Day 28
I'm here again waking up in the place that I wanted to be. Matapos kong lumabas sa hospital ay dito ako hinatid ni mommy she want me to stay here like what I wish for. Ayaw nya daw magkaregrets ako but she give me a deadline. Tatlong linggo lang at pagkatapos ng tatlong linggo uumpisahan na ang operation ko.
France
************
" Tita Matilda ako na po " akmang kukunin nya rito ang hawak hawak nitong kutsilyo. Nasa kusina sila ngayon at naghahanda ng tanghalian.
" Just sit their and relax wala kang ibang gagawin France kundi panoorin lang ako " nakangiting sambit nito sa kanya.
Kinuha nito ang isang sibuyas at nagimula na uling maghiwa.
" Tita Matilda I want to help "
" You don't need to France bisita ka rito "
Sabay silang napatingin ni Tita Matilda sa bagong dating. He's wearing a white shirt and a simple jersey short. Halata rin ang pagod at pawis sa katawan nito.
" Saan ka galing Dave?" Intriktong tanong no Tita Matilda rito.
Mabilis naman siyang tumayo at lumapit rito. Kinuha niya ang panyong laging nakasuksok sa bulsa niya. Ugali na kasi niyang kahit nasa bahay lang siya ay may dala dala pa rin siyang panyo.
Mabilis na pinunasan niya ang pawis na nasa mukha nito.
" Thank you France " nakangiting pasasalamat nito sa kanya.
Napahinto naman siya at napalayo ng kaunti rito.
" I'm sorry nakasanayan ko nalang " nahihiyang sambit pa niya. Lagi kasi niyang ginagawa ang bagay na iyon sa tuwing pawisan si Dave galing sa paglalaro.
" It's ok France I understand "
" Here " inabot nalang niya rito ang hawak hawak niyang panyo na kaagad naman nitong kinuha.
" Thank you "
" Asan naman ang anak mo Dave?" Biglang tanong ni Tita Matilda rito.
" Nasa garden kasama si Lisa " banggitin nito sa pangalan ng nag-iisa nilang kasambahay sa bahay.
" Mabuti pa France kaysa nandito ka bakit di mo nalang laruin ang apo ko malilibang ka pa " Pagtataboy ni Tita Matilda sa kanya.
Ngumiti naman siya at tumango rito. Pasimple pa niyang tinignan ang reaksyon ni Dave pero wala siyang nakitang kahit na anong pagtutol sa mukha nito bagkus ay isang ngiti pa ang nakita niya sa mga labi nito.
Nilagpasan nalang niya ito at naglakad papunta sa garden ng bahay. Nadatnan niya ang anak ni Dave at si Lisa.
" Ako na dyan Lisa " sambit niya sa kasambahay na matanda lang ng limang taon sa kanya. Ayaw kasi nitong nagpapatawag ng ate dahil tumatanda daw ang pakiramdam nito.
" Mabuti pa France tutulungan ko lang si ma'am Matilda sa kusina "
Kinuha nya ang anak ni Dave at sinimulan ng laruin. Kung titignan ang itsura nito. Marami itong nakuhang features kay Dave. Pagdating sa mata at ilong.
" Your cute " nakangiting pinisil nya ang isang pisngi nito. Tumawa naman ito ng mahina dahilan para mapangiti rin siya.
Ganitong ganito ang pangarap nya noon sa kanila ni Dave pero masakit nga lang dahil hindi siya ang ina ng anak nito.
" Hello baby " masayang kausap nya pa rito.
Tumitig naman ito sa kanya maya maya lang ay ngumiti ng muli.
Kinuha nya ang isang laruan nito at nilagay sa kamay nito. Inumpisahan na nitong ngatngatin ang laruang hawak hawak.
Kukunin nya na sana ang laruan ng may pumigil sa kamay niya.
" Let him " nakangiting sambit sa kanya nito.
" Dave " hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanila. Masyado siyang nagenjoy sa pakikipaglaro sa anak nito.
" Let him do that Fance "
Akmang ibibigay na niya ang bata rito ng umiling ito sa kanya.
Nakangiting pinagpatuloy na lang niya ang pakikipaglaro dito.
" This is my dream Dave " wala sa sariling sambit niya rito.
Nahinto naman ito sa pagaayos ng iba pang laruan ng bata.
" I know but you left France "
Gusto niyang makahimig ng kahit na konting galit sa boses ni Dave pero wala na talaga. It's just like a normal statement no emotion at all.
" I need to "
" And we have our life now France " maikling sambit pa nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tumitig sa mga mata nito. Binigyan niya ito ng isang ngiti.
" The one thing that I regretted the most is that I didn't say goodbye " sa loob ng taong lumipas iyon ang pinakahigit na pinagsisihan niya at alam niyang gagawin nya uli iyon. Alam niyang pagkalipas ng tatlong linggo maglalaho nanaman siya na parang bula sa buhay ni Dave at hindi niya alam kung magagawa pa ba niyang makabalik rito.
Ngumiti ito at kinuha nito ang anak nito sa kanya. Ngayon ay kalong kalong na ni Dave ang anak nito.
" It's my fault France hindi ko binigay ang gusto mo at that time you want us to get married pero ayaw ko because I need to prove something for myself. Gusto ko munang ipakita sa parents natin na stable na ko before I ask your hand " hindi ito nakatingin sa kanya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Patuloy lang nitong nilalaro ang anak nito.
Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Three weeks bago siya umalis noon. Nalaman na niya ang tungkol sa kundisyon niya at sinubukan niyang maging makasarili. He ask Dave to marry her pero tumanggi ang binata. Tumatak sa kanya ang sinabi ni Dave at iyon ang naging dahilan kung bakit pinili niyang umalis ng walang paalam.
" But it didn't happen, are you happy now?"
Binalingan nito ang tingin sa kanya at ngumiti ng malawak.
" I am dahil dumating na ang matagal ko ng hinihintay "
Right dumating na ang babaeng mamahalin nito ng wagas at may tiwala siya kay Dave alam niyang aayusin nito ang relasyon nito sa ina ng anak nito.
" I always wish for you happiness Dave " because your happiness is my happiness dahil ganon kita kamahal Dave. Ganon kita kamahal.
Day 28
Marami kaming napagusapan ni Dave tungkol sa buhay niya sa nakalipas na taon at pakiramdam ko kilalang kilala ko na ang ina ng anak niya. Habang kinukwento ni Dave ang tungkol rito kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. Dave is happy that's the only thing that I want to know. Gusto kong maging masaya siya kahit na wala ako sa tabi niya and he made it. He made to found the woman who can stay on his side forever at alam niyang kahit kaylan hindi magiging siya ang babaeng iyon.
France