CH. 2: Ang Unang Araw

1969 Words
MISHAEL SABI nila, kapag sa school, ang first day ang pinakarelax moment mo. Wala kasing masyadong gagawin dahil puro introduction lang naman. Meet with the teachers at sa mga kaklase mo. Nung nag-aaral ako, may mga times na nangyari din ang mga ganung moments. But in my case right now, iba naman ang pangyayari. Hindi na kasi 'to school na puro introduction lang. This is a real adult s**t.  "Welcome to Magiting-Puno law firm, Atty. Mishael Ayala. We are so pleased to have you here. Thank you for joining our firm,"  sabi ng boss kong si Atty. Dorothy Aquino. Isa sa mga Senior Associates sa firm na 'to. Nakipagkamay ito na agad ko namang inabot. "Pleasure is mine, Attorney. Thank you as well for accepting me here," nakangiting sabi ko. "Thank your good records, Attorney. You really are actually beautiful in person. I thought you're just photogenic." Sanay na ako sa mga papuri kaya wala na sa akin ang sinabi ni Atty. Aquino. "Thank you po," magalang na sagot ko. Maganda din naman si Atty. Aquino at kung hindi ako nagkakamali, magkasing-edad lang ata kami. "Oh no, don't po me. We are just in the same age." Sinasabi ko na nga ba. Ngumiti lang ako. Nakakahanga din, kasi ang bata pa nya para maging Senior Associate. Siguro magaling nga itong abogado. Pero infairness, ang kamay ko, hindi pa nya binibitawan. "Know what, since you're new here in the Philippines, have a dinner with me tonight." She's not asking, she's commanding me to do so. Naku, medyo may attitude yata itong new boss ko. "Ah, I'm not really new here in the country. We just migrated 10 years ago in Brazil due to some personal reasons," I informed. If she really read my portfolio, alam nya sanang hindi ako dayuhan sa bansa. Pasimple kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya. "Tsaka I'm sorry, Attorney. I have plans already with my old friends tonight." Hindi sa tumatanggi ako pero totoo talaga, magkikita kami ni Marcris "Ici" Lopez mamayang gabi. "Oh, is that so?" Mukhang hindi naman sya disappointed. Nakahinga ako ng maluwag. "Tomorrow night then. I'm sure wala ka ng lakad nun," nakangiting sabi nito. Well, wala nga. Paano kaya nya nalaman? May pagkamaghuhula ba ito? Medyo mapilit din sya 'no? "Okay," sagot ko na lamang. "Good. I'll remind you tomorrow para hindi mo makalimutan," sabi nito at umupo na sa upuan nya. Tumango na lang ako at ngumiti. Hilaw na ngiti. Boss ko 'to eh kaya kung kaya lang naman, bawal muna tumanggi.  "I'll go back to my office," sabi ko at tumango naman ito. Paalis na ako ng marinig kong tinawag nya ulit ako. "Ah, Atty. Ayala?" "Yes?" "Ahm... nevermind. You can go back now," sabi nya. Nagtataka man, umalis na lang ako sa opisina nya. Ito ang isa sa mga rason kung bakit mahirap maging isang adult. Dapat meron kang trabaho or business. Kailangan mong maging responsible. Kung nagtatrabaho ka at may boss, kailangang maging masunurin kahit pa nga minsan hindi mo tipo ang ibang patakaran o attitude nito. Hindi ko sinasabing naiinis na agad ako sa boss ko. Iyon nga lang, kung may mga weird kang nararamdaman, ipagsawalang bahala mo na lang kung wala namang concrete explanation. Lalo na evidence. Tsaka wala akong reklamo sa bagong boss ko. Maganda, sexy, kaedad ko kaso mukhang agresibo. Parang hindi naman ako nasanay, ano? Mas malala pa nga ang mga babae sa Brazil pero yun nga siguro dahil nasa Pinas ako, mas expect kong demure ang mga pinay kaso hanggang akala lang yata ako. Wala namang nakakaalam sa nangyari sa akin kahapon sa DA Bank. Tsaka hindi naman importante yun. Ang mahalaga ay ligtas ako at heto nga at nakapasok sa trabaho. Anyway, back to work. Nadaanan ko ang bagong secretary kong si Marikit Alquizar, yan ang pakilala nya sa akin kanina ng magkita kami sa office ko. Agad itong sumunod ng pumasok ako sa opisina ko. Nakaupo na ako ng magsalita ito. "Atty. Ayala, ito po yung mga kasong pinapahandle sa inyo ni Atty. Aquino." Nilapag ni Marikit ang mga folder sa mesa ko. Agad ko naman itong tinignan. "Nandito na ba yung pinaparesearch ko sa'yo kanina?" I asked her habang nag-i-scan sa laman ng folders. Oo, pinaadvance research ko na sya kanina. Gusto ko din kasing subukan agad ang kakayahan nito. "Yes, Atty.. Nandyan na po yung profile at background ng mga clients including sa mga taong kinasuhan at nangkaso po sa kanila." "Good job, Marikit," sabi ko sa kanya ng tingalain ko ito. I saw her smile. I could really use some hardworking person like her. "Yan lang po ba, Atty.?" Tanong nito ng busy na akong nagbabasa ng mga files. "Hale." "Po?" Tanong nya. "You can call me Hale, Marikit," nakangiting sabi ko sa kanya. Gusto ko kasing maging kumportable ito sa akin. Lalo na at sekretarya ko ito. Maganda din si Marikit. Sya yung dalagang pinay na morena. Bagay na bagay ang pangalan nitong Marikit sa kanya. Don't get me wrong, I'm just appreciating her beauty. I am not going to hit on her. Not that she's not my type, but there's only one person who owns my heart now. "Okay, Hale." Tango nya. "You can call me Kit as well. Masyadong mataas yung Marikit, eh," I heard her say. "But I like your name. It's so... makabayan." Nilinga ko ulit ito at nakita kong parang nahiya sya sa aking sinabi. "But if you like to be called as Kit, then no problem," pahabol na sabi ko. Tumango naman ito. "That's all, Kit. I'll call you if I will need anything." I dismissed her. Tumango ulit ito at umalis na. Ako naman ay naging abala na sa pagbabasa sa mga kasong binigay sa akin. Tatlo agad ang kasong yun. Isang battered wife, isang rich kid na binatilyo na kinasuhan ng rape at isang lalaking kinasuhan ng frustrated murder. Mabigat ang mga kasong yun pero magkakaiba naman ang mga trial dates. Malakas pa ang loob kong magkakaroon pa ako ng chance to make agreements for those cases. I called each of the clients kung available sila today. Luckily, they are all available. Nagschedule kaagad ako ng meeting para puntahan or makipagmeet sa mga ito. The rich kid binatilyo at ang lalaking kinasuhan ng frustrated murder, ay imi-meet ko sa office mamaya. Yung battered wife ay nag-agree na makipagkita sa akin sa isang coffee shop malapit sa boutique nito ngayon. Lumabas na ako para i-meet si Mrs. Pineda, ang battered wife. Binilin ko na lang kay Kit ang iba pang research na kailangan ko sa kaso.  Mabilis akong nakarating sa coffee shop kung saan gustong makipagmeet ni Mrs. Pineda. Nagpark ako ng maayos sa labas ng coffee shop pagkatapos ay pumasok na ako. Mas maaga ako ng 15 minutes sa oras na napag-usapan namin ni Mrs. Pineda. Gusto ko kasi lagi akong on time.  Ayaw na ayaw kong nalelate at pinaghihintay ang mga clients ko. Minus ganda points na yun kung nagpapacute ka sa isang tao but since this is the real thing, nakakadiscourage yung ganung habit. And it will give a bad impression to the clients. Kaya I always make sure that I am early before the clients arrive. Nag-order na ako ng kape at naupo sa isang bakanteng upuan sa sulok na malapit sa daan. I like watching things or people from the outside. Pag ganitong nauuna ako'y nawiwili ako sa kakapanood sa mga taong naglalakad sa daan.  Habang humihigop ako sa kape ko'y tinext ko si Mrs. Pineda sa eksaktong kinaroroonan ko at pati na rin ang suot at description ng aking sarili. Pagkatapos nun ay pinagmasdan ko ang paligid.  Maganda yung coffee shop. Maluwang at hindi pa masyadong crowded. Sabagay, maaga pa naman kasi para tumambay. Sa isang sulok ay may mga loner na mga estudyanteng naglalaptop, mga businessman and woman na nagdidiscuss or nagmimeeting. Pero ang nakadrawn sa attention ko ay ang dalawang teenagers na nagsasign language. Their hands are so quick that I don't understand why I'm getting entertained while watching them. Napaisip kasi ako, sa flexibility ng utak ng tao. Kung paano nagagawan ng solusyon ang lahat ng bagay. Gaya nito, sign language. Kung walang nakaisip nito ay paano na lamang makikipagcommunicate ang mga mga pipi at bingi?  I don't know how to do or understand sign language but I'm just amazed on how clever they are in communicating by just their finger and hand signs. Nakatingin pa rin ako sa dalawang teenager, na mga babae. Hindi naman sa nangingialam ako pero nacurious din ako kung anong pinag-uusapan nila. Natawa na lang ako sa sarili kasi wala akong naintindihan sa bilis ng mga kamay nila. Tapos tumayo na nga ang mga ito at aalis na ata. Sinundan ko pa rin sila ng tingin. Mas lalo akong nasorpresa dahil sa pag-alis nila ay may mga bitbit silang instrument cases. Kung hindi ako nagkakamali, case ng violin ang mga dala nila. Wow! Minsan talaga, kung sino pa ang may mga kapansanan sila pa yung mga music enthusiast. Well, may kilala naman akong walang kapansanan pero isang music enthusiast. Nagpeplay pa rin kaya ito ng saxophone? Amazed talaga ako sa dalawang teenager na may speaking disability, sinundan ko pa rin sila ng tingin hanggang sa dumaan sila sa daan na nasa tapat ko. Magagandang mga bata pa naman ito at masaya akong nakikitang masaya din sila habang naglalakad. Nakita kong tumigil ang mga ito ng saglit sa unahan dahil may parang binati sila. Isang matangkad na babae. Nakangiti itong nagsasign language din sa dalawang teenager. Nanigas ako sa kinauupuan ng makilala ko ito. Kahit nagkaedad na kami ay hindi ako maaaring magkamali kung sino ito. Nag-iba lang sya ng hair color at style dahil reddish na ang buhok nito at hanggang balikat na lang ang dating brownish at mahaba nitong buhok. Pero ang mukha nya, ang mukhang hindi ko makakalimutan kahit pa mabulag ako. Ang magandang mukha nyang lagi kong baon sa isipan at puso ko. Natulala akong nakaupo lang doon sa kinauupuan ko, habang nakatingin pa din sa kanyang ngiting-ngiting nakikipag-usap sa dalawang teenager kanina, gamit ang sign language. Hindi ko maintindihan ang samot saring emosyon na bumalot sa akin sa oras na yun. Ang dami kong tanong sa isipan. Totoo ba ang nakikita ko?  Oo, hindi ako nagkakamali na sya yan pero totoo bang hindi na rin sya makapagsalita kaya nagsasign language na lang sya? Ano nga ba talaga ang nangyari sampung taon na ang nakakaraan? Ganito ba kalala ang epekto ng mga pangyayaring yun? Hindi ko alam. Wala akong alam! Dahil wala naman ako sa tabi nya ng mga oras na yun. Iniwan ko sya nung mga oras na kailangan nya ako. May mukha pa nga ba akong ihaharap sa kanya? Ano bang sasabihin ko pagnagkita kami at ganyan nga ang sitwasyon nya? Gulong-gulo na ako. Ano nga ba ang gagawin ko? Nang marealize ko na ang gusto kong gawin which is gusto ko syang sugurin ng yakap pero bakit ganito? Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nataranta ako lalo ng naglakad na ito papalayo. Teka! Sandali! Sigaw ng aking isipan. Ang likod na lang nya ang nakikita ko ng nagkaroon ng lakas ang mga paa kong tumayo at habulin ito. Ngunit, "Atty. Ayala?" tawag sa akin ng isang ginang. "I'm Mrs. Pineda," pagpapakilala nito. "Excuse me for a while, Mrs. Pineda," paalam ko dito at tumakbo akong lumabas ng coffee shop. But I was too late. Hindi ko na makita ang taong nakita ko kanina. Wala na ito. Frustrated akong bumalik sa coffee shop. Nag-usap kami ni Mrs. Pineda. I swear to God pinilit kong magconcentrate pero hindi ko magawa. Alam ko na naman kung paano at ano ang gagawin sa kaso ni Mrs. Pineda, I just need to meet her in person to finalize everything. Ah, ang tanga ko! Sampung taon na nga ang sinayang ko! Nagkaroon na sana ako ng chance but I blew it! I can't wait to have dinner with Ici later. I'll make sure I will get all the personal information I needed to win her back. Kahit ano pa ang nangyari kay Yaci, napipi man ito o ano, I will still win her back. Yaci, wait for me. Please. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD