Kabanata 4

3839 Words
Pearl Angeline Iniwan ko siya sa sala. Mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko sa nightstand. Nanginginig ang mga daliri ko habang pini-pindot ang pangalan ni Doktora sa contacts. Napapasabunot ako sa buhok kapag nag-oout of reached ang kabilang linya. Hindi ko rin macontact ang kaibigan ko. Para akong sinapok sa sikmura ng kaba. Paano na 'to? Ano bang gagawin ko? Umupo ako sa gilid ng kama, pero hindi ako mapakali. Tumayo, lumakad-lakad, umupo ulit, bumuntong-hininga nang napakalakas. Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto. Sinisigurado ko kasing nakauwi na ito ng Maynila. Sa kakahintay ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod at pag-aalala. Naalimpungatan lang nong malakas ang hangin pumasok sa kwarto ko. Hindi ko pa pala nasasaraduhan ang sliding door. Sinaraduhn ko muna iyon bago umalis ng kwarto at bumaba sa sala. Kumukulo na ang sikmura ko. Nakita ko ang malaking relo sa taas ng pader at pasado alas otso na pala ng gabi. Noong bumaba ako. Nakita ko si Aling Nida, nagulat ako dahil nandito pa siya. Madalas kasi na umuwi ito ng alas singko. Humihikab na rin dahil sa katandaan, hindi niya na kaya ang pagpupuyat. "Oh, iha," ani niya. "Dito muna ako matutulog. Sabayan mo na ng hapunan ang bisita mo. Kanina pa 'yon naghihintay sa 'yo." "Po?" "'Yong gwapo at matipunong lalaki. Manliligaw mo ba iyon?" "Wala po akong manliligaw, Aling Nida." "Naku, iha, puntahan mo na iyon roon at lumalamig na ang pagkain niyo. Kanina ka pa niya hinihintay!" Napasinghap ako. Nakita ko si Range na nakaupo sa kabisera, na para bang pagmamay-ari niya ang buong hapag. Hindi ko alam kung bakit wala siyang balak umalis gayong malinaw ang sinabi ko sa kaniya. "Ano pa ang ginagawa mo dito?" tanong ko, halatang pinipigilan ang inis. "Good evening." He said in his usual baritone voice, ang kanyang mga mata ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya. Ngunit nararamdaman kong hindi iyon maganda. "Wala akong interes makipag-usap sa'yo, at wala akong pakialam sa mga pakulo mo, Range. Tigilan mo ako," sabi ko, pilit umiwas ng tingin. "Let's not argue in front of the food." wika niya. "Eat, Pearl. Let's talk again later, I'll listen." Huminahon ako kahit kanina ko pa nararamdaman ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa'kin pero kailangan kong maging mapangmatyag at maging maingat. Tahimik siya kumain, tumahimik na rin ako. Medyo lumalamig na nga ang nilagang baka. Nararamdam ko siyang sumusulyap sa akin paminsan-minsan. Hindi ako komportable. The silence between us was oppressive, it feels very suffocating and I found myself fidgeting in my seat. Range, on the other hand, seemed perfectly fine, his movements are smooth and calculated. He was a man who knew exactly what he wanted. Kanina pa siya tapos kumain, mas marami ang kinain niya pero ako pa ang nahuhuli sa aming dalawa. Napabuntong-hininga ako. He was watching me, intently. Kada tingin niya, pakiramdam ko lumiliit ako sa inuupuan ko. Nang magtagpo ang mga mata namin, para akong kinuryente, isang kilabot na mabilis gumapang sa katawan ko. Napalingon ako agad palayo, pilit pinapakalma ang sarili ko. Napalunok ako. Uminom ako ng tubig, pero pati pag-inom ko ay pinagmamasdan niya rin. The silence between us was starting to claw at my nevers. Range spoke up, his voice low. "Are you done eating?" he asked, while his eyes never leaving mine. "Doon ka muna sa sala," banayad na sabi ko. "Why?" tanong niya. "Maghuhugas ako ng pinggan!" Range raised an eyebrow, he chuckled a bit. Napairap ako ng palihim. Buti na lang tumigil din sa pang-aasar ito at hindi na nagsalita pa. Tahimik kong niligpit ang mga pinagkainan namin habang siya naman ay tumayo. Pagkapasok ko ng kusina, doon ako nakahinga ng maluwag. Naiirita ako. Nauubos ang enerhiya ko sa presensya niya. Ang totoo, hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang magiging donor ng sperm para sa bahay bata ko. Of all the people I could have imagined in this role, he was the last—absolutely the last—person I ever expected. My stomach twists at the thought of it, and a cold wave of fear runs through me. Natatakot ako. He's out for revenge, and I am not ready to face his wrath. Pagkatapos ng lahat ng ito, kapag nakuha na niya ang gusto niya, iiwan ka rin ulit niyang luhaan at papakasalan ang babaeng totoong mahal niya. "This place is nice." Halos lumundag ang puso ko palabas ng aking dibdib. He's standing beside the wall with his crossed arms on his chest. Seryusong pinagmamasdan ako. Kanina pa ba siya nariyan? Napalunok ako at sinara ko ang gripo. "Nakakagulat ka naman..." Pinunasan ko ang kamay ko, pero naramdaman kong hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. Nauna akong lumabas ng kusina. Sumunod naman siya sa likod ko. Pagdating sa sala, kinuha ko ang isang folder at binigay sa kaniya. Doon naglalaman ang mga detalye tungkol sa mga terms and conditions ko. "Basahin mo," mahinahon kong sabi. "Bago ka magdesisyon." Iniabot ko sa kanya ang folder. Tahimik niyang tinanggap ito, at mabigat pa rin ang tingin. Nang buksan niya ang unang pahina, kita kong kumunot agad ang noo niya. He shifted his weight. Una sa lahat, kailangan niya akong respetuhin. Kung papasok siya sa arrangement na 'to, dapat malinaw sa kanya na respeto ang pinakaunang hinihingi ko. Pangalawa, bawal siyang magtanong ng kung ano-ano at walang kabuluhang bagay. May hangganan ang usapan namin, at 'di siya dapat lalampas doon. Pangatlo, hindi niya pwede ipagsabi kahit kanino and tungkol sa arrangement. Pang-apat, hindi siya pwedeng makipagsiping kahit kani-kanino habang nasa proseso pa kami. At panglima, dapat niyang tanggapin na wala siyang karapatan sa bata. Wala siyang boses sa pagpapalaki, desisyon, o kahit anong aspeto ng buhay nito. Kumbaga, hindi siya ang ama sa tradisyonal na kahulugan. "What the f**k, Pearl? What is this?" Range scanned the paper, his jaw tightening, mukhang bigla itong nastress sa mga pinagsusulat ko. Namumula ang labi nito. I pursed my lips. "May problema ba?" His mouth was set in a firm line. Halos irapan niya ako. "You can sign it if you agree with my terms and conditions," medyo nauutal kong sabi. Habang nakatitig ito sa akin. "Don't worry, I'll pay you nicely," sabi ko, sinusubukang maging kalmado. "You'll get substantial amount of money for your... donation." "Hindi ko kailangan ang pera mo, Pearl Angeline." he sounds mad, offended even. Tumaas ang balahibo ko nang banggitin niya ang buo kong pangalan. Range leaned his back and I heard him sighed. Narinig ko ang mahina niyang mura. Napapikit siya ng mariin at umangat ulit ang tingin sa akin. "When can we start?" Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Hindi ko alam kung kailan pwede naming simulan ang proseso. "I-I need to check my schedule, for my ovulation period..." sabi ko, hindi pa rin ako makatingin sa kaniya. Range nodded, and this time, nakita ko ang bahagyang paglambot ng ekspresyon niya. "Okay," aniya. I hardly cleared my throat. "Uh, iy-yon lang muna siguro. Makakaaalis ka na." Bumaling ako sa orasan. It's already 9:30 PM. Kung babyahe pa ito pa Maynila ay baka dumating na ng past midnight. Hindi ko siya maaring patulugin rito, at least hindi pa sa ngayon. I couldn't afford to be that vulnerable again. Hindi ko pwedeng hayaang mahulog ang loob ko nang gano'n kabilis. I'd been hurt before, and I knew I couldn't let that happen again. I know because my heart skipped everytime I looked at him. He looked madly and terribly handsome, kunot ang noo tila ba nagagalit siya sa espasyo sa harapan namin. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya sa tabi ko. He licked his lower lip at saka mas lumapit pa siya sa akin. "May kailangan ka pa?" "Give me your contact number." "Bakit?" Nilagay niya ang kamay sa kaniyang baywang. "I need it..." He insisted. "Okay," kamuntik pa akong mapailing. Oo nga pala, kailangan namin iyon para sa kominikasyon. Dinukot niya ang kaniyang cellphone galing sa bulsa ng kaniyang pantalon. I saw he got the latest phone, black at mukhang metal ang kulay noon. Walang password iyon. Binigay niya sa akin ang phone nang naka-unlock. Wala sa sariling sinunod ko ang utos niyang iyon. Pagkatapos kong i-save gamit ang pangalan ko, inabot ko ito sa kaniya. Tiningnan niya ang ginawa ko bago binulsa ang cellphone niya. "Do you have Facebok?" Lumalim ang kunot ng noo ko. "Meron naman... kaso hindi ko masyadong ginagamit." Tumikhim siya. "Anong pangalan mo sa f*******:?" "Pear Angeline Santos." "Okay," sabi niya, matapos makumpirma ang pangalan ko. "I'll call you once I get home." Napalunok ako. Ang tono ng boses niya, may timbre ng awtoridad. "Good night, Pearl." Naglakad siya papunta sa pinto habang ako nama'y nanatili lang na nakatayo roon, pilit pinapakalma ang mabilis na t***k ng dibdib ko. The scent of him still lingered in the air, warm and maddening. I pressed a hand against my chest. Tahimik ang kwarto ko. Naririnig ko ang ugong ng bentilador. Dumidilim na at medyo lumalamig na ang hangin. Humiga ako sa kama, at pilit kong pinipikit ang mga mata ko. Halos trenta minutos na akong hindi mapakali. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa pagkakahiga. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bedside table. Maybe watching some videos will help me fall asleep, bulong ko sa sarili ko. Pero bago ko pa mabuksan ang app, biglang may sumulpot na notification sa screen. Range Douglas Viejo sent you a friend request. Napanganga ako sandali. Grabe, ang bilis ah. Saglit akong nagdalawang-isip, pero pinindot ko rin ang confirm. Wala pang ilang segundo, muling umilaw ang screen. Range Douglas Viejo: Can I call? I want to video call you. I send him Like sign. Range Douglas Viejo is calling you. Napalunok ako. "Hello?" mahina kong bati. "Pearl," his deep voice came through, paos at mukhang pagod. "You're still awake." Halos mapasinghap ako nang makita ko siya sa screen. Bahagya niyang ini-adjust ang camera, mas lumapit pa sa kanyang mukha. Agad kong nakita ang malinis na puti ng punda ng unan niya at ang hubad niyang dibdib na nakahimlay doon. His broad shoulders filled the screen. His features were striking. He was perfectly made. Tinitigan ko ang mukha niya sa screen. Malalim ang titig, malinis ang linya ng ilong, at makapal ang kilay. I bit my lip. "Ikaw rin naman." Narinig ko siyang natawa nang mahina, "Thought I'd check you first. Are you about to sleep?" "Uh, oo... sana." Sinungaling. "Nakauwi ka na ba?" Obviously, Pearl. Napanguso siya. "Yeah, got home minutes ago," sagot niya. Sandaling katahimikan ang namagitan, hanggang sa muli siyang nagsalita, mabagal. "Can you... turn on your camera?" Napadilat ako. "H-ha? Bakit pa?" "I want to see you," he said simply. "Huh? E, wala akong make up..." "You don't need any of that, Pearl." I gulped. Napakurap-kurap ako. "Nakita mo na ako kanina kahit buksan ko ang camera ngayon ganoon parin naman ang itsura ko. Kaya bakit kailangan pa..." Tahimik akong napatingin ulit sa screen, catching the way his gaze softened habang nakatingin sa akin. He chuckled softly, "I just wanted to see your face before I go to sleep." I shifted on my bed, pulling the blanket a little higher. Dahan-dahan kong sinuklay gamit ang daliri ang buhok ko, saka napabuntong-hininga. Bahala na. With trembling hands, I pressed the button. Saglit na itim lang ang nakita ko bago lumitaw ang sarili kong mukha sa maliit na kahon sa screen. Walang salitang lumabas sa bibig niya. Tanging mga mata lang niya ang nakatutok, para bang pinag-aaralan ang bawat linya ng mukha ko. I swallowed hard, shifting under his stare. Bakit parang ako ang nahuhubaran sa titig niya? Bigla akong nahiya. His jaw flexed, his voice lower now, rough and unsteady. "Your face makes me so damn... horny." Halos paos niyang sabi. Napasinghap ako, at sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko, pakiramdam ko maririnig niya kahit nasa kabilang screen siya. "Kung tumawag ka lang para bastusin ang buong pagkatao ko. Di bale na lang. M-matutulog na ako!" He growled. Humalakhak siya na parang isang hari. Kung hindi lang soundproof ang condo niya ay tiyak na may makakarinig sa boses niyang iyon. Napairap ako at agad na tinapos ang tawag. Bastos na lalaki. Pasmado pa ang bibig. Alas-singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Karaniwan ay alas-sais dumarating si Aling Nida para ipagluto ako ng almusal. Ngunit tila iba ang araw ngayon dahil mas maaga siyang nagising at agad na pumarito. Naghahanda na ito ng makakain. Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng ginagawa niya para sa akin. Kahit bago pa lang ako rito, pinaramdam niya agad na hindi ako iba. Hindi ko inaasahang sa isang lugar na ganito katahimik at payapa, may mga taong kayang punan ang espasyong iniwan ng lungsod. "Oh, iha. Gising ka na pala. Kumain ka na ba? May niluto akong itlog, bacon at sinangag. Kumain ka na!" Umalingasaw ang amoy ng pritong bacon na agad nagpalambot ng tiyan ko. Narinig ko rin ang mahinang lagitik ng kawali habang maingat na iniikot ni Aling Nida ang mga niluluto. Napalingon ako sa kanya, pilit ngumiti. "Opo, salamat po." Maupo ka na, iha. "Heto, bagong timpla rin ang gatas." dagdag niya sabay abot ng tasa sa akin. Bahagya kong inilapag ang tasa sa mesa. "Naku, ako na po sana, Aling Nida. Nakakaabala na po ako sa inyo..." Bigla siyang lumingon, kita ang munting ngiti sa kanyang labi. "Huwag mong isipin na nakakaabala ka sakin. Para ka na ring anak ko. Sa totoo lang, magaan ang loob ko sa'yo." Napatigil ako, hindi agad nakapagsalita. Ang puso ko, tila ba pinisil ng banayad na init. "Hindi pa po ba sila umuuwi?" "Naku! Matagal pa!" sagot niya, pilit na pinapagaan ang tono. "Nagpapadala lang sila sa akin at tumatawag naman paminsan-minsan. Hayaan mo na! Umuuwi din naman sila kada pasko para makabawi kahit papaano." Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga kulubot niyang kamay na abala pa rin sa paghahanda ng pagkain. Kung gayon, mag-isa lamang siyang naninirahan sa bahay nila sa araw-araw. "Aling Nida," mahina kong wika, "Kung gayon po... huwag na kayong umuwi araw-araw. Madami naman pong bakanteng kuwarto rito. Mas mabuti na po sigurong dito muna kayo tumuloy, lalo na habang wala ang mga anak ninyo." "Talaga ba, iha?" Nanlaki ang mata niya, halatang nagulat sa alok ko. "Oo naman po!" sagot ko agad. Saglit siyang natigilan, wari'y pinag-iisipan ang narinig. Pagkaraan ng ilang sandali, marahan siyang tumango. "Oo nga, iha... tama ka. Sumasakit na rin ang mga kasukasuan ko sa biyahe araw-araw." mahina niyang tawa. Napangiti ako at hinawakan ang tasa sa harap ko. "Kaya nga po, Mas makakagaan sa isip ko kung dito na lang ho kayo. At least, may kasama rin po ako sa bahay." Kita ko ang paglalambot ng kanyang ekspresyon, at tumango-tango. "Siya nga pala, iha..." bigla niyang singit habang inaayos ang mga plato. "Nasan nga pala iyong kasama mo kagabi? Manliligaw mo ba iyon? Naku, ang bait naman nun. Gwapo pa! Matangkad, matipuno... parang artista! Mukhang mayaman pa!" Napatigil ako, halos mabilaukan sa iniinom ko. "Hindi ko po siya manliligaw," sagot ko agad. "May pinag-usapan lang po kami." Tumango si Aling Nida, pero alam kong hindi siya kumbinsido. Iba kasi ang ngiti niya. "Pero kung ako sa'yo, iha," sabay ngisi nito, "Huwag mo na sanang pakawalan 'yon. Kita naman sa mga mata. Mukhang may gusto siya sa'yo." Napailing ako at napatawa ng mapait. Si Range, magkakagusto sa'kin? That's way too far-fetched. Baka sa palaka pwede pa. Kung may pagkakataon man para sa amin, nangyari na sana noon. Pero hindi. Hindi nangyari. At hindi mangyayari. Dahil isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi kami binalak para sa isa't isa. Hindi kami itinadhana. At kung papayagan ko pa ang sarili kong umasa, ako lang ulit ang masasaktan. Ako lang ang mauuwi sa wala. Maghapon akong tumulong sa paglilinis kay Aling Nida. Sinusuri ko rin ang mga dapat kong ipagawa at iparenovate sa bahay. Naisipan kong i-check ang mga lumang kahon sa bodega. Iniwan ito ng dating may-ari ng bahay. Ayon kay Aling Nida, maaari ko raw kunin ang mga bagay na magagamit ko pa. Binuksan ko ang ilaw sa bodega. Sinalubong agad ako ng amoy-kahoy na hinaluan ng lumang alikabok. May lumang rocking chair, sirang mga paso, isang kahon ng cassette tapes, at isang photo album na balot pa ng lumang plastic cover. Umupo ako sa sahig at binuksan ang album. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang isang larawan luma, sepia-toned na larawan ng isang mag-asawa. Kung saan magkasamang naka-ngiti ang mag-asawa't mga anak sa harap ng isang puting bahay na tila may tanim na gumamela sa gilid. Ang babae ay naka-amerikana, lalaki na naka-barong, may tatlong anak ito ang isa lalaki ay mukha mas matanda sa isang batang babae at mukhang panghuli naman 'yong bunso. Sa gilid ng litrato, may sulat-kamay na naka-ukit roon. It was neat at may pirma sa bawat pahina "Baguio, 1989." "Unang Anibersaryo," at "Graduation ni Rosa." Napatingin ako sa kisame, saka muling bumaba ang paningin ko sa larawan ng buong pamilya. Kumpleto. Masaya at buo. Hindi katulad sa akin. This house once held a complete and loving family I never had. A family that celebrated anniversaries and graduations. A family that had photos, memories, proof they were once here. Napagtanto ko, wala pala akong kahit isang litrato na kasama ko ang mga magulang ko. Wala ni isang kuhang hawak nila ako. Walang birthday picture, walang school recognition photo, walang kahit ano. The realization pressed heavily on my chest. I've always told myself I was okay. That growing up alone, with only my grandma by my side made me stronger. Pero hindi naman ibig sabihin na ayos lang, hindi na masakit. Seeing those old photographs made me realize how much I longed for it too, how my heart ache so badly. I thought I had buried it so deep, I forgot it was even there. It was a bittersweet feeling, the kind you don't cry about anymore, not because it stopped hurting, but because you've outgrown it. Nasanay ka nang tuksuhin ng mga kaklase mo tuwing Family Day. And you'd smile like it didn't matter. You'd sit quietly at the back, trying not to stare too long at the others who were wrapped in arms, while others posed for family pictures, and making handmade cards for their parents. Hinaplos ko ang gilid ng larawan. Tila ba sa mga ngiti nila, may iniwan itong liwanag. Hindi ko man sila kilala nagpapasalamat ako ng buo sa pagpapaalala na may ganitong klaseng pagmamahal sa mundo, kahit hindi ko ito naranasan. Tumayo ako, dala ang album. Plano ko itong palinisan, at i-preserve. Hindi ko alam kung babalik pa ang kamag-anak nito, at kunin ang mga natitirang gamit pero hangga't nandito ang mga litrato at gamit nila, ay magsisilbi parin itong mga alaala. My phone beeped again for another message. Napatingin ako sa screen, hindi agad nakakilos nang makita ang pangalan niya. Range: You didn't reply. Sinundan ulit iyon ng mensahe galing sa kaniya. Range: Anong ginagawa mo? I'm at my office. Napairap ako. Nakakalimutan niya ata ang mga rules ko. I don't think it was necessary for me to answer that. Range: Please reply, Pearl. Napabuntong-hininga ako. I typed in my reply. Ako: Rule number 2. Pinapaalala ko lang sa kaniya. Ilang sandali narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan ang notification. Natakatanggap ako agad ng mensahe galing sa kaniya. Range: Damn it. Baby. I was waiting all day just to get that reply from you. Napailing ako, pero hindi ko maiwasang mapangisi ng bahagya. Hindi ako kinikilig. Siguro dahil sa tono. Parang nabubwisit at nagtatampo. Nagtipa ako pero bago ko pa maisend, nag-backspace ako ng sagot ko. Binura ko lahat. Pinikit ko ang mga mata ko at inihinga na lang palabas ang inis. Ako: We agreed to my rules, so stick to them. May work ka pa, baka nakakaabala pa ako sa'yo. Stop texting me. I pressed and send. Range: I never really agreed to whatever that list was, Pearl. At hindi ka abala sa akin. Sinundan agad ng isa pa. Range: Okay. Fine. I'll just reschedule my meeting and drive there instead. Para alam ko ang bawat galaw mo. Napakurap-kurap ako. Nagtype ako ulit. Mas mabilis at bahagyang nataranta. Ako: Hindi ako baldado para bantayan mo. Don't even think about it. Hindi ka nakakatuwa, Range. Pinatong ko ang phone sa tabi ko. Ayoko na sanang sumagot pa. Pero ilang minuto lang, nag-vibrate ulit.Mabilis kong tiningnan ang pangalan niya sa screen. Range: Are you mad? Sumunod ang isa pa, halos magkasabay. Range: Can I call you? Napapikit ako, pinisil ang tulay ng ilong ko. Nagisip-isip muna ako bago magreply. I heaved a sigh. I replied 'okay.' Napatitig ako sa screen. Wala pang ilang segundo, tumunog na ang phone ko. Tumatawag siya. I gasped. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nanikip bigla ang dibdib ko. "Are you mad?" he whispered slowly. May bahid ng kaba sa boses niya. "Hindi ko gusto nagagalit ka sa akin, Pearl." Pumikit ako ulit. Nilamutak ko ng bahagya ang aking buhok habang naka-sandal ang likod ko sa headboard. He had that voice that could make me falter when I needed to stay firm. Hindi agad ako sumagot. Hinayaan ko lang munang bumigat ang katahimikan sa pagitan namin. "Hindi ako galit," I said, looking down at my fist. "Naiinis lang ako dahil hindi mo ako pinapakinggan." "Anong gusto mong gawin ko? Susundin ko na..." bulong niya. Napabuntong hininga ako. "Huwag mo akong tatawagan, text ka pa ng text sa akin. Pwede naman tayong mag-usap pagkatapos mo, kung kailangang mag-usap talaga. Marami rin akong inaasikaso rito." There was a pause on his end. "Okay," mahinahong wika niya. Napakunot ang noo ko. "Anong okay?" tanong ko, voice lifting slightly. Pinaglalaruan niya ba ako? "I'm not going to flood you with messages anymore," he said, his voice calm but resolute. "But Pearl... I did not sign yet that list of rules you made. I'm still the donor. That gives me rights too. So yeah, I've got things to negotiate." He paused. I heard him breath sharply. "You're going to see me. A lot. Whether you like it or not. I'll come home there at night, and I'll leave in the morning." Ano?! "Wala akong natatatandaan na maaari mo 'yang gawin," I said slowly, my voice low, trembling despite my efforts. "This isn't your house, Range. May fiancée ka na, maawa ka sa kaniya." "Who the f**k told you that?" he said, his baritone low and sharp. "Hindi na importante 'yon," I muttered. "Do you honestly think I'd f**k you, and make a goddamn baby with you while tied to someone else? You think I'm some kind of goddamn animal?" Hindi ako sumagot. I couldn't. Parang may bumara sa lalamunan ko. "Pearl," he said, slower, voice low and deliberate. "kung totoo mang may fiancée ako... she'd be the only woman I'd ever make love to. Hindi ikaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD