AMARI DWAYNE,
The next day, nagising ako sa noise ng alarm clock ko. I stretched my body and took a quick shower and got dressed. When I came down, Mom and Dad were already in the dining room, with the twins. I approached and greeted them warmly.
After eating, I said goodbye to them. I took a taxi papuntang university. When I arrived, I went straight to our classroom. Just then, Ken entered in our classroom. He was holding a three pieces of red rose and one box of chocolates.
"Para kanino kaya 'yan?" One of my classmates ask.
"Amari," Ken called my name. I raised my eyebrows to him.
"What?!
"Ahmm... P-peace offering ko sa 'yo." I looked at him. Shocks! My heart beat so fast and I feel a butterfly on my stomach.
"Ang sweet!" Shaira said.
"I'm sorry. I'm sorry for everything I've done to you. I'm sorry for...kissing you and I'm sorry because, you are grounded. And lastly, I'm sorry kung inaasar at iniinis kita at kahapon, sorry sa ginawa ko. Mapapatawad mo pa ba ako?" he asked.
He is serious and sincere in what he said. I take a deep breath and think, if magmamatigas pa ako, forever enemies na kami. What's the point?
"Sis, tanggapin mo na. H'wag choosy, si Ken na ang nagpakumbaba," bulong ni Shaira. Shaira is right, this guy in front of me, set aside his pride.
"Okay, apology accepted. But if, aasarin mo pa rin ako. May kalalagyan ka na talaga sa akin." He smiled sweetly. Inabot niya sa akin ang flowers and chocolate. My favorite!
"So, friends na tayo?" he asked.
"Hindi!" mataray kong sagot.
"Kidding! Yes, were friends!"
"Thank you," masayang aniya.
"Sis, sa akin na 'tong chocolate mo, ha? Bawal ka nito, magkaka-diabetes ka," ani Shaira at hinablot ang chocolate ko.
"Hoy! Akin yan! Ken, 'yong chocolate ko!" sumbong ko kay Ken. Uma-acting pa ako na naiiyak.
"Shaira, bibilhan na lang kita. Ibigay mo na 'yan kay baby Amari." Laglag ang underwear ko, este panga ko dahil sa kaniyang sinabi.
"Nakss! Baby mo pala si Amari, Kenshin?" tanong ng isa sa mga classmates namin. Feel kong nanginit ang pisngi ko. Why naman niya ako tinawag na baby? Mukha ba akong baby? Don't do this, Ken. May something na akong nafe-feel for him. Yes! I admit it. This can't be! This is wrong!
After class, kasabay naming nag-snack si Ken. Treat niya ang foods namin, natuwa naman ang two best friends ko dahil hindi na raw sila gagastos. Well, sa aming tatlo ako ang magastos. I admit, mahilig kasi akong kumain and bumili, anything I want. In the middle of our snacks and chitchats, Althea came.
"Hi... Ahm, can I join to your table? Wala na kasing vacant e, and mag-isa lang ako," maarte saad niya. Tiningnan ko muna ang mga friends ko. Their eyes says, no. Pero ayokong maging bad to Althea.
"Ahm... Yeah, sure," saad ko.
"Thank you, Amari. Tama pala ang mga naririnig ko, kahit na mataray ka, may kabaitan ka pa ring taglay," aniya. Umupo siya sa tabi ni Ken, kahit masikip na. Pasimple akong tumingin sa paligid. May vacant chairs and tables pa naman. Tsk! Gusto niya lang makatabi si Ken.
"Ahm... Althea, 'di ba Ferrer ka? So, father mo si Sir Andrei, right?" tanong ni Sandy.
"Yupp! He is my father," sagot niya na nasa food niya ang kaniyang attention. So, I'm not wrong pala sa aking hinala.
"Hmm... Bakit, hindi engineering ang course mo?" Tahimik lang akong nakikinig, Sandy is chismusa kasi. Si Ken naman, obviously, hindi siya mapakali sa kaniyang inupuan. Pilit kasi na dumidikit si Althea. Higad!
"Well, kasi ayoko sa course na 'yan. Bukod sa hassle siya, mahirap pa. And, may sumunod naman sa yapak ni Daddy as engineer. Ang anak niya sa labas." Nagkaroon ng awkward scenario. Meaning, may kapatid siya sa labas?
"May kapatid ka sa labas?" tanong ni Shaira.
"Yes! A girl. To be honest, I don't like her. Sana nga 'wag na silang magkakilala ni Daddy."
"Bakit mo naman nasabi 'yan? Ayaw mo bang makilala ang kapatid mo? Kahit na anak lang siya sa labas, magkadugo pa rin kayo."
"No way! And never! Kilala ko siya, and kilala siya ni Daddy. Siya lang ang walang alam na half-sister niya ako and Daddy niya si Daddy Andrei."
"Why naman you hate her?" singit ko.
"Dahil, bata pa lang ako, siya na lang palagi ang bukambibig ni Daddy. That feeling na, kahit hindi siya kasama sa family is ini-insert siya ni Daddy. And most of the time, siya ang topic nila ni Mommy. Para bang, wala ako sa tabi nila. Masakit para sa akin na, kahit nandiyan ako, siya pa rin ang hinahanap-hanap ni Daddy. And now, na nakita na ulit siya ni Daddy. Magkakaroon na naman ako ng kaagaw. And worst, Daddy was proud of her. Kasi soon to be engineer ang anak niya sa labas! Kailanman ay hindi naging proud si Daddy sa akin. Kaya naiinggit ako sa kaniya, and I wish, na hindi niya malaman na anak siya ni Daddy." Natahimik kaming lahat. Kawawa naman ang babaeng 'yon. Her sister don't like her. Hindi naman niya siguro kasalanan kung naging anak siya sa labas. I can't blame Althea rin if nasasabi niya ang mga 'yon. If ako rin ang nasa part niya, baka gano'n rin ang mararamdaman ko. Bigla kong naalala ang biological father ko. Hinahanap niya rin kaya ako? May family na ba siya and anak? Anong itsura niya? Sabi ni Mommy, nakuha ko sa real father ko ang talino ko. Pero kay Daddy Victor ko nakuha ang hugis ng mukha ko dahil siya ang pinaglilihian ni Mommy. Kaya hindi masasabing hindi ako real daughter ni Daddy Victor.
I wish, makikita at makilala ko ang real father ko. Ang sabi kasi ni Mommy, sa abroad na raw siya nakatira. Nagtanong ako sa name niya pero ayaw sabihin ni Mommy. I wonder, kapag pinag-usapan namin siya or magtanong ako about him, umiiwas si Mommy. Ayaw niyang ik'wento. I hope, I can meet him soon. There is a part of me na kulang. Maybe because, I want to meet my real father. Kahit name na lang niya. Sana if magtanong ako ulit kay mommy, sasabihin niya ang totoo. I want to know about my real father. His name and his face and the reason why naghiwalay sila ni Mommy.