Kabanata 10 Pearl Angeline Tahimik akong nakaupo sa isang maliit na upuan sa loob ng flower shop ni Amrose. Maaliwalas ang lugar, mabango, at maayos. Habang pinagmamasdan ko siyang maingat na inaayos ang mga bulaklak sa isang puting plorera. "So, paano pala 'yan magkakaroon ka na ng little baby Range?" tukso ng kaibigan ko. Halos mamula ang pisngi ko. Just the mere thinking of having his baby in my body makes my chest feel both anxious and strangely excited. And on top of that, it'll going to be my baby too. Napahinga ako ng malalim. "Hindi pa ako buntis." "Asus! Don na rin papunta iyon!" pang-aasar ng kaibigan ko. Napailing na lang ako dahil sa napaka advance ng mga iniisip niya. "May pangalan ka na ba? Paano kung babae?" Nagisip-isip siya. Mukha ngang siya pa ang excited kaysa

