Pearl Angeline Pumunta ako sa pinakamalapit na drugstore sa bayan. Hinatid ako ni Range hanggang sa shop, at nang dumating si Amrose para pumalit sa pagbabantay, saka lamang ako naglakas-loob na lumabas. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng mga tricycle na dumaraan at mga taong abala sa kani-kanilang gawain. May ilan na abala sa pag-aayos ng kanilang maliliit na pwesto, habang ang iba nama'y nagbubuhat ng mga paninda. Amoy ko pa ang halong usok ng tambutso. Hindi pa naman masakit sa balat ang sikat ng araw. Pagpasok ko sa botika, sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon at amoy ng gamot. Nakatayo ako sa harap ng estante, nagkunwaring nagbabasa ng mga label. Vitamins. Pain relievers. Cough syrup. Lahat ng iyon, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako narito. Humigpit an

