Ikatlo (Muling Pagkikita)

586 Words
Kinahapunan, dumiretso na ako sa auditorium para simulan ang pag-aayos. Inagahan ko ang pagpunta para mavisualize ko nang maayos yung lugar. Papasok na ako nang may mapansin akong pamilyar na mukha. Yun yung lalaki sa resto kanina. Lumapit sya sa'kin at saka may iniabot. Binasa ko yun. Rental permit. "Thanks!" Matipid na sagot ko saka pumasok na sa loob ng opisina ng auditorium para ihanda ang mga gamit. Nagulat ako nang makita kong nandun pa sya paglabas ko. "Yes?" Tanong ko. "Dayo ka dito?" Tanong nya. His voice has this arrogant yet soothing tone. "Oo," sagot ko saka nagsimula ng tignan ko saan at anong designs ang unang ilalagay. "I'm Matt," napalingon ako nang magsalita ulit sya. Andun pa pala sya? Tumango ako. "I know," sagot ko. Kumunot-noo nya. "I mean, my friend told me who you are. I think we saw you at the resto earlier," paliwanag ko. Nang maayos kong napagmasdan ang mukha nya, dun ko narealize na gwapo sya. Mukha syang mayabang which really throws me off kaya medyo hostile ako sa kanya. Maya-maya, dumating sina Cherry, Rina at iba pa naming kaklase. Mukhang nagulat din sila na makita ang Matt na yun doon. "Binigay nya yung permit," paliwanag ko which I don't why I did. Ayoko lang siguro na bigyan ni Cherry ng malisya yung pag-uusap namin. Saka kami nagsimulang mag-ayos nang umalis na ang Matt na yun. Tito nya pala ang barangay chairman. That explains the permit. Pagtapos mag-ayos, nagyaya sila na magmeryenda sa tapat na snack bar. Papasok pa lang kami ay gusto ko nang umatras dahil nakita ko si Andrew na nakaupo sa loob noon kasama ang mga kaibigan nito. Di na ako nakaiwas nang magtama ang paningin namin. Agad syang ngumiti nang makita ako. Alanganin din akong ngumiti. "Is that you, Toni?" Tanong nya. Tumango ako saka nag-isip ng sasabihin. "Kumusta?" Tanong ko. "I'm okay. Ikaw, kumusta? Tagal mong di nagpakita ah?" Tanong nya mukhang natuwa na makita ako. O pakiramdam ko lang 'yun? "I'm also doing well," sagot ko saka nilingon yung mga kasama ko. Nakahanap na pala sila ng table. "Punta na muna ako sa kanila," paalam ko kay Andrew. I feel awkward talking to him. We were never close. Ako lang yung sobrang papansin sa kanya noon, to the point na ini-stalk ko na sya. I always ask Mitch, my second cousin, his whereabouts para puntahan sya. Pumupunta pa ako sa bahay nila para lang makita sya. Nakakahiya isipin yung mga pinaggagagawa ko dati but I felt really happy doing those things before. I was really naive back then. "Crush na crush mo sya noon, diba?" Sabi ni Rina na ininguso si Andrew. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "Lahat yata alam lahat ng mga pinaggagagawa ko noon eh," natatawang sagot ko. "Gusto mo pa rin ba sya hanggang ngayon?" Si Cherry naman ang nagtanong. It's been a long time. Yung intensity ng naramdaman ko sa kanya ngayon ay di gaya noon. Siguro napapaisip na lang ako kung pa'no kung naging kami. Di pa ako nakakasagot nang magsalita ulit si Cherry. "Kaso engaged na sya eh," sabi nya. I admit I felt sad. "Kanino?" Tanong ko. Pakiramdam ko ang swerte ng babaeng pakakasalan nya. "Naalala mo si Matt? Sa kapatid nya," si Rina ang sumagot. Napatango na lang ako. Well, I didn't come back to be with him anyway, though I was actually kinda hoping na mapapansin nya na ako. It must've been too late.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD