CH. 3: Ang Unang Rason

2163 Words
MISHAEL LAMAN pa rin ng aking isipan ang taong nakita ko kanina. Nakabalik na lang ako sa opisina ko'y tulalang nag-iisip pa rin ako kung ano nga ba ang aking dapat gawin. Should I just go to her and say that I still love her and I want her back? Or, Should I give up or just keep chasing pavements? Aish, kanta pala yun. Pero seryoso, wala akong plano sa pagbabalik kong 'to. Stupid, 'di ba? Bumalik nga tapos hindi pa pinaghandaan ang royal come back. Argh. May ideyang pumasok sa aking isipan. Agad kong tinawagan si Kit gamit ng teleponong nasa table ko. I dialed her extension at ni-loud speak ko lang ang phone. Isang ring lang and she picked up the phone. Impressive, maliksi din 'tong si Kit. "Kit, can you come here in my office?" "Right away, Hale," sagot nya. I ended the call at ilang segundo nga lang ay may kumatok. "Pasok." Bumukas nga ang pinto at iniluwa si Kit. "Yes, Hale?" tanong nya ng nasa harapan ko na sya. "From the scale of 1 to 10, 10 is the highest and 1 is the lowest, rate yourself on how good your research skills are?" tanong ko sa kanya. "Well, I can say I'm 9. Not to brag but I'm pretty good at that area," sagot nya. "I can see that." I said. "How about getting information about people's whereabouts?" "Ah, Hale. You mean stalking?" "No. Not really." Nakakahiya pala 'tong ginagawa ko. Baka isipin ni Kit ay isa akong weirdo. "Well, I'm good at research so I can work out how to get people's whereabouts." Sagot nya. "Uhm, that's good. Can you please check this person's whereabouts?" Nagsulat ako sa sticky notes at binigay sa kanya. Binasa nya ito pero sa isipan lang at tumingin na ulit sa akin. "Is this person, somehow related to the cases you are handling?" tanong nya. Ah, matanong din 'tong si Kit eh. "Of course," mabilis kong sagot. Tumango lang ulit ito at nagpaalam ng umalis. I just nod. Sinubsob ko na ulit ang sarili ko sa trabaho. Kung may mga bagong impormasyon na maibibigay sa akin si Kit ay mas magaling pa ito sa Private Investigator na hinire ko. Yes, I hired a P.I. pero wala namang nangyari. Ang mga nabigay lang nya sa akin ay mga basic information about her. Nothing that I don't know of. Mas lalo lang akong nasasaktan sa tuwing maalala ko ang mga impormasyong binigay nya sa akin. Sa mga larawang nakuha ng P.I. palagi kasing may isang taong kasama si Yaci. Yung babaeng bata pa lang kami ay kalaban ko na sa puso ni Yaci. Walang iba kundi si Paula. Hindi ko alam kung anong status ng relasyon nila ngayon. Isa lang ang sigurado ko, hindi pa kasal si Yaci. At kung girlfriend nya nga si Paula, aagawin ko sya dito. Bahala na. Nakalimot ako saglit sa kakaisip kay Yaci dahil dumating na ang binatilyong client ko kasama ang Ina. As usual, ang Ina lang nito ang maraming sinabi pero ang binatilyo ay nakatungo lang. Nag-usap kami about sa kaso. Pagkatapos nila ay naghihintay na rin ang lalaking kinasuhan ng frustrated murder. Mukha namang mabait ang lalake. Nagdilim lang nga daw ang paningin nya ng makitang may katalik na iba ang jowa nya. In short, yan ang napag-usapan namin. Mas marami kasi ang iyak nito. I never saw a real guy cried over this much to his girl. Mukhang apektadong-aprlektado talaga 'to sa nangyayari lalo pa't mataas na ang balbas at buhok nito. Nagmukha tuloy itong hermitanyo. Anyway, tapos na din kaming mag-usap ng client tsaka ko naalalang hindi pa pala ako naglalunch. Mga 2pm na siguro yun. Tsk. Tinawagan ko si Kit. "Kit," "Kailangan mo na ba, Hale?" tanong nya. "Ang alin?" "Yung pinapagawa mo sa akin. Workaholic ka din kasi eh. Hindi ka pa naglalunch." "Oo nga, eh. Itatanong ko sana kung kumain ka na." "Hindi pa," she said. "Ikaw din pala ang workaholic, eh," sabi ko at hinimas ang batok ko. Ah, nangalay ako dun ah. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Nakakahiya namang kumain kung hindi pa nagbibreak ang boss ko," wika nya. "Broken na 'to, Kit. Wala ng ibe-break sa akin." "Hala si Attorney. Humuhugot ka na rin po?"  Tumawa ako. "Samahan mo na lang nga ako maglunch. I'll be there in 2 minutes," sabi ko which she replied an "okay". Kinuha ko lang ang car keys, coat at wallet ko tsaka na ako lumabas. Agad na tumayo si Kit pagkakita sa akin. May dala pa itong folder. "What is that for? Kakain tayo. Hindi magtatrabaho." "Ha? Hindi. This is the information you ask me to gather." "Really? May nakuha ka?" I excitedly grab the folder from her. "Just basics, actually. Hindi naman ganun kadami," she said pero tumitingin na ako at nagbabasa sa laman ng folders. Nakalimutan kong saglit kung bakit nandito ako sa labas. "Ah, Hale? Gusto mo bang basahin muna yan sa opisina mo?" I heard her say. Shit. Maglalunch nga pala kami. "Ay, no. Mamaya ko na lang 'to titignan," I said at sinara ang folder. Ang excited kasi! "Let's go." Tumango naman si Kit at tsaka kami umalis. Nang tanungin ko si Kit kung saan nya gusto kumain ay ako na daw bahala kung saan. Kaya sa Yuan's kami pumunta dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakain dun. Yaci and I used to go there before. Sarap na sarap si Yaci sa bacon ng Yuan kaya nung dumating kami dun ay yun ang inorder ko. As usual, dun ako pumwesto sa nakikita ko kung saan naglalakad ang mga tao at daan. Kumakain na kami ni Kit when I told her about telling me more about herself. "Hindi interesting ang buhay ko," sabi nya. "Lahat ng buhay ng tao may kanya-kanyang istorya. So that means, interesting man o hindi, magkwento ka," sabi ko. Gusto ko lang makilala si Kit. Parang magiging mabuting magkaibigan kasi kami. Ramdam ko lang. "Anong konek?" natatawang sabi nito. I just shrug and smiled. "Alam mo, thankful ako na ikaw ang boss ko. I thought you are going to be that snob lawyer at laging nakasigaw sa secretary nya." "Really?" Kumunot ang noo ko. Nagsubo ng bacon at ngumuya bago ako nagsalita ulit. "Do I look something like that?" "Hindi," She chuckled. "Expectation versus reality nga, 'di ba? Mali ang expectations ko sa'yo. Mabait pala ang boss ko at maganda." "Binobola mo na ako nyan?" "Totoo naman," She giggled. Tsaka sya tumitig sa mukha ko. "What? Is there something on my face?" tanong ko sa kanya. "W-wala," sagot nya at nagpatuloy sa pagkain. "By the way, wag mong ibahin ang usapan. Kwento ka naman about you," I said. "Why are you so eager to know?" natatawang tanong nya. "Wala. Gusto lang kitang makilala ng lubos," Narinig kong umubo ito. "Nabulunan ka ba? Ito tubig oh. Hinay-hinay lang kasi," Tsaka ko inabot ang tubig at table napkin sa kanya. Uminom muna nga ito ng tubig tsaka bumalik ang conversation namin. "Why?" tanong nya. "What why?" I asked back. "Why do you want to know more about me?" She's looking at me in a way that is hard to decipher. "I just want to know more about my secretary's life. Is that wrong?" "Hindi naman," parang nahiya nyang tugon. "Well, if you insist. Get ready for the boring story of my life." Tumango ako and smiled. "Well, mag-isang anak lang ako. My family is from Pangasinan. I took the board once at hindi ako nakapasa kaya nandito ako ngayon, sekretarya mo," tapos tumigil na ito. "Yun na yun?" tanong ko sa kanya ng wala na ata syang balak dagdagan ang kwento nya. "I told you, boring ang buhay ko," She shrugged. "Tipid mo din, ano?" Hindi na sya sumagot at nagkibit balikat lang. Medyo nahihiya pa rin ata sya sa akin. "Bakit ayaw mo ng magtake ulit ng board exam?" tanong ko. "Hmm, natatakot na ako," Same reason ng mga bumagsak na noon sa board exam. Not to brag pero I took the board exam in just one take. Tsamba lang siguro din. "Sayang naman." "Nah. I'm actually happy of what I have right now. Kung hindi pa ako naging secretary, hindi kita makikilala," sabi nya. I smiled to what she said. "Don't worry I'll take care of you." Kumindat ako sa kanya. Nakangiting tumango din ito. "So, how about you Attorney Ayala, why did you came back in the country? I heard you're doing great in Brazil," sabi ko na nga ba at tatanungin din nya ako. "Well, I love Philippines," maikling sagot ko. "Wow. Yung totoo?" hindi naniniwalang tanong nya. "I really do," support ko sa sinabi ko. "Okayyy... So, anong plano mo?" "Actually, familiar ka naman siguro sa Red Cross, 'di ba?" She nodded. "I'm a partner and a volunteer sa Brazilian Red Cross. Mga spare time ko, dun ko ginugugol. So, dito sa Pilipinas ganun din ang gagawin ko." "Wow. I can't imagine you doing a rough job like that." "Well, I actually enjoyed those type of work. I mean, ang sarap makatulong sa kapwa." "That's true pero mahirap ang tabaho sa Red Cross ha." "Agree. But I love doing it." "Wow naman si Boss. So, how was it? I believe buwis buhay din kayo dun." "Yeah," sagot ko. "Can you tell me more about your experiences?" tanong nya. Aba, interesado ah. "Are you sure?" I asked. Tumango sya. "Okay. One time, there was this incident in Brazil. Nagkaroon ng flood near Rio de Janeiro. I have to rescue this one little girl. Walang ibang naroon kundi ako. Akala kasi ng mga kasamahan ko, narescue na lahat ng mga naroon." Interesadong nakikinig si Kit habang nilalantakan nya ang dessert na sundae. "What happened?" "I rescued the little girl. Mabuti nga at nakakapit ito sa isang malaking container kaya nakalutang pa sya sa ilog na nakakonekta sa dagat. Still lang yung tubig when I swim to her but when we are near sa pampang, biglang lumakas ang current ng tubig." Napasinghap pa si Kit. Akala mo'y sya yung nasa kwento. Feel na feel nya talaga. "Tapos? Nalunod ang bata? Oh my god." Nakakatawa pala 'to si Kit. "Hindi naman. Though malapit kaming nalunod na dalawa, nakita kami ng ibang rescuers na naanod na. Hindi ko binitawan ang bata kahit na nagkalunod-lunod na ako. Pinilit ko pa ring itaas sya para hindi sya malunod. Luckily, may helicopter that time kaya ayun, the rescuers from the helicopter saved us. I thought that was the death of me."  Yun talaga ang tunay na dahilan kung bakit ako bumalik. Nang nangyayari sa akin yun, biglang lumitaw sa isipan ko si Yaci. I was about to give up dahil sa lakas ng current but when I saw her face in my mind, I realized na hindi pa ako pwedeng mamatay. I need to see Yaci and win her back. Kasi sya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Na kung mamamatay man ako, ang magandang mukha nya ang gusto kong masilayan bago ako umalis sa mundong ito. At hindi rin ako mamamatay na hindi sya mapapasaakin muli. I really hope I am not too late. "Hale?" Napukaw ako sa pagtawag na yun ni Kit. "Natahimik ka na dyan?" "Wala. May naisip lang," I said and drink my coffee. "Kung... kung malapit ka na palang namatay nung time na yun, bakit gusto mo ulit magvolunteer?" Ngumiti ako. "I worked and volunteered at Brazilian Red Cross since college kaya mahirap pakawalan sa akin. Napamahal na sa akin ang gawaing yun and masarap talaga tumulong sa kapwa. So, I realized na nagbubuwis buhay na lang din naman ako sa ibang bansa, why not do it sa lugar kung saan talaga ako nararapat tumulong which is bansang mahal kong Pilipinas." "Wow. You are amazing." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Kit. Hindi sa pinagyayabang ko ang mga nagawa ko pero yun talaga ang mga totoong dahilan kung bakit bumalik ako sa bansa. "Mahal na kita," Kit mumbled pero hindi ko naintindihan kasi kumakain ito ng sundae habang nakatingin sa akin. "Sorry, what?" tanong ko sa kanya. "Ha? Wala." Parang nagulat ito at nataranta. "May sinabi ka, Kit. Ano yun?" "Ah, w-wala. Sabi ko... uhm... m-masarap sya. Yung sundae." Turo nya sa kinakain tsaka sumubo ng sumubo. Hindi na ito makatingin sa akin. Anong nangyayari sa kanya? "Dahan-dahan lang. Baka mabulunan ka," paalala ko sa kanya ng walang tigil ito kung sumubo. Ngumiti lang sya tsaka may sinabi na naman. Na hindi ko ulit maintindihan kasi maraming laman ang bibig nya. "Ang dungis mo," natatawang sabi ko ng may cream ito sa gilid ng labi. "Ha?" Tinuro ko ang gilid ng labi nya. Mabilis na pinahid nya ang gilid ng labi pero may natira pa din. "Meron pa. Let me," sabi ko sa kanya at pinunasan ang gilid ng labi nya gamit ng napkin ko. "T-thank you," nakatungong sabi nya at kumakain ulit ng sundae nya. Malapit ng maubos yun. "Gusto mo pa ba ng sundae?" tanong ko sa kanya. Parang sarap na sarap kasi talaga ito. She shook her head ng maraming beses. Ayaw na daw nya. Ngumiti na lang ako. Nakakaaliw si Kit. May pagkaweirdo din. Maya-maya'y naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Agad akong napatingin sa side ko para lang magulat sa nakikitang nakatingin sa akin. Her face has the expression of her signature poker face but she's still damn gorgeous. Nagkatitigan kami saglit tapos umalis na ito. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas pero medyo malayo ang kinauupuan namin ni Kit sa entrance kaya huli na ng makalabas ako, nawala na ulit ito. Hindi ako nagkakamali. Sya yun. Hindi lang ako namamalikmata. Sigurado akong sya ang nakita ko! Ah! Mababaliw na ako! I need to see her. I missed her so much.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD