Chapter 1
Minsan naalala ko kung paano kami nagkakilala ni Marco. Si Marco na laging nakasimangot sa akin simula ng magkita kami. Lagi siyang nagagalit sa tuwing may mali akong nagagawa lalo na sa tuwing bumubuntot buntot ako sa kanya. Anong magagawa ko simula nung makita ko siya ay naramdaman ko ng mahal ko siya.
Ang nakaraan:
"Haaay grabe ang init!" sabi ko kay lola. kadarating ko lang galing sa paaralan at nagparada kami dahil Foundation Day ng school namin. "magpalit kana doon at may mga bisita tayo" sabi ni lola habang ako ay nakasilip sa kusina at sa likod ako dumaan dahil madaming tao sa may harap ng bahay. Nakita ko ang isang lalaki na napakaguwapo, mukhang my lahi ang kanyang itsura. Napatulala ako, at kahit na salita g salita si lola ay hindi ko na napapansin hanggang sa pinalo niya ako sa pwet.
" aray naman lola bakit ka namamalo?" reklamo ko sa knya.
"knina pa ako salita ng salita dito at inuutusan kita na magbihis na pero hindi ka parin natitinig diyan sa kakatingin mo sa mga tao sa loob."
"eh tinitignan ko lang naman kung sino yung mga bisita nyo."
"pamangkin siya ng Auntie Zeny mo kaya dapat maging mabait ka sa kanila. magkapatid yung mga batang magkatabi na nakaupo sa sala at mga magulang naman nila yung nasa kabilang upuan."
"ok po lola, bakit anong meron at napasyal sila dito sa bahay?"
"Ang alam ko maiiwan dito sa Pilipinas yang batang babae at yung isa at dito na nag-aaral. Malapit na din yan magtapos sa kursong business management.
"Saan po sila titira?"
"May bahay sila sa kabilang bayan at doon na sila titira, si Auntie Zeny mo ang tatayong Guardian nila. Kaya sa tuwing weekends eh tiyak nandito yang mga batang yan."
"ok po lola, sige po magbibihis muna ako lola."
"hala, bilisan mo at kakain na tayo."
Tumalikod na ako kay lola at binilisan ko ang pagakyat sa hagdan pero napatingin sa akin si Marco at nginitian ko siya.
Pero sinimangutan niya ako. "Di bale mapapansin mo din ako" sabi ko sa isip isip ko.
Nagbihis na at ako bumaba na rin ako.
"Maghugas ka na ng kamay mo Aileen" sabi ni lola
Nagpunta na ako sa lababo at naghugas ng aking kamay. Habang naghuhugas ako pumasok siya sa kitchen at maghuhugas din daw siya ng kamay niya.
"hi! I'm Aileen, ikaw anong pangalan mo?" pagpapakilala ko sa kanya.
Sumimangot siya at hindi niya ako pinansin.
"hmmmp sungit mo naman." at tumalikod na ako sa kanya.
Pagkapasok ko ss dinning area napansin ko na ang daming nakahain na iba't-ibang putahe ng ulam.
"wow! ang daming ulam." sabi ko kay Manang Luz at ang luwang ng ngiti ko dahil yung ibang ulam ay paborito ko.
"Naku! Tiyak mapaparami ang kain mo niyan ineng." natatawang sabi niya sa akin.
Umupo ako sa kabilang gilid at tumabi kay Auntie Zeny. "Wala ka ng pasok?" tanong ni Auntie Zeny.
"Wala na po Auntie kasi nagparada lang po kanina" ang sagot ko kay Auntie Zeny.
Panaka-naka ang pagtingin sa akin ni Marco habang kami ay kumakain at nag-uusap ang mga matatanda sa hapag kainan. Sinabi sa akin kanina ni Manang Luz ang pangalan niya at ng kanyang kapatid at mga magulang. "Aileen magkasing edad lang kayo ni Gretchen kaya ipasyal mo siya mamaya at tulungan mo at ituro mo ang pasikot sikot dito. Pansamantalang dito muna maglalagi ng isang linggo habang inaayos nila ang kanilang bahay." sabi ni lola.
Kasama ko dito sa bahay sina lola dahil nasa ibang bansa din ang aking mga magulang. Nakiusap daw si Auntie Zeny sa mga magulang ko na dito muna sila pansamantala dahil mas malaki at maluwang ang bahay namin.
"Sige po Auntie Zeny"
Nagkwentuhan kami ni Gretchen maghapon. Sinabi niya sa akin na sa SLA daw siya magpapatuloy sa pag-aaral.
At pareho kami na grade11 at ang kuya niya ay nag-aaral na sa College at graduating na daw. Matagal na pa lang nakauwi dito sa Pilipinas si Marco at sa Manila daw nag-aaral.
Pagkatapos daw grumaduate si Marco ay pupunta daw sa Amerika at doon magtake ng Masteral Degree niya. Siya ang magmamanage ng business nila sa Manila.
May mga hotels na pala sila at balak nila magtayo dito sa probinsya bago magtake ng Masteral degree si Marco.
"Marco kailan ang balik mo ng Manila?" tanong ni Auntie Zeny sa kanya.
"baka sa linggo ng gabi Auntie Zeny."
"baka sumabay na kami kay Marco at marami pa kami aasikasuhin sa business namin sa Italy. For expansion na kasi ang ibang business namin kaya hindi namin mamonitor ng maayos si Gretchen kaya maiiwan na siya dito." sabi ni Auntie Karen ang mommy nila Marco at Gretchen.
Biglang nalungkot naman ang mukha ni Gretchen sa narinig
"Don't worry baby para sa inyo ng kuya mo ang ginagawa namin ng daddy mo." sabi ni Auntie Karen kay Gretchen.
malungkot lang na ngumiti si Gretchen.
"wag ka mag-alala friend at lagi ako andito para sa'yo. pwede ka naman mamasyal dito sa bahay or papasyal ako sa bahay nyo."
"thank you kasi nagkaron ako ng bagong friend." nakangiti ng sabi ni Gretchen.
"ayaw ko ng gala kayo ng gala na dalawa. lagi kitang tatawagan Gretchen at my curfew ka" sabi ni Marco.
"Grabe kuya mas mahigpit ka pa kila mom and dad!" nakasimangot na sabi ni Gretchen.
"because I am your guardian here and dont be a hard headed to Auntie Zeny."
"oo na kuya, mom look at kuya wala pa eh sobrang higpit na ni kuya." sumbong niya sa mommy nila.
"hayaan mo na anak at para naman sayo yan"
"ok po mom."
Dumating ang linggo at paalis na sila.
grabe ang iyak ni Gretchen at naiiyak narin ako dahil sa pag-iyak ni Gretchen.
"mom i will miss you."
"we will missed you too my princess"
sabi naman ng dad ni Gretchen at yumakap na siya sa magina niya.
"don't worry sis lagi naman ako dadalaw sayo, i will find time to visit you.
Yumakap na si Gretchen sa mom and dad niya at iyak ng iyak. Namiss ko tuloy sina mama and papa. Kahit na kababalik lang nila sa Canada last month.
Sumakay na sila sa Montero at umalis na.
Niyakap ko si Gretchen at alam ko kung ano ang feeling na naiiwan. Pero I'm lucky dahil mababait ang mga nag-aalaga sa akin.
"friend don't worry you're always welcome dito sa bahay. Tara na tulog na tayo at maaga pa ang pasok natin bukas."
"Sige, thank you friend." sabi n Gretchen sabay yakap sa akin.
"Gusto mo tabi muna tayo matulog?" aya ko kay Gretchen
" sige para makatukog ako kaagad."
at mahimbing na kami natulog ni Gretchen.
Morning came and sabay kami na pumasok sa school.
Maaga kami hinatid ni tatay Raul dahil siya ang kinuha ng mga magulang ko na driver.
"Hi Aileen good morning" bati sa akin ni Ben
isa siya sa mga nagpaparamdam sa akin.
pero noon wala pa sa isip ko na magkaroon ng boyfriend dahil ayaw ko madisappoint sila mama at papa.
Mabait at guwapo naman si Ben pero makulit sa panliligaw. Ilang beses ko na siya binasted pero umaasa parin daw siya na balang araw ay mapansin ko din siya.
"good morning ben, siya nga pala si Gretchen magiving kaklase naten siya." pakilala ko kay Ben
" hi good morning, I'm Ben nice meeting you and welcome to SLA"
"Hi! I'm Gretchen good morning too and thank you." nahihiyang sagot naman ni Gretchen.
Sa unang subject namin ay nagpakilala ai Gretchen sa buong klase.
Isang linggo ang lumipas at nakalipat na ng bahay si Gretchen. Minsan dito siya sa bahay nagtatanghalian kasi umuuwi ako pero minsan kapag timopak kami ay sa labas na kami naglalunch.
Isang araw ay umuwi si Marco at sinundo niya si Gretchen. Nakita ni Marco na may mga kasama kami na lalaki at galit na galit siya. Ayaw daw niya na nakikipagbarkada kami sa mga lalaki.
Iyak ng iyak si Gretchen habang magkausap kami sa messenger.
"ano ba yan friend grabe naman higpit ni Marco sayo." sabi ko kay Gretchen.
"friend ganyan talaga si kuya kahit noong nasa Italy yan mas mahigpit pa siya kay dad." sagot naman niya.
"pwede ba ako makisleep over jan friend?" tanong ko kay Gretchen.
"naku magpapapansin ka na naman kay kuya, alam mo naman na inis sayo yun." sabi ni Gretchen.
Pinilit ko siya hanggang sa pumayag siya. Kaya nagmadali ako na nagbihis na ng pantulog at naglagay sa mini bag ko ng extra na damit, dahil sabado naman bukas at wala kami pasok kaya pwede ako makitulog doon.
Nagpunta muna ako kay lola at nagpaalam na makikitulog ako kina Gretchen at agad naman na pumayag si lola.
Piahatid na ako ni lola kay Tatay Raul.
"bye tatay Raul, ingat po sa pagdrive pauwi." paalam ko sa matandang driver namin.
Pinatuloy na ako ng kasama nila sa bahay at pagpasok ko sa sala ay nakaupo si Marco sa sala nila at may kausap na babae.
"What are you doing here young lady?" nakasimangot na tanong sa akin n Marco.
"Makikisleep over ako Marco, nagusap na kami ni Gretchen and she's expecting me." pacute kong sagot pero pagtingin ko sa katabi niya na mukhang tuko ay sinimangutan ko.
"Love sino yang batang yan?"tanong ni tuko kay Marco.
"She's Uncle Chris niece." sagot naman niya
"aww ok, akala ko eh katulong nyo" maarteng sabi niya.
"Hmp, ako mukhang katulong? ikaw mukhang tuko" sabi ko at pinandilatan ko siya at nagmadali akong umakyat sa sobrang inis ko muntik pa akong madulas sa hagdan buti na lang at nakakapit ako. Nakita ni marco ang muntikan kong pagkadulas at tumakbo siya palapit sa akin.
Tinanong niya ako kung masakit b ang paa ko ang hinawakan ako sa kamay.
Biglang binawi ko ang kamay ko dahil parang may dumaloy na kuryente sa paghawak niya sa akin.
"are you ok?" tanong niya ulit.
napatulala ako pero nakuha ko rin sumagot dahil sa kabiglaan.
"ok lang ako." kinakabahan kong sagot sa kanya at dahan dahan akong umalis sa harap niya.
Grabe ang t***k ng puso ko sa simpleng hawak lang ni Marco. Pagkapasok ko sa kwarto ni Gretchen ay sumandal kaagad ako sa likod ng pintuan niya habang nakatulala at nakahawak sa aking dibdib.
Nagulat si Gretchen sa itsura ko at biglang nagalala siya.
"Friendship anong nangyari sayo? para kang hinabol ng multo sa itsura mo." tanong niya sa akin.
"friendship sampalin mo nga ako para akonh nananaginip. Pwede na ata ako mamatay." sagot ko sa kanya habang nakatulala parin at iniisip ko ang itsura ni Marco kanina at nakita ko sa mata niya ang pagalala.
"g*g*! bakit anong ginawa mo na naman at nagkaganyan ka? Siguro nakita mo si kuya ano? Nakita mo ba yung kasama niya? Gilfriend niya yun at matagal na sila kaya wala kang pag-asa dun kahit magpapansin ka."
"Grabe ka naman sa akin friendship di pa nga ako nakakaumpisa manligaw sa kuya mo nega na ang sinasabi mo sa akin." mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya.
"eh kung ibaling mo na lang sa mga manliligaw mo ang pagkagusto mo kay kuya. dahil matanda na si kuya at sobrang sungit nun at higpit."
"ano ba yan friendship bakit mo ba sinisiraan ang baby ko sa akin?" natatawa si Gretchen sa tawag ko kay Marco.
"baby ka diyan eh mas matanda nga si kuya kesa sayo"
eh kung inilalakad mo na ako sa kuya mo eh di mas maganda!" sabay lakad papunta sa kama niya at pabagsak na nahiga. Naalala ko na naman ang bruha na girlfriend ni Marco.
"anong pangalan ng tuko na yun? alam mo bang pinagkamalan nya akong katulong. Friendship mukha ba akong katulong? tanong ko sa kanya sabay upo ko.
" sa ganda mong yang friendship di ka mapagkakamalan na maid and ang dami kaya nanliligaw sa'yo."
"anyway, she's Trina lo g time girlfriend yun ni kuya. ang alam ko kakauwi niya lang kasi nagmomodel siya."
"ah kaya pala mukhang tuko at parang hindi kumakain sa sobrang payat niya."
"grabe ka makahusga friendship, model nga at isa pa mabait naman yun pag nakilala mo."
"hmp, bakit ayaw mo ba ako para sa kuya mo?" malungkot na tanong ko sa kanya.
"syempre gusto ko friendship para talagang magiging sis na tayo nun at tatawagin kitang ate." natatawang saad niya.
"Magiging hubby ko ang baby Marco ko tandaan m yan friendship. ay mas ok na sis na lang ang tawagan naten."
"perfect! sis na lang" sabay apir namin at tawa.
Nagkwentuhan pa kami ni Gretchen hanggang madaling araw. Sa sobrang puyat namin ay 10am na kami nagising dahil sa lapastangan na ai Marco my baby.
" Ano gusto niyo bang buhusan ko kayong dalawa ng malamig na tubig para magising kayong dalawa?" pagalit na sigaw niya.
"baby naman maaga pa and wala kami pasok ngayon. It's rest day until tomorrow." sabi ko habang nakapikit ang isang mata ko samantalang si Gretchen ay walang pakialam sa galit ng kuya niya.
"baby my ass you call me kuya dahil mas matanda ako sayo. di mo ako ginagalang Aileen." galit niyang sabi sa akin.
"you're so harsh to me baby, balang araw magiging akin ka." sabay ngiti ko sa kanya.
umigting ang mga panga niya dahil sa mga sinabi ko.."bumangon na kayomg dalawa diyan at marami ako ipapagawa sa inyo." pagkasabi nun ay umalis na siya.
Buong araw ako nandito sa bahay nila dahil nandito si Marco. Kahit na pinapauwi ako ay hindi niya ako natinag.
"ano Aileen dito ka na ba titira? baka hinahanap kana ng lola mo! Get you're things, i will drive you home." inis niyang sabi.
"bakit mo ba ako pinapauwi eh nag paalam naman ako kay lola."
"kagabi ka pa nandito malamang hahanapin kana."
Napilit niya akong umuwi dahil may gagawin daw sila ngayon. Kaya napilitan na lang ako umuwi.