Pearl Angeline Napakapit ako sa kumot at marahang kumilos, pero gaya ng dati, mas lalo lang siyang kumapit. Para akong ibong gustong lumipad pero may tali pa sa paa. "Range," mahina kong tawag, halos pabulong. "May pasok ka pa, 'di ba?" Mas lalo pa niyang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Mainit ang hinga niya, mabagal, at halatang gusto pang magpahinga. "Bumangon ka na. Malalate ka na, anong oras na?" sabi ko pa habang pilit na inaalis ang braso niyang nakaipit sa bewang ko. "Mmm..." garalgal ang boses niya, paos sa antok. "I own distillery, Pearl. I have my own time. I can be late whenever I want. My employees can wait." Napasimangot ako. "Hindi magandang imahe iyan sa mga empleyado. Kahit may-ari ka, dapat ikaw ang unang nagbibigay ng halimbawa sa kanila." Narinig ko siyang tu

