Umpisa
"Baka pati salamin mahiya kakatingin sa ganda mo, Perlas ng silangan..." I glanced at her and managed a small, guilty smile.
I glanced at her and managed a small, guilty smile.
"Kaya lang," she added. "Kung para lang kay Kuya iyang pag-eeffort mo, huwag na. Kahit anong pagpapaganda mo, hindi ka pa rin niya mapapansin."
Napangiwi ako.
"Grabe ka naman," I said, a bit hurt.
Napabuga ako ng hangin. Alam ko namang totoo ang sinabi niya, ngunit masakit pa rin iyon dahil kaibigan ko siya. Hindi ba dapat supportive siya sa akin?
"Nagsasabi lang ako ng totoo. His girlfriend right now is a supermodel. Wala ka sa kalingkingan no'n." She sat casually on my couch, as if she hadn't just dismantled my heart.
Napairap ako.
Okay, fine. That girl is gorgeous. Her skin looked like it had been dipped in honey because it looks very smooth, glowing, and flawless. She had that effortless sun-kissed look na talagang nakaka-stand out.
Samantalang ako, maputi talaga. I used to sunbathe back in high school, pero lagi lang bumabalik sa natural kong kulay. Mula noon, nagsimula na akong magsuot ng mga damit na revealing, maikli, mas daring, kasi iyon ang gusto niya. Gusto niya 'yung mukhang liberated, mature, at sexy.
Range's unit is right across from mine here at Proscenium, and yes, I bought mine purposely because of that. My silly plan was to be in front of him, right where he could see me every time he stepped out. But the problem? He's barely home. The few times I caught sight of him were rare, almost accidental.
"Ayaw mo bang nakikita akong masaya?"
She raised a perfectly plucked brow, arms crossed. "Duh?! Obviously, I do want you to be happy, Pearl Angeline. Kaya nga ayokong nakikita kitang nasasaktan dahil kay Kuya, e!"
"Kung gano'n," I said, eyes narrowing slightly, "Let me do what makes me happy. Kahit ngayon lang. What if someday, mapansin din niya ako?"
She gave me that look, the one she uses when she thinks I've completely lost my mind. "Asa ka pa! Kahit maghubad ka pa sa EDSA habang sinasayaw ang 'Love bomb', hindi ka pa rin mapapansin no'n! Seryoso ka ba diyan?"
Napatawa ako, kahit may kirot pa rin sa puso ko. "Ang brutal mo, hindi naman ako marunong sumayaw... paano ko gagawin iyan?"
Imbes kasi na suportahan niya ako sa simpleng ilusyon ko, ayon at pinagtawanan niya agad ako. Napabuntong-hininga ako. Though, she had a point. Masakit man, pero totoo. Ang hirap lang tanggapin. Kasi kahit alam kong wala namang patutunguhan, umaasa pa rin ako.
I've had a crush on Range for as long as I can remember, kapatid niya ang kaibigan kong si Catherine. Dati pa lang, marami na talagang humahanga sa kaniya. Pati ang mga seniors namin, gusto rin siya. Simula't sapul, hindi talaga sang-ayon ang kaibigan ko sa kahibangan ko sa Kuya niya.
"You know what, Pearl," Catherine's voice snapped me out of my memory. Her gaze softened a little. "I just don't want you to keep hurting yourself just because of Kuya. Maganda ka naman, e. Pero kung iwasan ka ni Kuya, daig mo pa ang taong may malubhang sakit!"
I turned my eyes away from her.
"Anong magagawa ko? Mahal ko nga ang Kuya mo," malalim akong napabuntong-hininga. "Hindi naman basta-basta tumitigil ang puso sa taong gustong-gusto mo, di ba?"
Catherine sighed, shaking her head like I was hopeless.
Kung dati siguro, baka sinugod ko na iyong bagong girlfriend at inaway, but I know better now. Alam kong wala akong chance. All I ever get from him was rejection, at nakakasawa na.
Narealized ko na baka, hindi lang talaga ako iyong tipo niyang babae. Pero 'di sakin nawawala ang pag-asang mamahalin niya rin ako balang araw. Hanggang panaginip na lang pala iyon.
"Then fine, the day he notices you, I swear I'll throw you a party. But until then, girl..." she paused, giving me a serious look. "Nandito ako, para paalalahanan kang may halaga ka beyond sa obsession mo kay Kuya. Hindi mo kailangan magpakabaliw para sa isang taong ayaw naman tumingin sa'yo."
I heaved a sigh, feeling the weight of her words settle deep inside my chest.
"Anyway," she stood up, grabbing her bag. "I need to leave. We have family dinner tonight. I'll see you tomorrow, okay?"
She leaned over to kiss me goodbye before leaving.
Habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa harap ng salamin, unti-unting winawala ko ang pulang lipstick sa labi. Naiwan ang isang malabong tuldok sa baba.
I mentally sighed, a mixture of sadness, frustration, and pity washing over me.
Kailan ba ako titigil sa kahibangan ko sa kaniya?
Pinunasan ko ang eyeliner na bahagyang kumalat sa ilalim ng mata ko. Sa lahat ng bagay na pwede kong baguhin, sarili ko pa talaga ang pinili ko.
Nakakaawa na siguro akong tignan sa ibang tao.
Sinuri ko ang buong itsura ko sa salamin at napagtantong sapat na rin siguro ang panahong para piliin ko naman ang sarili ko. Kasi kahit saang anggulo tingnan nagmumukha na akong tanga sa paningin ng lahat, lalo na sa lalaking gustong-gusto ko.
Mukhang suntok sa buwan ang katuparang magustuhan nito.
Nagpalit ako at kinuha ko ang pinakasimpleng damit na nakita ko. Hinati ko ang mahaba at straight kong buhok sa gitna. Unti-unti kong tinanggal ang mabibigat na make-up sa mukha ko, hindi na rin ako naglagay ng foundation. Napansin kong natural na makinis ang balat ko, at bahagyang pinkish ang mga labi dahil minana ko iyon sa nanay ko.
Tumingin ako sa salamin at para bang may bagong tao akong nakita. I was amused of how I look para akong nagpalit ng anyo. Gone with that smokey eyeshadow and red lipstick. Para akong bumalik sa pagkateenager. I looked so innocent and youthful. Ngayon ko lang talaga naappreciate ang natural kong ganda.
I choose the colored beige dollshoes na simple at mas komportable sa paa. Habang tinitingnan ko ang mga stilettos ko, bigla kong naisip, baka sa susunod ay ipapabenta ko na ang lahat ng mga gamit ko para naman mapakinabangan pa.
Maaga pa lang ay tumulak na ako papunta sa paborito kong parlor sa Santa Cruz. Nang makapagbayad sa Taxi ayon at nakita ko agad si Paul o si Paula na abala sa pakikipaglandian sa bagerong nagde-deliver ng tubig.
Nakangiti at palihim na hinaharot. Napailing na lang ako. Wala talagang pinapalampas ang isang ito.
"Hi Mamang," bati ko rito habang papalapit.
Una, hindi niya ako pinansin. Napangiwi ako, akala ko hindi niya ako nakilala. Pero ilang segundo lang, nanlaki ang mga mata niya at napa-'O' ang bibig. Tuluyan niyang initsupera yung lalaki na kanina lang ay pinapaligiran niya ng kilig.
Napasign of the cross pa siya sa harap ko.
"Madre de Dios! Perlas, ikaw na ba 'yan?!"
Natawa ako. "Mamang, parang nakakita naman ho kayo ng multo."
"Naku! Pearl! Pasok ka, dali! Anong nangyari sa 'yo?! Nakakaloka ka, inday!"
Pagkapasok namin, agad tumunog ang chime sa pinto hudyat ng panibagong kliyenteng dumating.
"Pearl?"
Bigla akong napabaling sa may maiksing buhok na si Ligaya. Nakapamaywang na siya at para akong sinuri mula ulo hanggang paa. Bilog na bilog ang mata niya. Para akong bangkay na bumangon mula sa hukay.
"Ay, anak ng tokwa!" halos pasigaw niyang sabi. "May nangyari ba sa'yo, Pearl? Naalog ba ang utak mo? O bigla kang tinamaan ng kidlat? Nagka-amnesia ka ba?!" sabay hawak niya sa dibdib.
Napalunok ako. "Hindi—"
Napaigtad ako at napapikit sa lakas ng sigaw niya.
"Sinasabi ko na nga ba, hindi ikaw si Pearl! Impostor ka! Doble Kara?! Nagkapalit ang mukha!"
"Huminahon ho kayo," I chuckled.
"Hoy ang OA niyo mga baklush! Paupuin n'yo muna si Pearl!"
Mabilis akong hinila ni Mamang papunta sa lumang sofa, habang sinisipat pa rin ang buo kong itsura mula ulo hanggang paa.
Maliit lang ang espasyo ng parlor, pero kasyang kasya ang lahat. May tatlong salon chair na magkakatabi sa harap ng salamin, na may mga ilaw sa gilid na kunwari pang Hollywood-style pero halatang palyado na ang iba. Sa likod noon, may mahabang mesa na puno ng bote ng hair treatments, alcohol, mga suklay, at gunting.
Sa sulok, may isang water dispenser, at katabi nito ang lumang cart na puno ng nail polish, lahat may label na halos nabura na sa katagalan. Sa dingding, may mga poster ng hairstyle noong 2005 pa, kasama ang isang luma pero naka-frame na photo ni Mamang kasama raw ang isang artista.
Maayos ang paligid, tahimik at walang kahit sinong dumaraan. Wala rin namang ibang pumapasok, pero ibinaliktad pa rin nila ang nakasabit na karatula para ipahiwatig na sarado ang salon sa mga oras na iyon.
Si Mamang, nakatayo sa likod ko, hawak pa rin ang suklay. Nakatingin siya sa salamin, pero hindi sa sarili kundi sa akin. Matagal niya akong pinagmasdan, para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Hanggang sa ngumiti siya.
"Ang ganda mo pala Pearl kahit wala kang makeup! Nakakaloka ka, 'day! Nagulat kami sa'yo!"
Mapakla akong napangiti. "Ako pa rin naman po ito, si Pearl."
"Nakakaloka ka, hija. Broken hearted ka ba?"
Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Hindi ko sinabi sa kanila ang totoong rason pero mukhang nahimigan na nila iyon.
Inayos niya ang isang hibla ng buhok ko sa gilid ng mukha, "Alam mo, Pearl, maraming ibang lalaki diyan mas mamahalin ka ng lubos sa kung sino ka talaga! Aba'y bakit mo kailangan ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal? Ang ganda ganda mo para magpakagaga sa isang lalaki!" mariing sabi ni Mamang.
Tama sila. It's better to wait for someone who will truly love me. Someone who will look into my eyes... I've come to realize that loving someone shouldn't feel like I'm constantly chasing or begging for my worth.
I don't want love that feels like a battlefield where I always end up wounded. I want the kind of love that stays without asking, and that sees me for who I really am. Someone who chooses me freely, completely, and without hesitation.
"Kuhh! Daig ng malalandi ang magaganda!" Ariela rolled her eyes as she flopped beside me on the couch, popping a chip into her mouth.
"Tumigil ka nga riyan, Ariela! Hindi sukatan ng pagmamahal ang galing sa landi, o dami ng nanligaw." sipat naman ni Mamang Paula.
Tumawa lang si Ariela. "Eh totoo naman, diba? Pwedeng na sa'yo na ang lahat. Beauty and brains ka nga, pero kung hindi ka marunong magpakita ng gilas, eh 'di laglag!"
"Ariela, mahalaga ang saya, oo. Pero kung puro kilig lang ang hanap mo, madali kang magsawa," she turned to me with a kind smile, "Huwag mong maliitin 'yung may ibang paraan magmahal. Hindi porket hindi mo paraan, mali na agad. Lahat tayo may sariling paraan ng pag-ibig."
I nodded slowly, appreciating her words. It was comforting to hear someone remind me that love isn't one size, especially coming from someone like Mamang Paula, who had clearly seen a lot of love stories, heartbreaks, and second chances in her lifetime.
"E, sa ating mga bakla wala namang forever, kasi wala naman tayong mga matres!" sabay-sabay nilang tawa pagkatapos ng biro ni Ariela.
"Ah, basta. Love will come when it's meant to. Basta ako ngayon, mahal ko ang sarili ko, at ang junakis ko. May tiwala ako sa Diyos. Siya ang bahala sa lahat."
Sabay-sabay kaming tumingin kay Mamang Paula, medyo nagulat sa biglaang pag-amin nito. Hindi namin alam na may anak pala siya. Malinaw na ito'y isang bagay na hindi pa niya nasasabi nang lantaran.
"May anak ka?!" gulat nilang tanong dito.
"Oo naman, mga inday," sagot niya. "Hindi ko lang masabi sainyo, pero super proud ako sa anak ko, ha! Mag-grade 2 na nga sa darating na pasukan!" kwento ni Mamang.
"Teka, alam ba niyang merlat na beki ang mudra?" singit ni Ariela.
"Gaga! Hellur? Malamang alam niya! Magpapajuntis ba 'yon kung hindi niya carry ang kabog ng lola mo?"
"Pasabog!" tili ni Ligaya, natatawa. "Iba ka rin, Mamang. Sa panahon ngayon, bihira na ang ganyan, tunay na pag-ibig, waley judgement, waley choz. Kaya respeto ako sa'yo."
Napaisip ako, ano kaya kung magpaanak na lang din ako?
Pwede naman, hindi ba? At least, kahit papaano, hindi ko na mararamdamang mag-isa ako. I'll raise my child with all the love I never got. I promise that I'll be enough for both of us.
Ang totoo niyan, I came from a broken family, although hindi naman nila ako pinagkulangan pagdating sa materyal na bagay. My parents already have families of their own. Mahal ako ni Mama, alam kong totoo 'yon. Pero mas mahal niya ang bagong pamilya niya ngayon. At oo, mas madali sa kanya ang piliin ang kagustuhan ng asawa niya kaysa ipaglaban ako.
Hindi kasi ako tanggap ng asawa niya. Ayaw niya ng paalala ng buhay na nauna kay Mama, kaya iniwan niya ako sa Lola ko at doon ako lumaki. Ang Lola ko ang siyang tanging naging kakampi, at tahanan ko. Naiintindihan ko naman si Mama, pero masakit para sa akin.
Nagdalantao sa murang edad ang Mama ko sa piling ng lalaking hindi na pwede sa kaniya. May asawa na si Papa noon. At kahit alam ni Mama, pinili pa rin niyang ipagpatuloy ang pagmamahalan nila. It was a forbidden love.
Alam ni Papa na anak niya ako. Pero kailanman, hindi niya 'ko tinanggap. Hindi niya ako ipinakilala isa rin sa mga anak niya. At hindi niya ako itinuring na bahagi ng kaniyang pamilya.
Isa siyang matagumpay na negosyante. Respetado. Pero isa lang siyang estranghero para sa akin. Pinaaral niya ako at binibigyan ng mamahaling bagay upang itikom ang bibig.
I let out a long sigh. Maybe Mama had done the same with Papa, forcing herself to love a man who never truly loved her back. And here I was, doing the very same thing... Sa ginagawa ko para lang din akong nanlilimos ng pagmamahal kay Range.
"Hindi ko masyadong ginupitan ang buhok mo," marahang wika ni Mamang Paula habang hinahaplos ang dulo ng buhok ko.
"Bagay sa'yo ang pantay lang at hanggang baywang ang haba. Mabuti na lang at hindi mo pinakulot ang buhok mong bruha ka. Sana hindi na ulit maalog iyang utak mo. Kapag nakakuha ako ng agency, ipapasok kita sa pag-aartista."
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Doon ko nakita ang isang babaeng matagal ko nang hindi nakikilala.
Makikita sa salamin ang isang babae na puno ng pagmamahal para sa sarili. Malayong-malayo sa babaeng binago ng pagmamahal kay Range. Malayong-malayo rin sa tipo niyang babae.
Hanggang sa pag-uwi ko, iyon parin ang laman ng isip ko. Bukas, sisimulan ko na ang proseso. Maghahanap na ako ng magiging buyer ng unit na ito.
Gusto kong lumipat sa mas tahimik at mas komportableng tirahan. Somewhere I wouldn't be reminded of my father every single day. Somewhere I can finally start over. Tutal, pera naman niya itong pinanggastos ko.
Hindi nagtagal ang paghihintay ko at bumukas rin ang lift. Walang tao sa loob kaya agad akong nakapasok.
Pinindot ko ang button sa sariling palapag ngunit muling bumukas ang pinto ng elevator. Isang matangkad na lalaki ang mabilis na pumasok. Nang tumingala ako para makita kung sino iyon, my heart nearly stopped.
Napakunot ang noo niya nang magtama ang mga mata namin.
Parang may kumurot sa dibdib ko. The air felt heavier the moment he entered. Dumampi sa ilong ko ang pamilyar niyang amoy. Bahagya akong umusod, pilit na gumagawa ng distansya. Kahit na marami naman talagang espasyo.
Pinirme ko ang paningin sa nagpapalit na numero sa taas ng elevator. Dumadasal na sana... pabilisin ang bawat segundo.
Naramdaman kong bumaling siya sa akin. Uminit ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagtitig niya. I panicked and picked up my phone and pretended to scroll, but no matter how hard I tried to focus and divert my attention, nasa kaniya pa rin ang isipan ko...
I held my breath. Hindi ko siya sinulyapan. Pero nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin. From my peripheral vision, I saw him glance away, only to look back again. My throat tightened. Pakiramdam ko, lalong lumiit ang espasyo ng elevator.
Humugot ako ng mababaw na hininga at marahang nagbago ng puwesto, pero hindi iyon nakatulong. The silence pressed in, habang umaangat ang elevator, ganoon din ang kaba sa dibdib ko, hindi humuhupa, kundi lalo pang tumitindi.
The elevator dinged. The doors slid open, and he shifted just enough to let me go first. Diretso akong naglakad, hindi na lumingon. Hindi ko kinayang tumingin pabalik.
Damang-dama ko pa rin ang presensya niya sa likod ko. At kahit papalayo na ako, hindi pa rin humuhupa ang t***k ng puso ko na para akong nasa isang karera ilang kilometro ang tinakbo.
Narinig ko ang pag-ring ng kaniyang telepono. He muttered a small curse, bago sinagot ang tawag. "Pabalik na ako."
Pagpasok ko sa unit, bitbit ko pa ang kaba, hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko, naghuhumiyaw ang puso, at halos hindi ko maramdaman ang sarili kong mga tuhod.