CH. 6: Ang Unang Hapunan

2726 Words
YACI "KANINA ka pa tahimik dyan. Wag mong sabihin na naniwala ka sa lahat ng sinabi ng babaeng yun?" sabi ni Paula. Nasa loob kami ng sasakyan nya. Nagpasundo ako sa kanya sa TMS. Dun kasi ako pumunta pagkatapos kong magwalk-out kay Hale. Pahapyaw ko na ring nakwento ang sinabing dahilan ni Hale kung bakit hindi nya ako binalikan ng sampung taon. "Yaci ha. Wag kang ano. Nag-iisip ka na naman dyan. Basta sinasabi ko sa'yo, sampung taon na ang lumipas. You're not that Yaci that she used to know." dagdag pa nya. Hindi ako sumagot. I turn on the stereo instead. "Yash---" "Let me think first, Pau." Tumingin ako sa labas ng bintana at nangalumbaba. Nagsimulang tumunog ang kanta sa stereo. No'ng ako ay iwan mo, gumunaw ang daigdig Pagka't tanging sa 'yo lamang ang aking pag-ibig Ngunit sa pagdaan, sa paglipas ng taon Ang pusong sugatan sa wakas ay naghilom "Seriously, Pau? Ito yung nasa playlist mo?" tanong ko sa kanya. Hindi makapaniwalang pati ang kanta ay umaayon sa nararamdaman ko ngayon. "Eh, nakakahawa yung addiction ni Robin sa OPM." Ang tinutukoy nya ay ang isa sa myembro ng Katipunero. I just shake my head. 'Wag mo sanang biglain sa iyong pagbabalik Ang idlip na damdamin, ang puso kong natinik Ang tamis ng pagsinta at init ng halik Ang ibig madama, 'di man umiimik "Seryoso? Patayin na nga lang yan." Akma kong papatayin ang stereo ng pigilan ako ni Paula gamit ng isang kamay. "Patapusin mo muna yung chorus." nakangising sabi pa ng bruhang Paula. Pakiusap ko sa 'yo'y huwag ka nang magbabalik 'Pagkat itong puso ko ay sa 'yo pa rin nasasabik Kung saka-sakali man, akin na nang mabatid Sa 'yo'y mahuhulog lang kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik "Paulita! I'm gonna smash your stereo." banta ko sa kanya. "Papatayin na nga, sabi ko." Tsaka nya pinatay ang stereo. "Ikaw nag-on tapos ngayon, ganyan ka. Affected much?" "I'm not." "You are. Look at you, woman. I know that your ego is melting and probably wanted to run to Hale's arms. Tsaka magbabati ulit kayo, tapos maglalovey dovey. Tapos may dahilan ulit sya. Tapos iiwan ka ulit. Tapos ngangawngaw ka ulit. After another 10 years, babalikan ka then magmamakaawa sya tapos ganito pa rin, magiging weak ka at babalik sa kanya. With arms wide open including legs." Tinuro pa nya ang pang-ibabang parte ko. Natapik ko tuloy ang kamay nya. "Ouch ha. Don't f*****g destroy my precious hand. This is my gem!" "Sana nga mawala na yang hands mo para matigil na yang pangmamaniac mo." I said. "Maniac? Me? Hindi ako ang lumalapit sa kanila. Sila mismo." Yes, you can consider Paula as a play girl. And no, hindi kami. Paula was inlove with me during high school days but as time goes by, mas nanaig ang friendship sa aming dalawa. Talagang mas destined to be friends lang talaga kami. Pare kung baga. Best friend ko na rin sya kasama nila Coco at Ici. "Lakas ng bagyo dito. Ang hangin." tudyo ko sa kanya. Pero pwera biro, totoo naman ang sinasabi nya. Ang sabi pa nga nya, mapagbigay lang daw sya. Kung gusto ng mga girls ang serbisyo nya, na nasa standards nya, ibibigay nya ng kusa ang serbisyo na gusto nila mula sa kanya. Landi, ‘di ba? "Eh ganun talaga, friend. Tanggap-tanggap na lang minsan na mas attractive ako kaysa sa'yo at mas may charisma." "Joker mo talaga. Tawang-tawang ako." Nagfake laugh ako pero napangiti na rin. "Atleast tumawa ka na kahit peke. Hindi tulad kanina na para kang namatayan dyan." Natahimik ulit akong napatingin sa labas ng bintana ng kotse dahil sa sinabi ni Paula. Mabuti na lang at nandyan sya para pasiyahin ako. Dumidilim na. Patapos na naman ang araw pero yung mga bumabagabag sa akin, nagsisimula pa lang. "Uuwi na ba talaga tayo o gusto mong magchill muna?" narinig kong tanong nya. Hindi na ako lumingon pero sinagot ko sya ng, "Nagpromise ako kay Dom na uuwi ako ng maaga ngayon, eh. Tomorrow night, perhaps." Si Dom or Dominique, pamangkin ko. Anak ni Ate Yuca at Ate Tina. Dun pa rin sila naka-stay kina Mommy at Mama. Tumatanda na kasi ang mga magulang ko kaya mas need na nandun sila Ate. Hindi naman kasi ako laging nasa bahay. I always have special missions kahit minsan off ko from work. "I see. So, hahatid na lang kita ngayon?" dagdag pa nya. "Yeah or if you want, sa bahay ka na magdinner. Kung... Wala kang booking sa mga chickababes mo." I said at lumingon dito. I saw her snickered. "Namimiss mo lang talaga ako, eh. Kunwari ka pa dyang magpapahatid ka lang." "Araw-araw na nga tayong nagkikita sa base tapos dito pa sa labas nagkikita pa tayo. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo, sa totoo lang. Wala lang akong choice kasi best friend kita." biro ko sa kanya. Alam naman nya yun. "Kunwari ka pa, eh. Sige na. Magdidinner na ako sa bahay nyo." malapad ang ngiting sabi nya. "Patugtog nga ulit tayo." "Subukan mo, babatukan kita." "Hala, pwede mo naman i-next." sabi nya. "Wag na. Kung playlist yan ni Robin, thank you na lang." Makaluma talaga kasi yung playlist ni Robin. Yung tipong mapapaisip ka sa bawat lyrics at maalala mo ang mga hindi mo dapat maalala dahil sa tagos sa pusong lyrics ng mga kantang tipo nya. "Susumbong kita kay Robin. Hindi ka na gagawan ng weapons nun." banta pa ni Paula. "Subukan mo, bruha." ganting banta ko. Nauwi lang sa kulitan ang usapan namin ni Paula hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagkatapos magpark ni Paula ay naglakad na kami papuntang front door. Tsaka naman nito naopen ang double date na matagal na nyang inuungot sa akin. "Sige na, Yash. Alam mong trip na trip ka ni si Mercy. Ayaw makipagdate sa akin ni Rona kung hindi mo daw idedate si Mercy." "Wilson, si Mercy? Yung malanding anaconda na kung kumapit ay parang tarsier? Nope. Tsaka mukha pa yung bungangera." tanggi ko. "She always talk dirty na hindi naman nakakaturn-on." "Yash naman. Bet ko talaga yung Rona. Naiinis ako kasi nagpapahard to get. Makuha ko lang yun, matikman ko lang kahit minsan, hindi na kita pipilitin kay Mercy." patuloy na pakiusap nya. Napalingo-lingo na lang ako sa pagiging desperada ni Paula. Basta pahard to get kasi ang babae sa kanya, mas lalo itong nachachallenge. "Please, Yash. Please." Nagpuppy eyes pa itong nakakapit sa braso ko. "Cute ka na nyan?" Tumango naman ito at nagpout. "Hindi." Tsaka ko pinisil ang ilong nya at nagpatuloy sa paglalakad papuntang front door. Malapit na ako sa front door ng kusang bumukas ang pinto at magiliw akong sinalubong ng cute na cute kong pamangkin. "Tita Yaci!" Tumatakbong pumunta sya sa gawi ko. Lumuhod ako para magpantay kami at mayakap nya ako. "Hi, baby. As promised, I went home early." Tsaka ko sya ginawaran ng halik sa pisngi. Gumanti rin ito ng halik sa pisngi ko. "I know you'll keep your promise, Tita. Kaya ako ang sumalubong sa'yo. Let's go inside. I want you to meet someone," hyper na sabi nya at hinila ako papasok sa loob. Nagpatianod na lamang ako. Bahala na si Paula. Alam na nya naman kung paano pumasok sa bahay namin. Hyper na talaga si Dom pero mas hyper ata sya ngayon. Nakakain na naman siguro ito ng maraming chocolates. "Who's that someone, Dom?" curious na tanong ko. "My future wife," mabilis nyang sagot habang ang maliliit nyang kamay ay humahatak sa akin papuntang dining room. "You’re what?" natatawang tanong ko. Did she just say wife? 4 years old pa lang ang pamangkin ko but she already know what she wants and what she is. Well, Dominique is a very clever girl. Minsan nga napapaisip ako kung 4 years old lang nga ba ito. Anyway, malayo pa kami sa dining room ng marinig ko ang tawanan ng pamilya ko doon. Nandun na ba si Paula? Ang bilis naman nya? Kengkay kasi yung bruha na yun. Kahit nadadala nya pa rin yung pagiging emo nya noon, she's lively and very funny kaya laughtrip sa tuwing nasa bahay sya. "Dom---" magtatanong pa lang sana ako sa bata ng makaabot na kami sa dining room at napansin na rin ako ng mga naroon. Hila pa rin ako ni Dom pero sigurado akong hindi maganda ang pinta ng mukha ko ng makita ko ang isang taong ayaw kong makita sa oras na yun. Nagtitigan kami habang tahimik na rin ang mga taong naroon. "Tita, this is Hale. My future wife," I heard Dom say with all enthusiasm and pride. Kung normal na pagkakataon siguro, yung mga time na magkaibigan pa kami ni Hale, baka ako pa ang may pinakamalakas na tawa sa sinabi ng pamangkin ko, but I can't ignore the pain in my heart anymore. I still remain calm and compose even though I want to tell her to get out of our house. Nakipagsubukan lang ako ng tingin sa kanya. Not giving that emotion she wants from me. "Anak, sit here beside Mama. Let Tita Yaci eat first. I bet she's hungry," basag ng katahimikan ng ate ko. "Tita, come and sit beside me," aya ulit ng pamangkin ko. Iginiya nya ako sa upuan kung saan napapagitnaan namin sya ni Hale. "I'll tell you later how I met Hale. You'll probably gonna be kilig overload." My niece is so cute kaya I can't really frown kahit ang sakit ng puso ko. She's just too cute. "Yes, baby. Kwentuhan tayo later," I assured her tsaka magana na itong kumain. Habang alam kong pasimple akong pinagmamasdan ng mga magulang at mga ate ko. Tahimik lang akong kumuha ng pagkain ng mag-appear si Paula. "I'm here too, family!" masiglang bati nya. "Uy, Paula. Upo ka na anak at kumain dyan," I heard Mama Dani said. "Yes, mama. Kakain talaga ako." Tsaka para itong kiti-kiting naupo sa tabi ko. "Langya ka, iniwan mo ako." bulong nya sa akin ng makalapit na sya. "Hinila ako ni Dom," mahinang sagot ko. "Hmp," ang narinig kong sabi nya. "Isn't this wonderful? Parang kailan lang, nag-aaway lang kayong tatlo sa tree house tapos heto, ang lalaki nyo na, Yaci, Hale at Paula," Mommy Yumi opened a conversation. I just smiled. Hindi ko alam kung bakit yung mata ko ay pahapyaw na tumingin kay Hale, nakita ko tuloy na nakatingin din sya sa akin. She's so creepy! Kapal pa ng mukhang hayagang titigan ako. How did she even ended up being here? "Oo nga po, eh. Pero ako pa rin ang pinakamaganda," sabi ni Paula. Natawa nalang ang mga magulang ko. "Long time no see, Hale. Bumalik ka pa. I mean, buti naisipan mong bumalik," may hirit din 'tong si Paula. Ang supladita talaga. Pero bet ko ang ginagawa nyang pagsusuplada. Hindi ko lang kasi kayang magsinuplada ngayon dahil ayoko rin maging bastos sa harapan ng mga magulang ko. "Yeah. I have lots of unfinished business here that's why I came back," pagkasabi pa ni Hale nun ay tumingin pa sya sa akin. Hindi ko sya tinitignan! Nahuli ko lang syang tumingin sa akin! Palusot pa, Yash. Aba, si konsensya sumasagot. "Is this for good, Hale?" I heard my Mama Dani asked. Patay malisya ako at kunwaring kumakain at sinusubuan si Dom. "Depends po, Tita. If that unfinished business will be successful." "Bet, it will not," side comments ni Paula. Sinipa ko ang paa nya. Nilakihan nya ako ng mata. Pinanliitan ko naman ito ng mata. Kumain na lang ulit ito. "I hope it does, Hale," ang Ate Yuca ko naman ang sumagot. Kunwari hindi ako nakikinig. Kunwari busy ako kay Dom. "You are really friends with Hale, Ma?" sabi ng cute na cute na si Dom. "Yes, anak. She's a closed friend of Tita Yash and Tita Pau," sagot ng ate ko. "Was a closed friend. Closed. Never gonna open," side comment ulit ni Paula. Sinipa ko ulit sya sa paa. This time, I heard her say 'ouch' but I ignored her. "That's cool!" bulalas ni Dom. Kung hindi lang dahil sa cutie na 'to baka kanina pa ako naatake sa altapresyon sa biglang appearance ni Hale sa pamamahay namin. "Because Hale don't need to impress my family to like her because you know her already. And we could have a legit engagement now!" pumalakpak pa si Dom ng sinabi nya yun. "Dominique, where did you learn all of that? You're too young to think about engagement," sita ni Ate Tina sa anak. "Tita Pau once told me that when she was 4 years old, she proposed a marriage to Tita Yash. If she's allowed to do it, why can't I?" Lahat kami napatingin kay Paula. "Whoa. Nagkwento lang ako. Hindi ko naman sinabing gayahin nya," tanggol ni Paula sa sarili. I remember that story. Yes, I remembered those memories that were once deleted in my brains. Natrigger na bumalik ang mga memories na yun nung makidnap kami ng ate ko ni James. Bata pa lang kami nun at pinag-aagawan ako ni Hale at ni Paula. Pinapili nila ako kung sino ang gusto kong pakasalan sa kanilang dalawa. And I chose Paula before. But only because she discouraged me noon kay Hale. Kasi aalis na rin pala sila Hale noon, papuntang Brazil. We were 4 years old. Tapos kami na lang ni Paula ang maiiwan. Kaya si Paula ang pinili ko kahit na si Hale ang gusto kong piliin. But that was when I was so damn young. I know better now. "Dom, are you done eating? Akyat na tayo sa room mo," biglang sabi ni Ate Yuca. "Yes, mom. But I don't want to go upstairs yet. I wan't to stay here," sabi ng bata. "Wag matigas ang ulo, anak. Come on," sabi ng ate at kinuha na ang anak. Mabuting bata si Dom. Masunurin sa magulang. "I'll catch up with you later," ang sabi ko na lamang sa pamangkin ko bago sya tuluyang kinuha ng ate ko. Close talaga kami ng pamangkin kong yun. Smart kasi si Dom kaya masarap kausap. Parang hindi ka nakikipag-usap sa bata. We spend the dinner; I mean them, by asking Hale's life and her family for the past 10 years. Yung mga kwento nya'y same lang sa kaninang kwinento nya sa akin but she left out the personal reasons. The ones she told me earlier. Nashock sila Mommy at Mama sa revelation ni Hale about sa sickness ng parents nya. That they immediately called Tita Mic and Tita She, in a video call, nung nasa sofa na kami at patuloy na nag-uusap. I mean, sila lang pala ang nag-uusap. Tahimik lang ako at nakikinig. Medyo naging emotional pa nga ang parents ko sa nalaman but the parents of Hale assured us na okay na sila. At binilin sa mga magulamg ko na alagaan si Hale habang nandito sa Pinas. Hindi rin ako makaalis doon dahil ayoko rin namang maging bastos sa parents ko at respeto na lang din sa bagong dating na si Hale though mostly sa mga kwento nya'y nasabi na nya kanina sa akin. I was just glad that she did not tell my family na nagkita na kami prior to her visit at our house. Nandun pa rin si Paula at minsan ay nagsaside comment pa. Wala ata itong date ngayon.  Dahil sa pakikinig kuno, I learned where Hale lives at kung saan sya nagtatrabaho ngayon. She is indeed very successful as a lawyer. She belonged to the most prestigious law firm in the country.  Kwinento nya rin kung paano sya nakita ni Dominique. The story was hilarious pero nagpipigil ako ng tawa. I can only imagine how Dom was so cutie and all while talking to Hale and telling my Ate Yuca that Hale is her future wife. Ah, Dom really made my day. Ang kulit, ‘di ba? Well, that's basicaly what happened that night. Mostly, kumustahan lang sa buhay ni Hale tsaka nauna na akong pumanhik. Umuwi na si Paula at umuwi na rin siguro si Hale. I don't know, umakyat na ako sa kwarto ko at nagwash up. I promised Dom that I will visit her in her room pero pagsilip ko sa kwarto nya'y tulog na ito. I just kissed her in her forehead tsaka bumalik sa kwarto ko. I checked my phone ng makahiga ako and opened the text message from a number na hindi nakaregister sa phone ko. It says, I will do anything for you to take me back. I love you, Yash. -Hale How did she even get my number? Malamang binigay ng Ate ko o ng mga magulang ko. Hay. I ignored the text at binalik ang phone ko sa side table. Mulat na mulat akong nakatitig sa kisame. And again, those memories of us came rushing through like an old film. Dahil dun, gusto ko na ulit kantahin yung kanta ni Roselle Nava na narinig ko sa stereo ni Paula kanina. 'Di ko kayang pigilin Ang sigaw nitong damdamin Labis man akong sinaktan,  Ikaw pa rin ang aking mahal, hoh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD