Chapter 3
Xander's POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nagawa iyon kanina. It was just when I open the veil and see her beautiful face ay parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.
Nalilito ako dahil hindi naman ganito yung reaksiyon ko noong una kaming magkita. Though she looked beautiful when I first saw her ay parang kakaiba ang ganda nito ngayon. Parang may nag-iba sa kanya na hindi ko mapinpoint. Siguro dahil sa hindi ko naman siya masyadong kilala at sa katunayan ay dalawang beses ko lang siya nakatagpo bago kami ikinasal kanina.
I am sure na hindi ganito yung nararamdaman ko sa dalawang beses namin na pagkikita na hindi ko na matanggal-tanggal ang tingin ko sa nakangiting mukha nito habang binabati ito ng mga bisita. Kaya nga hindi ko napigilan ang aking sarili na mas laliman ang halik. And God, its the sweetest lips I ever tasted. It taste like heaven and I can no longer wait to taste it again.
"Pare, ngayon lang kitang nakita makatitig ng ganyan sa isang babae ha! Hanggang dito pa naman sa reception hindi parin matanggal-tanggal yang titig mo," nakakalokong biro ng kaibigan niyang si Cloud.
"Shut up pare." tugon ko rito.
"Kung hindi lang kita kilala ay iisipin kung na love at first sight ka sa asawa mo base na rin sa halik kanina," dagdag biro nito.
Tiningnan ko ito ng masama, "Gusto mo ng sapak."
Tumawa lang ito ng malakas, "Chill lang pare. I'm just stating my observation."
"Tigilan mo nga ako Cloud," sabi ko na lang sa kaibigan. Kahit kailan talaga ay hindi mawawalan ng kalokohan ang lalaking ito. Sa lahat ng kaibigan ko, ito lamang ang hindi nagseseryoso sa buhay. Happy go lucky ika nga. But Cloud's statement earlier struck and bothered me.
No, he just interpret it wrong.
Umiiling-iling ako dahil imposibleng mangyayari yun. Maybe, I just find her attractive and beautiful like most of the women I had encountered. Siguro mawawala rin ito ng mga ilang araw kagaya rin sa mga nangyayari sa mga naka fling ko. I don't have any serious relationship dahil nga sa madali akong magsawa sa mga babae. Kaya nga napagkasunduan ng mama at papa ko na iarranged marriage na lang ako dahil napapagod na silang makita akong papalit-palit lang ng babae.
I maybe a playboy but I respect women. Bago pa may mangyari sa mga kafling ko, sinisigurado kong alam nila kung hanggang saan lang ang maiibigay ko. At hindi rin ako nagsasabay. I'll make sure na tapos na kami ng current fling ko bago ako makipagrelasyon ng bago.
I'd only agreed to this marriage because my dad threatened me to take back the company. But I know he has a more reasons for pursuing me in this marriage and that does not include my reputation with women. Natatandaan ko pa ang sinabi niya sa akin noong pumayag na akong magpakasal.
"I know how you felt son that you think I sold you for business. But that's not true. Malalaman mo rin ang rason sa kasalang ito and I have confidence that you will find happiness like what I had found in your mother."
At ano sa tingin nito na matutulad ang kapalaran ko sa kapalaran nila. Alam kong isang perpektong halimbawa ang mga magulang ko ng isang arranged marriage na natutunan mahalin ang isa't isa. Pero hindi ibig sabihin nun na nangyari sa mga magulang ko ay mangyayar rin sa akin. I give up love many years ago and thought it doesn't exist for a man like me. Siguro maswerte lang ang mga taong nakakahanap nun.
And as for me, I don't need it especially that I can get any beautiful woman that I want. At kahit may asawa na ako, hindi ibig sabihin na titigilan ko na rin ang kinasanayan ko nang gawin. Well, sa papel lang naman ang kasalang ito. I'm not taking it serious and it is just temporary.
"So, hindi ka na malaya ngayon? Paano na ang harem natin diyan. Well, pwede mo naman ipasa sa akin kung gusto mo lang."
"Sira ulo ka talaga pare."
"Pero, ang ganda ng napangasawa mo ha. Swerte ka paring maituturing. And speaking of your lovely wife, papunta yata siya rito," sabay nguso nito sa likuran ko.
Napalingon naman ako at para lang mamangha ulit sa mga mata nito. She had a green colored eyes that reminds me of an emerald gem. Marami na rin naman akong nakikita na mga babae na may mga mata na berde rin ang kulay, pati kasi mga foreigners ay pinapatos ko. But it is the first time that I find it amazing and beautiful. Kahit nakita ko na ito kanina sa simbahan ay hindi ko parin mapigilang mamangha. Hindi ko matandaan kung bakit hindi ko ito napansin noong una kami magkita.
"Tangna pare, mas maganda pala sa malapitan."
"Hey, Therese right?" agad na salubong ni Cloud na ikinagulat nito.
Tumango ito bilang sagot. "I'm Cloud, bestfriend ni Xander. Pasensya na at ngayon lang ako nagpakilala, medyo busy pa kasi kayo kanina," sabay lahad ng kamay nito.
Iniabot naman nito ang kamay ni Cloud. "Ah, o-ok lang."
"Nasa langit na ba ako?" tanong bigla ni Cloud habang hawak parin ang mga kamay ni Therese. Napakunot naman ang noo ko sa tanong nito.
"H-ha?" tanong rin ni Therese na kagaya ko ay nagtataka rin.
"May anghel kasi sa harapan ko." Tumahimik bigla at walang nagsasalita.
Shit Cloud! Your ridiculous pick-up lines.
"Hahahaha!" malakas na tawa ni Therese na napatulala sa aming dalawa. Mas lalo kasi itong gumanda. Damn! I never thought that a laugh could this be sexier. Para yatang may nabubuhay sa katawan ko. How she can affect me like that? Walang pang babae ang nagpapaepekto sa akin ng ganito katindi.
"Sandali yata ako nagloading ha," saad nito habang natatawa parin.
Pagbaling ko kay Cloud ay nakatulala parin kaya siniko ko ito. "Cloud, kanina mo pa yata hawak ang kamay niya."
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa panghahawak at pagkatulala nito kay Therese.
"Oh, sorry," sabay bitiw.
"It's okay. Napatawa mo naman ako," magiliw na saad nito kay Cloud. Bumaling ito sa akin na may pag-alinlangan. Nawala na rin ang pagkagiliw sa mga mata nito, "p-pinapatawag ka pala ng papa mo."
Nag-igting ang mga panga ko sa ibang pakikitungo nito sa akin. She seem comfortable in speaking with Cloud but to me, she seem nervous. At sa pagka-alala ko hindi naman ganito si Therese ng huli kaming magkita. Palagi nga itong nakatitig sa akin with that flirty smile. Pero ngayon, ewan ba, hindi nga halos makatingin sa akin ng diretso.
Isang tango lang ang isinagot ko.
"S-sige. Maiwan ko muna kayo," paalam nito.
"Langya pre, sandali yata ako nahypnotize ha. Sayang, ako sana ang naunang makakita sa kanya. Damn, those sexy laugh."
Isang masamang tingin ang ibinigay ko rito. "Joke lang pre!" tatawa-tawa nitong sabi.
Yelena's POV
Katatapos lang ng wedding reception at ang mga bisita ay unti-unti ng umuuwi. Ako naman ay para ng mabibinat ang aking mga labi sa kakangiti at para na ring matatanggal ang aking kamay sa kakashake hands sa mga bisita. Parang artista lang ang peg. "Hija, magpahinga ka na at ako na ang bahala sa mga bisita. Baka hindi masimulan mamaya yung pag-gawa sa apo ko kung mapapagod ka ng husto."
Lumaki yata mga mata ko run ha. Ang advance naman kasi mag-isip nitong mama ni Xander, apo agad. May mas malaki pa pala akong problema, ang gagawin daw mamaya. Ah basta, hinding-hindi ko isusuko itong bataan ko sa hindi ko naman asawa noh. Nakuha na nga nito first kiss ko. Magkamatayan muna kami kung ipipilit ng lalaking yun ang sarili niya sa akin.
"Oh, andiyan na pala si Xander. Saan kaba galing anak at hinahayaan mo lang ang asawa mo rito."
"Kinausap pa ako ni papa, ma," sagot nito.
"Hala umuwi na kayo at para mataas-taas pa ang oras sa pag-gawa niyo." Parang mahihimatay ako sa hiya nitong pinagsasabi ng mama ni Xander. Lakasan pa naman ang boses, ayan tuloy pinagtutukso na kami. "Sabik pa naman itong anak ko sayo Therese. Aba't akala mo parang walang tao kung halikan ka niya kanina."
"Mama! Stop that!" saway ni Xander sa kanyang mama.
"Nahiya pa tong anak ko. Sige na alis na kayo at kami na ang bahala sa mga bisita. Ipagpapaalam na lang kita sa papa mo Therese," at bago ito tumalikod ay niyakap pa siya nito ng sobrang higpit. "I'm happy at ikaw ang napangasawa ng anak ko Therese. Make my son happy, okay?" bulong nito sa akin at tuluyan nang tumalikod papunta sa mga natirang bisita.
"So, shall we?" tanong ni Xander sa akin.
"Y-yeah, of course," kinakabahan kong sagot.
Lord, tulungan mo po akong labanan ang temptasyon na hatid ng lalaking ito. Haist, bahala na. Matutulog na lang ako ng maaga, siguro maiintindihan rin naman niya iyon na napagod ako noh.
Sumakay na kami ng sasakyan nito at pinagbuksan rin niya ako ng pintuan.
Infairness, gentleman ha.
Nagtaka ako nang hindi pa niya ito pinapaandar kaya nilingon ko siya. Nagulat naman ako dahil sa akin siya nakatingin. Hinawakan ko ang aking mukha baka kasi may dumi, ang lalim naman kasi kung makatitig.
"M-may problema ba?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang ito nang patagilid.
Walang hiya, ang gwapo talaga ng kumag. Sarap... Gosh, Yelena tumigil ka sa kalandian mo. Akala ko ba hindi mo isusuko. Iresist mo! Iresist mo!
Bigla itong tumingkayad papunta sa akin kaya napaatras ako sa pintuan ng kotse. Titig na titig pa rin ito sa akin na ikinakaba ko.
Mas lalong lumapit pa ang pagmumukha nito sa akin kaya napapapikit ako nang mariin sa pag-aakalang hahalikan niya ako.
Pero ilang sandali pa nang hindi ko naramdaman ang paglapat ng mga labi nito sa akin. Nagulat pa ako sa pag-click ng kung anong bagay. Pagbukas ko ng mga mata ay nakaupo na ito nang maayos sa driver seat habang may itinatagong mapang-asar na ngiti sa mga labi nito.
"Ikinabit ko lang yung seatbelt mo," sabi nito habang pinapaandar na ang sasakyan. Literal na nalaglag ang aking panga at namula ang aking mukha sa pagkapahiya.
Anak ng kuto! Ang landi mo talaga Yelena, umasa ka naman na hahalikan ka. Kakahiya! Iresist nga diba! Lord, pwede bang irapture niyo na ako.
Natampal ko ang aking ulo dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano.
"Okey ka lang ba?" kunot noong tanong nito sa akin. Nakita siguro nito ang pagtampal ko sa ulo ko. Kaya mabilis kong hinilot-hilot ang aking ulo na kunwari ay sumasakit ito.
"Ah, oo. Masakit lang ng konti yung ulo ko, siguro sa pagod. Iidlip muna ako ha, gisingin mo na lang ako pagkarating natin," at mabilis kong isinandig ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at kunwa-kunwariang natutulog. Nahihiya pa rin kasi ako doon sa maling akala ko kaya para maiwasan ko siyang makausap o matingnan ay magkunwakunwarian na lang ako na matutulog.
Talino mo talaga Yelena. Hehehe...
Siguro dahil na rin sa pagod ay tuluyan na akong nakaidlip.