Pearl Angeline "What is it, Isabela?" Naalimpungatan ako, ang mata ko ay nagmulat sa mababa at kontroladong boses na iyon. May kaunting liwanag na sumisilip galing sa nakabukas na lamp. Gising pa siya? And he's still working this late at night? Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Ang katawan ko ay naninikip sa ilalim ng kumot. Ang pagod sa ginawa namin ay nag-iwan sa akin ng isang mabigat na pakiramdam sa katawan. "I told you not to call me unless it's urgent," Nakatayo si Range malapit sa glass panel, hawak ang cellphone, nakatalikod sa akin. Ang boses niya ay may bahid ng iritasyon ngunit may pag-alala sa boses nito. Huminga siya ng malalim, ang kamay niya ay nagsusumikap sa buhok niya habang nakikinig sa kabilang linya. Bago pa ako makapag-isip nang maayos, bigla

