Chapter 4: First Day

1214 Words
Chapter 4 Yelena's POV Nakakasilaw na liwanag ang aking nabungaran nang ako'y magising. At nang nakaka-adjust na ang aking mga mata ay laking pagtataka ko kung nasaan ako. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng kwarto. Malaki ito at malalaman mo talagang pangbabae ang kwarto dahil na rin sa interior nito. The wall was covered by a rose colored wallpaper at may malaking walk in closet sa may gilid. Isang malaking queen size bed sa gitna, kung saan nga ako ngayon nakahiga, at isang maliit na mesa sa gilid kung saan nakapatong ang isang lampshades. Namangha ako sa nakikita ko. Syempre, dahil laki ako sa hirap ay ngayon lang ako nakakita sa personal ng ganitong kagandang kwarto. Nahagip ng aking paningin ang malaking sliding door sa may kanan na natatabunan ng puting kurtina at tantiya ko ay doon nanggagaling ang liwanag dahil nakabukas ito nang konti. Malambot rin ang kamang kinahihigaan ko. Parang ang sarap itulog ng panghabang-buhay. Ang kama ko kasi sa bahay ng lola ko ay gawa sa kahoy na pinapatungan ko lang ng manipis na kutson at comforter para magmukhang malambot. Bumangon ako at tinungo ang medyo nakaawang na pintuan. Verandah pala ito at tanaw mo rito ang malawak na bukirin. "Nasaan ba ako?" Tanong ko sa sarili ko. Bigla dumagsa sa akin ang pangyayari kahapon. "Shocks, kasal na pala ako este si Therese. Kung ganun nasa bahay ako ni Xander. Wait..." Naalala ko na nakaidlip pala ako kagabi kung ganun sino ang nagdala sa akin sa kwarto. "Ang aga mo pala gumising." "Ay kabayo!" gulat na bulalas ko dahil sa biglang pagsulpot ng isang tinig, mabuti na lang at mahina iyon. Liningon ko ito para lang matulala sa napakagwapong nilalang na nasa aking harapan. Kahit simpleng puting t-shirt at short lang ang suot nito ay hindi maitatago ang hotness nito. Napalunok yata ako ng maraming laway. "Kamusta pala yung tulog mo?" "H-ha?" Dahil busy ako sa pagsisight seeing rito kaya hindi ko masyado nagets yung tanong niya. "Tinatanong ko kung kamusta yung tulog mo," ulit nito. "Ah... Okey lang. Sandali, paanong..." "Nakapunta rito? That's my room," sabay turo nito sa isa pang nakabukas na pintuan na hindi ko napansin kanina. "Ang kwarto ko at kwarto na tinulugan mo ay iisa lang ang verandah." Tumango lang ako. "Sino pala nagdala sa akin sa kwarto? Natatandaan ko kasi na nakaidlip ako sa kotse." "Ako. Hindi na kita ginising dahil ang lalim ng tulog mo at paniguradong pagod ka. Huwag kang mag-alala, yung babaeng katulong naman ang nagbihis sayo," sabi nito. Hindi ko napansin na nakasuot nga pala ako ng pajama. Mabuti naman may konsiderasyon pa pala ang lalaking ito. Sa pagkaka-alam ko'y liberated ang pagkakilala nito kay Therese base narin sa kwento ni tanda kaya kung ito man ang nagbihis sa akin ay alam nitong walang kaso yun sa akin. Kaya lang ay hindi nga ako si Therese at mukhang sanay naman itong lage makakita ng hubad na katawan ng babae. "Ganun ba. S-salamat pala." Isang tango lang isinagot nito. "Kapag tapos kanang makapagayos pwede ka nang bumaba. Nakahanda na ang almusal at pag-usapan narin natin pagkatapos yung napagkasunduan natin." Walang lingong tumalikod na ito.Wala man lang good morning. Sandali lang, ano naman yung kasunduan na sinasabi niya. Oh my, paano na yan eh wala akong alam dun. "Bahala na nga si batman." Pumasok na ako pabalik sa kwarto at dumeritso na sa banyo para lang mapasigaw. Paano ba naman pag-harap ko salamin para lang sinabunutan ng sampong tao ang buhok ko. May morning glory pa sa mga mata ko at tuyong laway sa gilid ng labi ko. "Putik naman oh! Magpatihulog na lang kaya ako sa verandah sa ganun iwas hiya." Mabilis akong nag-ayos at itinago na lang ang hiya. Well, si Therese naman ang pagkakakilala sa akin kaya keri na rin. Mabuti na lang at tapos nang kumain si Xander pagkababa ko at dumeretso na daw ito agad sa opisina rito sa mansyon dahil may aasikasuhin pa daw itong trabaho ayun kay Manang Coring, ang mayordoma sa mansyon. Oo, mansyon. Sa laki ba naman ng bahay na'to, talo pa ang Malacañang palace nito. Parang aabutin ka ng magdamag para libutin ito. Hindi ba sila nawawala rito? Wala ba naman akong sense of direction. Magarbo rin ang mga kagamitan sa loob. Takot mo lang hawakan, mukhang mamahalin pa naman. Sa pagkaka-alam ko ay kasama daw itong ipinamana kay Xander mula sa mga magulang niya para daw sa bubuo-ing pamilya. Eh di sila na ang mayaman. Ibang klase rin ang lalaking yun. Katatapos lang ikasal, trabaho na agad inatupag. Ang yaman na nga nagpapayaman pa, eh hindi naman madala sa langit ang lahat na'to. Well, hindi naman ito isang typical na kasalan kaya siguro excemption ang honeymoon. Mabuti na lang yun, ligtas pa ang pagiging immaculate conception ko. "Bilin po pala ni sir, maam na pagkatapos niyo po raw mag-almusal puntahan niyo raw siya sa opisina niya." Nilunok ko muna ang kinakain kong pagkain bago sumagot, "Huwag niyo na po akong tawaging maam. Therese na lang po, nagmumukha po kasi akong matanda pag tinatawag niyo po ako ng ganyan." Ngumiti ito, "Kung yan ang gusto mo." Pagkatapos kong kumain ay deretso kong hinanap ang opisina daw ni Xander ayun na rin sa turo ni Manang Coring. Pero lumipas na lang ang isang oras, hindi ko parin ito mahanap-hanap. Diba sinabi ko na wala akong sense of direction. Umupo na lang ako sa baitang ng magarbong hagdan ng mansyon. "Saang lupalop ba naman ang opisinang yun ba't ang hirap hanapin. Ang rami naman kasi pasikot-sikot ang bahay na'to. Parang hotel sa daming kwarto, hindi naman ginagamit," pagmamaktol ko. Isang hagikhik na tawa ang aking narinig. Katulong pala na pababa sa hagdan. Narinig siguro nito ang pagrereklamo ko pero ano naman ang nakakatuwa run. "Ano pong ginagawa niyo po riyan maam Therese?" Natutulog. Kita mo naman naka-upo diba. Naiiritang kong sagot sa aking isip. "Nagpapahinga lang. Hindi ko kasi mahanap yung lintik na opisina ng sir niyo. Hindi naman kasi ako nabriefing na ganito pala kalaki ang titirhan ko." Tumawa na naman ito ulit. "May pagka-jologs ka po pala maam. Hindi po kasi halata." "Ah eh... Oo, slight." Nalintikan na, baka maboking pa ako nito. Sophisticated at sosyal daw kasi si Therese pero hindi ko naman maiwasan na lumabas yung totoong ako. "Can you tell me where it is. Kasi parang nalost ako and I am tired already," maarting sabi ko rito. Kailangan ko na pala simulan ang aking pag-arte baka mahuli pa ako na hindi ako si original. "Sureness po maan. Sumunod lang po kayo," at nagpatiuna nang lumakad. "Ako po pala si Mildred maam at makakaasa po kayong always at your service." "Thanks, Mildred." "Wala pong anuman. Ito na po yung opisina ni sir, maam Therese." "Anak ng baka naman oh! Hindi naman nasabi ni Manang Coring na nasa library pala ang opisina nito," mahina kong saad. Kanina ko pa kasi ito nadadaanan. Eh dahil library naman kasi ang nakasulat sa labas ng pinto kaya naghanap ako ng pinto na may nakasulat na office. Yun naman pala, wala. "May sinasabi po kayo?" "W-wala. Thanks again Mildred ha. I owe you." "No problem po maam," sagot nito sa matigas na english. Tumalikod na ito at ako naman ay kinatok na ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD