Kabanata 7

2495 Words
Pearl Angeline Naalimpungatan akong nagising. Tiningnan ko ang oras at nakitang alas syete na ng umaga. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago tumayo sa kama. It was a Saturday afternoon. Araw-araw pa ring umuuwi si Range tuwing gabi, pero hindi ko na siya naaabutan pagdating ng umaga. Simula nang sinimulan kong i-lock ang pintuan ng kwarto ko, sa guest room na siya natutulog. Mahirap na... kailangan kong maging mas maingat. Nagpasya akong dumaan sa simbahan. Tahimik ang loob, halos walang tao kundi ang ilang matatandang nagrorosaryo sa gilid at dalawang babae at lalaki nakaluhod sa harap ng altar. The faint smell of melted candles lingered in the air, Naupo ako sa isa sa mga likurang pews at tumungo. Tahimik akong nanalangin. Pagkatapos mag-dasal, dumaan ako sa isang fast food chain kung saan makikipagkita sa buyer ng condo unit ko. We'll discussed some details about the unit. Hindi rin masyadong matao at walang pila, kaya ayos lang na doon. Siya mismo ang nag-request na dito ko na lang siya i-meet. Pumwesto ako sa sulok, malapit sa bintana kung saan may tumatamang liwanag ng araw na unti-unti nang kumukupas. Binuksan ko ang cellphone ko at chineck ang orasan, mag-aalas singko na pala. Habang hinihintay ko ang buyer ng condo unit, umorder muna ako para saaming dalawa. Maya-maya pa, may pumasok na lalaki. The guard greeted him when he entered, at agad kong napansin ang ayos niya. Nakabihis siya ng blue polo na nakatupi ang manggas, dark jeans, at may bitbit na laptop bag. Tiningnan niya ang paligid at nang magtagpo ang mga mata namin, bahagyang ngumiti ito. Kumaway siya nang magaan bago lumapit. "Pearl?" tanong niya, mahinahon ang boses. Tumango ako at tumayo. "Hi. Yes. Good Afternoon! You must be Mr. Santiago?" He chuckled softly, parang natatawa sa formality ko. "Yes, I'm Joseph Aldrin Santiago. Pero kahit Aldrin lang, okay na." "Oh, by the way! Thanks for meeting me here," aniya, sabay ayos ng upo. Tumango-tango ako. "Walang anuman, Sir. Kung saan po kayo mas komportable." Marahan akong ngumiti, He stopped for a while, parang pinagmasdan muna ako bago muling nagsalita. "Pasensya na at natagalan. May dinaluhan rin kasi akong kasal dito sa Batangas." Ngumiti ako. "No problem po, Sir Aldrin." "By the way, you look so great, Pearl. You look so beautiful and... divine." I awkwardly smile, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang ganoong papuri mula sa isang halos estranghero. "I guess... hindi mo na ako natatandaan," wika niya, may bahagyang ngiti sa labi. Napakunot ang noo ko bahagyang nagtataka sa kaniyang turan. "We're classmate in high school, remember? We had one elective class together." Nag-isip ako sandali, pinilit balikan ang mga panahong halos hindi ko na maalala. "I remembered you vividly," tuloy niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti. "Though, you really had a very bad temper. But you were also so intelligent lalo na kapag tinatawag ka ng professor." Napalunok ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang sa bigla niyang memorya ng nakaraan ko. Napayuko ako, nahihiyang napangiti. "Ah, Pasensya na, hindi ko na kasi masyadong matandaan... I was too young back then." Saglit siyang natahimik, saka bahagyang tumango. "Well, you're right. That was years ago." Nag-lean siya nang bahagya pasulong, elbows resting on the table. "About the condo unit... Actually, I've been looking for one for months. Pero nang makita ko 'yung listing at pangalan ng agent mo, I asked kung puwedeng makipag-meet directly with the seller. And when she said your name, I didn't hesitate." Tumikhim siya. "I'm a freelancer. Digital strategist, mostly remote projects. Kaya gusto ko rin ng space na tahimik pero malapit pa rin sa city. This area it's ideal." Ngumiti ako. "Kung gusto mo, pwede kang mag-schedule ng bisita kahit kailan sa linggong ito. I'll be around, so I can meet you there and show you the place." "Really? Is that fine with you?" tanong niya. Tumango ako. "Oo naman. That's your right as a buyer." Napahinga ako ng malalim. "Okay. That would be nice." Biglang tumunog ang phone ko. Kumalabog ang puso ko nang makatanggap ng text notification kay Range. Napatingin ako agad sa screen ng phone ko. Range: Where are you? Napalunok ako, mabilis na pinatay ang screen at inilapag ko ang cellphone nang dahan-dahan at pinilit na huwag ipahalata sa kasama ang kalabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung magsisinungaling ako o sasabihin ko ang totoo. Ngunit pakiramdam ko nariyan lang siya sa tabi-tabi. "Are you okay?" tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo. "Ah, oo..." mabilis kong tugon, pilit na ngiti. Tumango siya at hindi na nag-usisa. "Are you free on tuesday?" muling sambit ni Aldrin, marahang itinukod ang siko sa mesa. "If it's okay, I'd like to see the place by morning. Mga nine? Then coffee after, my treat." I hesitated. "Sige," sagot ko, medyo mahina at kinuha ko ulit ang cellphone nang tumunog ito. "Pwede kong gawin iyan." Ngumiti siya, halatang natuwa sa sagot ko. "Great. I'll text you for confirmation." Range: Nasan ka? Range: Sabi ni Aling Nida umalis ka raw at di ka pa nakakauwi hanggang ngayon. Where exactly are you, Pearl? Range: Answer my damn call. Where are you? Range: Pearl Napakagat ako sa labi, ramdam ko ang mabilis na t***k ng dibdib ko. Nasa Jollibee lang naman ako. Bakit ganoon siya magreact? Tumipa ako ng sagot. Binura. Tinipa ulit. Tapos pinindot ang backspace. Bakit ba ako magpapaalam sa isang 'to. Besides, personal na buhay ko naman ito. At kung saang lungga man ako naroon wala siyang pakealam roon dahil ganoon rin naman ako sa kaniya. At saka, wala sa kontratang pwede naming pakealaman ang buhay ng isa't isa. "Pearl?" tawag ni Sir Aldrin, may bahagyang pag-alala sa mata habang sinusulyapan ako. "Is everything okay?" Napangiti ako, pilit na binabalik ang focus. "Ah, yes, sorry. May importanteng mensahe lang." Tumango siya, mabait ang tono. "It's alright. So, on tuesday then? Around 9 a.m.?" "Sure," mabilis kong sagot, bago ko pa muling tiningnan ang cellphone ko. I bit my lip. Kumuha ako ng litratro ng pagkain ko bago ko isinend iyon sa kaniya. Nagawa ko pang kumain ng sundae habang tinitipa ko iyon. Ano bang tingin niya sa'kin, teenager? Pero sige na, pagbibigyan ko siya. Ako: Kumakain ako sa Jollibee. May gusto ka ba kainin? Si Aling Nida? Napakunot ang noo ko. Tiningnan ko ulit yong litratong kinuha ko, gayon ko lang napansin ang pagkakamali. Nakalimutan ko palang icrop ang picture kaya naman nakita ang relo ni Sir Aldrin. Halos mapahawak ako sa noo dahil sa inis. Tumunog uli ang cellphone ko. Hindi na text messages kundi paparating na tawag galing sa kaniya. "Excuse me, mag-c-cr lang." Hindi ko na tiningnan si Sir Aldrin. Mabilis akong nagtungo sa gilid, malapit sa banyo, kung saan may kaunting katahimikan at aninong dumadampi mula sa fluorescent light sa kisame. Sinagot ko ang tawag. I was biting my lip out of nervousness. "Damn, Pearl," bulong ni Range, mababa ang boses. Hindi galit. Hindi rin kalmado. "You're actually taking me in the damn restroom now?" "Ha?" iyon lang ang nasabi ko. Napakurap ako. Saglit na katahimikan. Pinagmasdan ko ang sarili sa repleksyon. Namumuo na ang kaba sa dibdib ko. Paano niya nalaman iyon? "Sinong kasama mo?" tanong niya, mababa ang tono. Napalunok ako. "Kliyente." "Anong oras ka uuwi?" Tiningnan ko ang relo ko. Mag-aalas-siyete na. Baka matatapos na rin kami ni Sir Aldrin. Kung hindi kami magtatagal, siguro mga alas-siyete, nakauwi na ako. "Seven p.m.," mahina kong tugon. Narinig ko siyang muling huminga nang malalim sa kabilang linya. "Alright." "Bakit? Nasaan ka ba?" "I'm outside. Jollibee." Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?" Napatigil ako. Parang may malamig na tubig na bumuhos mula sa batok ko. Kung narito siya... ibig sabihin, hindi ako ligtas kahit pa nagtatago ako sa loob ng fast food na ito. So he's been watching me all along... Binasa ko ang labi ko sa kaba. "Uuwi na din ako. Hintayin mo na lang ako sa bahay." Hindi siya nagsalita. "Hintayin mo na lang ako sa bahay, Range." Ulit ko. "I'll wait for you outside." Napapikit ako. He sounds cold... and mad. Ramdam ko agad ang bigat ng boses niya. Para bang kahit wala siyang sinasabi nang diretso, alam kong hindi siya natutuwa. "Range..." mahina kong tawag, halos pakiusap. "G-galit ka ba?" He exhaled, a long, heavy sigh that seemed to fill the silence between us. "Can we go home now, baby?" His voice was low, rough around the edges, may halong pagod sa boses niya. I bit my lip. Sumilip ako kaunti sa labas ng glass door. Nakita ko agad ang nakaparking at umiilaw pang headlight ng itim na fortuner. Napaiwas ako nang tingin. Naabutan kong nakatingin sa akin nang deretso si Aldrin. Nginitian ko siyang kaunti. Medyo nahihiya kasi ako at naaabala ko ito. Nasa tainga ko pa ang cellphone ko. "T-teka lang, Range. Magpapaalam lang ako saglit." "Pearl." Mabilis bumaling ang atensyon ko sa kaniya. "Hm?" "I miss you so bad..." At sa dami ng puwedeng isagot, napili kong manahimik at patayin ang tawag niya. I don't know what to say. Namamula rin ang mukha ko sa hiya. Halos mapilipit ang dila ko habang nagsasalita sa harap ni Sir Aldrin. I don't think this is good. Ramdam ko ang puso ko ay parang gustong sumabog sa kaba. "Okay ka lang ba, Grace?" Nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko. Mabilis kong hinawi iyon. "Ah, pasensiya na, namumula ka kasi..." "Ah sorry, medyo mainit kasi sa restroom." "Ah ganon ba? Sorry, sa Jollibee pa kita pinunta, medyo maselan ka pala. Ang cute namulala ka pa kapag naiinitan." "Naku, hindi, ngayon lang 'yan. Ah, sige. Mauuna na ako." Pero bago pa man ako makalabas ay nasa tabi ko na si Range. Halos tumambol ang puso ko, ramdam ko ang pagbilis ng pintig sa puso ko. "R-Range!" halos mapasigaw ako sa gulat. Nakalapit siya nang sobra, hanggang sa maramdaman ko ang init ng hininga niya sa gilid ng pisngi ko. "Hindi mo ba ako pwedeng... hintayin nalang sa labas? Bakit pumunta ka pa rito?" mahina kong pangaral dito. "Ang tagal mo. Naiinip na ako." "Good evening, Mr. Rockwell!" Medyo gulat rin bati ni Aldrin. Range turned to Aldrin, his gaze sharpened as he looked at him. "We've met again, Mr. Santiago." "Ah, yes, Sir!" Then, without hesitation, he looked at him straight in the eye and said, clearly enough for him to hear, "By the way, this is my wife." Nanlaki ang mata ko, bahagyang napatigil sa paghinga. I turned my head slowly toward him, but he didn't look my way. Nakatingin lang ito sa kausap, wala man lang kahit anong pag-aalinlangan. Hindi man lang ako nito binigyan ng pansin. Aldrin blinked once. "Pasensya na, hindi ko po alam iyon..." "We've been... private about it. For many reasons. But I don't like leaving things unclear." Tumango lang si Sir Aldrin, pero nakita ko sa ekspresyon niya ang bahagyang kaba at pagkagulat. Hindi ko alam kung nabigla lang siya, pero tumingin siya sa akin at ngumiti ng kaunti. "Sorry, Ma'am, I had no idea." Then Range looked at him once more, dangerously. "My wife's a bit sleepy," sabay tingin sa akin na para bang totoo, now his eyes look a little softer. "So if you have no problem with it, we'll be going first." "Ah, of course," mabilis na sagot ni Aldrin. "I-I completely understand, Sir." "G-good night po, Ma'am Pearl!" paalam ni Sir Aldrin. I heard Range tsked. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa gulat. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagpatianod ako. Wala akong nasabi kahit ano. Binuksan niya ang pinto ng Fortuner sa harap. Tahimik akong sumakay doon. Madilim na sa labas. Bukod sa mga puno na bahagya ko lang nasisilayan ay wala na akong iba pang nakikita. Thick brows formed in a frown, red and curvy lips set into a grim line, a slightly upturned eyes staring coldly at the road ahead of us, ang mga daliri niya mahigpit na nakakapit sa manibela. His features are strikingly masculine. I can clearly see the sharp line and the firm set of his jaw.. Those hard features make his face more forceful. I've seen plenty of good-looking men before, but this one has a presence that could draw any woman's attention without him even trying. I catch myself staring longer than I should, tracing the contrast between the curve of his mouth and the harshness of his features. There's something disarming about it. I chewed my bottom lips from the inside. Loosening my gaze at him, I dropped it down and stared at my trembling hands instead. Napahinga ako nang malalim. "Range," basag ko sa katahimikan. "Bakit mo sinabi kay Aldrin na asawa mo ako?" Napahigpit ang panga niya, hindi sumagot agad. "Hindi ba't malinaw ang usapan natin?" dugtong ko, medyo nanginginig ang boses. "It's my personal life. Wala kang karapatan—" "Pearl, nakikita mo ba kung paano ka pagnasaan ng lalaking 'yon kanina? Damn it, that i***t has been wanting you for God knows how long!" Nabigla ako, pero pinilit kong hindi matinag. "He's my client! At hindi pagnanasa ang tawag 'ron!" "Then what?!" singhal ni Range, ang boses niya mababa pero may hint na galit. "Paglalandi?" Napakagat ako ng labi, kumuyom ang mga kamao ko sa hita. "You're being ridiculous." Napalingon siya sandali, nanunuot ang tingin niya sa akin. "Enlighten me then, Pearl. Because I know exactly how a man looks at a woman he badly wants. Or maybe... you just like the attention, huh? Do you enjoyed that, Pearl?" Parang may sumabog na init sa pisngi ko, hindi ko alam kung galit ba o inis ang nararamdaman ko. Tumaas ang kilay ko, pilit pinipigilan ang sarili ko na hindi basta sumabog. If he thinks so badly of me, then fine, I'll let him. I met his eyes, steady and sharp, kahit nanginginig ang dibdib ko sa galit. "Ano naman ngayon kung nagustuhan ko iyon?" mariin kong sagot, bahagyang umangat ang baba ko na para bang nanghahamon. "Hindi mo ako pag-aari." Mas lalong naging delubyo ang mga mata niya. Madilim niya akong tinapunan ng tingin, parang pinutol ko ang natitirang pasensya niya. At para bang sinabuyan ko ng gasolina ang apoy na kanina pa kumukulo sa loob nito. Nag-init ang mga mata ko. Mabilis niyang sinakop ang labi ko. Malakas akong suminghap. Namilog ang mga mata ko. My words muffled. Hindi iyon halik na banayad o maingat, ito'y mabangis, gutom, parang matagal na siyang nagpipigil at ngayon lang nakawala. He is kissing me with so much force. I can almost feel his teeth. He pulled the car over in a dark, quiet spot, headlights off, engine humming low. Mabigat ang hininga niya habang nakatitig sa akin, parang isang predator na matagal nang nagpipigil ng sarili. Namula ang pisngi ko, halos mawalan ng lakas ang tuhod ko kahit nakaupo. "Range..." Tiningnan niya ako ng mariin. "Akin ka lang, Pearl. Sa akin lang." mabagal niyang bulong sa pagitan ng mga halik, habol ang hininga namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD