GUIDANCE

2061 Words
ALTHEA, "I found her," biglang sabi ni Daddy. Were in the middle of dinner nang bigla siyang magsalita. Nagkatinginan kami ni Mommy then nalipat sa kaniya ang mga mata namin. "What are you saying?" naguguluhang tanong Mommy. "Si Amari. I found her, isa siya sa engineering students ko," aniya na nakangiti. He looks happy. "Akala ko ba, hindi mo na siya hahanapin?" seryosong tanong ni Mom. "I didn't. Pinagtagpo kami ng panahon. Natutuwa ako dahil, namana niya pala ang pagiging engineer ko. I'm proud of her," saad niya. Napayuko ako. Iyon ang course na gusto niya para sa akin, pero ibang course ang kinuha ko. Hindi naman kasi ako mahilig mag-drawing and, mahina ako sa math. Matagal ko nang alam na anak ni Daddy sa ibang babae si Amari. Actually, I don't like her. Plastikan lang ang pakikitungo ko sa kaniya. I don't like her because, siya na lang palagi ang iniisip ni Daddy. Para bang hindi niya ako anak. Natuwa ako no'ng sinabi niyang titigil na siya sa paghahanap kay Amari. But now? Umusbong na naman ang inggit ko sa kaniya. Ano na ang mangyayari sa akin? What if malaman na niya na anak siya ni Daddy Andrei? No! Hindi ko hahayaang makuha niya si Daddy. Hindi ko hahayaang magkalapit silang dalawa. "What is your plan, now?" tanong ni Mommy. "Hahanap ako ng paraan para magpakilala sa kaniya. Kailangan ko lang ng ebidensya na magpapatunay, na ako ang totoo niyang ama," sagot ni Daddy. "I thought, hindi mo na siya gugulohin, Dad. Sabi mo pa nga, hahayaan mo na siya dahil, mabait naman ang stepfather niya. And 'di ba, nangako ka na sa amin ni Mommy..." "Gusto ko lang na makilala niya ako, Althea. Karapatan kong magpakilala sa kaniya, hindi man siya sasama sa akin o hindi man niya ako kilalaning ama, at least nalaman niyang ako ang tunay niyang ama. Ayaw mo bang makilala ng lubusan ang kapatid mo?" "She's just my half-sister, Daddy. Hindi ko rin siya kailangang kilalanin because I already know her. And to tell you honestly, I don't like her!" "Althea..." "Excuse me." Padabog akong tumayo at umakyat papunta sa aking kuwarto. I hate her! sigaw ko sa aking isipan. Kahit kailan, hindi ko siya ituturing na kapatid! KENSHIN, Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naalala ko ang itsura ni Amari kahapon. Namumula siya sa galit at kulang na lang bubuga na siya ng apoy. I admit, nagagandahan ako sa kaniya. Maarte nga lang, pero siya lang 'yong maarte na nakakatuwa. Ang pagiging conyo niya at ang pagiging isip bata minsan. Nakuha niya ang atensyon at interes ko. Papunta na ako ngayon sa school, araw ng martes ngayon. Iniisip ko kung ano na naman ang pang-iinis na gagawin ko sa kaniya. Pero ang tapang niya, lumalaban at hindi nagpapatalo. Palagi siyang may bala, ang nangyari ako ang napikon sa kaniya. Pero nakabawi naman ako, sinadya ko talaga na asarin siya. Wala lang, gusto ko lang siyang magalit. Pagpasok ko sa gate ng school at nag-park ay lumabas na ako sa kotse ko. "Hi, Ken," bati sa akin ng mga kababaihan. Matipid akong ngumiti sa kanila at naglakad papuntang classroom namin. Pagdating ko sa classroom wala pa si Amari. Nag-sound trip na lang ako at sinubsob ang mukha sa armchair ko. Sa kalagitnaan ng pagsa-sound trip ko ay may tumatawag. Pagtingin ko, si Rox ang nasa screen. "What?" inaantok kong tanong. "Ano na, Ken? Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" bungad niya sa kabilang linya. "My decision is final, Rox. Hindi na ako tutuloy, kayo na lang. Ibabalik ko ang pera..." "T*r*nt*d* ka pala e! Wala ka sa ayos kausap, pumunta ka rito sa likod ng building ng school. Nandito kami." Napatayo ako at kunot ang noo na lumabas ng classroom. "Nandito kayo sa university?" tanong ko. "Oo, bilisan mo na," sagot niya. Nagmadali akong hanapin sila. Nasa isang park sila sa likod ng youth organization office. "Bakit kayo nagpunta rito? Puwede naman ako mamayang hapon. Bawal kayo rito," kabado kong sabi. "Ibigay mo na sa amin ang pera, ngayon namin kailangan. Ang ayos na ng usapan natin no'ng isang araw, tapos ngayon, biglang nagbago ang isip mo," ani Rox na salubong ang kilay. "Pasensya na. Aalis na rin ako sa grupo..." "Ano?! Nagbibiro ka ba?" tanong niya. "Hindi, seryoso ako. Hihinto na ako sa pakikipag-away at sa pustahan na 'yan. Ayoko na, pasensya na, Rox. Sana maintindihan niyo," kinakabahan kong sabi. Miyembro ako ng isang grupo na nakikipagbasag-ulo. Hindi siya gangster, isa itong clan organization. Nakikipag-away kami sa ibang clan at pera ang kabayaran nito kung sino ang mananalo. "H'wag ka sa akin magpaalam, Ken. Doon kay boss, bahala kang magpaliwanag. Akin na ang pera," sabi niya sabay lahad ng kaniyang kamay. "Rox, wala akong pera rito. Mamayang gabi, ihahatid ko at magpapaalam na rin ako," sabi ko sa kaniya. "Tsk! Tsk! Tsk! Paano ba 'yan Ken, alam mo ang patakaran ng grupo..." "Hoyy!" Sabay kaming napalingon sa isang sigaw ng babae na kilalang-kilala ko ang boses. At hindi nga ako nagkamali, it's Amari. Naloko na, baka magsumbong siya sa Dean na may outsider na nakapasok rito sa school. "Who are they?" tanong niya na nakaturo sa mga lalaki. "Hi, Miss Beautiful," nakangising bati ng mga ito sa kaniya. "Ewww! What are you doing here? Hindi kayo belong sa school na 'to. Your uniform is naiiba sa uniform namin," mataray niyang sabi. "Amari, umalis ka na rito. Ako ang pakay nila, may pinag-uusapan lang kami," singit ko. Kinakabahan ako, baka madamay pa siya. "H'wag kang maniwala diyan, miss. May kasalanan sa amin 'yang lalaking 'yan," sabi ni Rox. "Puwede ba, 'wag niyo na siyang idamay. Ako naman ang pakay niyo, 'di ba?" "Amari, umalis ka na," utos ko kay Amari. "No. Hindi puwede, isusumbong ko sila sa dean. Trespassing sila," pagmamatigas niya. "Amari, 'wag na. Baka mas magkagulo..." "Magkakagulo talaga tayo, Ken. At pati ang babaeng 'yan ay idadamay namin." Naloko na. "Who? Me? And what is may kinalaman sa away ninyo? Isusumbong ko kayo sa dean!" aniya. Tatalikod na sana siya nang hablutin siya ni Rox. "Eww! Don't touch me!" Tinulak niya si Rox at natumba ito. "Matapang ka ha!" "Rox, babae 'yan. Ako na lang ang harapin ninyo. Wala siyang kinalaman rito," singit ko. "Amari, umalis ka na kasi! H'wag na matigas ang ulo, please, leave us." "No, Ken. Hindi ako aalis, paano kung saktan ka nila?" Napangiti ako sa aking isipan. "Nag-aalala ka ba sa akin?" pilyong tanong ko. "Eww! Assuming!" Inirapan pa niya ako. "Tama na 'yan! Hoy, Miss maarte, umalis ka rito kung ayaw mong madamay," taboy sa kaniya ni Rox. "Kayo ang umalis rito, because you are not belong here," mataray niyang saad sa mga ito. "Amari, umalis ka na. Makinig ka naman..." "Hindi nga!" singhal niya. "Paano ba 'yan? Mukhang matigas ang ulo nitong, babaeng maarte na'to. Jude, hawakan niyo siya," utos ni Rox sa mga kasama niya. "Hep! Hep! Don't you dare, touch me. Makakatikim kayo sa akin," banta niya. Akala mo kung sinong matapang, sa kaartehan niyang 'yan? "H'wag kayong matakot sa kaniya, babae lang 'yan, mga hunghang!" singhal ni Rox. Lumapit ang dalawa kay Amari pero tumilapon ang isa matapos niya itong sipain. "Opps! Sorry, masakit ba Kuya?" tanong niya. Gusto kong tumawa pero nag-aalala na ako. "T*ng*n* ka! Nagtanong ka pa?" singhal ni Jude. Susuntokin na sana niya si Amari pero nakayuko ito. Saan ba siya natuto ng self defense? "Kuya, are you duling? Hindi mo ako nakita?" nang-aasar niyang tanong. Naiinis namang nakatingin si Jude sa kaniya. Ako naman ang hinarap ni Rox. "Ken yuko!" sigaw ni Amari. Yumuko naman ako at ang natamaan ni Rox ay si Sam. "Hala! Kuya, sinuntok ka ng kasama mo, oh. If I were you, I will punch him too," panggagatong niya. Baliw talaga. Tumalim naman ang tingin ni Sam kay Rox at sinuntok niya ito. "G*g* ka ba?! Bakit ako ang sinuntok mo?!" galit na tanong ni Rox. Hawak-hawak ang pangang natamaan ng kamao ni Sam. Nakita ko naman si Amari na nagpipigil ng tawa. "What is going on here?!" Sabay kaming napalingon at ang galit na mukha ng dean ang sumalubong sa amin. Naloko na! "All of you! To my office now!" Umalingaw-ngaw ang boses ni Dean. Sh*t! This is trouble! Lagot ako kapag nakarating ito sa parents ko. Pagpasok namin sa dean's office, tahimik kaming umupo. Hindi ako makatingin kay Dean dahil napakatalim ng kaniyang mga mata. "Miss Amari! Ano ang ginagawa niyo roon sa likod?" tanong kay Amari ni Dean Macquinto. "I-I was... just passing by, Dean. Nakita ko lang po sila na parang nag-aaway then, na-curious ako because, iba ang uniform nila. Hindi po ako kasali sa away nila, Dean. Believe me, po," kinakabahan niyang sabi. "Hindi ka nakisali? So, how can you explain this?" tanong ni Dean. Pinakita niya sa amin ang cctv footage. Kuhang-kuha ang senaryong pagsipa ni Amari kay Jude. "D-Dean, it's his fault naman e. Hahawakan niya kasi ako, that's why nasipa ko siya. And why sa akin kayo magagalit? Sila ang trespassing not me," pangangatwiran niya. "Dahil mali ang ginawa mo, Miss Amari. Instead na tumawag ka ng guards, nakisali ka pa sa gulo. I won't tolerate this behavior of yours, Miss Amari. Babae ka at youth president ng organization. At, anak ka ng owner nitong school. It's supposed to be that, you are the role model, pero nakikipag-away ka sa mga lalaki," sabi ni Dean sa kaniya. "Cresilda, tawagan mo si Mr. and Mrs. Van Art, now," utos ni Dean sa kaniyang secretary. "Dean," naluluhang sambit ni Amari. F*ck! Kasalanan ko 'to, nadamay pa tuloy siya. "The three of you? Why are you here? Sinong nagpapasok sa inyo rito?" tanong ni dean sa tatlo. "S-sa bakod kami... dumaan, Dean..." "Itatawag ko ito sa school na pinapasokan ninyo," putol ni Dean sa sasabihin nila. "How about you, Mr. Hernandez?" "Dean, it's my fault. Ako ang pakay nila, walang kasalanan si Amari. Dean, ako na lang ang parusahan niyo, 'wag na po si Amari," nakikiusap kong sabi. "Both of you, will have a punishment. Hindi kayo masu-suspend but, I will assign you to clean the cafeteria and washrooms..." "No way! It's so nakakadiri kaya, tatanggapin ko na lang ang suspension, Dean. Ayokong maglinis ng washrooms and cafeteria, eeww." "Miss Amari, gusto mo ba ang isang buwan na suspension?" tanong ni Dean sa kaniya. "No, po," nakayuko niyang sagot. Hayss! Bakit ka kasi nakisali kanina, pati ikaw tuloy mahihirapan. Wala man lang akong magawa. Mayamaya ay may kumatok sa pintoan at may mag-asawang pumasok. Siguro sila na ang parents ni Amari. "D-Daddy, Mommy," usal ni Amari. "What happened?" tanong ng Daddy niya. "Mr. and Mrs. Van Art, thank you for coming. May kaunting gulo lang ang nangyari and, involved ang anak ninyo," sabi ni Dean sa kanila. "What is it?" tanong ng Daddy ni Amari. Tahimik lang ang Mommy niya pero kita kong nagpipigil lang ito. Sa halip na sumagot si Dean, ay pinakita niya ang cctv footage. Nabigla ang Mommy ni Amari at hindi naman kaagad naka-react ang kaniyang Daddy. "Amari!" tawag ng Mommy ni Amari sa kaniya. "M-Mom," mahina niyang sagot. "What is this? Nakikipag-suntokan ka?" tanong nito sa kaniya. "Self defense, lang po Mommy," nakayuko niyang sagot. "Ahm, excuse me, po. Ma'am, Sir, walang kasalanan si Amari, ako po talaga ang may kasalanan. Ako po ang pakay nilang tatlo, and umawat lang po si Amari. Kaso, nadamay siya," paliwanag ko. "Dean, puwede ba naming maiuwi si Amari? Bukas na lang siya papasok, kung ano man ang consequences sa ginawa niya, hindi ako tutol roon," saad ng kaniyang Mommy. Masyadong seryoso ang Mommy ni Amari, samantalang ang Daddy niya ay kalmado lang at walang makikitang galit sa mukha. "It's okay, Mrs. Van Art. You can take her home. Bukas pa sila magsisimula sa kanilang punishment so, it's okay," sabi ni Dean. "Amari, let's go," tawag sa kaniya ng Mommy niya. Hinawakan naman siya ng Daddy niya at sabay na silang lumabas. Naiwan kaming apat rito sa loob ng Dean's office. "You can go home, now. Mr. Hernandez, mamaya ka magsisimula sa punishment niyo," sabi ni Dean sa akin. "Y-Yes, Dean. I'm sorry, hindi na po, mauulit," sabi ko sa kaniya. "You may leave now." Naglakad na ako palabas, nag-aalala ako kay Amari. Ano kaya ang gagawin sa kaniya ng Mommy niya? Sana okay lang, siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD