bc

That Summer Love (Completed)

book_age16+
200
FOLLOW
1K
READ
forbidden
playboy
aloof
student
drama
sweet
bxg
icy
small town
passionate
like
intro-logo
Blurb

Eighteen year old Trisha Marie Fletcher finds herself one summer in a passionate entanglement with the boy she hated so much. She's bound to spend her whole summer with him in a very remote and sleepy town.

Their past and their connection are some of the factors that make their blossoming love a forbidden one.

How can love be painful and tragic?

chap-preview
Free preview
Trouble
Warning: Not suitable for young readers or with sensitive minds. Contains graphic s*x scenes, adult language and situation intended for mature readers only.  *** Trisha Done.     Walang siglang sabi ni Trisha sa sarili pagkatapos ilagay sa maleta ang kahuli-hulihang damit na isinama niya sa pag-e-empake. Kulay puting racerback sando iyon at paborito niyang isuot kapag mainit ang panahon dahil presyo ang tela sa katawan. Hinila niya pasara ang zipper ng kanyang kulang pink na maleta matapos masiguradong kumpleto na ang mga dadalhin niya. Sinadya niyang kakaunting damit lang ang dalhin para hindi siya mahirapan magbitbit. At sa sulok na bahagi ng kanyang isip, umaasa din siya na dahil kakaunti ang pares ng mga damit na kanyang dinala  ay mas kakaunti din ang mga araw na dapat niyang ilagi sa pupuntahan.     Masama ang loob na ibinaba niya ang maleta at hinila patungo sa gilid ng kanyang tokador. Sinipat niya ang sarili sa salamin at nadiskubre niyang nakalarawan sa kanyang kulay brown na mga mata ang matinding pagkainis at paghihimutok dahil sa napipintong pag-alis sa kanilang bahay bukas. Napagdiskitahan niyang ayusin ang nakasabog niyang lampas balikat na buhok. Natural na brown ang kulay ng kanyang mga buhok dahil namana niya sa ama na pure British. Sinuklay niya  ng kanyang mga daliri ang alagang-alaga, tuwid at madulas na buhok saka tinipon iyon para iponytail gamit ang kulay itim na sanrio.     Better. Pagkausap niya sa sarili ng masiyahan sa kinalabasan ng pagkakapuyod niya dahil mukhang umalwan ang sambakol niyang mukha.     Bukas ay patungo silang magkapatid sa probinsya ng mommy nila upang magbakasyon at doon gugulin ang buo nilang summer vacation. Walang excitement siyang  nadarama  sapagkat “pagpapatapon” iyon kasya bakasyon.     Hindi niya gustong magbakasyon doon. Malayo sa kabayanan at limitado lang ang supply ng kuryente. Sa umaga hindi maaaring manood ng telebisyon nang higit sa 2 oras at sa gabi bago mag-ala sais ay dapat nakakain na ng hapunan dahil bandang ala syete ay mawawala na ulit ang kuryente. Puros tunog ng kuliglig na lang ang maririnig mo sa gabi.     Mabagal and oras doon. Walang cable, walang internet at air con. Wala ding mga mall. Walang 7/11 at kahit na anumang convenient store kaya wala siyang mapaglipasan ng oras.  Boring ang buhay doon. And the fact that her mom knew that, ang lupit nito para ipagpilitan na manatili silang magkapatid doon ng  dalawang buwan. Goodness, katapusan pa lamang ng Marso at Mayo pa sila nito pababalikin dito sa Alabang.  How she hated her mom for that. Hindi naman sila kailangang ipatapon nito doon dahil lamang sa pansarili nitong interest. Sister-brother bonding, my ass!     Sa mga ganitong panahon ay nahihiling niya na sana ay hindi na lang nawala ang dad niya. Mariin niyang naikuyom ang maliit na kamao ng muling bumangon ang poot sa puso niya. Kung nandito pa ang dad niya, hindi magiging malaya ang mommy nila na gawin ito.     She loved her dad so much. She’s a Certified Daddy's Girl. At proud siya doon. Her mother even complained na masyado siyang ini-spoiled ng dad niya. Na tinatawanan lang ng dad niya noon kaya nag-aaway ang mga ito.     Mapait siyang ngumiti dahil sa pagkakaalala sa kanyang pinakamamahal na ama. How she wish na nandirito pa rin ito, kasama niya, karamay at kabarkada.     Six years, ganoon na pala katagal na wala na ang dad niya. Inagaw ng isang masaklap na car accident ang buhay ng kanyang pinakamamahal na ama sa kanya.     Pinahid niya ang naglandas na luha sa kanyang mga mata. Marahas siyang humugot ng buntunghinga saka ipinilig ang ulo upang pigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya iiyak kapag naaalala niya ang kanyang daddy. Na-mimiss na niya ang dad niya. Ngunit hindi na niya maalala ang mukha nito o  ang boses man kaya natatakot siyang tuluyan itong mabura sa kanyang alaala at maiwan na lang sa puso niya ang pagkamuhi sa mga taong dahilan kung bakit nawala ang dad niya. Marahang katok sa pinto ng kanyang silid ang nagpabalik sa kanyang diwa. Pumasok ang mom niya kahit hindi niya pinapahintulutan. "Tapos ka na ba mag-empake Trisha?"magiliw nitong tanong. Mukhang tsinecheck nito kung ready na ang lahat ng mga dadalhin niya. Hinaplos nito ang gilid ng kanyang pisngi. Galit na tinabig niya ang kamay nito at lumayo. Pinigil niya ang sariling singhalan ang sariling ina. Humarap siya dito na walang bahid ng anumang emosyon. Natuto na siyang kontrolin ang emosyon at maging matigas sa harap ng ina.     Hindi na siya ang 12 years old na si Trisha na parating umiiyak dahil sa pagpanaw ng kanyang daddy. Eighteen years old na siya at konting tiis pa, makakalaya na rin siya sa kamay nito.     "I'm ready."walang emosyong sabi niya. Kung ang mga kaklase niya ay excited sa bakasyon siya naman ay halos isumpa ang dalawang buwan na  darating. Matatali siya sa lugar na malawak na kabukiran lang ang laging matatanaw at sa pakikisama sa makulit niyang kapatid. Tiyak na maiistress at madedepress lang siya sa lugar na iyon.     “Good. Magpahinga ka na. Pupuntahan ko lang ang kapatid mo para masigurong tapos na din siyang mag-empake.”paalam ng kanyang mommy. Purong Filipina ito kaya Half British half Filipina siya. “Matulog ka ng maaga anak, madaling araw aalis na kayo.” Imporma nito na ilang ulit niya ng narinig mula pa ng ibagsak nito ang balita sa kanilang magkapatid noon pang last week ng Pebrero. Nakukulili na siya.     Lumabas ang mom niya matapos siyang kintalan ng halik sa pisngi. Pigil ang sariling irolyo niya ang mga mata. Nagpasya siyang lumabas ng kanyang silid upang kumuha ng tubig, pakiramdam niya ay nauhaw siya dahil sa tindi ng stress na pinagdaraanan niya. Ang silid niya ay nasa tabi ng hagdanan, kasunod ang kwarto ng kapatid niya habang nasa dulo naman ang kwarto ng mom nila.     Rinig niya ang pag-uusap ng kapatid niya at ng mom nila dahil bukas ang pinto ng kwarto nito. May heavy music din na background music ang mga ito. Hula niya ay tamang soundtrip ang kapatid niya. Hindi naman sila nito naiistorbo dahil soundproof ang buo nitong silid.    Patakbong bumaba siya sa sementadong hagdanan at nagtungo diretso sa ref. Pagkainom ng tubig ay kaagad din siyang bumalik sa kanyang silid. Nakita niyang sarado na ang pinto ng katabi niyang silid. Marahil ay tapos ng magbilin ang mommy nila sa nakakabata niyang kapatid.     Isinara niya ang ilaw para matulog. Iniwan niya lang bukas ang night lamp sa ibabaw ng bedside table. She tossed and turned in her bed. Mukhang hindi siya dadalawin ng antok magdamag at tama ang hula niya.      Bandang alas kwatro ng madaling araw ng katukin siya ng kanyang mommy. Katatapos niya lang maligo noon. Kulay puting loose shirt at faded na denim shorts ang suot niya katerno ang kulay puting vans na sapatos.  Pinabababa siya nito sa dining room dahil kailangan daw na may laman ang tiyan niya na pagkain dahil mahaba ang magiging biyahe nila. Tumango lamang siya bilang pagtugon. Naabutan niya sa dining room ang makulit niyang kapatid. Nakasuot ito ng kulay itim na hooded jacket at faded na pantalong maong.     Inirapan niya ito ng batiin siya ng magandang umaga.     Matapos mag-almusal ay inihatid na sila ng mommy nila sa labas ng bahay nila. Naroroon na ang kulay silver na van na maghahatid sa kanila patungo sa Batangas Port. Ang mga bagahe nila ay naikarga na din. Tanging ang tote bag na kulay pink ang sukbit niya.      Bago sila sumampa sa van ay sangkaterba ang ibinilin ng mommy nila. Panay tango lamang at "yes mommy" ang isinagot nilang magkapatid. Naunang pumasok sa loob ng van ang kapatid niya ng makuntento na ang kanilang ina sa mahaba nitong listahan ng bilin. Umangat ang kilay niya ng unahan siya ng kapatid niya na maupo sa tabi ng driver. Papasok na siya sa loob ng van ng pigilan siya ng ina sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. "I love you.."sabi nito. Nababanaag ang lungkot sa abuhing mga mata nito ngunit hindi noon natibag ang pagkamuhi niya dito. "I hate you."mariing sabi niya bago mabilis na pumasok sa loob ng van na maghahatid sa kanila ng kapatid niya sa napakalayo na probinsya.     Bago umandar ang van ay sinipat niya muna ang kapatid. Abala ito sa cellphone nito. Ipinikit niya ang mga mata ng magsimulang umandar ang sasakyan. "Ano ba Kevin?"singhal niya sa kapatid nang lumaglag ang ulo nito sa balikat niya. Alam niyang natutulog ang kapatid pero wala siyang pakialam. She stopped caring for everyone. Bakit kailangan niyang pakisamahan ang kapatid na siyang - "Trish?"naalimpungatang sabi nito. Iniiwas niya ang mga mata ng subukan nitong makipag-eye contact. "Lumayo ka nga. Ang daming bakanteng upuan bakit tumabi ka pa sa akin?"galit niyang sita. Natulog siyang siya lang ang nasa upuang iyon dahil nasa tabi ng driver si Kevin na abala sa pakikipag-usap sa cellphone nito kanina. At nagising siyang katabi ang damuho. Siguradong lumipat ito ng upuan para pataasin ang dugo niya. "Galit ka ba?"masuyong tanong nito. Napairap siya sa kawalan. Oo! Gusto niya sanang sabihin pero balewala lang iyon. Sa halip na ituloy ang pakikipag-usap sa kapatid ay nagdecide siyang kunin ang earphone sa bulsa ng bag niya at isaksak iyon sa taenga niya. Mabuti pang makinig siya ng music na nasa cellphone niya kaysa mag-aksaya ng oras dito. Napapiksi siya ng hawakan ni Kevin ang baba niya para magkaharap ang mga mukha nila. "What?!"singhal niya. "Do you really hate me Trish this much?"direktang tanong nito. Napansin niya ang boses nito ay malalim at lalaking-lalaki. Kakaiba din  ang mukha ni Kevin kaysa sa mga ordinaryong mukha nito kapag nasa bahay lang sila na isip-bata. Immature ito at spoiled sa mommy nila pero ang Kevin ngayon ay seryoso at manly? Nagbigay ng anyong matured ang hoodie na nakalagay sa ulo nito at ang bagsak nitong bangs sa noo. Muhkang hindi na ito seventeen years old. Ngayon niya lang napagtanto na masyado itong gwapo. Para itong artista na may malakas na karisma sa mga kababaihan at may kakayahan ang taglay nitong mukha para maya-maya't ay sipatin ito. "Tss."sabi niya para makawala sa titigan nila. Tinabig niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Hindi naman ito nagtangkang hawakan siya ulit. "Ayaw mo man akong makasama but you still stuck with me Trish. " Yeah right. I'm stucked with you this whole summer.And I smell trouble.             

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Contract - Tagalog

read
754.5K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.6K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook