Pearl Angeline Humigpit ang hawak ko sa phone ko habang binabasa ang huling mensahe ni Range. Alam kong hindi siya magpapatalo. Ramdam ko ang kaba na unti-unting kumakapit sa dibdib ko, lalo na't kasama ko ngayon ang kapatid niya. Paano kung malaman ni Catherine ang tungkol sa amin? Naramdaman kong umayos ng tayo si Catherine sa tabi ko, hawak-hawak ang dress na pinili niya. Isinilid ko ang cellphone ko sa bag. "Pearl, what do you think of this color on me?" "Pretty," sagot ko, kahit halos walang lumabas na boses. She eyed me for a moment. "Are you okay? Parang namutla ka bigla." Pilit akong ngumiti. "Just a little tired. Pero ayos lang ako." "Hmm." Tumango siya, ngunit halatang nagtataka pa rin. "Let me just pay for this, okay? Wag kang aalis dito." "Sige." Biglang tumunog nan

