Pumasok na si Marco sa banyo at naligo na ito. Nagtagal siya doon ng ilang minuto at paglabas niya ay nakatapis na lang siya. Kumuha siya ng damit niya sa walk in closet at nagbihis narin. Lumapit siya sa akin at tinanong kung hindi pa daw ba ako magsashower. "Baby magshower kana." sabi niya sa akin. Tumayo ako at dumiretso na ako sa banyo. Naligo na lang ako dahil feeling ko nanlalagkit na ako. Paglabas ko sa banyo ay naabutan kong nakaupo sa couch si Marco at nanonood ng news. "Baby nakaayos na sa walk in closet ang mga damit mo sa may kaliwa banda." sabi niya sa akin habang tutok na tutok siya sa pinapanood niyang news. Pagpasok ko sa walk in closet ay namangha ako dahil sobrang luwang din. Ang daming mga sapatos, bags, damit, necktie, jewelries, clothes at madami pa. May mga pambabae

