Ikalawa (Unang Pagkikita)

378 Words
Naglibot kami Cherry sa Sentro. Yun ang tawag sa public market sa isla na yun. It makes sense dahil nasa sentro talaga ito. How Things Used To Be ang theme ng reunion namin. Buti na lang at may naitago sila na picture ng room namin noon. Yun ang pagbabasehan namin ng theme ng venue. For us, we decided to dress up as to how we look before. Not a good idea for me, but they all agreed to it so I have no choice. "Magtatagal ka ba rito?" Tanong ni Cherry nang makapamili na kami. "One week lang," sagot ko. "Sandali lang pala. Bakit ngayon ka na lang ulit bumalik?" Tanong nya ulit. I have many reasons why but I chose not to tell her. "Busy lang," maikling sagot ko. Pagtapos mamili, nagyaya sya na kumain muna. Almost lunch time na rin kasi. Sa isang mini resto by the beach nya ako dinala. Wala pa 'tong resto na 'to noong huling uwi ko. Malaki na talaga pinagbago ng lugar na 'yun. Dumami na rin ang mga dayuhan na nakatira doon. Biro pa ng mga tao noon, pag gusto mong gumanda ang buhay mo, maghanap ka ng foreigner. That was a ridiculous advice but looks like many actually had actually done it. Nadako ang tingin ko sa lalaking kapaparada lang ng motor sa gilid ng resto. Something about his aura caught my attention. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin kong papasok sya ng resto. "Hi, Matt!" Binati ni Cherry ang lalaki na yun. Matipid na ngiti lang ang tinugon nito saka saglit na sumulyap sa'kin. Base sa nakita kong reaksyon ni Cherry. Halatang may gusto sya sa lalaki na yun. "Sino yun?" Di ko napigilang itanong. "Si Matt. Anak ng may-ari nitong resto," sagot nya. Napangiti ako. "Kaya pala dito mo ako dinala ha?" Biro ko sa kanya. Namula sya pero biglang nalungkot maya-maya. "And daming nagkakagusto dyan. Malabong mapansin nya ako," sabi nya. I feel her. Naalala ko nung hinahabol-habol ko pa si Andrew. I looked very pathetic. Di ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko noon na magpapansin sa kanya. Natatawa na lang ako pag naaalala ko mga pinaggagagawa ko noon. "Okay ka lang?" Tanong ni Cherry. Tumango ako. "May naalala lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD