Kabanata 5

2679 Words
Pearl Angeline There are a lot of things more scarier than a ghosts. Tulad ng mga taong akala mo'y hindi ka pagtataksilan, o kailanman ay hindi ka iiwan. Mga taong akala mo ay totoo pero may bahid ng kasinugalingan ang bawat salita. Mas nakakagimbal ang katotohanang minsan, ang pinakamalalalim na sugat ay hindi gawa ng patay, kundi ng buhay. "Clinton is really hot, huh?" biglang sabi ni Catherine, nakatutok pa rin sa cellphone niya, may pilyong ngiti sa labi. I raised an eyebrow. "Crush mo?" biro ko, pinapahaba ang boses para mas tunog pang-aasar. "Yuck! No freaking way!" she exclaimed, sitting up straighter like I'd just accused her of a federal crime. "Remember what he did to me back in junior? He put gum on my hair! Hindi ko pa rin makakalimutan iyon!" I bit my lower lip, trying not to laugh at the memory that flashed in my mind. "Aksidente lang siguro. He did say sorry..." That was a core memory. She had to cut off a chunk of her hair. She cried in the bathroom stall. Dalawampung minuto siyang humikbi, ang tissue halos maubos habang nakatayo lang ako sa labas pinapatahan siya. "Anong aksidente? Kung ganoon aksidente niyang nadura iyon sa buhok ko? My god, for sure sinadya niya iyon dahil inis na inis siya sa akin." She had a point. But still... I tilted my head and smirked. "Alam mo ba," I continued, "Kung sino raw 'yung pinaka-ayaw mo nung high school... siya raw ang makakatuluyan mo balang araw." She stared at me, horrified. "Kadiri ka naman, Pearl! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo! Me and Clinton will not be a good match?! Duh, walang katotohanan iyang mga pamahiin mo." "Hindi naman sa akin galing iyon," sagot ko, kunwari inosente. "Nabasa ko lang." "Kahit na! Nakakadala pa rin ng negative energy!" she shot back, rolling her eyes, though her lips twitched with the effort not to laugh. "Anyway!" she said, suddenly shifting her tone. "I really missed you. I was so busy with work and photoshoots lately." "By the way," biglang singit ni Catherine, habang nag-aayos ng buhok, "kasama ko nga pala si Laura sa isang shoot recently!" I paused. "Laura?" tanong ko, kahit alam ko na ang sagot. There's only one Laura she ever talks about that much. "Sino pa bang Laura? Edi 'yong girlfriend ni Kuya! She's blooming! Alam mo ba? Ang daming photographer na nagagandahan sa kanya, pati si Clinton ayaw na yatang umuwi sa studio sa kakatingin sa kanya." Pinilit kong tumawa. "Talaga?" "Ang saya nga nung shoot. Sayang at wala si kuya, pero pinadalhan niya ng bulaklak si ate Laura!" she added, eyes sparkling with excitement. I smiled faintly, but inside, a small pang slid through my heart. "Wala akong pakealam," sagot ko, pilit na normal ang tono pero ramdam ko ang panghihigpit ng dibdib ko. Napasimangot siya. "Ang bitter mo, Pearl!" Natawa nalang kami, pero sa loob-loob ko, may kumurot na naman. Parang sugat na hindi pa naghihilom, tapos may muling kumaskas. Napatikhim ako, pilit na hinahanap ang boses ko. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang naging usapan namin ni Range. She deserves to know. Kaibigan ko siya. At higit pa sa lahat, hindi ko dapat tinatago. Pero paano ko sisimulan? "Ah, may sasabihin sana ako..." I started, hesitation clear in my voice. "Ano 'yon, Pearl?" But before I could continue, the screen flickered and the call suddenly dropped. Nangunot ang noo ko. A moment later, her face reappeared. "Oh sorry, Pearl! I have poor internet connection. Kailangan ko na talaga mag-offline. And also, I have to get going now. May mga ginagawa pa ako dito." "Sandali lang!" I said gently. "Let's catch up again soon, promise! Saka mo na iyan sabihin sa akin, okay? At dumalo ka sa birthday ko, ah? Hindi pwede hindi! Next month na 'yon." "Okay. Sige, ingat ka." I said gently. "Bye, Pearl! Take care!" She ended the call and stared at the screen for a moment before closing my laptop. The room felt a little quieter now. Hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang totoo. Tumingin ako sa malawak na kalangitan. Maaliwalas ang araw, may malumanay na hangin na dumarampi sa balat ko. Ano naman kung binigyan ng bulaklak si Laura? Kung gano'n? Ano naman iyon sa akin? Bulaklak naman iyon, hindi naman makakain. Pinikit ko ang mga mata ko sandali, nilabas ang malalim na hininga. Hindi pwede na pahinain ako ng pag-iisip sa mga ganyan bagay. Hindi naman kami, at wala akong karapatan para mag-isip ng kahit ano na hindi naman tungkol sa akin. Napahinga ako ng malalim. Wala siyang ibang naging text sa akin ngayong araw simula noong napagsabihan ko siya tungkol roon. Isang mensahe lang ang natanggap ko kaninang umaga, at pagkatapos ay wala na. Pagkatapos kong magbihis ng simpleng white blouse at high-waisted skinny jeans, isinuot ko ang flat sandals ko at lumabas. Magpapadala ako ng ilang dokumento sa opisina ng abogado na humahawak sa property na naiwan sa akin ng lola ko. Matagal nang hindi ko inaasikaso iyon, at ngayon ay hindi na puwedeng ipagpaliban pa. "Same order, Ma'am Pearl?" bati ng barista na palagi kong nakakasalamuha. Tumango ako. "Yes, salamat." I clutched my phone in one hand and the small envelope of documents in the other. I was headed to see Atty. Morales. Bumili muna ako ng kape para maibigay ko rito. Pagdating ko sa maliit na gusali kung saan naroon ang opisina ng abogado, agad akong umakyat. Pamilyar na sa akin ang lugar. Tahimik ang hallway, at may maliit na nameplate sa pinto. Pero pagkabukas ko ng pinto, agad akong nagtaka. Madilim ang loob. Wala ni isang tao sa front desk. Sarado ang blinds. Tahimik ang buong lugar, parang walang opisina. "Hello?" tawag ko, medyo mahina ang boses. "May tao po ba?" Walang sumagot. Tumapak ako papasok. May iilang files sa mesa, pero mukhang hindi pa nararating ng staff. Mali ba ang oras ko? Tiningnan ko ang cellphone ko, pero wala namang kanselasyon o bagong text mula kay Atty. Maya-maya, bumukas ang pinto sa likod ng opisina. Isang lalaking may bitbit na folders ang lumabas. Matangkad siya, moreno ang balat, may hawig kay Atty. Morales pero mas bata, siguro nasa 20s. Medyo magulo ang buhok niya, itim at bahagyang kulot na para bang mabilis lang niyang sinuklay ng kamay. Suot niya'y polo na medyo lukot at may hawak-hawak na ballpen na nakasingit sa tainga. Napatingin siya sa akin, namamangha sa nakita. "Uh. Excuse me," I said, voice soft. "Is Atty. Morales around? I have an appointment..." paliwanag ko agad. "Nakaharap yata ako sa anghel..." Napakurap-kurap ako. "Huh?" "Wala! Ang ibig kong sabihin maupo ka!" "Ah, salamat.. Nandito ba si Attorney Morales?" Ngumiti siya. "Sorry, umalis si Dad. Biglang may emergency meeting sa city hall. Hindi ba nasabi sa'yo?" Umilinh ako. "Walang naman text o tawag." He put the folders down on a side table. "Baka hindi na-forward ng secretary. Nag-leave kasi siya ngayon. He asked me to handle things while he's away. I'm his son, Edward Morales. A law student at unpaid assistant ng Dad ko." He grinned. I blinked. "Oh, good afternoon, Edward." He smiled, kindly. "Sorry to disappoint you. But maybe I can help. What's your name, by the way?" "Pearl," I replied. "Nice to meet you, Pearl." He extended a hand. I shook it. His palm was warm. "I-check ko muna 'yung documents mo. okay lang ba?" "Go ahead." Umupo kami sa maliit na table sa gilid ng opisina. Kinuha niya ang envelope ko at sinimulang buklatin ang mga papeles. Tinapos niya ang pagbasa sa mga dokumento. "Okay na 'to. Lalagay ko ng note kay Dad para ma-prioritize." Tumayo ako. "Salamat. Babalik na lang ako sa susunod. At siya nga pala," sabay abot ko ng kape. "Sa'yo na lang itong kape, ibibigay ko sana ito kay Attorney ngunit mukhang wala siya rito." Kinuha niya ang kape mula sa akin, pero hindi agad ininom. Tiningnan niya muna ito, tapos ako. "Wow! Thanks, Pearl! This is a lot." "Grabe ka naman, kape lang naman iyan." Pinigilan ko ang mapangiti, pero alam kong halata sa mukha ko. "Teka lang," sabay hawak niya sa cellphone niya. "Pwede ko bang kunin ang cellphone number mo?" Nangunot ang noo ko. "Para mabalitaan kita tungkol sa mga papeles." Nilinaw niya agad. Napatango-tango ako. "Sige." "Balik ka ah," sabi niya, sabay kindat. "Anytime welcome ka dito, Pearl.'" "Salamat, pakisabi na lang sa Dad mo." "Yes, sure!" I breathed a soft sigh. My eyes were fixed on the television but I can't find any interest towards the movie I'm watching. Tumingin ako sa orasan. It's nearly 6 pm. Narinig ko ang tunong ng aking cellphone. Binitawan ko ang remote na hawak at kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng center table. Babasahin sana ang reply ni Catherine. Pero ibang numero ang lumabas. Unknown number: Hi, Angel! Napatigil ako. Hindi ako nag-reply. Sino 'to? Hindi naman Angel palayaw ko. Siguro nagkamali lang siya ng pindot, baka ibang tao pala ang tinutukoy niya. Unknown number: Busy? ;( Napakunot ang noo ko. Bigla akong kinabahan. Hindi ko gusto ang ganitong klase ng mga text. Ayaw kong reply-an at baka kung sinong manloloko lang. 'Yon pala ay manggagancho pala ito. Pinatay ko ang TV. Tahimik ang buong bahay. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nakita ko ang mensahe galing sa unknown texter limang minuto na ang nakalipas bago ko tuluyang napansin. Unknown number: Hi, Pearl. Si Edward 'to. Sorry if I didn't introduce myself right away. But I promise, I'm not a creep. I just wanted to let you know that there's some progress with the documents you submitted. :) Oh... Si Edward pala, akala ko kung sinong scammer. Nakakahiya naman kung hindi ko siya replyan. After all, siya rin ang tumulong mag-asikaso ng mga papeles ko. Sinave ko muna ang kaniyang numero. Nagtipa ako ng reply. Ako: Hi, Edward. Thanks for an update. Pinindot ko na ang send bago pa ako magbago ng isip. Halos ilang segundo lang ang lumipas, nag-reply agad siya. Edward Morales: Ang propesiyonal mo pa rin pala kahit sa text. Pero ayos lang 'yon at least nag-reply ka, Angel. Napakagat ako ng labi, sabay napailing. Ako: It's Pearl. Not Angel. Edward Morales: Bagay kasi sa'yo para ka kasing anghel :) I just shook my head. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon, ang gagaling mambola. Binitawan ko ang cellphone na hawak sa ibabaw ng center table at tumayo upang uminom ng tubig sa kusina. Biglang sumakit ang lalamunan ko. Tiningnan ko ang oras. Halos mag-aalas otso na ng gabi at wala pa rin ang sasakyan ni Range. Hindi naman sa inaasahan ko ang pagdating niya, ngunit mahirap itanggi na umasa akong uuwi siya rito tulad ng pinangako niya. Sa tuwing may dumadaan na ilaw ng sasakyan sa labas, napapatingin ako agad sa bintana. At sa tuwing mapapatunayan kong hindi pala siya iyon, para bang may maliit na parte sa'kin ang biglang nabibigo. Humugot ako ng malalim na hininga. May biglaang ba siyang lakad? Baka busy lang, o baka... baka wala lang talaga siyang balak umuwi dito. Ano naman kung oo? Ano naman sayo, Pearl? Bakit ba ako apektado nang ganito? Wala naman akong karapatan. Hindi naman kami. At kahit na may mga salita siyang binitawan noon, hindi naman iyon nangangahulugan na totoo ang kaniyang sinabi. I bit my lip. Sinungaling siya kung ganoon... Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Mabigat pa rin ang mga mata ko, pero wala na ring saysay ang muling pagpilit na pumikit. Bumangon ako, marahang inayos ang gusot na kumot, saka tumayo at dumiretso sa banyo. Habang nakatingin sa sarili sa salamin, napansin ko ang bakas ng puyat sa mukha ko. Wala akong ganang kumilos, pero pinilit ko pa ring maligo. Baka sakaling sa pagtama ng malamig na tubig ay magising din ang diwa ko. Paglabas ko ng banyo, naamoy ko agad ang amoy ng bawang at tuyo. Ang bango, sumabay sa pagkalam ng sikmura ko. "Magandang umaga, Pearl!" tawag ni Aling Nida, nakasilip mula sa kusina habang hawak ang sandok. "Buti gising ka na. Halika na, kumain ka na muna." Medyo napangiti ako. "Opo." Umupo ako sa mesa at inilapag niya ang plato. Mainit pa ang sinangag, pritong tuyo, tapos may kamatis na hiniwa. "Nakatulog ka ba ng maayos, hija?" tanong niya niya habang nagsalin ng kape sa tasa. Napatikhim ako. "Oo naman po..." "Mukhang wala kang enerhiya ngayong araw. Ayos ka lang ba?" "Ayos lang po ako." Tahimik akong kumain. Ilang saglit pa, narinig ko ang tunog ng stove nang patayin ni Aling Nida, bago siya lumapit sa mesa. "Umuwi pala rito si Range kagabi. Range ba ang pangalan no'n, iha? Ah, basta! 'Yong gwapong lalaki. Kakaalis lang kaninang alas singko y media." Napakurap-kurap ako. Umuwi siya? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit hindi man lang siya nagtext o tumawag para sabihin? Pagkatapos, nagpaalam si Aling Nida na pupunta muna ng palengke. Naiwan akong mag-isa sa bahay. May ilang notifications na pumasok, mostly emails, pero wala pa ring mensahe mula sa kaniya. Tumayo ako at naglakad-lakad lang sa bahay. Nang mapagod ako ay naupo ako sa sofa. Kumuha ako ng libro pero hindi ko rin natapos ang unang pahina. Dumating si Aling Nida na may dala-dalang mga pinamili mula palengke. Sa huli, nakatulog ako sa kalagitnaan ng hapon. Buong araw akong nasa bahay. Hanggang sa hindi ko namalayan nagdidilim na sa labas, at unti-unting pumapasok ang malamig na hangin ng gabi sa mga siwang ng bintana. Buti na lang ngayon, nakontak ko na si Dra. Liza. Ilang ulit ko na rin siyang tinangkang tawagan kahapon pero laging out of reach. Sinapo ko ang noo ko habang nagri-ring ang linya. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong malaman pero gusto kong makurpirma mismo iyon galing kay Doktora. "Hello? Pearl?" boses ni Dra. Liza mula sa kabilang linya. "Good evening po, Dok," sagot ko agad. "May gusto lang po sana akong itanong." "Pearl?" ulit niya, parang gulat na narinig ako. "Oh, sorry! I just got back from Ukraine for an event. May nangyari ba?" "Ah, wala naman po," pilit kong pinakalma ang sarili. Tumayo ako mula sa kama at naglakad papunta sa bintana, tinatakpan ng kamay ang dibdib kong parang gusto nang kumawala. "Tungkol po sa donor..." "Yes, what about him?" Napalunok ako bago tuluyang nagsalita. "Sigurado po ba kayo na siya talaga ang pinadala ninyo?" "Why? May problema ba? Hindi mo ba siya nagustuhan?" Napapikit ako. Napapikit ako nang mariin. "Doktora... kasi po... kilala ko siya." Sandaling natahimik sa linya. "Kilala, as in?" Tahimik siya saglit bago sumagot. "Kilala? As in personally?" "Opo. Matagal na. Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya pumayag... pero gusto ko lang pong malaman kung siya talaga ang nirekomenda ninyo." "Yes, Pearl. I handled all the screening personally. I double-checked everything. The lab results, the psych eval, the background, everything's clear. Wala akong nakitang problema sa profile ni Range." Napabuntong hininga ako, mahigpit na hawak ang phone. "Doktora... kung sakali, puwede pa po ba akong umatras?" "Well, technically," bumuntong-hininga si Dra. Liza. "Pwede naman, pero kung ititigil natin ngayon, kailangan nating maghanap ng bagong donor. And Pearl, your ovulation is expected in a few days. Ayokong i-pressure ka, pero magiging alanganin kung magsisimula pa tayo ulit sa simula." Nanahimik ako. "Pearl," dagdag pa niya, "Kung personal ang dahilan mo, hindi kita pipilitin. Pero baka mas mabuting kausapin mo muna siya. Settle whatever you need to settle. Because medically, he's one of the best candidates. But if you're not comfortable, I respect that." Huminga ako nang malalim, ramdam ang pasasalamat ko na nauunawaan niya ako. "Salamat po, Doktora," mahina kong sagot. "Pag-iisipan ko po nang mabuti." I sighed deeply. Range is going to be the father of my child. Am I really ready for this? Parang tadhana mismo ang nang-iinsulto sa akin. Kung kailan gusto ko na siyang kalimutan at magsimula ng panibago, doon naman siya pilit na ibinabalik sa buhay ko. Pakiramdam ko tuloy para akong pinaglalaruan ng mundo. Is it fate... or just another cruel twist of destiny?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD