CH. 5: Ang Unang Paltos

2481 Words
MISHAEL "HALE..." Hindi ako maaring magkamali. She called my name. Pipi na sya, ‘di ba? "Hoy, parang natuklaw ka na dyan?" sita sa akin ng kasama nya. Dun ako natauhan. "Yash," sabi ko at lumapit dito. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa kanya. Nakatingin din ito sa akin pero ni wala akong makitang reaksyon sa mukha nya. "Anong kailangan mo, Hale? Bumalik ka pa? Kapal mo rin, ano?" si Paula ang nagsasalita pero hindi ko ito pinapansin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay kung anong sasabihin sa akin ni Yaci. "Yash," Wala pa ring reaksyon kahit na nasa harapan na nya ako. Kinakabahan ako ng sobra. Baka sampalin ako ni Yaci pero bahala na. Pwede nyang gawin sa akin lahat ng gusto nyang gawin. Maiintindihan ko naman. "Stop calling her name. Hindi nya naman nakakalimutan yun. Duh," si Paula pa rin. "Yash, can we talk?" mahinahon pa rin na sabi ko kahit naiinis ako kay Paula. I need to relax kasi nasa harapan ko si Yaci. "Talk now. Ano pang hinihintay mo?" sabad ni Paula. Am I f*****g talking to you? Yan ang gustong kong sabihin kay Paula but I chose to ignore her. Yaci's reaction is more important. "Can we talk, Yash? Privately," ulit ko. "Aba, sumusobra naman si ateng." hirit ulit ni Paula. "Biglang mag-aappear tapos gusto pa ng private chitchat. Aba'y magaling. Ano, Yash? Sapakin ko na 'to? Sabihin mo lang!" Akma nga akong susugurin ni Paula pero pinigilan ito ng isang kamay ni Yaci. "Where's your car?" sabi ni Yaci. It's refreshing to hear her voice kaya hindi ako agad nakasagot. "Hoy! Tinatanong ka!" sa boses ni Paula ako napukaw. "There." Turo ko sa aking sasakyan. "I'll see you later, Pau." muling sabi nito at naglakad papunta sa akin. "Let's go." At nagpatiunang naglakad papunta sa kotse ko. Narinig ko pa ang pagdisagree ni Paula pero diri-diretso na Yaci at wala na akong nagawa kundi sumunod. I immediately unlock the doors at pumasok na si Yaci. Agad na rin akong pumasok at nagseatbelt. Nakaseatbelt na rin si Yaci ng makapasok ako. "S-saan tayo pupunta?" I'm stuttering, I know. Kinakabahan ako, eh. "You said you wanted to talk to me, privately." Nakatingin lang sa harap na sabi nya at nakapoker face pa rin. "Yes." Hay. "Think." maikling sabi nya pero mas nakadagdag pa yun sa kaba ko dahil napakaauthoritative ng pagkakasabi nito. "O-okay." At pinaandar ko ang sasakyan papunta sa coffee shop na pinagkitaan namin kanina ni Mrs. Pineda. I saw some area there that we could talk privately. At tama nga ako. Pagdating namin dun ay meron ngang area na pwede kaming makapag-usap ng masinsinan. After we ordered coffee, unang nagsalita si Yaci. "Anong sasabihin mo? I don't really have much time." Nataranta ako bigla sa sinabi nya. Kanina kabadong-kabado ako kaya heto nga't hindi ko alam kung saan ako magsisimula. "Are you just going to stare at me?" sita nya sa akin ng nakatingin lang ako sa kanya. How can I not stare at her? She's so gorgeous at mas nakakaplus points pa yung medyo strict image nya ngayon. "You know what, I'm just gonna go. You are wasting my time." Akto syang tatayo pero mabilis kong nahawakan ang kamay nya. Naramdaman ko na naman yung familiar na feeling sa tuwing nahahawakan ko sya. That tingling comfortable feeling. How I missed her. "Please, let me explain," sa wakas ay may lumabas sa bibig ko. Hindi ito nagsalita pero nakatingin lang sa kamay nyang hinawakan ko. Nahihiyang tinanggal ko naman ito. "Yash, I know, nawala ako na parang bula. Nung oras na kailangan mo ako but believe me, Yash. May valid reason kung bakit nawala akong bigla." I said. She's just looking at me kaya nagkwento lang ako ng nagkwento bago pa sya magwalk out ulit. 10 YEARS AGO... A WEEK BEFORE YUCA'S DEBUT PARTY... Naabutan kong umiiyak sa sala ang mga nanay ko. Hindi nila alam na uuwi ako ngayon kaya nagulat sila at mabilis na pinahid ang mga luha. "Mom, Ma? What's going on?" takang tanong ko. Kinakabahan ako sa nangyayari. "Hale, anak!" si Mom Shie. "Wala anak. Napuwing lang ako. Tinulungan ako ng mama mo para makuha yung puwing. Kumain ka na ba?" Pilit na pinapasaya ni mom ang boses nya. Pero namamaga ang mata nya. Maga dahil sa matagal na pag-iyak. Ganun din ang mata ni Mama Micah. "Mom, seryoso, ano pong nangyayari dito?" Dalawa silang hindi makatingin ng maayos sa akin. "Mom? Ma?" ulit ko. "Nagugutom ka ba? Sandali at magluluto ak---" "Mom!" Pinigilan ni Mom si Mama Shie sa pagtayo. Nagtinginan muna sila na parang may pinag-usapan sa pamamagitan ng tinginan na yun tsaka yumuko si Mama Shie. "Anak, upo ka muna." sabi ni Mom Micah. Kinakabahan ako sa reaksyong nakikita ko sa kanila sa totoo lang pero tahimik pa rin akong sumunod. "Anak, we need to go back to Brazil." Yun pa lang ang sinabi ng nanay ko pero parang gumuho na ang mundo ko. Ang una agad na naisip ko ay si Yaci. Paano na si Yaci? Paano na kami? "Why?" ang syang tanging lumabas sa bibig ko. Muling tumingin si Mom Micah kay Mama Shie and this time, naghawak kamay sila. Napatingin ako sa mga kamay nilang mahigpit na nakahawak sa isa't isa pero tumingin na ulit ako ng diretso sa kanila ng magsalita ulit si Mom Micah. "Mama Shie is not feeling well. She needs to go back to Brazil para magpagamot." "Bakit po kailangan pa sa Brazil?" hindi ko napigilang itanong. "Anak, most of our important documents are in Brazil. Pati na healthcare insurance. Hindi na rin pwedeng patagalin ang pagpapagamot ni Mama mo kasi..." nagpause si Mom Micah at kinagat ang ibabang labi. Para itong nagpipigil na wag mapaiyak. "I have a leukemia, anak. At malala na sya." si Mama Shie ang nagtuloy. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at hindi ko rin alam kung anong dapat na isasagot ko. "Nakiusap ako kina Mama na susunod na lang sana ako sa Brazil para makapagpaalam ako ng maayos kaso biglaang inatake si Mama Shie nung nadukot kayo. Ayaw din nyang ipaalam sa kahit na sino sa kaibigan nya at pamilya ang kalagayan kasi ayaw nyang kaawaan sya o pahirapan yung mga mahal nya sa buhay sa pag-aalala sa kanya." patuloy na kwento ko sa nakikinig na si Yaci. Wala pa rin itong reaksyon. "Kumusta na si Tita Shie?" ang tanong nya. "Salamat sa Panginoon, He gave her a second chance to live. Gumaling si Mama after 5 years of fighting in her sickness." I answered. "5 years? Gumaling si Tita in 5 years but 10 years has passed at ngayon ka lang nagpakita?" First time na nakakita ako ng reaction sa mukha ni Yaci pero pumatay naman iyon sa puso ko. Kitang-kita ko ang sakit at pagkalito sa kanyang mga mata pero saglit lamang iyon. Halatang tinatago nya ang kanyang tunay na nararamdaman. "I... I tried." Sinubukan kong hawakan ang kamay nyang nasa taas ng mesa pero madali nya itong naibaba. "Yash, maniwala ka. Sinubukan ko pero... pero..." Napayuko ako. "Nagkasakit din si Mom Micah. Cancer, stage three. Sinubok talaga kami ng kapalaran. At katulad ni Mama Shie, ayaw din iinform ni Mama Micah ang kalagayan nya sa mga kaibigan at pamilya. Kaya kaming tatlo lang talaga ang nagtulungan at naging karamay ng isa't isa." Umiral ang katahimikan sa amin ni Yaci. I gather up myself bago ako nagsalita ulit pero naunahan ako ni Yaci. "How is Tita Micah?" mahinang tanong nya pero nadinig ko naman. "She's actually doing good. She's a survivor. She has fought cancer." "That's great to hear." sagot nya. Katahimikan ulit. "I was about to call you or message you when I was in Brazil pero inunfriend mo na pala ako sa mga social medias mo. Naduwag na rin akong tawagan ka dahil alam kong galit ka sa akin but then I still stalk you everytime. Sa social medias mo at ng mga kaibigan natin. Then I saw in your posts and our friends posts na okay ka naman. Masaya ka na kasama ni Paula kaya hindi na kita ginulo. Nagkasya na lang akong tignan ka sa ganoong paraan. Sa isip ko, mas mabuti na yung ganun. Kahit pa naman kasi noong bata tayo nila Paula, mas napapasaya ka ni Paula at sya ang pinili mo nung... nung inaaya ka naming magpasakal at pumili sa aming dalawa noon." I revealed. "Then why are you back?" tanong nya. Nakapoker face pa rin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Yash." I look straight to her eyes to make sure that I will see her expression in what I'm about to say. "I want you back." Natawa ito. Actually, more on mocking me. "You have humor now. That's nice." Confirmed. She's mocking me. "I am not joking. I want you back, Yash. Please, take me back." This time, hinawakan ko na talaga ang kamay nya ng mahigpit. Hindi naman ako nagkamali sa aking iniisip na manglalaban ito. Actually, she tried to wiggle her hand from me pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nya. "Let go of my hand." matiim na sabi nito. In her poker face. "I will not. Hindi na kita bibitawan. Yash, please. Just give me one more chance. Please." I pleaded. "What makes you think I'll give you that?" "Because... because I still love you." I saw how her face soften when I said that. Nabuhayan ako ng loob dahil dun. Hindi na rin nanlalaban ang kamay nya sa hawak ko. "Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Wala akong pakialam kung nasaan na kayong stage ng relasyon ni Paula. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako at mahalin ulit. Please, Yash. Let me make it up to you. Take me back, please." Nagteary eyed ang mga mata ni Yaci pero saglit lang yun dahil tumigas ulit ang expression nya sa mukha at marahas na inalis ang kamay na hawak ko kanina. "You're pathetic. Bumalik ka na sa Brazil. Save your lies." Tsaka ito tumayo at mabilis na lumabas sa coffee shop. Tarantang napasunod ako. "Yash!" I called habang humahabol sa kanya. Ang bilis nitong maglakad. "Yaci!" At dahil nakaheels ako, medyo nahirapan akong habulin ito. Ni ayaw nya man lang akong lingunin. "Yumielle! Please, talk to me!" Wala akong pakialam kung tinitignan ako ng ibang tao na nadadaanan ko. Ang importante sa akin ay ang mahabol si Yaci pero napamura na lang ako dahil nakasakay na ito ng Taxi medyo malayo na rin pala ang nalakad namin from the coffee shop. Ang bilis maglakad ni Yaci. "Ah, ang sakit." Napaupo na ako sa kalsada at napahawak paa kong napaltos. Deym, bago pala 'tong shoes ko. Napaluha tuloy ako sa sakit. Hindi ko alam kung sa sakit ng puso ko o sa sakit ng paltos sa paa ko. Basta napaiyak na lang ako sa daan. "Ate? Okay ka lang po?" Isang cute na batang babae ang lumapit sa akin. Nakasuot ito ng cute na school uniform. Tantya ko'y nasa 4 to 5 years old pa lang ito. Pinahid ko ang mga mata at luha ko. Nahiya tuloy ako sa bata. Baka isipin nyang lukaret ako dahil nag-iiyak ako sa daan. "Oo, okay lang. Napaltos lang kasi ang paa ko." suminghot na sabi ko. Hindi ako tumayo para magkalevel pa rin kami. Ang cute talaga ng bata. "Ay, I feel you po. Naranasan ko na rin yan. Bago po shoes nyo 'no?" Ang talas at mabilis magsalita ang bata. Nakakaaliw. Tumango ako. "I experienced that once when my Mom bought me a new pair of shoe. I started getting blister from it and suffered for a day and because of that, I was absent at school. I cried a lot, too. That's why I can't help to ask you earlier kasi I saw that you're massaging your feet and crying. I saw myself in you when I suffered from the blisters before." Ang daldal nya pero ang cute kaya napangiti na lang ako sa kanya. "What did you do after that? I mean, what did you do to cure your blisters?" Saglit na nakalimutan ko kung anong mga naranasan ko kanina. The baby girl was just too cute to ignore. "Well, my mom put some ointment on the blistered area then poof! It was cured. I just don't know what the name of the ointment is but I can text her right now to know the name of the ointment, so you can buy it to cure your blisters." Napangiti ako at tumango. At nagtext ito sa cellphone na nakalambitay sa sling nya sa leeg. Nakatingin lang ako sa bata at natutuwa sa nakikita. But at the same time, wondering why she is alone. "Why are you alone, by the way? And you shouldn't talk to strangers, ‘di ba?" sabi ko sa kanya habang nagtetext ito. "You look so sad, that is why I talked to you. Tsaka you seem like not a bad person that's why I was not hesitant to approach you." Nakatingin pa rin ito sa phone nya ng sinagot nya ang tanong ko. Smart talaga ng batang 'to. "And you're just too beautiful to be a bad person." Tsaka ito ngumiti sa akin at binalik ulit ang tingin sa phone. Ay, gusto ko na 'tong batang 'to. Sobrang honest. "But then, not all good looking people are good people." I said. "I know you're a good person," parang wala lang na sabi nito. "How?" "Kasi if you're going to do something bad to me, dapat kanina mo pa ako kinuha or kinidnap, ‘di ba?" She has a point. "And just so you know, if you're really thinking of doing something bad or you wanted to kidnap me, my aunt will look for me even till the end of the earth. I am not scaring you but my aunt," tsaka lumapit sya ng kaunti sa akin at bumulong. "Is a fearless member of a special team in the army and she can just snap your head in a sec.." "Should I be frightened?" nakangiting sabi ko sa kanya. Sinakyan ko na lang ang sinabi nya. She's just too cute kasi. "You should be." kibit balikat na sabi nya. Kakagigil sa kakyutan ang bata. "I will not. Besides, I'm not going to do anything bad to you." I cheekily smiled. Gusto ko na itong kurutin sa pisngi. "You know what, you're really gorgeous. Do you have a girlfriend?" Nagulat ako sa tanong nya pero natawa na rin ako. Hindi ko napigilang kurutin na ito sa pisngi. "You are so cute." I said. I saw the kid's cheek blushed. Kagigil. "Dominique!" Narinig ko ang isang pagtawag. I saw the kid na lumingon din ng tawagin ang pangalang iyon. "Mom!" Excited na sigaw nito sa babaeng papalapit sa amin. Nagmamadali namang lumapit ang babae sa amin. "I told you not to go far away from the waiting area. I almost had an heart attack without seeing you there." sabi ng babae. Napangiti ako ng makilala ko ito. Hindi nya ata ako nakilala. "Are you okay? What did I told you about not talking to strangers?" "Mom, I'm okay. And besides, she's not a stranger. She's my future wife." Gusto kong matawa ng malakas sa sinabi ng bata. "What? Who are y---" tsaka lumingon ang babae sa akin na ngayon lang ako napansin. Tumayo ako at ngumiti dito. "Hale? Mishael Ayala?" Todo ngiti akong tumango at sinabing, "It's nice to see you again, Ate Yuca."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD