Kabanata 6

2271 Words
Pearl Angeline Mula sa bintana ng kwarto ko, nakita ko siya papasok ng gate. Kakarating lang. Napakurap-kurap ako. Totoo nga, umuuwi siya ng gabi at umaalis ng madaling araw. Agad kong sinabi kay Aling Nida na huwag na niya akong tawagin. Masakit ang ulo ko, at wala akong ganang makipag-usap. Hindi naman talaga totoo 'yon. Ang totoo, gusto ko lang muna itong iwasan. He is a dangerous man. At hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang nagsindi ng apoy. Ako ba, o siya? But I'm particularly sure that he's after the fire. Naririnig ko ang unti-unting pagtulo ng ulan. Isa-isa iyong bumagsak sa bubong, sa bintana, at sa katahimikan ng buong kwarto. Sinara ko ang bintana ng maramdaman ko ang tagaktak nito. Sumayaw ang manipis at puting kurtina sa kwarto ko. Patay ang ilaw. Pati ang lampara. The room dimmed even more, as if the rain had pulled the light away from the stars. Lalong naging malungkot ang paligid, parang sinadyang sabayan ng panahon ang bigat sa loob ko. Humiga akong patagilid, at tinabunan ng kumot ang sarili. Maya-maya lang, narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ako gumalaw. Pinigilan ko ang paghinga ko. Sinarado ko ang mga mata. Siguro kung talagang tulog ako, mas madali sanang magkunwaring wala akong naririnig. "Open the door." Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakapikit. I cannot let myself be swayed by his sweet words. Hindi maaari. Pero huli na, narinig ko ang pihit ng doorknob. Shit. Hindi ko pala nai-lock ang pinto. Naaninag ko ang liwanag galing sa labas, mariin akong napapikit. The door closes almost silently. Nagpanggap akong mahimbing na natutulog. Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko kailangang lumingon para makumpirma kung sino ang pumasok. Kilala ko ang amoy. Si Range. Hindi siya nagsindi ng ilaw. Hindi rin binuksan ang lampshade. Umupo siya sa gilid ng kama, sa may paanan ko. Lumubog iyon at naramdaman ko ang kamay niyang dahan-dahang humaplos sa comforter na nakatabing sa mga paa ko. Hinanap niya ito at marahang minasahe, para bang sinusubukan akong gisingin sa paraan at hindi salita ang gamit. Inalis niya ang kamay doon. Noong akala ko'y aalis na siya nang makita akong tulog na, bigla siya tumahimik at narinig ko ang tunog ng sinturong tinanggal, o relo, o kung anuman kinalas nito. Kinakabahan ako. Lalo pang lumubog ang kama nang gumalaw siya. Then, he snaked his arm around me. Nakaramdam ako ng init sa likuran ko. Pumaloob siya sa comforter. He spooned me slowly, and rested his head near my neck. "I know you're not asleep, yet." Nanigas ang buong katawan ko. Pero hindi pa rin ako gumalaw. Hindi ako nagsalita. My heart was literally racing on my chest. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa batok ko, at kung paanong mas lalo pa niyang idinikit ang katawan niya sa akin na parang hindi sapat ang lapit, parang gusto niyang tunawin ang bawat piraso ng espasyo sa pagitan naming dalawa. "I heard you don't want to eat, hmm?" Pabulong niyang sambit habang nananatiling nakasiksik sa likod ko. Malambot ang tono, may halong pag-aalala. Hinaplos niya ang braso ko sa ibabaw ng kumot. Ramdam ko ang init ng palad niyang unti-unting gumapang pababa at hanggang sa maramdaman ko itong huminto sa ilalim ng kaliwa kong dibdib. He's kneading my right boob. My eyes flew open. I almost curse. I sucked in a sharp breath, startled. My body stiffened before I could stop myself. A small, involuntary gasp escaped my lips. Panic surged through me, afraid he might turn the light on and see the look on my face. I swallowed hard, heart racing in my throat. My breath hitched. My thighs instinctively pressed together. "You missed your dinner..." Niyakap niya ako nang mahigpit, at mabining hinalikan ang leeg ko. I could feel the slight graze of his stubble, the contrast of warmth and roughness enough to send a shiver down my spine. "Range... No..." I whispered, barely audible, barely even a protest. But it came out shaky. Weak. Like I was trying to convince myself more than him. He didn't pull away. Instead, he hummed low, almost like a growl in the back of his throat, his breath hot against my neck as he placed another kiss, slower this time, lips parting just enough for me to feel the heat of his mouth against my skin. My skin tingled at every wet trail he left, every soft press of tongue and lips, every scrape of stubble that made my body react before my mind could even catch up. "Pearl, nagugutom na ako..." Humarap ako sa kanya, at agad kong tinakpan ang mga labi niya gamit ang kamay ko. I felt the way his breath caught, how his body reacted to mine instantly, how much he had been holding back. He let out a low, throaty groan, one that vibrated against my palm, sending a rush of heat straight to my chest. And instead of saying anything, he started licking the center of my palm. As if he was worshipping something fragile. Sacred. I met his eyes, dark, intense, and beautiful. His gaze terrified me, I feel like I was being hypnotized by his dark gloomy eyes. I couldn't fathom how the creator has favored him too much. I hate how he looks excessively handsome. At sa pagitan ng katahimikan, ulan, at init ng katawan naming magkadikit, hindi ko na alam kung alin sa amin ang talagang delikado. Siya ba... o ako? Pilit kong pinanatag ang sarili, kahit ang katawan ko'y para nang kinukuryente sa lapit niya. Napansin ko ang init ng balat niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mamalayan kong wala siyang suot na kahit ano. Agad akong umatras at binuksan ang ilaw ng lampshade. "Range! Wala kang suot na damit!" halos pasigaw kong bulalas. "What?" he snapped. "Wala kang damit!" Napanguso siya. "I sleep naked." "Nasa ibang kwarto ka! Mahiya ka naman!" I said in all sincerity, trying to keep my voice down kahit gusto ko na siyang tadyakan palabas. Bahagya siyang tumagilid, ngumisi pa. "It's not my fault that I'm comfortable sleeping this way." Napaatras ako, kumunot ang noo. "Hindi ka pwedeng basta manghimasok sa personal na space ng iba. Hindi ito resort o silid na pag-aari mo." Tumayo ako, lumapit sa gilid ng kama, hinanap 'yung shirt at pantalon niyang basta tinapon sa sahig, at buong inis ko iyong hinagis sa kanya. Napalunok ako. He was almost naked in front of me. His V-line cut sharply down his torso like it had been carved to perfection, He looked like he came from a lineage of gods, chiseled, brazen and unashamed, like desire itself had sculpted him in a fevered dream. Nahuli ko pa siyang ginulo ang buhok niya paatras habang tinatanggap ang shirt. Tumingin siya sa akin, nanunukso. "Relax, Pearl. Not like you haven't seen me like this before. But sure, for your peace of mind... I'll behave." Sabay ngumuso para pigilan ang lumalabas na ngiti. Sinimulan niyang isuot ang shirt, pero bago pa niya maisuot nang buo, tumigil siya at sinadyang hindi agad isuot ang kalahati, exposing half of his toned chest. "But next time..." he said low, his eyes locked on mine, "I won't let you cover my mouth again. I'll taste every inch of you, Pearl." "Doon ka sa baba. Ngayon na." Parang may kung anong sumiklab sa dibdib ko. Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makagalaw. Uminit ang aking pisngi sa kaba at sa pintig ng puso ko. Bumangon siya sa pagkakahiga at nagmartsa patungo ng pinto. Humugot ako ng malalim na hininga. Mabuti naman at sumunod siya sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama. "Pearl..." Nabigla ako. Nandoon pa pala ito nakatayo sa hamba ng pintuan. Buong akala ko ay nakababa na ito. "I'm hungry," ulit niya, paos ang boses. Akala ko ba ay galing itong date kasama ang girlfriend niya? Hindi ba ito kumain man lang o baka ibang pagkain ang tinikman? Kaya kahit pilit, bumaba ako ng hagdan. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa sala, sapat na ang liwanag mula sa kusina. Tahimik ang buong bahay maliban sa lagaslas ng ulan at mahinang ugong ng refrigerator. Maya-maya, naramdaman ko ang lamig ng sahig sa ilalim ng paa ko habang papalapit sa kusina kahit na nakatsinelas na pambahay naman ako. Kahit tahimik, ramdam ko pa rin ang bigat ng presensya niya sa likuran ko, parang anino na sumusunod sa bawat hakbang. "Maupo ka muna, iinitin ko lang." Tumalikod na ako sa kaniya. Napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko na tahimik itong nakatingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng mga mata niya sa bawat galaw ko. Ilang segundo akong nagulat nang maramdaman ko ang init ng kanyang kamay sa braso ko habang nakatayo ako sa may lababo. Halos tumalon ang puso ko. Hindi ko inaasahan na lalapit siya, at lalapit siya nang ganito kalapit. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likuran ko bago pa man niya ako hinawakan. "Ang tagal naman," bulong niya sa tenga ko, malapit, mababa ang boses na parang hangin na dumampi sa batok ko. Napaawang ang labi ko. Bumilis ang pintig ng puso ko, at nakaramdam ako ng kakaibang kilabot sa buong katawan. "Madali na'to, Range! Maupo ka lang roon! Ano ka ba?" Halos nanginginig ang boses ko, hindi lang sa takot, kundi sa hindi maipaliwanag na tensyon sa pagitan namin. "Why is it taking forever? Damn that microwave." He chuckled impatiently. "Kung gusto mong kumain maging mahinahon ka. Isasalin ko na lang pagkain mo. Maupo ka na roon." sabi ko, sa mas malumanay na boses. Huminga siya ng malalim. Mukhang nakainom yata ang isang ito. He's acting very strange and I can smell him when he kissed my nape. Namula agad ang mukha ko nang maalala iyon. Dahan-dahan kong sinimulan isalin ang pagkain sa isang bowl. At kumuha ako ng prutas sa ref. Nakahiwa na ang watermelon kaya iyon na lang ang kinuha kong panghimagas. Napapansin ko kung paano siya tumitig sa akin. Sinusubukan kong huwag pansinin ang bahagyang pagtaas ng t***k ng puso ko. "Kumain na tayo." We eat in silence. Sinabayan ko na siya. I can feel his heavy gaze piercing right through me. He's watching my moves. As much as I want to look at him, it honestly feels awkward to stare back. Naiilang ako. "I'll sleep downstairs," mahina niyang bulong. Mabuti naman at hindi niya na pinipilit ang kagustuhan niya. "Sige. Matutulog na ako." Tumalikod na ako sa kaniya, bindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay mayroon pa siyang sasabihin, pero hindi na siya nagsalita. Tahimik lang siyang tumayo at sumunod sa akin patungo sa hagdan. Nang bumaba ako ng mga bandang alas sais ng umaga, tahimik na ang bahay. He was no longer in the house, and the guest room was empty. Sinimulan ko nang magpapasok ng mga trabahador sa likod ng bahay. Balak kong ipaayos ang lumang bodega, yung lumang espasyo sa likod na halos nabubulok na ang kahoy, inaagiw na ang mga dingding, at may mga sulok na puro sapot na lang ang makikita. Pero kahit gano'n, hindi ko siya kayang pabayaan. There's something about that space that still felt alive. Gusto ko itong ayusin at linisan dahil nasasayangan ako. I wanted to preserve all the memories this place held. Naririnig ko ang lagapak ng martilyo sa labas. Malalakas ang bawat bagsak, parang tinutuldok ang katahimikan ng buong bahay, at sunod ang tunog ng drill na kumakagat sa kahoy at bakal. "Ma'am Pearl, pinalitan na po namin 'yung mga bulok na tabla sa likod. Lilinisin din namin 'yung mga sira sa bubong mamaya, bago pa umulan ulit." Tumango lang ako. "Sige po, salamat." Bumalik ako sa loob ng kusina. Ilang segundo akong nakapuwesto sa may lababo nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Aling Nida. "Pearl? Nakapagpahinga ka na ba?" tawag ni Aling Nida habang papasok mula sa bakuran. "Ah, hindi pa po, gagawa po sana ako ng meryenda para sa mga trabahador." sagot ko. "Tutulungan kita!" Lumapit siya at agad naglabas ng asukal at ilang pirasong saging na nakahanda na. Habang hinihiwa niya ang mga saging nang pahaba, inihanda ko naman ang lumpia wrapper. Maingat kong isinawsaw ang bawat piraso sa asukal bago ko binalot nang mahigpit. Napuno agad ang mesa ng hilera ng mga nakabalot na turon, handa nang iprito. Ngumiti si Aling Nida, saka inilapit ang kawali na may mantikang mainit na. "Ako na ang magprito, Pearl, baka matalsikan ka pa." Tumango ako at nagsimula nang maghanda ng juice. "Sige po, ako na lang po ang gagawa ng maiinom." Sandaling natahimik ang kusina ngunit agad naman binasag iyon ni Aling Nida. "Bakit mo pala naisipang iparenovate ang lumang bodega?" "Plano ko po sanang gawing parang maliit na studio o workspace. Para kung kailan ko gusto ko nang may pagkakabahalan, tahimik lang doon." sagot ko. "Mas mabuti. Maganda kung may sarili kang opisina." Tumango lang ako. Ngumiti si Aling Nida. Hindi na siya nagtanong pa. Parang sapat na sa kanya ang naging sagot ko. "O, siya. Ako na ang magdadala nito sa mga trabahador. Huwag ka na roon at puro alikabok. Magpahinga ka na muna, Pearl." Tinignan ko lang siya habang bitbit niya ang bandehado ng turon at ang pitsel ng juice palabas. Gusto ko sanang tumutol, pero hindi na rin ako nagpumilit pa. Gaya ng ginawa ko kahapon, nanatili lamang ako sa bahay buong araw. Pero sa gabi, habang nakaupo ako sa kama at nagbabasa ng libro, narinig ko ang tunog ng sasakyan na huminto sa labas. Bumangon ako at sumilip sa bintana. Nang makitang si Range ang bumaba mula sa kotse, kumalaboh ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD