LIES BETWEEN REVELATION

1635 Words
AMARI DWAYNE, Finally, friday na. My punishment is done and makukuha ko na ulit ang gadgets ko and I'm not gonna commute anymore. Mommy, I'm gonna be a good girl na po, promise. Hayst! Pero, there is something bothering me. Sana, mommy will answer me now if mag-ask ako to her about my father. "Mom?" tawag ko outside the door. Later on, the door open. "Come in." Calmed na ang voice ni mommy. "Mommy, are you still mad at me?" tanong ko. "I'm not, Amari. I'm sorry if naging strict ako. Gusto ko lang na magtanda ka na. You're not a teenager, Amari. Ikaw na mismo ang nagsabi na nasa tamang edad ka na. Act like your age, anak," saad niya. Nagi-guilty ako. "I'm so sorry, mommy. I promise, it won't happen again," I said to her. She hug me so tight and kiss my forehead. "I love you so much, anak. Ayokong mapahamak ka, ayokong may mangyaring masama sa iyo, sa inyong magkakapatid." I nod my head. "Mommy, can I ask you something?" "What is it?" I take a deep breath. "Mommy, promise that you won't get mad," pakiusap ko. "I promise." "Mommy, gusto kong malaman ang name ng father ko," nakayuko kong sabi sa kaniya. Please, mommy tell me. Bumuntong hininga siya. "Amari, we already talk about this..." "Mom, please. I want to know, please, mommy. Kahit ngayon lang, promise, hindi na ako ulit mangungulit sa iyo about him." "Amari, it's not important. Hindi pa ba kami sapat ng Daddy Victor mo?" "Mom, hindi sa gano'n. Gusto kong malaman kahit pangalan niya lang, mommy. Karapatan ko naman iyon, right? Please," pakiusap ko sa kaniya. "Amari, please. Tama na, 'wag kang makulit." Kinuha niya gadgets ko at inabot sa akin. "Here, go back to your room," aniya. Bagsak ang mga balikat ko na tumayo at naglakad palabas. Bago ko pa naisara ang pinto, narinig ko ang sinabi ni mommy. "His name is, Andrei Ferrer." Andrei Ferrer? Daddy ni Althea? Si Sir Andrei? No! Maybe ibang Andrei Ferrer, tama. Mabilis akong pumasok sa room ko and I lock the door. I open my laptop and nag-research ako. Andrei Ferrer. Engineer, graduated from, LU university. Varsity player since high school and college. Professor... "He is my real father? Sir Andrei Ferrer?" Tumulo ang mga luha ko. I already met him, I already know him. How stupid! Kaya pala, the first time I saw him, iba ang kabang nararamdaman ko. Everytime na magtagpo ang mga mata namin, there is something inside of me. Si Althea, alam niya na magkapatid kami, pero hindi niya sinabi. She hates me. What should I do? Sumakit ang ulo ko bigla. Kailangan kong makausap si Sir Andrei. Kinabukasan... Sinubukan kong tawagan ang phone number ni Sir Andrei na nakuha ko sa files niya sa website ng school. Nakahinga ako ng maluwag nang nag-ring ito. "Hello, who's this?" tanong ni Sir Andrei. "I... This...is Amari." I'm nervous, kinakabahan ako. "Amari? Napatawag ka? May kailangan ka ba?" tanong niya. "Y-yes, sir. Can we talk, in private?" Matagal siyang nakasagot. "Okay, magkita tayo. I'll text to you the location," aniya at namatay na ang tawag. Mabilis aking nagbihis at kinuha ang bag ko. Wala sila mommy and daddy. Mabilis akong kumabas ng bahay at naglakad palabas ng subdivision. I received a text, galing kay Sir Andrei. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang restaurant. Later on, nakarating na rin ako sa restaurant na sinabi ni Sir Andrei sa text. Pagpasok ko, nakita ko kaagad si Sir Andrei. "S-sir," kabadong sambit ko. "Hi! Sit down. What do you want to eat?" tanong niya. "Nothing. I'm not hungry," saad ko. "Okay. So, bakit gusto mo akong makausap, Amari?" "Do you know my mom?" I directly asked him. Natigilan siya at napalunok. "W-why?" "Please, answer me. Yes or no?" "Yes!" Nagsimula nang mamuo ang mga luha ko. "Do you have a relationship, before?" "Yes!" Tumulo na ang mga luha ko. "Amari, why are you asking this?" "Nagkaanak ba kayo?" tanong ko. "Amari..." "Please, Sir Andrei, I want to know the truth..." "Fine. Yes, I know your mother, and we had a relationship before. And yes, we had a child but..." "But what?" putol ko sa kaniyang sasabihin. "Nakipaghiwalay siya sa akin at sumama sa ibang lalaki, sa Daddy Victor mo." Natigilan ako at napanganga. "No! That is not true! Nagsisinungaling ka! Hindi totoo 'yang mga sinabi mo!" "I am telling the truth, Amari. Sinubukan ko pa ngang habulin siya, pero iniwan na ako ng mommy mo. At huli ko nang nalaman na buntis siya at ikaw 'yon!" "Stop! You're lying, ikaw ang nang-iwan kay mommy. Ikaw ang nakipaghiwalay dahil girlfriend mo ang best friend ni mommy!" "No, Amari. Believe me, sa akin ka maniwala. Pinakulong pa nga ako ng mommy at daddy mo dahil gusto kitang kunin sa kanila. Kung hindi lang sana ako nakulong, baka matagal na tayong nagsama. I swear, Amari. Hinabol ko kayo, pero tinalikuran ako ng mommy mo." Nagugulohan ako. Hindi ito ang sinabi ni mommy, wala siyang sinabi sa akin na nakulong ang real father ko. "Aalis na ako," saad ko at mabilis na lumabas sa restaurant. Pumara ako ng taxi at umuwi. Pagdating ko, nasa garahe na ang kotse nila mommy. Pagpasok ko, nasa sala silang lahat. "Amari, saan ka galing, anak? Kanina ka pa namin hinihintay..." "Bakit kayo nagsinungaling sa akin?" tanong ko kay mommy. "Amari, what are you saying?" "Mommy, tama na ang pagpapanggap! Bakit kayo nagsinungaling sa akin? Bakit hindi niyo kayang sabihin sa akin ang totoo? Dahil ba ayaw niyong malaman ko na sumama ka sa ibang lalaki?" "Amari Dwayne!" Buong pangalang tawag sa akin ni Daddy. "Amari, saan mo ba nakuha ang mga impormasyong 'yan?" "Nakipagkita ako kay Sir Andrei. Si Sir Andrei na prof namin. How stupid I am! Matagal ko na palang nakita ang totoo kong ama. Matagal ko na pala siyang kilala. Kung sana ay sinabi ninyo sa akin noon pa lang, e 'di sana nakasama ko na siya!" "Amari, hindi gano'n kadali iyon. Anak, may mga bagay na nangyari noon. At hindi ko kayang sabihin sa iyo dahil ayoko siyang magmukhang masama sa iyo..." "Siya o kayo? I know everything, mommy. You left him at sumama ka kay Daddy Victor. That was the time na buntis ka at ako 'yon." "Amari, hindi 'yan totoo. Hindi 'yan ang kwento anak, maniwala ka." "Then tell me, mommy. Kasi ilang beses ko kayong tinanong about my self, but you keep on avoiding. Ayaw niyong pag-usapan. Why? Why mommy?" "Dahil muntik na akong mawala sa buhay mo! Sa inyo ng Daddy Victor, mo. Two years, Amari, two years akong nakahilata sa ospital dahil sa kagagawan ng lalaking iyon! Kinidnap ka niya, sa gabi mismo ng first birthday mo. Masaya kaming nag-celebrate sa birthday mo, kasama ang grandma and grandpa mo. Nang biglang, nawalan ng ilaw ang buong bahay. Nag-panic kaming lahat, pagbalik ng ilaw ay mas nag-panic kami dahil wala ka na. Para akong mababaliw sa gabing iyon, Amari. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin, namin. Iyon pala ay kinuha ka ng magaling mong ama at ilalayo na sana sa akin. Amari, sinakripisyo ko ang buhay ko para sa iyo. No'ng ni-rescue ka namin ng daddy mo, nagkaroon ng barilan. Ilalayo na sana tayo ng lalaking 'yon, pero dumating ang Daddy Victor mo at iniligtas tayo. Pero alam mo ba kung ano ang nangyari? Babarilin niya sana ang Daddy Victor mo na hawak-hawak ka. At dahil sa takot ko na baka kayong dalawa ang mawala sa akin, sinalag ko ang balang sa Daddy Victor mo dapat. At dahil doon, nag-agaw buhay ako, Amari. Na-comatose ako ng dalawang taon na muntik nang bawian ng buhay. Amari, hindi alam ng taong inakala mo ay nagsasabi ng totoo, ang mga pinagdaanan ko. Ngayon mo lang siya nakilala, Amari. Kami, ako na sarili mong ina, na nag-alaga, nagpalaki at nagmahal sa'yo, ayaw mong paniwalaan. Ang Daddy Victor mo, simula't sapul, siya na ang tumayong ama sa iyo. Kung hindi dahil sa kaniya, siguro, wala ka sa mundong ito, siguro wala ako at ang mga kapatid mo. Ngayon, tell me! Tell me that all this time ay nagsinungaling kami sa'yo. Amari, hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ng magaling na taong 'yon sa iyo. Bakit ka nagkaganiyan? Sa kagustohan mong malaman kung sino ang ama mo, ngayon ako ang gagawin mong sinungaling? I'm sorry, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa iyo ang mga bagay na ito. May dahilan ako, Amari, at iyon ang ayaw ko na sana pang alalahanin. Masakit para sa akin na tawagin mong sinungaling. Naniwala ka kaagad sa kaniya, paano kung sinabi niya iyon para kamuhian mo kami at lumayo ka sa amin? Sasama ka sa kaniya? Sa tingin mo, tatanggapin ka ng asawa niya na kaibigan kong traidor? Sa tingin mo, ituturing kang kapatid ng anak nila? Sa tingin mo, magiging maayos ang buhay mo kung makilala mo ang tunay mong ama? All this time, I cared for you, Amari. Wala akong ibang inisip kun'di ang mapabuti ang buhay mo at ikaw. Oo, naging strikta akong ina, pero ginagawa ko lang iyon dahil ayokong lumiko ang landas ninyong magkakapatid. Dahil ayokong lumaki kayo na pariwara, na parang walang magulang. Lahat ng pagmamahal ko binigay ko sa inyo. Dahil ayokong maranasan ninyo, lalo ka na, ayokong maranasan mo ang mga naranasan ko noon." Tinalikuran kami ni mommy at umakyat siya sa taas. Hindi ako nakapagsalita. "Go to your room, Amari," saad ni Daddy. Wala sa sarili akong humakbang at umakyat. Pagdating ko sa room ko, doon lang bumuhos ang mga luha kong natigil. Am I a bad daughter? Mali ba ako? Gusto ko lang naman makilala ang tunay kong ama. I never expected this to happen. Nasaktan ko si mommy. I hurt her so much...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD