Kabanata 2

2760 Words
Pearl Angeline Nakahanap ako ng ancestral house sa Batangas. Kinontak ko na rin ang may-ari at nakapag-usap kami tungkol roon. Mabait siya at mukhang excited na may tumira ulit sa bahay nila. Matagal nang walang nakatira roon mula nang pumanaw ang lola at lolo niya, hindi na rin sila nagkaroon ng interes dahil may iba-iba na itong pinagkakaabalahan sa buhay, at simula noon ay naiwan na lang itong tahimik na testamento ng napakahabang panahon. "Sayang nga, e." ani niya habang nasa isang kainan kami. "Pero alam mo na, successful na rin sa buhay ang mga kapatid ko at may mga asawa na kaya kaniya-kaniya na rin ang gusto sa buhay. May sarili na din kaming bahay ng asawa ko at mas gusto niyang manirahan kami sa Maynila." "Siya nga pala, tawagan mo na lang ako kapag nakarating ka na roon, pinarenovate ko na rin pala ang ibang nilumaan na ng panahon. Makakaasa kang maganda, malinis at may pagkamoderno ang bahay." "Salamat." Doon ko plinano ang pagbubuntis ko, malayo sa ingay ng siyudad, sa usisero't mapanghusgang mga mata ng tao, at higit sa lahat... sa lalaking pilit kong kinakalimutan. Doon ko naisip na muling buuin ang sarili ko, it would be a new beginning for me. Ilang araw lang ang hinintay ko bago ako nag-empake. Kaunting piraso ng damit ang isinama ko. 'Yong iba ay naibenta ko na. Mga notebook, ilang libro, at ang maliit kong music player. Pagdating ko sa Tuy, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin at ng isang matandang babaeng naka-abang sa harap ng bahay. Si Aling Nida, ang siyang tagapangasiwa ng bahay. "Pearl ba ang pangalan mo, iha?" "Opo," sagot ko. Tinulangan niya akong bitbitin ang mga dala kong bagahe. "Salamat naman at may bago nang maninirihan sa bahay na ito." Ngumiti siya. "Halika, pasok ka. Kinagagalak kong makilala ka." "Salamat, ho..." Ang bahay ay may dalawang palapag, gawa sa kahoy at bato. Amoy lumang libro at kandila ang loob. May mga upuang naroon pa mula noong dekada '80, at hagdang may kaluskos sa bawat apak. May malalapad na bintana at malalalim na pasilyo. Ang chandelier ay kumikislap pa rin, at ang mga kurtinang puti na marahang tinatangay ng hangin sa bukas na bintana. Malayo rin ito sa mga kabahayan kaya iyon ang nagustuhan ko. Pagkahapon, sinimulan kong ayusin ang kwarto sa itaas. Maalikabok ang mga muwebles at medyo makapal ang agiw sa mga sulok ng kisame, tinutulangan rin ako ni Aling Nida sa pag-aayos. Mabuti at busilak ang kaniyang pagkatao. May asawa't anak na si Aling Nida, pero nanatili siyang naninilbihan dito sa bahay kahit pa matagal nang pumanaw ang may-ari. Sabi niya, malaki raw ang utang na loob niya sa pamilya nito. "Naku, kamukha-kamukha mo si Senyora Teresa nung kabataan niya," napangisi siya. "Sino ho siya?" "Ang dating may-ari ng bahay," "Ulila na ako noon. Bata pa lang ako, mag-isa na ako sa buhay. Ang Senyora ang kumupkop sa akin. Pinasok ako dito sa bahay, pinakain, pinag-aral. Tinuring akong parang pamilya. Kaya kahit ngayon, kahit matanda na ako at may sarili ng mga anak, hindi ko magawang iwan 'tong bahay. Parang... obligasyon ko na rin protektahan ang lahat nang naiwan nila." Sa mata niya, nakita ko ang katapatan. Tila ba kahit matagal nang wala ang mga taong nagmahal sa kanya at nag-aruga hindi niya magawang iwan ang mga alaala nito at pabayaan. "Pasensya na at makwento ako. Siguro ay naninibago lang ako na may ibang tao na narito sa bahay." dagdag niya pa. "Ayos lang, po." I smiled a little, her presence, her care, her warm heart, brought a quiet comfort. At kahit papaano, sa gitna ng lumang bahay na ito, pakiramdam ko ay hindi na ako mag-isa at ganon kalungkot. Pagkatapos naming mag-ayos, inalok ako ni Aling Nida ng merienda sa maliit na lanai sa likod ng bahay. May hinanda itong juice at ensaymada sa lamesita. Naupo ako. "Bukas po siguro, pupunta ako sa palengke. Bibili ako ng konting gamit at mga gulay." Ngumiti si Aling Nida. "Maganda 'yan. Doon ka bumili sa may lumang kanto sa bayan. Mas mura roon at sariwa, at mababait ang mga tindera. Kung gusto mo, samahan na kita sa pamimili." Tumango ako. "Sige po, salamat." Pagkatapos kong kumain, bumalik ako ng kwarto upang makapagpahinga. Naalimpungatan lang ako nang marinig ko ang tunog ng telepono sa ibabaw ng lamesa. Kinusot-kusot ko ang mata ko at napahikab bago ko sinagot ang tawag. "Hello?" paos pa ang boses ko, bakas ang antok. "Mabuti at nasagot mo rin!" bungad ni Cath, punong-puno ng pag-alala "Nakatulog ka ba? I was so worried! Hindi kita macontact kanina." "Sorry, I was asleep at nabusy rin ako kanina sa pagliligpit ng gamit." "Of course! As long as you're fine, I'm fine too! Anong oras ka nakarating ng Batangas?" "Hapon na siguro iyon, di ko na rin kasi sinilip cellphone ko para tignan ang oras," sagot ko habang bumangon sa pagkahiga. "Nakakapagod ang biyahe pero ayos lang naman, ngayon lang ako nakaramdaman ng ganitong pagod." siguro dahil na rin sa ilang linggo kong walang tulog kakaresearch. "Mukhang desidido ka na talaga sa desisyon mong 'yan." Napangiti ako. "Oo naman." "Well, I hope you're happy. By the way, may tatanungin lang sana ako..." "Ano 'yon?" "Nakakausap mo pa ba ang Kuya?" "Hindi, bakit?" napakunot ang noo ko. Narinig ko ang isang staff na tinatawag siya. "Wala lang... uhm, teka! Wait lang po Direk!" "Hey, Pearl. I'm actually busy! I have photoshoot pa, e. Sorry, beshy... kakamustahin na lang kita kapag may time na ako." "Yeah, sure! Ingat ka..." Napakagat ako sa labi. Palagi siyang busy dahil artista siya, laging puno ng schedule, events, tapings, photoshoots. Kaya, maswerte na kung mabibisita ka niya dahil madalang lang ang mga day-offs nito. "By the way," hirit ni Cath sa kabilang linya. "Kung kailangan mo ng tulong, you know where to go. Huwag mo akong kakalimutan kapag may baby ka na, ha?" "Of course not. Ikaw pa ba." Napangiti ako. "Uy, seryoso ako ha. Hindi mo na ako binabalitaan masyado, tapos bigla kang magte-text na aalis ka na papuntang Batangas. Nagulat ako." "Yes po, Ninang Cathie. Babalitaan ka po namin ni baby." Napatawa ako, may konting lambing sa boses ko. Hinimas-himas ko pa ang tiyan ko na para bang may laman na iyon. Napailing na lang ako. "Ninang ako, ah!" she giggled. "Sige na, baka hinahanap ka na riyan." "Okay. Ingat ka d'yan ha. Mag-Skype ka minsan. Love you, besh!" "Love you too." Pagkababa ng tawag, napahiga ako muli sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko, napapaisip minsan. Alam kong hindi madaling landas ang pinili ko. Hindi rin ito 'yung buhay na inakala kong tatahakin ko. Maaga akong nagising. Maalinsangan ang hangin. Sinama ako ni Aling Nida papunta ng palengke para makapamili ng mga kailangan sa bahay. Napansin ko ang katahimikan ng lugar. Payak at simple lamang ang pamumuhay. Malapit sa taniman ng mga palay, at may mangga at bayabas ang mga tanim ng ibang tirahan. Walang masyadong sasakyan, halos padyak at kariton lang. "Ibaba mo na lang kami rito sa may palengke Carlos. Oh, heto ang bayad," wika ni Aling Nida habang inaabot ang baryang pamasahe sa driver. "Salamat po, Aling Nida. Ingat ho kayo at ikaw na rin Miss beautiful," wika ng lalaki sabay kindat sa akin. Napailing na lang ako. "Mukhang may tagahanga ka na agad, iha. Naku, Pearl, mag-ingat ka. Ang mga tricycle driver dito, akala mo'y kay gwapo hindi naman! Matitinik sa babae! Kung sa Maynila ay ayos lang. Kung dito ka sa Tuy maghahanap ng mapapangasawa, naku, 'di bale na lang." Napangiti ako ng kaunti, bahagyang natawa. "Wala na ho akong balak pang mag-asawa," sagot ko. Napamangha siya, halos hindi makapaniwala. "Bakit naman, iha? Kay ganda-ganda mo pa! Baka ang Mayor ng Tuy, mabighani sa'yo kapag nakita ka! Huwag kang magsalita ng ganiyan!" Napangiti ako, bahagyang natawa sa kanyang sinabi. "Aling Nida, hindi po ako pumapatol sa matanda." Hindi niya mapigilang tumawa. "Hindi matanda ang Mayor ng Tuy, iha. Kung tutuusin, magkasing edad lang kayo o mas matanda lang ng ilang taon!" I just shook my head, unable to hide my amusement. Ito talaga si Aling Nida. Pagdating namin sa palengke, sinalubong kami ng mga nag-aayang mga tindera ng gulay, prutas, isda, at kung anu-ano pa. May babaeng naglalako ng puto na tag-limang piso, isang matandang lalaki naman ang may hawak na basket ng tinapa. Amoy tuyo, at bagong lutong bibingka. Maingay, pero hindi nakakairita. "Pearl, halika rito. Itong si Merly, masarap gumawa ng pansit. Pwede rin tayong umorder sa kanya minsan," sabi ni Aling Nida habang hinahatak ako papunta sa isang medyo may kalakihang ale at may suot na pulang apron. "Hello po," bati ko. "Naku, ang kinis at ang puti puti mo naman, para kang artista. Anak mo ba iyan, Nida?" Tumawa si Aling Nida habang sinasagot, "Naku, hindi. Bagong may-ari ng lumang bahay ni Senyora Teresa." "Ah, aba'y ang tagal nang walang naninirahan doon, ha. Maswerte ka, iha!" sabi ni Aling Merly habang pinagmamasdan ang aking mukha. Ngumiti lang ako at tumango. Wala pa akong isang linggo rito pero parang dumarami agad ang nakakakilala sa akin. Masasaya at mababait ang mga tao. "'Yung nanay ko, taga-roon din sa kalapit na bayan ng Laurel." sabay turo ni Aling Merly sa direksyon ng silangang bahagi. "Kaya alam ko, magugustuhan mo rito. Hindi nga lang kasing saya ng Maynila, pero dito... mas sariwa ang hangin at mga pagkain! Siyempre!" "Opo. Tama ho kayo," "Kaya nga Merly, sabi ko nga, hindi imposibleng matipuhan siya ng Mayor ng Tuy! Tingnan mo, napakagandang bata, parang anghel na nahulog mula sa langit." "Siyang tunay ka, Nida! Parang hindi makabasag pinggan. May boyfriend ka na ba, iha?" "Wala po..." "Tamang-tama! Irereto ko kita sa pamangkin ko!" "Naku! Kung roon lang sa mukhang adik mong pamangkin di bale na lang! Halika na, Pearl." Nakita ko ang pagsimangot ng mukha ni Aling Merly. "Hoy, Nida! Hindi adik ang pamangkin ko! Marami lang tattoo pero masipag 'yon, no!" "Pasensya na po. Aalis na po kami..." sabad ko agad, sabay hila kay Aling Nida palayo kay Aling Merly na halatang mainit na ang ulo. Pagkalayo-layo namin ng kaunti, humumpay sa pagsimangot ni Aling Nida at agad akong binulungan. "Hay naku, Pearl, 'yang si Merly, kung makapuri sa pamangkin niya akala mo'y si Piolo Pascual. Eh kung nakita mo lang, Diyos ko, para namang si Robin Padilla! Napakasiga!" Napatawa ako. "Eh baka naman may itsura talaga, Aling Nida?" tanong ko. "Ha! Diyos ko po! Kung may itsura 'yon, edi sana may trabaho na, hindi tambay sa kanto! Aba'y ang lakas manigarilyo, tapos ang ingay pa ng mga kasama! Ang aasim pa!" Umirap siya na para bang naaalala ang eksaktong amoy. Mabuti na lang at naibaling agad ni Aling Nida ang usapan. "Gusto mo bang bumili tayo ng maya-maya? Sariwa at may bagong bingwit na mga isda sila Juan ngayon," wika ni Aling Nida. Pagdaan namin sa hanay ng mga tindang isda, agad kong naamoy ang alat ng dagat na nakahalong amoy ng bagong huling tilapia, bangus, at tamban. "Opo, bumili ho tayo ng isang kilo," sagot ko. Pagkatapos naming mamili, nagyaya si Aling Nida na dumaan sa simbahan. Malapit lang daw, konting lakad mula sa palengke. Sumunod naman ako. Tahimik ang simbahan. At marami ang nagdarasal. Bukas ang mga bintana, at ang mga kurtina ay sumasayaw sa simoy ng hangin. Umupo kami sa likurang bahagi. Hindi ako nagdasal agad. Pinagmasdan ko lang ang altar, ang krus sa gitna. Sa dami ng kasalanan ko, mapapatawad Niya pa kaya ako? Pagkatapos, umuwi na kami ni Aling Nida. Tinulungan ko siyang mag-ayos ng pinamili naming gulay, karne, at isda. Maingat niyang inisa-isa ang mga ito habang ako naman ay nagbukas ng mga supot at inilagay sa tama nitong lagayan. Kailangan ko na rin palang bumili ng bagong refrigerator. Medyo luma na kasi itong ginagamit sa bahay, at halata na ang paninilaw sa pintuan at sa loob. Pero nakakagamit pa rin naman, ngunit nakakatakot na at baka'y masira pa ito lalo. "Magpapahinga po muna ako," Ngumiti si Aling Nida. "Sige, iha. Ako na ang bahala rito." Habang nakahiga sa kama, isang matunog na buntong hininga ang pinakawalan ko. Napabalikwas ako, hindi mapakali. Bumabagabag ang isip ko. Natural Imsemination... It's not as bad as it sounds. It's a mutual agreement between two consenting adults, deciding to have s*x for the sole purpose of conceiving a child, with compensation involved. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko ito? Alam ko naman na hindi iyon pangkaraniwan. Hindi ito tulad ng nakikita sa mga pelikula, hindi isang tipikal na date, hindi rin romansa na nag-uumpisa sa matatamis na salita at nagtatapos sa masayang pag-iibigan. This is a deliberate, walang seremonyas, kind of like a business deal, but natural because you're just using your own bodies. Hindi maaari! Agad akong napabalikwas ng upo, halos marinig ko ang mabilis na t***k ng puso ko sa katahimikan ng silid. Hindi iyon normal. Hindi iyon tama. I heaved out another sigh. Pero bakit, sa kabila ng lahat ng pagtanggi ko, patuloy pa rin itong bumabalik sa isipan ko? Bakit hindi ko mapigilan ang sariling isip na balik-balikan ang ideyang iyon? Pearl, you're unbelievable. Ganyan ka ba kadesperada? I shook my head, Just like they said... This is my life. And I have the right to decide for it. Choice. But what does that really mean? Can I really make a choice without thinking about the consequences? Why is making a choice so unbearably hard? Maybe because every decision feels like stepping onto a path I can never turn back from. The moment I choose one path, I bury all the rest versions of me that will never exist, lives I will never live. No one ever tells you that freedom carries its own chains. Because freedom is never free—it comes hand in hand with the crushing weight of responsibility. And once a choice is made, there's no one else to blame. You can't just point fingers. You will live with it, it has to be carried. Sometimes it isn't always about the right or wrong. The hardest part is knowing that both options can change your future, just in different ways. One road might give something, but it will also take something away. Another might look safer, but it could also mean losing what could have been. In the end, choice is never simple. It always demand something in exchange. So what if you choose the wrong side? But does that really matter? "Good evening, Doktora..." "Oh, good evening, hija! Napatawag ka?" "Ah, opo, Doktora..." Napakagat ako ng labi bago nagsalita muli. "Actually... I was quite wondering if we could talk privately? May kasama po ba kayo ngayon, nasa clinic ka po ngayon oras?" Napahinto siya. At saglit na natahimik. She cleared my her throat. "Ah, wala naman. I'm at my house. Why? Is everything okay, hija?" Tahimik akong napahinga nang maluwag. Naghahanap ng lakas sa pagitan ng t***k ng dibdib ko. "Doktora... I've been thinking. About... a-another option." "What kind of option?" "Hindi ko na po itutuloy ang In Vitro..." Sandaling natahimik si Dra. Liza sa kabilang linya. Narinig ko ang tunog ng ballpen niyang ibinaba sa lamesa. "Okay... I see. Can I ask why?" "I just want something simpler. Something more direct." "Alright. So what are you considering instead?" Huminga ako nang malalim. Walang pakandungan, walang paliguy-ligoy. "I want other option, Doktora..." Ramdam ko ang pagkabigla niya, at hindi siya agad nagsalita. Kaya ako na ang nagpatuloy. "I know it's unconventional. But I'm not doing this out of recklessness, Doc. I've thought about it. I want to do this with someone who's willing, healthy, and understands my terms. No buts, no complications. I'm not looking for love or anything." "Pearl..." May lambing at pag-aalala sa tono niya. It doesn't feel like she was judging me, kundi pag-unawa. Parang isang ina. lDo you understand the risks, hija?" "Yes po. That's why I'm telling you first. I want to do it safely, responsibly. I'm not doing this in secret. Gusto ko pong tulungan niyo ako kung paano ko po gagawin ito ng tama." Muling natahimik si Dra. Liza. Pero ngayon, parang mas malambot na ang tono niya. "Thank you for trusting me, Pearl. This is unconventional, yes, but it's your body, your journey. If this is the path you choose, then I'll guide you through it. You are braver than you think." Natahimik ako. Wala naman akong inaasahang fairytale. At hindi rin ito isang bagay na pwedeng pagpantasyahan. Kung matapang nga ako para sa desisyong ito. Hindi ko alam. Umiikot ang isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD