Pearl Angeline
Bata pa lamang ako nang mamulat sa kung ano talaga ang mundo. Hindi ako katulad ng ibang batang babae na abala sa paglalaro ng barbie, panonood ng mga kwento ng prinsipe at prinsesa, o 'yong pagtakbo sa hapon hanggang pawis at putik ang abot.
Labing-apat ako nang tuluyang maunawaan na hindi lahat ng bagay ay pang-fairytale. Hindi lahat ng kwento ay may happy ending.
At hindi lahat ng batang babae ay ililigtas ng isang prinsipe mula sa kanilang malungkot na kapalaran. Hindi para sa lahat ang mundong puno ng mga korona, kastilyo, at pantasya. At lalong hindi para sa akin.
Ang paniniwala ko? Kung may gusto ka, kailangan mong kumayod at gawin ang lahat para makuha iyon. Kasi walang ibang gagawa para sa'yo.
I can't let myself go with the flow. Dahil paano kung sumabay ako sa agos, tapos malunod lang din ako. Sa huli, ako rin ang magagalit at masasaktan kapag umasa ako at hindi naman pala magkatotoo.
That's why I always plan things in my head. Iyon ang paraan ko para hindi mabigo. Hindi ko kayang mag-desisyon nang hindi ko masyado pang pinag-iisipan iyon. Ngunit hindi ko alam kung ginagawa ko ba ang tama sa ngayon. I am too clouded with my desires.
Tiningnan ko ang sarili sa antique na salamin sa aking silid. I'm wearing dark grey leggings and baby pink cotton shirt.
Ang malaking bintana ay bahagyang nakabukas, nililipad ng hangin ang manipis nitong kurtina. Lumapit ako upang saraduhan iyon.
Wala akong masyadong ginagawa sa buong araw. Minsan ay nagbabasa ako, minsan naman ay nanood ng mga sa laptop ko. Pero madalas ay tulog ako buong araw.
Pagsapit ng sabado, doon lamang ulit tumawag sa akin si Dra. Liza upang sabihin ang magandang balita. She said she already found a reliable and healthy donor.
I was thrilled.
"Pearl, nakahanap na ako ng suitable donor para sa'yo." sabi niya sa telepono, natuwa ako sa balita at hindi ko maiwasang mapangiti.
"Talaga po? That's nice, Doctora! Pero sigurado po ba kayo na compatible siya sa'kin?" tanong ko, sinusubukang itago ang aking pag-aalala.
"Yes, Pearl. Sigurado ako. Na-assess ko na at ang lahat requirements ay na-meet niya, I believe he's a good match. Low risk for genetic conditions." tugon ni Dra. Liza na nagbigay sa akin ng kumpiyansa.
"Baka sa lunes o linggo rin ay maaari ko na siyang papuntahin riyan sa'yo, para makapag-usap kayo sa kung ano man ang iyong karagdagang termino." dagdag niya. Ibinigay ko sa kanya ang aking address, at sinigurado kong tama ang mga detalye.
"Doktora..." natigil ako sandali at napalabi. "Ngunit maaari ko po bang malaman ang ilang impormasyon tungkol sa kanya? Kahit ang pangalan lang ho?"
"Gugustuhin ko man sabihin sa'yo, Pearl, pero importante ang confidentiality sa ganitong proseso para sa kaligtasan ng lahat," tugon niya. "Huwag kang mag-alala, you're safe. Malalaman mo na lang kapag nakapunta na siya."
Napakakunot ang noo ko. Naiintindihan ko naman iyon kaso lang medyo natatakot laman ako at nagiging usyoso.
Matapos ang usapan namin ni Dra. Liza, naghintay ako ng isang araw. Nagpadala na ako sa kanya ng aking terms and conditions para sa donor. Sinabi ko sa kanya na siya na lang ang bahala sa pagdagdag o pag-approve sa mga kondisyon ko. Kapag wala nang problema, pwede na naming simulan ang proseso. Ang kailangan ko lang gawin ay maghintay para sa aking ovulation period.
Sa sumunod na araw, naghintay ako ng balita mula kay Doktora. Nag-aalala ako kung magiging maayos ba ang lahat, pero nagtitiwala naman ako sa kakayahan niya. Nagising ako nang maaga, naligo muna ako bago kumain ng almusal.
Sinabihan ko na rin si Aling Nida na papasukin ang sino mang kumatok o hanapin ako. Hindi ko rin kasi alam ang pangalan kaya hindi ko rin alam kung sino. Wala akong ginawa sa araw na iyon kundi magbasa at matulog.
Medyo nag-aalala ako...
Habang nakatayo ako sa teresa ng kwarto, hindi ko mapiligang hindi magmuni-muni. Bahagya kong hinawakan ang tiyan ko.
I hope it will be successful on the first try. Sana nga talaga ay magkaroon na ako ng baby sa lalong madaling panahon.
Umihip ang mapreskong hangin galing sa masaganang puno ng kahoy. Matayog at matataba ang mga puno. Napahawak ako sa railings habang pinagmamasdan ang hardin sa harapan ko.
Hindi na nakakapaso ang init ng araw marahil ay alas kwatro y media na rin ng hapon. Yumuko ako at nakita ko si Aling Nida nagdala ng merienda sa akin rito sa teresa. She was heading to our gate. My brows furrowed. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero nakikita kong tuwang tuwa si Aling Nida.
Agad niyang pinapasok iyon.
Halos lumuha ang mata ko sa gulat nang makita kung sino iyon.
What the hell is Range motherfucking Douglas Viejo doing at my house?!
Huwag mong sasabihing...
Hindi.
Ayoko munang mag-isip. Siguro'y nagkataon lang, naligaw, o baka pinaghahanap ako ng kapatid niyang si Catherine. Pero kilala ko ang kaibigan ko, she will go here without even asking for her brother's help.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan. Halos mahulog ako sa pagmamadali. Ang kaba ay kumakabog sa dibdib ko. Hindi pa niya ako nakikita.
Nang tuluyang pumasok siya sa bakuran, agad kong napansin ang tindig niya. The man had that dark, rugged presence that made it impossible not to notice him. Matangkad at matikas, shoulders broad under his plain shirt, the fabric clinging just enough to hint at the strength beneath. His sleeves were carelessly rolled, veins running down his forearms.
Kumalabog ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Nagkunwaring gulat ito nang makita ako. It's really him. Bakit siya nandito?
"Range? May kailangan ka ba? Paano ka napadpad sa pamamahay ko?"
Nag-angat siya ng kilay, dahan-dahan itong tumingin sa paligid, para bang inaaral ang bawat sulok ng bahay.
"Nice place," aniya, mapanlokong ngisi ang ibinigay niya sa akin. Sumipol pa. Halos mapairap ako.
"Alam mo bang hindi ka pwede rito? You may go. Trespassing ka." ulit ko sinubukang kontrolin ang pagkairita ng boses. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at ano ang pakay niya sa akin.
Sa halip na makinig, lalo pang lumapit si Range. Mabagal ang bawat hakbang, parang sinasadya niyang maramdaman ko ang bigat ng presensya niya. Hindi man siya nagsasalita agad, sapat na ang titig niya para matunaw ako.
He chuckled. "Hindi ba't kailangan mo ang tulong ko?" he said, his eyes crinkling at the corners.
Our gazes locked once again. Napasinghap ako, agad na napatras ng bahagya. Natatakot at kinakabahan man ay hindi ko magawang umiwas ng tingin.
"Anong pinagsasasabi mo? Wala akong kailangan mula sa'yo."
That damned smirk tugged at his lips again, one that made my stomach do a weird flip. "Oh, I see. Ibang Pearl yata ang tinutukoy ni Tita Liza sa akin."
Nanlamig ang kamay ko. His words hit me like a bucket of ice water. Si Doktora Liza ba ang tinutukoy niya? Sandali... Kung ganoon, siya nga talaga iyong donor ko?
Ano?
Hindi maaari ito!
My eyes were in utter shock. "Range... wala akong alam sa sinasabi mo. Umalis ka na."
Range chuckled softly, the sound sending an unexpected shiver down my spine. "Pearl, I might actually be able to help you."
"H-hindi ko kailangan ang tulong mo. Salamat na lang." I said as if dismissing him.
"Really?" Tumingin siya sa akin na parang nang-uuyam.
"Range..." Napasinghap ako. "Nangangako ako sa'yong lalayo na ako sa buhay mo, di na ako manghahabol, di na rin ako susulpot sa mga lakad mo. I'll promise you that. Kaya kung pwede huwag mo na rin sana akong gambalain pa." nagpakumbaba ako, dahil kung makikipag-talo pa ako sa kaniya lalo lang hahaba ang pagtatalo namin.
He raised an eyebrow. "Oh wow, look at you. You've changed, but you're still the b***h I've known, desperate as ever. Pagkapos mong guluhin ang buhay ko? You think I'll believe whatever you say now, Mm? You're still the manipulative person I've ever met." he looked at me with disgust.
Napalunok ako. Nasaktan ako sa sinabi niya... ngunit mas nangingibabaw sa akin ang empatiya at pag-unawa ng nararamdaman niya sa akin.
"P-pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko... I'm sorry, I should've known better..." Napaiwas ako ng tingin, pilit na ikinubli ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "Alam kong hindi mo agad ako mapapatawad at naiintindihan ko naman iyon. Pero sana, hayaan mo akong magsimula muli. Hindi mo na ako makikita kahit kailan. Pinapangako ko iyan."
Lalong dumilim ang mukha niya. The sharpness in his jaw tightened. Mapanlokong ngumisi siya, may halong pangungutya na nagdulot ng pangingilabot sa akin. Napalunok ako, pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko.
"You can't fool me, Pearl," he said coldly. "If I had known this was just another one of your plots to lure me. I should have f**k your mind."
Napasinghap ako. Halos uminit ang ulo ko sa sinabi niyang iyon. Kung gaano kakapal ang balat niya, ganoon din kagaspang ang ugali. Ngunit naiintindihan ko ang punto miya, marahil ay malaki ang galit at poot niya sa akin.
"Hahayaan kita sa kung anong gusto mong isipin sa akin. Ngunit wala akong masamang binabalak sa'yo. Maniwala ka sa akin, Range. Magpapakalayo-layo na ako. Hindi mo na ako makikita kailanman kung iyon ang gusto mo."
His eyes were as dark as the night, Napahalukipkip siya. He looked at me intently, as though I were a puzzle he couldn't solve, that both infuriated and unsettled him.
"What makes you so sure you know what I want, huh?" He smirked playfully. "Alam mo ba ang gusto ko, Pearl?"
"Hindi... at hindi ko gustong malaman."
The space between us thickened as I took a few steps away from him. I could hear the faint sound of his soft chuckle.
"You're going to be tied to me for the rest of your life, whether you like it or not."
Napahinto ako.
"You're going to have my child. You're going to carry my DNA inside of you for nine months. Isn't that nice?"
I felt a shiver run down my spine as he spoke, his words piercing through me like a knife.
I felt a surge of fear at his words. I felt like I'd been punched in the gut, my breath catching in my throat as his words hung in the air. I felt a wave of anger and frustration wash over me. Lumingon ako ulit pabalik sa kaniya.
I took a deep breath, trying to calm myself down. "Tatawagan ko si Doktora tungkol dito. Hindi kita gusto bilang donor ko, at hindi ko kailangan ang tulong mo."
Range's expression didn't change, but his eyes glinted with mock. "Uh-huh," his voice dripping with anger. "I'll pay them. I'll triple the amount you're willing to pay. And you will left with no choice but to accept me."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Ramdam ko ang pag-angat ng init sa aking mukha, hindi dahil sa hiya, kundi sa matinding galit na parang sasabog sa dibdib ko. My hands curled into fists at my side, namumula na ang buong mukha ko sa inis.
"You're so dirty." bulong ko, nanginginig ang boses pero matalim ang tingin.
Range only smirked, that slow, arrogant curl of his lips that always seemed to insult me and push me over the edge. He tilted his head slightly, eyes gleaming with smug amusement.
"You'll have no choice but to accept me again, baby."
Lumapit siya ng bahagya, sapat para maramdaman ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko.
"You have to swallow me whole..." His voice dropped, dark and velvety. He paused, a flicker of playful madness crossing his features before breaking into a low, wicked chuckle. "My presence, and my entire existence."
Then he tilted his head, eyes burning into mine.
"And that," he whispered, "is exactly why you'll never be able to get rid of me."
Napakuyom muli ang kamay ko, mas mahigpit, halos manginig sa sobrang tensyon. My pulse hammered violently at my throat, betraying my attempt to appear calm.
Ito ang plano niya.
Balak niyang suplayan ako ng anak upang pahirapan akong kalimutan siya.
Because one thing is terrifyingly clear.
He's not here just to ruin my plans.
He's here to ruin me.