.
Pero ang nakakuha sa akin nang tuon ay kasama pala ang walang mangyayaring ganun sa kanila, yung alam niyo na. Para daw madali lang ang pagfifile ng annulment for not consumating the wedding.
Kung ganun, hindi na ako mag-eexpect na maging tapat ito during sa pagsasama namin bilang mag-asawa dahil hindi ako maniniwala na kaya nitong maging celibate for two years. Kaya pala numero uno itong walang pakialaman sa ano mang gagawin ng bawat isa dahil may plano siguro ito mangbabae. Mabuti na lang at hindi ko nga itong totoong asawa, kundi...
"May idadagdag ka pa?" tanong nito.
"Nothing." At pinermahan ko na ito.
*****
Lumipas ang nakakabagot na isang linggo at namimiss ko na ang lolo't lola ko pati narin ang bahay namin. Dinahilan ko na lang sa kanila na nailipat ako ng manager ko rito sa Maynila kaya dito muna ako pansamantala at ipinangako ko naman na madalas tumawag sa kanila. Nagtatrabaho kasi ako bilang clerk sa isang bangko. I'm a bussiness ad graduate. 23 years old pa ako at marami pang plano sa buhay pero napurnada dahil sa tanda na yun.
Halos hindi naman kami nagkikita ni Xander nitong nagdaang mga araw. Masyado raw itong busy sa trabaho. Dahil umandar ang pagiging curiosity ko rito, gino-google ko ito. Sa edad na 26 ay marami na pala itong napatunayan sa larangan ng bussiness. He is one of the youngest CEO here in the Philippines at nagmamay-ari ng isang multi-billion na company. Ang HC o Hernandez Company ay isa sa kilalang kompanya hindi lang rito kundi pati na rin sa ibang bansa. Ang yaman-yaman nga talaga ng pamilya nito.
Kaya pala ayaw ipapostpone ni tanda ang kasal.
Marami rin akong nakitang mga larawan nito na may iba-ibang babae ang kasama. Ito na nga yung sinasabi ko maypagka-palikero talaga ang lalaking ito.
Dahil nababagot ako pag walang ginagawa kaya napagdiskitahan kong maglinis sa library. Marami kasing mga libro na hindi naibabalik sa bookshelf kaya yun ang itinrabaho ko. Pinagpatong-patong ko ang mga mono-blocks na naroroon dahil sa taas kong 5'4 ay hindi ko abot ang pinakataas nitong bookshelf. Sinimulan ko nang isinalansan ang libro pabalik.
"What are you doing?"
"Anak ng tinapa!" Gulat na bulalas ko. Nabitawan ko rin ang librong hawak ko at bumagsak sa paa ko at dahil dun ay nawalan ako ng panimbang.
"Ah...!!" malakas na tili ko.
Hinintay ko ang masakit na paglapat ng likod ko sa matigas na sahig pero bakit yata malambot ang aking binagsakan.
Tili parin ako nang tili habang nakapikit. "Ayaw ko pang mamatay. Ah...!!"
"Pwede bang tumigil ka na? Nakakabutas na ng eardrum ang sigaw mo," saad ng isang baritonong tinig na kilalang-kilala ko.
Madali kong iminulat ang mga mata ko at makita ang gwapong mukha nito. Buhat-buhat ako ng kanyang maskuladong braso.
"Tapos ka na sa kakatili?"
Tango lang ang nasagot ko dahil sa pagkatulala.
Gosh, ramdam na ramdam ko ang malalaki niyang braso. At yung amoy niya, ang bango lang. Kakalorkey!
Dahan-dahan niya akong binaba. "Okey ka lang?" mababakasan mo ang pag-aalala sa boses nito.
"O-oo. Nagulat lang ako sa bigla mong pagsulpot."
"I'm sorry for that. Ano ba naman kasi ang ginagawa mo?"
"Inililigpit ko lang yung mga libro, wala rin naman kasi akong ginagawa," sagot ko.
"May katulong para gumawa niyan. Why don't you go shopping? Para hindi ka naman mabored rito sa mansion. Sagot ko naman lahat na bibilhin mo."
"A-ah, sa susunod na lang siguro." Parang hindi ko yata kayang gamitin ang perang hindi naman dapat sa akin at isa pa wala kaya akong kahilig-hilig magshopping. Mas lalo lang ako mabobored nun.
"Parang hindi ka yata excited. Sa pagkaka-alam ko, that's one of your hobby."
"Kwan kasi... nagbago na yung hobby ko. Yeah that's it, h-hindi ko na medyo gusto yung pagshoshoping."
Lord, huwag sana mahalatang nagsisinungaling ako.
Nakakunot ang noong tiningan niya ako. "Parang may mali sayo?"
Patay!