CH. 4: Ang Unang Karibal

2333 Words
MISHAEL AGAD kaming bumalik ni Kit sa opisina dahil sa nangyari. Nagtanong pa ito kung anong nangyari sa akin pero hindi ko na sya sinagot. All I know is I can't wait any longer. I need to see Yaci. ASAP. Nagkulong muna ako sa aking opisina at tinignan ang files na binigay sa akin ni Kit. May mga information nga doon na hindi ko pa alam. Magaling na magaling si Kit sa trabaho nya. Napaluha ako sa nabasa ko. It was an information ten years ago. Medical records ni Yaci nung natapos ang nangyaring pangingidnap sa kanila ni Ate Yuca. Yaci suffered elective mutism after the incident. Oh, god. So, tama ang nakita ko kanina. Nagsasign language si Yaci kasama ng mga teenager kanina kasi she's one of them. Other information ay nagtuturo si Yaci sa Tan Music School bilang instructor ng mga pipi at bingi na willing pa rin matuto about sa music. Mga estudyante siguro nito ang mga teenagers’ kanina. Shit! Ang dami kong pagkukulang kay Yaci. Sorry, Yaci. Sorry.  At yun lang nga ang mga importanteng mga information na nakalkal pa ni Kit. Ang iba'y alam ko na. Katulad na lamang ng palaging nakikitang magkasama sila ni Paula. Mukhang mas naging super close pa sila sa nagdaang taon. Paano ako makikipagcompete dun? Bahala na. Pupuntahan ko na si Yaci ngayon. Hindi na ako makakapaghintay pa. Pero bago ko ginawa yun ay nanood muna ako saglit ng tutorials kung paano magsign language. Pinag-aralan ko lang kung paano magsign ng I'm sorry at I love you. Habang ginagawa ko yun ay nagtext si Ici at kinancel ang meet up namin mamaya kasi may night class daw ito. Nalaman kong isa ng teacher si Ici sa VBS. Wala rin pala akong ma-i-expect na information kay Ici kasi hindi naman kami magkikita mamaya. I immediately pack my things. Pupunta ako TMS baka naroon si Yaci. Mababaliw na ako kung hindi ko pa sya makikita at makakausap. Paglabas ko ay dumaan muna ako kay Kit para pauwiin na rin ito. "Kit, I'll be out and I'm not gonna go back here in the office. I suggest umuwi ka na rin and I'll see you tomorrow." Tumango naman ito. Naglakad na ako para umalis. "Ah, Hale," narinig kong tawag nya sa akin kaya napalingon ulit ako dito. "Yes?" "Wala. See you tomorrow," sabi ni Kit na parang nahihiya. Hanggang ngayon nahihiya pa rin sya akin? Well, hindi pa nga siguro ito kumportable sa akin. "You, too. Bye." At umalis na ako. Nagmamadali kong sinet ang gps ko papuntang TMS ng makasakay na ako sa kotse. Kabadong-kabado ako pero kailangan ko ng gawin 'to. It's now or never. Inip na inip ako habang nagdadrive lalo pa at medyo malayo ang TMS sa opisina ko. May traffic pang pangforever ang peg. Pagdating ko sa building ng TMS at tapos na magpark, agad akong naglakad papuntang entrance. Pero natigilan na naman ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ng entrance. Ramdam ko yung parang tinusok ng patalim ang puso ko habang tinitignan silang naghaharutan. Tawa ng tawa si Yaci habang kinikiliti sya ni Paula. Pagkatapos pa nilang magkilitian ay hinaplos pa ni Paula ang mukha ni Yaci. Nakatalikod si Yaci sa akin at ang mukha lang ni Paula ang nakikita ko. Nakita ko kung gaano rin kasaya si Paula na nakatingin kay Yaci habang nakahaplos pa rin ito sa mukha ni Yaci. May mga sinasabi sila sa isa't isa pero medyo malayo ako sa kanila kaya hindi ko masyadong naririnig. Ang alam ko lang, gutay na gutay ang puso ko ngayon. Sinabi ko sa sarili ko, bago ako bumalik sa Pinas, na asahan ko na dapat ang ganitong eksena at sakit dahil siguradong sa sampung taon na nawala ako ay marami na akong namiss out na opportunity pagdating kay Yaci. Pero masakit. Masakit talaga. +++ YACI 2 days earlier... "Ready, guys?" tanong ko sa dalawang kasama ko. Tumango ang mga ito kaya pinasok na namin ang DA Bank. May robbery kasing nangyayari ngayon sa DA Bank at humingi ang kapulisan sa amin ng tulog dahil hindi nila macontain ang problema. When I say we, kami na special team ng Black Ops ng Military. Yes, I'm part of the Armed Forces of the Philippines now. Nagpasya akong mag-PMA pagkatapos ko ng high school. Hindi sang-ayon sila mama at si Ate pero wala silang nagawa dahil mapilit ako sa gusto ko. Simula ng mangyari ang insidenteng yun 10 years ago, ipinangako ko sa sarili ko na I will protect the people I love the most. Kailangan kong maging malakas para maprotektahan sila. A very rough woman na walang maaaring tumibag. Kaya ako napunta sa military. Isa rin ang Tita Silvia ko sa nag-influence sa akin para magmilitary. Gusto kong matulad sa kanya. Matapang at nakakatulong pa sa kapwa in a legal way. Nung una, ang pure intentions ko lang sa pagpasok sa military ay magpalakas ng loob at ng physical body. Kasi sobrang wasak na wasak ako ng mga panahong yun. Mentally at physically. Bukod sa ginawang pangingidnap sa amin ni James sa amin ng ate ko, I suffered Elective mutism because of the trauma that James has given me at depression na rin dahil iniwan ako ng taong mahal ko ng wala man lang paalam. The mutism lasted for 6 months but the depression took longer than expected. Kaya pumayag din sila mama na magmilitary ako kasi nakita nilang for the first time mula ng mapipi ako at madepress, naging interesado ulit ako sa isang bagay. I suffered a lot. Though nandyan ang pamilya at mga kaibigan ko pero hindi na naghilom ang sugat na iniwan ng taong yun. Nawalan talaga ng kulay ang buhay ko simula nun. Ni tawag o kumusta wala man lang akong natanggap. Hinanap ko sya. Pati pamilya nya pero parang mga hermitanyo ang mga itong nagtatago. Wala ring balita ang parents ko sa mga parents nya. Sobrang labo nya. Nawala sya ng parang bula. Kaya simula nun, nagfocus na lang ako sa pag-aaral ko at sa PMA. Dahil sa elective mutism ko nun, natuto akong magsign language. Pati sila mama at ate kasi yun na lang yung way ng communication namin. Ang teacher ko? Si Tina. It seems na marami pa lang alam talaga ang sister-in-law ko na yun. Anyway, dahil nga dun sa mutism ko, nakapag-isip sila mama na magturo sa mga pipi at bingi na gustong matuto ng music at musical instruments. Kaya pinagturo nila ako sa TMS nung hindi pa ako nagsisimula sa PMA. Hanggang ngayon na nasa serbisyo na ako, pagnakakauwi ako'y nagtuturo pa rin ako kasi hinahanap ako ng aking mga estudyante. As for the information about my military life, yun ang isa sa mga matinding pinagbilin ko sa pamilya ko na wag ipagsabi. Mahirap na kasi at baka matiktikan ng mga kalaban ang about sa tunay na identity ko lalo na at myembro ako ng Black Ops na tinatawag na Katipunero. Hindi basta-basta ang mga operation namin. Lahat ng mga delikado at malalaking kaso na hindi kinakaya ng mga kapulisan o ng army, sa amin pinapagawa. Kaya mas mabuti ngang front ko ang pagiging instructor sa TMS. May ilang nakakaalam naman sa mga kaibigan ko. Syempre alam ng mga bestfriends kong sina Coco at Ici. Si Coco kasi ay kasama ko sa military. Ganun din si Paula. Mga bestfriends ni ate Yuca ay may alam din at mga parents ni Coco at Paula. "Silang? What's your status?" Napukaw ako sa tinig na yun ng captain namin. Si Tandang Sora. Ang tawag nya sa akin ay silang dahil ang code name ko ay Gabriela Silang. "Approaching targets now," pabulong na sagot ko sa kanya. Nasa loob na kami ng DA Bank. Nagtatago kami sa pader kung saan nakatalikod ang mga robbers. Tama si Ladislao, tatlo lang ang mga bandido. Nagsign ako sa dalawang kasama ko na sina Tecson at Diwa na ako ang bahala sa nasa gitna at sila naman ang bahala sa nasa left and right. Tumango ang mga ito. Tahimik kaming lumapit sa mga ito. Nakatalikod ang mga hunghang dahil nagtatalo ang mga ito. Walang kaalam-alam na nasa likod na kami. Nagulat ang mga ito ng kalabitin namin sila at agad na kinarate. Lumaban sila pero wala, mas skillful kami sa mga ito at malalakas. At sa isang iglap lang, naitali at naposasan na namin sila. I instructed all the hostages na isa-isang lumabas sa pinto at itaas ang mga kamay para hindi sila mapagkamalan at mabaril ng mga pulis sa labas. Sumunod naman ang mga ito. Natigilan lang ako ng makita ang pamilyar na mukha na yun. Dumaan sya sa harapan ko. Hindi nya ako nakilala dahil nakakamask kami at nakacap. Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero hindi na ako nagkaroon ng time para i-confirm yun kasi tinawag na ako ni Tecson. Kailangan na naming umalis. Hindi kasi kami pwedeng makita ng mga pulis. Kwinento ko yun kay Paula ng nakabalik na kami sa base dahil napansin nyang wala ako sa sarili. "Baka namamalikmata ka lang," ang sabi nya sa akin. Oo, kasama ko sa Katipunero si Paula. Pati rin si Coco. "Hindi, Pau. Sya talaga yun," ang sabi ko naman. "Nakarelease na ata ang GBS News ng pangalan ng hostages, tignan natin para sure," sabi nya at nagsearch nga sa phone nya. Napasinghap naman ito. "Sya nga ang nakita mo." Confirm ni Paula at pinatingin sa akin ang listahan. Nandun nga ang pangalan nya. "Bumalik sya, Pau," wala sa sariling sabi ko. "Eh, ano naman kung bumalik? Feeling mo naman ikaw ang binalikan?" inis na sabi nito. "Yash, alam mo, matanda ka na. Wag ka ngang umaasa dyan na parang teenager. Tss. Martyr." "Paulit-ulit? Gets ko na po. May sinabi ba akong umaasa ako?" sabi ko sa kanya. Dalawa lang kaming nandito sa base kasi naligo ata ang mga kasamahan namin. "Yash, hindi mo kailangang sabihin. Nakadrawing sa buong mukha mong umaasa ka. Hay naku. Sya pa rin, kahit iniwan ka na. Sya pa rin!" nagdadabog na sabi nito. Ngayon ko lang ulit ito nakitang nagkaganito. "Hoy, tigilan mo nga ako dyan sa pag-aattitude mo." Tapon ko ng unan sa kanya. Umismid lang ito. "Maliligo na nga ako. Napapraning ka na naman." Natatawang sabi ko sa kanya. Parang batang inasar nya naman ako at ginaya lang ang sinabi ko. Kinuha ko ang tuwalya at iniwan ito. Sumunod din naman sya maya-maya at nakisabay na rin sa pagligo. Kinabukasan, pumasok ako sa TMS. One week break muna kami from work. Medyo puyat pa ako sa kakaisip sa nakita kong babae kahapon. Nag-stalk ako saglit sa social media nya. Kagabi ko lang ulit tinignan ang profile nya. Hindi na kasi kami friends talaga sa lahat ng social media accounts ko. Inunfriend ko na sya simula nung iwan nya ako. Private naman ang mga social media accounts nito kaya mga pictures lang nito ang nakita ko at iilang information. Abogada na pala sya ngayon at mas gumanda pa sya lalo. Halatang successful na rin ito sa field na napili. Mukha naman itong masaya. Yun lang, saglit ko lang tinignan ang mga pictures nya pero it haunted me all night kaya napuyat ako. Galit pa ba ako sa kanya? Hindi na. Sinungaling. Yeah, sinungaling po ako. Galit pa rin ako sa kanya. Akala ko napatawad ko na sya pero hindi pa pala. Narealize ko yun ng makita ko ulit sya sa DA Bank. Tangina. Masakit pa rin. Sya masaya na pero ako heto at nagkakaroon na ng trust issues sa lahat ng tao. Nahirapan na akong magtiwala kahit mismo sa sarili ko at pati na rin sa pagmamahal. Sana hindi na lang sya bumalik. Maayos na sana ang buhay ko eh. Hay. Balik tayo sa TMS, sinundo ko muna ang dalawang teenager na estudyante ko sa isang coffee shop tapos bumalik na kami sa TMS. Pagkatapos kong magturo ay tinawagan ako ng Tita Silvia ko na i-meet ko daw sya sa Yuan dahil may sasabihin daw ito sa akin. Hindi pa ako nakakapasok sa Yuan's ay ganun na agad ang eksenang aking nasilayan. Si Hale ay naroon din at maingat na pinupunasan ang gilid ng labi ng babae nya. Ang saya-saya pa nitong tinitignan ang babae nya habang kilig na kilig ang kasama nyang babae. Naramdaman ata nito na may tumitingin sa kanila at lumingon sya sa gawi ko. Nagtama ang aming paningin at nakita kong nagulat ito. Ako naman ay nagpoker face lang. Hindi ko hahayaang may makita syang reaction sa mukha ko kahit na ramdam ko na naman yung sakit na rinulot ng pagkawala nya sampung taon na ang nakalipas. Mabilis akong nakaalis doon. Bumalik ako sa TMS. Nakalimutan ko ng makikipagkita ako kay Tita Silvia. Ginugol ko ulit ang oras ko sa pagtuturo sa mga bata para hindi ako makapag-isip pero dumating si Paula at napansin nya ang gloomy mood ko. Kwinento ko sa kanya ang nangyari at as usual gigil na gigil na naman ito. Inaya nya akong lumabas. Ah mali, she dragged me to go outside para daw uminom. Baka mahimasmasan daw ako pagnakainom ng alak. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Nang nasa entrance na kami ay bigla na lamang nya akong kiniliti. Kahit nasa military na ako, hindi pa rin nawala sa akin yung mga kiliti ko. "Ayaw mo mag-smile ha," sabi ni Paula at kiniliti ako. Huli na ng napigilan ko ito. "Tama na!" nakatawang sabi ko at pinipigilan itong kilitiin ako. "Tama na, please," pagmamakaawa ko. "Pagsumimangot ka pa, kikilitiin kita ng walang pakundangan," banta nya. Tumango na lang ako at ngumiti dito. Gumaan din ng kaunti ang feeling ko dahil sa ginawa nya. Ikaw ba naman ang kilitiin? Nahyper ako saglit. "Aigoo. Ang gulo ng buhok mo." Inayos nya ang buhok kong nakatakip sa mukha ko. "May buhok pa na nalagas at napunta dito." sabi nya at hinawakan ang pisngi ko. Hinayaan ko lang ito. "Ngiti." sabi nya sa akin ng hindi na ako nakangiti. Ngumiti ulit ako. "Edi ngingiti ako kahit na walang dahilan?" tanong ko sa kanya. "Yes." She cheeky smiled and patted my head. Ba, para lang pet nya ah. Tinigil na nya ang pagpapat sa ulo ko at parang may tinitignan sya sa likod ko. Parang natigilan si Paula kaya nacurious din ako kung sino ang tinitignan nya kaya napalingon din ako. That's when I saw her the second time today. "Hale..." sambit ko sa pangalan ng taong nagdulot ng sobrang lalim na sugat sa puso ko sampung taon na ang nakakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD