Pearl Angeline
Sa buong araw nanatili lang ako sa kwarto ko, lumalabas lamang ako papunta sa kusina kapag kailangan kong magluto o kumain. Naging abala kasi ako sa paghahanap ng buyer ng unit ko sa Proscenium. Bukod doon, nagresearch rin ako tungkol sa In Vitro Fertilization. Mga pros and cons na dala nito at kung gaano kaselan ang proseso ng pagbubuntis.
To be honest, the entire process feels overwhelming. Kaya bukas, balak kong pumunta sa aking Ob-Gyne para maibahagi ko ang mga plano ko at makakuha ng tamang gabay kung ano ang mga susunod na hakbang na dapat kong gawin.
Ilang oras na rin akong nasa harap ng laptop ko at hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Kaya't bahagyang nagulat ako nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Tumayo ako, iniwan sandali ang ginagawa, at pinagbuksan ang pinto ng unit ko.
Bumungad sa akin si Catherine at halatang-halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"Oh my god?! Pearl Angeline?! Are you really my bestfriend named Pearl?!"
Napangisi ako. "Hindi. Nagkamali ka nang pinag-doorbellan."
"Really? Oh, sorry! Akala ko—"
"Sira! Ako nga ito. Pasok ka!" natawa ako.
Pagkapasok niya sa loob, napahawak pa siya sa dibdib niya at nanlaki ang mga mata. "Oh my God. Anong nangyari sa'yo? May sakit ka ba? O may taning na ang buhay kaya gusto mong magbago at magpakabait?"
Napailing na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga. Walang kupas ang pagiging overacting niya.
She was speaking gibberish dahil na rin siguro sa gulat. "Totoo ba ito?! O nanaginip lang ako?"
"Tsk. Ang oa mo!"
Hindi siya tumigil at napatingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Nakakagulat ka kasi. I know you were pretty but I didn't knew that you can be this pretty without any products on your face o kaya naman magarang damit!"
"Huh? E, nakapambahay lang naman ako..."
"Exactly! Hindi ka ganyan manamit! Noon pa sinasabi mo sa'kin na kahit nasa bahay lang, dapat nakapustura pa rin at baka'y pumasok dito ang Kuya Range at makita ka pang burloloy!"
Napangiti ako. "Hindi ba pwedeng nagbago lang ang fashion sense ko?"
Tumaas ang kilay niya, halatang hindi kumbinsido. "Naku! Sa tingin ko ay napagod ka na kakahabol kay Kuya, ano? Mabuti kung gano'n."
"Hindi naman,"
Napaisip ako. Hindi naman ako napagod, sa totoo lang. Hindi ako tumigil dahil wala na akong kayang ibigay. Sadyang mas pinili ko lang talaga ngayon ang sarili ko at kung anong mas makakabuti para sa akin.
"Sa wakas, nagising ka na rin," sabi niya, sabay kurot sa tagiliran ko. "Matagal-tagal ka rin nagpakagaga para sa pag-ibig mo kay Kuya Range."
Niyakap niya ako.
"Okay lang 'yan, besh, ang ganda ganda mo kaya! Kamukha mo nga si Mama Mary! Kung hindi ko lang alam lahat ng kagagahan mo siguro iisipin kong santo ka!"
Napailing ako, sabay tawa. "Para kang tanga."
"Seryuso ako, Pearl!" pilit niyang sagot, sabay turo sa mukha ko.
"Ewan ko sa'yo, Catherine! Ang sama-sama kaya ng ugali ko tapos ihahalitulad mo pa ako sa santo!"
"Hindi ko naman sinabing magka-ugali kayo! Ang sinabi ko lang magkamukha kayo!"
I just shooked my head. At natawa na rin.
"Anyway, pumunta talaga ako para magkwento sa'yo tungkol kay Kuya! Pero mukhang hindi ka naman na interesado."
Napakunot ang noo ko at napalabi. Kahit papaano... gusto ko pa rin naman malaman kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Pero sa kabila nito, ayokong masyadong makialam o manghimasok sa mga personal niyang buhay. I want to stay out of it as far as I can. That way, I could keep my peace.
"Huh? Ano ba 'yan?"
"Diba nakwento ko na sa'yo si Laura Ibañez? Guess what? She's officially going to be my sister-in-law!" ani niya, puno ng tuwa at excitement ang boses.
"We had a family dinner last night and she was there! Grabe, ang ganda niya, girl. As in, her beauty is out of this world! She looks like one of those actresses in foreign films! Kaso lang at hindi raw siya marunong umarte pero di bale na at matutunan naman iyon sa mga workshops o teatro!"
"Between acting and modeling, mas gusto raw niya talaga ang modeling." Humagikhik siya.
"Sayang lang, umalis agad si Kuya Range," she added, covering her mouth with a playful sigh. "Pero okay lang, kasi si Laura hindi naman mahiyain. Ang daldal, masayahin pa, tapos marunong din siya mag-tagalog pero madalas nag-iingles." ngumisi siya habang natigilan naman ako sa pagta-type.
Nakita ko siyang nakasalampak sa kama ko, tinitingnan ang magagandang kuko.
"Bumalik rin agad si Kuya nong magdidilim na. Para nga siyang nagmamadali... gusto yata agad makasama ang fiancée niya!" humagikhik siya.
"Ah, gano'n ba..." was all I can managed to say. Wala na rin talaga akong masabi.
"Oh? Bago ba 'yang phone mo? Kaya pala hindi kita makontak," sabi niya habang sinisilip ang hawak kong cellphone.
"Oo," sagot ko, sabay iwas ng tingin. "Teka."
Tumayo ako, lumapit sa study table ko, at kinuha ang journal notebook. Binuksan ko ito sa may bandang dulo, pinunit ang isang malinis na piraso ng papel, at isinulat ang bagong number ko. Tahimik ko itong inabot sa kaniya.
"Here," mahina kong sabi, sabay balik sa pagkakaupo.
Kinuha naman niya ang papel at agad na tinype ang number sa phone niya. Ilang segundo rin kaming tahimik.
"Hm, what's your next plan aside from changing your phone and numbers?" she asked, her voice calm but tinged with suspicion. "Sana lang tuparin mo ang pangako mong kakalimutan mo na ang Kuya... at wala kang iniisip na bagong pakulo, Pearl."
Napakurap-kurap ako. "Wala naman," sagot ko, pilit ang ngiti. "Hindi ko na rin siya iniisip, Cath. I have plans though..."
"Ha? Ano na naman iyan? Huwag mong sabihin?"
"Hindi, nagkakamali ka ng iniisip." I smiled. "Ipapabenta ko na kasi itong unit ko at naghahanap ako ng kliyenteng bibili. I'm also looking for ancestral house in Batangas. May alam ka ba?"
"Huh?! What do you mean?! You're going to live far away now?"
"Hindi naman, sa Batangas lang iyon. Ano ka ba?"
Nababaliw ka na ba? Sabi ko magmove on ka lang at huminto sa panghahabol! Bakit lilipat ka na ng tirahan?"
"It's for the better. Atsaka... magpapa-In Vitro Fertilization ako—"
"In Vitro Fertilization?!" she gasped. Halos lumuwa ang mata niya. "You're crazy, Pearl!"
She was hysterical, inaasahan ko na ang reaksyon niya and I can't blame her, kahit ako man, nagulat sa sarili kong desisyon. But deep inside, I know this is what I need. I want it so badly and I am so ready for it. Kahit papaano magkakaroon na rin ako ng eternal love mula sa anak ko. Hindi ako iiwan. Akin siya. Buo.
"Nababaliw ka na ba, Pearl? Mas malala pa ito kaysa sa pagkahumaling mo sa Kuya ko!"
"Makinig ka muna sa'kin." Napahinto ako. "Alam kong biglaan at nakakagulat, pero alam mo naman na mag-isa na lang ako sa buhay. Isipin mo na lang na para rin ito sa akin... at sa ikakasaya ko."
"Pero napag-isipan mo na ba ito nang maigi? Hindi biro ang pagbubuntis. Lalabas iyan sa kepyas mo! Are you ready for that? Paano kung paglaki niya hahanapin niya sa'yo ang ama niya? Alangan naman ako ang ama? E, wala naman akong tentacles?!"
Hindi ko napigilan at natawa ako nang kaunti, kahit seryoso ang usapan. "Syempre pinag-isipan ko na ito ng mabuti," sagot ko. "I did my research. At talagang desidido na ako sa desisyon ko. Kung hanapin niya man sa akin ang ama niya pupunuan ko na lang siya nang pagmamahal para hindi niya maramdaman na kulang siya at kailangan niya ng Tatay."
Tumahimik siya, nakatingin lang sa akin, hindi ko alam kung naiintindihan niya o mas lalo siyang nag-aalala. Napabuntong-hininga ito. "Bahala ka sa buhay mo! Basta nandito lang ako, susuportahan kita sa lahat ng kagagahan mo. Alam mo 'yan."
"Thank you..."
Nagyakapan kami. It was emotional. For once, nalabas ko rin ang mga luhang matagal ko nang kinikimkim. I don't even know if they were tears of joy... or something else.
Kinabukasan ay nagmadali ako sa paghahanda. Skinny jeans at knitted shirt lang ang suot ko. Dadaan na lang ako mamaya sa mall para magshopping ng mga damit halos kasi maiikli at revealing na dress ang nasa wardrobe ko.
Pagdating ko sa clinic, agad akong sinalubong ng pamilyar na boses.
"Oh, hello, dear! Long time no see!" bati ni Dra. Liza, na agad akong niyakap. "Wow, you look gorgeous!"
"Ikaw rin po, Doktora..."
"Mabuti naman at nakabisita ka," patuloy niya habang pinapaupo ako sa loob ng consultation room. "I was a bit surprised when you said you wanted to discuss IVF."
Tumingin siya sa akin, kuryuso ang mga mata.
"Kinasal ka na ba, hija? Where's your husband?"
"Ah, wala pa po akong asawa, Doktora..."
Napatingin siya sa akin, bahagyang nagtaas ng kilay, pero nanatiling propesyonal ang ekspresyon niya. "Oh, gano'n ba, hija? Ilang taon ka na ba?"
"Twenty-five po."
"Oh, you're still young! Isn't this a bit of a rush? Huwag kang magpadalos-dalos, hija. There's still a lot of time."
"I understand po, Doktora. Pero I've thought about this over and over. I really want to bear a child... at hindi ko po nakikita ang sarili kong magpapakasal."
Napatingin si Dra. Liza sa akin. She was startled, maybe even a little sad for me. But I was just being honest. Gusto ko na magkaanak at wala rin sa plano ko ang humanap ng ibang lalaki. I want to prioritize myself and my baby.
"Well," sabi niya sa wakas, "it's unconventional, but not impossible. If this is truly what you want," aniya habang tumango, "...then ano pa nga ba ang magagawa ko?" Ngumiti siya. "I'll walk you through the process. Sasabihin ko na rin ang pwede advantage and disadvantage ng IVF, at pati na rin ang isa pang alternative option which is the natural imsemination."
"Po?" tanong ko, hindi sigurado kung tama ang dinig ko.
Tumango si Dra. Liza, habang inilalapit ang kanyang upuan sa mesa. "It is an option some women consider when IVF isn't accessible or if they want a more affordable and direct method. Basically, it's intercourse done specifically to get pregnant, of course without emotional involvement, and sometimes arranged with a known donor."
Napalunok ako. "You mean... as in actual s*x?"
She nodded gently. "Yes, hija. I know it may sound surprising. But it exists. Some women find a donor who agrees to have intercourse just for the sake of conception. No strings attached. No relationship. Sometimes even in exchange for money or some form of agreement."
Sex without love. Without commitment. Just for the purpose of making a baby. Contractual s*x, kung ganoon?
Parang napakababa ko naman kung papasok ako sa ganoong set-up...
"I'm telling you about it not to pressure you, Pearl," sabi ni Dra, catching the tension in my face. "I just want you to know your other options. IVF isn't always successful on the first try. It can be emotionally draining. There's no guarantee of success the first time, so you have to be prepared for the ups and downs."
Ngumiti lang ako ng tipid.
"Call me kung ano man ang magiging desisyon mo. I'll set you up for the tests this week. Then we can start checking donor options if you're ready."
Tumango ako. "Thank you po, Dra..."
"You're welcome, hija. This is your life. You deserve to choose it fully."
Napabuntong-hininga ako. Para bang nilulunok ko ang buo kong puso habang sinusubukang huminga nang normal. Buong buhay ko, ako lagi ang nagdedesisyon para sa kung ano ang mas nakakabuti sa akin.
Ngayon, hindi na lang ito basta desisyon. Ito ang klase ng pagpili ng desisyon na puwedeng baguhin ang takbo ng buong buhay ko.
I don't want to engage in s*x with someone I don't love or even know. But it would be efficient at mas madali akong mabubuntis. IVF could fail and I need another session kung iyon nga ang kaso, it would be so costly too. I want to bear a child as soon as possible. I'm a virgin, never been touched and never been kissed. Kahit ganito ako karupok kay Range ay hindi naman ako pakawalang babae.
It's not that bad too. At least naranasan ko rin ang nasa rurok minsan sa buhay ko.
Napangiwi ako. Baka nga... nababaliw na talaga ako.
Kumain muna ako sa isang Japanese restaurant bago umuwi ng Proscenium. Pagkalabas ko ng mall hindi ko napansing maitim na pala ang ulap. At mukhang nagbabadya na ang ulan. Nag-Grab lang ako. Wala pa naman akong dalang payong at andami ko pangbitbit.
Tuluyang pumatak ang ulan. Hindi naman iyon malakas pero sumasabay na ang hangin. Pagdating, tinulungan ako ng Guard para bitbitin ang mga pinamili. Medyo nabasa na ang laylayan ng suot kong jeans at ang buhok ko'y kumakapit na sa batok ko.
Noong makapasok ng lobby ay agad naman akong binalot ng lamig dahil sa aircon. Narinig ko ang pagding ng elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako.
Napakunot ang noo ko dahil sa narinig na kaluskos. Akala ko ay naghihingalong pusa na naiipit ngunit wala naman akong nakita.
Nang palapit ako sa unit ko ay mas lumakas ang halinghing. Napalingon ako sa katabing pinto, doon pala nanggagaling ang ingay.
Nanigas ako.
Ang pintuan ay bahagyang bukas, at mula roon lumalabas ang tunog ng halinghing. Hindi ko man gustong tingnan, napalingon pa rin ako. At doon, sa pagitan ng awang ng pinto, anino ng dalawang katawan ang gumagalaw, magkakabit, magkasugpong, at walang pakundangan.
Mga walang hiya. Ni hindi man lang nag-abalang isara ng maayos ang pinto. Napailing na lang ako.
For Pete's sake! They are making too much noise! Hindi ba nila alam na hindi lang sila ang taong nakatira rito? Bukas na bukas rin ay irereport ko ang eskandalosong pangyayari ito!
Mabilis akong pumasok sa unit ko at dahil na rin sa pagkairita ay medyo nalakasan ko ata ang pagsara ng pinto.
Bahagyang nanginginig ang kamay ko habang inilalapag ang mga paper bag sa kusina. Hindi ko alam kung dahil sa inis o sa basang tela ng damit kong dumikit sa balat ko.
Napabuga ako ng hangin. Sinusubukan yata ako ng panahon...
Hindi ako santo para hindi ko malaman kung ano ang kababalaghang ginagawa nila. I rolled my eyes. I could feel goosebumps everywhere my skin. Hindi ba sila nahihiya? Malamang sarili lang nila ang iniisip nila. They're both dying in pleasure.
But what does it taste like? Bakit sarap na sarap sila?
Hindi ko na ba talaga iyon mararanasan buong buhay ko?
Napanguso ako. Ano ba itong iniisip ko?
Nagsuot ako ng pajama. Umupo sa harap ng vanity, at sinuklay ang buhok. Hinawakan ang tiyan ko na para bang may laman na iyon. Napangiti ako.
"Sana... magka-baby na ako," mahina kong bulong, halos pakiusap ko sa hangin.
Ano kaya ang pakiramdam na maging isang ina?
Na may isang nilalang na titingin sa'yo ng may pagmamahal?
Mamahalin ko siya. Higit pa sa sarili ko.