YACI
TINUPAD nga ni Hale ang sinabi nyang gagawin nya ang lahat para balikan ko sya at mahaling muli. Wala itong pinalagpas na araw na hindi nya ako binibigyan ng mga bulaklak sa TMS at chocolates. Na syang laging itinutukso ng mga estudyante kong pipi.
Well, I mean sign language na tuksuhan ang nagaganap. Hindi naman kasi makalabas sa mga bibig nila ang mga katagang panunukso dahil hindi nga naman sila nakakapagsalita.
Except sa flowers and chocolates, na madalas si Paula lang ang nakikinabang, hinihingi nya ang mga iyon dahil nga itatapon ko sana, lagi rin itong (Hale) nagtetext. Kesyo kumain na ba daw ako? Anong ginagawa ko? Pwede ba daw kaming magkita, which I did not bother to reply. Paseen-seen lang ako. Naiirita lang ako sa kakulitan nya. Bakit pa kasi sya bumalik? May mga call pa na hindi ko rin sinasagot. Hindi naman mensahe o tawag nya ang inaasahan ko.
Speaking of text, meron sya ng good morning, noon, afternoon, evening at good night. Kumpleto. Kulang na lang tanungin nya rin ako kung tumae na ba ako or nakapaghugas ba ako ng perlas ko or nakapanty ba ako or kung ano pang sobrang nakakairitang mga tanong.
Seen. Seen lahat ng yun. Gusto ko na nga syang i-block eh. Alam mo yun, kairita na kasi.
"Pero hindi mo magawa. Kasi dumudugudug pa rin yang pusong bato mo sa kanya," sabi ni Paula.
"Paano mong---"
"Nagsasalita kang mag-isa, Tan. Tsk. Tsk. Such a bad habit. Are you sure ayaw mong magpatingin sa psychiatrist?" muli pang sabi nya.
"Kinakausap ko sarili ko? Huh, I did not notice that."
"Uh, duh! Mabuti na nga lang at nandito ka sa loob ng opisina mo kaya walang nakakita sa tunay mong pagkatao. And duh, I was calling you kanina pa pero parang wala kang naririnig dahil sa sobra ng lalim ng pag-iisip mo dyan sa old lover mo. Tss."
"Really?" Hindi ko talaga namalayan yun.
"Yes, duh!" Kanina pa duh ng duh ang maarteng 'to. "Ang sipag din ng babaeng yun 'no?" Tsaka nito kinuha sa table ko ang flowers at chocolate. "Wag mong itatapon 'to ha. Magagamit ko pa yan sa mga chic ko. Mukha pa namang mamahalin." So, dun pala nya ginagamit ang mga kinukuha nyang flowers at chocolates sa akin.
"Alam mo ikaw, tigilan mo na yan. Pag nakarma ka talaga at nainlove dyan sa pinaggagawa mo, naku, ngangawa ka talaga dyan."
"Love? Ano yun?" Tinawanan nya lang ako.
"Ano bang ginagawa mo dito, Wilson? Tatambay ka na naman? Dun ka nga sa iba mangulit."
Ibinaba nito ang flowers at chocolates sa mesa ko at naupo ito sa couch na inilabas ang phone at pinatong ang mga paa sa sa lamesitang naroon.
"Aba, parang boss ah," sabi ko ulit ng hindi ito umimik.
"How I wish mangungulit lang ako ngayon pero malabong mangyari yun ngayon." Nagtatakang napatingin ako sa kanya. "And obviously, you did not check your phone."
Pagkasabi nya nun ay agad kong chineck ang phone ko.
"Nakasilent kasi 'to."
"Bakit nakasilent? Eh, hindi ka naman nagsasilent ng phone? You know we need to enable the volume of our gadgets for emergency purposes." And yeah, she's lecturing me.
"Ang kulit kasi ni Hale." I scanned my phone and saw an encrypted text.
"Patay tayo dyan. Lovelife pa more."
"Hindi ako naglalovelife, Wilson. I'm focus with my career right now." Sinulat ko sa maliit na papel ang encrypted text. It was a code I need to figure out. I could just easily asked Paula about the message pero SOP (Standard Operating Protocol) na hindi magtanong at baka mapag-usapan pa namin ang codes at may makarinig sa amin.
"Sinabi mo eh," I heard her say. Hindi ko na lamang sya pinansin.
Nang macrack ko ang secret message ay binura ko na ang encrypted text at pinunit ng pinung-pino ang papel na aking sinulatan.
"Ano? Tara na ba?" muling tanong ni Paula.
"Yeah. But give me one sec. I'll just text my parents."
"Sa kotse ko na." Wala na akong nagawa ng hablutin ni Paula ang phone ko. Sinundan ko na lamang ito matapos kong kunin ang aking mga importanteng gamit.
+++
Meet the Katipunero's... Sa Base camp...
"Early bird ata tayo," sabi ni Paula ng pumasok kami sa base camp. Dumiretso kami sa opisina ni Lt. Col. Macasaet as per second instruction. "Oops, hindi pala." Bawi ni Paula ng dumating kami doon at naroon na ang tatlo sa aming mga kasamahan.
Nagbatian kaming lahat. Ang tatlong kasama namin ay sina...
Seargent Officer Robin Tuazon a.k.a Teodoro Plata. Specializes in renovating weapons and guns. Sya ang maasahan namin in terms of upgrading our weapons and that weapons are exclusive lamang sa Katipunero's. Matangkad at katamtaman ang built ng katawan. Masayahing tao at may nakakapangilabot na obsession sa old classic songs. Lalo na sa old OPM songs. Nasa mid 20's lang din ito pero magdadalawang isip ka kung 25 lamang ito dahil sa tipo nya sa music. Family oriented at may girlfriend. Loyal yan.
Seargent Officer Trinity Domingo a.k.a Trinidad Tecson. Sya ang second sniper ng grupo. Magaling sa baril lalo na sa rifle. Well, sya ang isa sa mga badass sexy woman ng Katipunero's dahil mahilig ito sa big guns. She's single, straight daw sabi nya at hindi kasundo ni Paula. Pero kahit nag-aaway ang dalawa'y pagnasa field, isa pa rin kaming pamilyang nagtutulungan.
Second Lieutenant Crisco "Coco" Lopez a.k.a Ladislao Diwa. Yeah, yan ang pinsan kong si Coco na dati ay Tech savvy. He is now with me in the army at gaya ng dati, isa pa rin sya sa mga tech savvy ng grupo. He is still into innovating gadgets. He is the man behind our high tech gadgets. Tulungan sila ni Robin sa renovation ng weapons and gadgets. Sya naman ang lalaking version ni Paula sa grupo. You can't blame him, lumaking gwapo, macho at matalino si Coco kaya marami talaga itong nakakahohook up.
Second Lieutenant Paula Wilson a.k.a Gregoria "Oryang" de Jesus. Yes, si Paula na makulit. Who would have known na sasabak din ang british girl ma 'to sa army? We figured na nung mga teenager pa lang kami, kasama si Coco, kaya pala magkasundo kami sa mga adventures at pagtulong sa mga nangagailangan dahil ito talaga ang path na para sa amin. Balik kay Paula, she's really good in close combat at may obsession sa knife. She's still single and ready to mingle.
And me,
First Lieutenant Yumielle "Yaci" Lopez-Tan a.k.a Gabriela Silang. Kasama ng captain, ako ang halos sa strategy and planning. Sa smaller guns naman ang forte ko. I can handle and shoot two guns both left and right hand. Kahit na batch lang kami nila Paula at Coco ay mas nauna akong napromote. Hindi ko rin alam pero the captain always let me handle the team pag wala ito. I love my job. I love the guns and the adrenaline rush when I'm in the missions.
Noon, tutol ang parents ko sa napili kong path. Lalo na ang ate ko pero nung kinausap ko sila ng mabuti ay naging masaya na lamang sila sa akin. Alam ko namang lagi akong pinagdadasal ng mga magulang ko dahil napakadelikado naman talaga ng aking trabaho at nagpapasalamat ako doon.
"You're all early," sabi ng aming captain. Agad kaming tumayo para sumaludo. Sumaludo rin ang captain na kasunod pala si Lt. Col. Macasaet.
"As you were," sabi ni Lt. Col. Macasaet. Umupo naman kaming lahat maliban kay Captain na nakatayo sa right side ni Lt. Col. Macasaet. Nakaupo na rin ang Lt. Col. sa swivel chair nya.
Captain Silvia Josephine Stuart a.k.a Melchora "Tandang Sora" Aquino. She's my aunt at sya ang isa sa mga inspirasyon ko kung bakit napunta ako sa army. Isa sya sa mga taong nagturo sa akin ng kahalagahan ng mabuti at matuwid na army. Ito ang master sniper at magaling din sa knives. Still single at sobrang career driven. Mabait pero mapusok pagdating sa mission. Nang dahil sa magaling na leader na tulad nya'y kahit kailan ay hindi pa kami nagkaroon ng problema sa mga mission namin. Napakadetalyado nito at sobrang mahal ang ginagawang pagtulong sa bayan.
"I would like to thank you all for coming in here in such a short notice. I'm not going to waste your time, so let me straight to the point." Matiim lang kaming nakikinig kay Lt. Col. Macasaet. "Captain Stuart is going to have a new special mission. She's been taken out in the team. And from now in, you're on your own now, Katipunero's."
Maang na napatingin kaming lahat kay Tita Silvia na ngayon ay nakastraight face lang. Iiwan na nya ang team namin?
"Since we are going to take out your captain, you will have a new captain. And a new teammate from the top ranking new army graduates," si Lt. Col. Macasaet pa rin. Tahimik lang kaming nakinig. Hindi pa rin ako makapaniwalang iiwan na kami ni Tita Silvia. "Your new captain will be First Lt. or shall I say Captain Yumielle Tan." Nanlaki ang mata ko sa narinig at napatingin sa head kong nakangiti na ngayon. Pati si Tita Silvia ay nakangiti na rin.
"Congrats, Captain Yash," I heard my teammates said pero hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin sa mga head ko. Tameme ako.
"Congratulations, Captain." Narealize kong totoo ang lahat ng i-pin sa akin ni Lt. Col. Macasaet ang badge ng pagiging captain ko and he shake my hand. "On monday, you will meet your new teammate. But now, enjoy the weekend. I'll see you all on Monday for the ceremony of proper oath taking."
Huling litanya ni Lt. Col. Macasaet at umalis na ito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
"Congrats, Captain," sabi ng Tita Silvia ko.
"Thanks, Tita," I said at niyakap ito.
"Ano na? Party time!" sigaw ni Paula na sinagot lang ng malakas na "wooh!" ng aking mga kasamahan.
+++
We went to a bar name Pleasure Bar. Isa sa mga sikat na bars na medyo may pagkahigh standard. Tsaka matiwasay dito. Lagi kaming pumupunta dito pag gusto talaga namin ng fun ni Paula.
We shot and dance. Sumasabay sa tugtugin na sinasalang ni DJ Kitty, isa sa mga magaling at hot na DJ's sa buong bansa who is exclusive sa Pleasure. Kaya ngayon nga ay ayun, pinopormahan ito ni Paula. Which she usually pag nandito kami.
Base sa kwento ni Paula, close daw sila ni DJ Kitty. Hindi ko lang alam kung gaano kaclose.
We are having a good time at may amats na sila. Oo, sila lang dahil hindi naman ako masyadong uminom. Nag-enjoy lang akong nakatingin sa kanila at sa mga taong naroon.
One more thing I like about Pleasure Bar is hindi ito crowded. Kailangan mo talagang may reservation dito or kung wala, malakas ang kapit mo sa management. As per us, kahit na kanina lang kami nagkayayaan, pasok pa rin kami sa Pleasure. Why? Paula and I are regulars. And Paula works her charm. Hindi ko na masyadong madetalye. Basta si Paula na bahala sa amin sa mga ganitong lakaran.
Back to my team, si Tita Silvia ay nauna ng umuwi dahil maaga daw syang pupunta sa Marion City, they are all drunk. Trinity was insanely dancing kasama ni Coco at Robin. Nakaparty mode talaga silang tatlo. Umiinom lang ako ng beer while looking at them. We deserve to party anyway. Lalo na at next week, start of our buwis buhay work na naman.
Napagod din ata si Coco sa kakasayaw kaya lumapit ito sa akin. Nasa tapat ako ng bar counter.
"One martini, please," sabi ni Coco sa bartender at tumabi sa akin. "Congrats, Insan. I'm so proud of you." Bangga nya sa balikat ko.
"Thanks, Ins. Hindi ko rin inaasahan yun," I answered at lumagok sa beer ko.
"You deserve it. You work so hard for the team," sabi naman nya.
Ngumiti ako. "Kayo rin naman ah."
"Well, technically yes but you have all the qualities of the next captain of the team."
"Sus. Ikaw talaga."
"I'm serious." sabi nya. "Cheers to the new K Captain! To my beloved pinsan!" Tsaka nya itinaas ang baso ng martini nya. I bumped my bottle of beer lightly to his glass.
"Cheers!" I said.
"Yash, Coco, takpan nyo na mga tenga nyo." Lapit ni Trinity sa amin. Tumabi ito sa akin at inagaw ang beer ko. Ganyan kami kaclose. Para lang talaga kaming magbabarkada at hindi magkatrabaho.
"Bakit?" tanong ko.
Lumagok muna ito ng beer. "Look!" Turo nya sa DJ's podium. Napatingin naman kami sa itinuro nya. "I strongly believe that Robin requested his cringing favorite old songs."
Yeah, nakikita ko ngang bumulong si Robin na tinanguan lang ni DJ Kitty. Err, habit na talaga yan ni Robin na magrequest ng mga paborito nyang kanta pagsobrang lasing na nya at tuwing nandito kami.
Malapad ang ngiting bumaba si Robin sa Podium at naghintay sa dance floor. Nang magsimula ang bagong kanta ay napatigil ang lahat pero nagslow dance na rin ang iba ng magsimula na ang requested song ni Robin. Si Robin naman ay parang baliw na niyakap ang sarili at sumayaw mag-isa.
Yung kanta? Ito oh.
♪ ♫Mula nang mawalay ka na
Damdamin kong ito'y sa'yo
Di na mapalagay
Tinatanong nitong aking puso
Bakit biglang nagbago ka
Ako ba'y nagkulang sa'yo♪ ♫
"Mukhang may problema si Robin ah," Coco commented.
"Hindi yan. Ganyan naman talaga playlist ny," sabi naman ni Trinity.
Bumili ako ng bagong beer dahil hindi na nya binalik sa akin ang beer ko.
♪ ♫Sayang lang ang pagmamahal
Na inalay ko sa 'yo
Bakit ngayon ikaw
Ay biglang nagbago♪ ♫
"Hala, umiiyak ba si Robin?" pansin ko.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Trinity.
"Sipon lang yan," sabi naman ni Coco.
"Ah, baka," sagot ko. Natatawa ako kay Robin. Ganyan talaga sya pagnalalasing. Nabangga pa nito ang katabi nyang nag-i-slow dance rin. I snickered when I saw Robin na parang ewan na nagsosorry pero bumalik na rin agad ang pagyakap sa sarili at sumayaw mag-isa. But when I saw kung sino ang nabangga nya ay napatungga ako sa aking beer ng tuloy-tuloy.
♪ ♫Bakit kung sino pa
Ang s'yang marunong magmahal
Ang siyang madalas maiwan
Ng di mo alam ang dahilan
Ng di mo alam ang dahilan♪ ♫
Wala na akong naging pakialam kay Robin at hindi na rin ako sumasali sa usapan nila Trinity at Coco dahil nakatuon lang ang buong pansin ko sa babaeng nabangga nya.
What is she doing here? And who is that girl she's dancing with? Ang close nila ha.
Ang lakas ng apog nyang sabihin na gagawin nya ang lahat para lang balikan ko sya. She sent lot of flowers and chocolates para paamuhin ako pero sa likod ko pala ay iba naman ang ginagawa nya? The hell with her!
"A glass of JD black, please," sabi ko sa bartender. Binigyan naman nya ako kaagad.
"Hala, naglalasing ka ba, Yash?" pansin ni Trinity.
Hindi ko sya pinansin. Instead, humingi ako ng isa pang glass ng JD sa bartender.
♪ ♫Inaalala ko ang nagdaang kahapong
Lumipas na di na malilimutan
Tayong dalawa noo'y nagsumpaan
Na sadyang ikaw lang at ako
Ang s'yang nagmamahalan ♪ ♫
"Isn't that... Hale?" At napansin din pala ni Coco.
"Who's Hale?" tanong ni Trinity.
"She's just a motherfucking bitch." Sabay tungga ko ng isa pang glass ng JD Black.