Tuwing biyernas ng hapon dumadating si Marco galing sa Manila minsan kasama niya ang kanyang girlfriend.
Lagi naman ako natutukog sa bahah nila kapag andiyan na siya.
Sumapit ang debut kaarawan ni Gretchen at ipinagdiwang nila sa isang hotel at madami ang kanilang mga bisita. Umuwi rin ang kanilang mga magulang. Magarbo ang kaarawan niya. Madami ang knilang mga bisita at may mga kasama din si Marco na mga kaibigan niya na umattend sa birthday ni Gretchen.
"happy birthday to you happy birthday to you happy birthday to you! sis happy birthday enjoy your day and i wish you more blessings and sana makita mo na rin ang the one." bati ko sa kanya sabay yakap.
Napakaganda niya sa gown niyang kulay baby pink. yun ang paborito niyang kulay at pareho kami.
"sis susunod ka na rin na magbirthday!" nangingiti niyang sabi.
"nandiyan na ba si Ben?" tanong niya dahil siya ang kanyang escort.
Pinaghandaan talaga nila ang birthday niya, may 18 roses, 18candles, 18 wishes, 18 balloons, 18 sweets, 18 gifts at madami pa.
Gusto kasi ng ng mom niya na madaming umattend sa debut ni Gretchen.
"Nandiyan na nakita kong kausap ni baby." sabay ngiti ko.
"Grabe sia halos dalawang taon mo ng nililigawan si kuya. Ang strong strong mo ah." natatawang sabi niya sa akin.
Kahait andiyan lagia g girlfriend niya ay nagpapapansin ako sa kaniya na lalo niya ikinaiinis dahil lagi kami nagaaway ni Trina.
"hmp, may the best woman win sa amin ng girlfriend niya. Wala yan sa tagal ng pagsasama nila." irap ko sa kanya.
"oo na, anyway malapit narin ang debut mo bez pumayag na ba si kuya na maging escort mo? Ang alam ko wala siya sa araw na yun dahil my importante siyang aasikasuhin sa Singapore sabi ni dad."
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Alam ko naman na busy na siya lagi. Dahil after niya magaral sa America eh sumabak na siya kaagad sa kumpaniya nila.
"hayaan mo na kung wala siya, maghahanap nalang ako ng iba." sabi ko sa kanya at nagulat pa kami dahil bumukas bigla ang pinto at iniluwa niyon si Marco.
"hi baby! kumusta? malapit na ang debut ko wag mo ako indiyanin ha magtatampo ako sayo sige ka." pacute kong sabi. Pero hindi niya ako pinansin.
"tapos ka na ba mag-ayos gretch? marami ng bisita sa baba and the party will about to start." seryosong sabi niya.
"tapos na kuya, nandiyan na ba ang escort ko?" tanong ni Gretchen sa kanya.
"kanina pa siya naghihintay sa baba, anyway happy birthday sis!" bati ni Marco sa kapatid niya sabay yakap.
Mapagmahal si Marco sa kapatid niya at mga magulang, pero kapag ako na ang kaharap parang biyernes santo ang mukha. Ipinaglihi yata ng mommy niya sa simang.
"Grabe ang kuya mo ha kapag naging kami niyan pahihirapan ko din siya akala niya." sabi ko sabay simangot.
Tawang tawa naman si Gretchen dahil hindi ako pinansin ng kuya niya.
"sis hayaan mo muna si kuya at baka madami lang yan iniisip."
"Sige na sis punta na ako sa table ko, happy birrhday ulit." paalam ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Sige sis, grabe ang sexy mo diyan sa suot mo. how i wish i have a big hinaharap just like you. For the labas ang clevege ang ferson?" sabay tawa niya.
"kaloka ka, hirap nga ako magtago nito eh nahihiya nga ako sa pagbalandra dahil malaki. Naku kung di ko lang inaakit ang kuya mo hindi ko ilalantad eto."
"ok lang yan sis pag may kayamanan sa katawan iflex hahaha" tawang tawa na sabi niya.
"sige na bakla iretouched mo na yan at ng mapansin ng prince charming niyan ang kagandahang tinatago ng friendship ko."
"sige po mam" sagot sa akin ng bakla na nagaayos kay Gretchen.
Sa elevator ako sasakay dahil ayokong makaagaw ng eksena ni Gretchen. Habang naghihintay ako sa pagbukas ng pintuan ng elevator ay bivlang huminto rin sa tabi ko si Marco at Trina.
"Hi!" bati ni Trina sa akin, at nginitian ko lang siya at ibinalik ko na lang ang baling ko sa unahan para hindi ko makita ang paglalampumgan nilang dalawa.
minsan mabait naman ang tuko sa akin pero madalas.sinusungitan niya ako. Dahil ramdam siguro niya na threat ako sa kanya.
Pagkabukas ng elevator ay nauna na akong pumasok at pumwesto ako sa may gilid.
Si Marco na ang pumindot at hindi na niya ako tinanong kung saan ako bababa dahil pareho lang naman kami ng pupuntahan.
Pagkalabas namin sa elevator ay nagtungo na ako sa aming upuan kasama ko sina Auntie Zeny at ibang pinsan ko.
"tapos ng ayusan si Greta?" tanong ni auntie Zeny.
"opo tapos na po." malumanay kong sagot.
Nagumpisa ng magsalita ang emcee at madami siya prinopromote and pinapasalamatan na mga sponsors. Hanggang sa pinatayo na kaming lahat at naging dim ang liwanag ng ilaw. nakita ko na naghihintay sa b****a ng hagdag si Bren.
Huminto sa panliligaw sa akin si Bren, at ngayon ay si Gretchen na ang nililigawan niya simula noong huling basted ko sa kanya. Matagal narin siyang nanliligaw kay Gretchen pero may ibang priority pa si Gretchen kaya hindi niya masagot si Ben. Ramdam ko naman na mahal na din ni Gretchen si Ben.
Habang pababa ng hagdan ang aking bestfriend ay tinignan ko si Ben at kita ko sa mga mata niya ang oaghanga sa kaniya.
Nagumpis ng party hanggang sa nagkainan at unti unting tinawag ang mga kasali sa 18 roses at iba pang program.
Isa ako sa magbibigay sa kanya ng gift and message.
Nasa kalagitnaan pa lang ang party pero gusto ng umuwi ni lola kaya tinawag ko si tatay Raul at pinahatid ko na si lola. Sinabihan ko rin na wag na siyang bumalik dahil baka gabihin na aiya lalo at mapagod.
Nagkaroon mg sayawan pagkatpos ng program. Si Auntie Zeny ay isinayaw ni Uncle Chris. Lumapit sa akin si Lance.
"Hi! May I dance with you?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya.
Tumingin muna ako sa paligid at napanain kong nakatingin si Marco sa gawi ko at nakita ko ang pagbago ng kanyang aura. parang galit siya na hindi ko maintindihan.
"sige" sagot ko kay Lance at inabot ko na sa kanya ang kamay ko at nginitian siya.
Mabait naman si Lance, ahead siya ng isang taon sa akin. At kasali siya sa varsity player.
"bakit parang nanginginig ka at ang lamig ng kamay mo?" tanong ko sa kanya.
"di ko nga alam kinakabahan kasi ako kaninang papalapit ako sayo." sabi niya at halatang kinakabahan parin.
"kaloka ka di naman ako nangangain" sabi ko para gumaan ang pamiramdam niya.
"salamat at pumayag ka na magsayaw tayo, akala ko irereject mo ako."
"mabait ka naman kaya bakkt kita irereject." sabi ko sa kanya na nagingiti.
"talagang mabait ka, minsan nahihiya akomg lapitan ka kasi baka ireject mo ulit ako."
"Lance mas ok na yung alam mo sa una pa lang na ayaw ko sayo. We can be friends tsaka alam mo naman na may iba akong gusto di ba? Ayaw kotang saktan dahil nararamdaman ko din yun." malungkot na sabi ko sa kanya.
"Naintindihan ko. hayaan mo hindi na kita kukulitin. yes friend na lang tayo. malay mo magbago ang isip at laman ng puso mo." sabi niya sa akin.
Nginitian ko na lang siya. Hanggang sa namayani ang katahimikan sa amin.
Bigla siyamg tumikhim. "Pwede ka ba manood ng laro namin sa Miyerkules ng hapon?" tanong niya
Sasagutin ko na sana ng oo ng biglang my umapak sa paa ko at pagtingin ko.kung sino ay walang iba kundi si Marco na madilim ang mukha.
"Sorry to interrupt pero tawag ka ng bestfriend mo." sabi niya sabay talikod.
"Tignan ko kung wala kami gagawin ni Gretchen ha." sabi ko sa kanya.
Hinatid muna niya ako sa upuan ko dahil kinuha ko muna ang bag ko bago ako pumunta sa kwarto na inokupa ni Gretchen.
Hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa akin si Marco at nagulat pa ako na dalawa lang kami sa elevator.
"bakit mo pinindot ang stop?" kinakabahan kong tanong habang titig na titig ako sa madalim niyang mukha at palapit siya sa aking pwesto.
"bakit ka lumalandi ka sa mga lalaki? nagpapahawak at payakap ka talaga sa mga lalaki! Ganyan ka ba talaga para mapansin ko?" Galit na tanong niya sabay haklit sa aking braso.
"ano ba Marco nasaaaktan ako! sino ba ang lumalandi sa ating dalawa diba ikaw lang naman. Nagsayaw lang ako dahil niyaya ayo. alangan naman tanggihan ko!" mangiyak mgiyak kong paliwanag dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Ako pa ngayon ang pagbibintangan niya, eh wala naman akong ginagawang masama at bakit siya nagagalit. Diba ayaw naman niya sa akin at meron nga siyang girlfriend.
"At bakit ako ang binabantayan mo hindi yang tuko mong girlfriend!" naiinis na sabi ko sa kanya at naglandas ang luha ko.
Nakita ko kung paano lumambot ang mukha niya. At tumalikod na siya sa akin hindi na siya nagsalita.
Habang paakyat na ang elevator hindi na kami nagimikan. Dumiretso na ako sa kwarto ni Gretchen.
Kumatok ako bago pumasok. Nagulat pa siya sa itsura ko dahil namumula ang mata ko.
"oh bakit ganyan ang itsura mo?" nagaalalang tanong niya.
Iniiwas ko ang tingin sa kanya at hindi ko ainagot ang tanong niya.
"pinatawag mo daw ako sabi ni Marco." Nagulat naman niya sa tanong ko.
"huh? hindi kita pinatawag sis kasi alam ko nagsasayaw kayo ni Lance. Teka at tawagan ko nga si kuya." sabay kuha niya sa cellphone niya.
Pinigilan ko siya na tawagan ang damuho. Galit ako sa pambibintang niya.
"huwag mo ng tawagan at baka busy na siya. hayaan mo na lang." pagod kong sabi.
Pero bago ibaba ni Gretchen ang cellphone niya ay tumunog naman ang ito. Nakatanggap siya ng mensahe galing sa kuya niya na sito na lang daw ako sa hotel matulog. ihahatid na lang daw dito ung keycard ng magiging room ko.
Nag-uusap kami ng may biglang kumatok.
"ako na baka yan na yung keycard" sabi ko s kaniya.
Tumango siya bago bumaling sa bakla na nagaayos sa kaniya.
Pagpihit ko sa pintuan ay nagulat pa ako ng mabungaran ko si Marco.
Iniaabot noya sa akin ang keycard.
"Magpaalam kana sa kapatid ko, sabihin mong pupunta kana sa room mo at magpahinga." Bulong niya sa akin.
"Sis punta lang ako sa magiging room ko." paalam ko kay Gretchen
"ok sis see you later" sabi niya.
Naglalakad ako.ng walang direction at nasa likod ko lang siya sinusundan ako.
"Room 518" sabi niya.
Nagulat ako dahil sa fifth floor ang magiging kwarto ko. Nagsalita siya ulit ramdam niya na nagulat ako dahil huminto ako sa paglalakad.
"Wala ng bakante kaya dun ka sa taas." paliwanag niya
Pinindot niya ang elevator at eksaktong bumukas naman at sumakay na kami papunta sa fifth floor. Pagbukas ko sa kwarto ay sumunod siya sa akin. Biglang yumakap siya sa likod ko at nagulat ako sa ginawa niya. Amoy na amoy ko ang hininga niya na amoy alak pero hindi naman masakit sa ilong.
"I'm sorry baby." pabulong na sabi niya.
Nagulat ako dahil tinawag niya akong baby.
"Nagkakamali ka ata ng niyayakap Marco? Hi di ako ang girlfriend mo" sabi ko sa kanya pero hindi ko parin inaalis ang pagkakapos niya sa akin.
Pinihit noya ako paharap sa kanya at hinawakan niya at mukha ko. Nagtitigan kaming dalawa. Iiwas ko sana ang aking mukha pero pinigilan niya at bigla niya akong hinalikan.
Nagulat ako sa ginawa niya hindi ako nagresponae dahil wala pa ako nahalikan. siya ang first kiss ko.
Pagkatapos niya akong halikan ay niyakap niya ulit ako at nagsorry siya ng nagsorry dahil sa ginawa niya sa akin kanina sa elevator.
"Sorry baby kunh nasaktan kita kanina ayaw ko lang my ibang humahawak sayo." paliwanag niya.
Pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya sa akin pero mahigpit niya akong niyakap.
"Magpahinga ka na huwag ka ng bumaba at malapit naman ng matapos."
"Magpalit ka muna bago ka matulog, i already prepare your clothes."
Pinatalikod niya ako at siya ang nagbaba ng zipper ng damit ko at narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto. Dahil sa sobrang kaba ko sa pagbaba niya ng zipper ng damit ko at ramdam ko ang panginginkg ng kamay niya habang binababa ang aking zipper ay hindi ko namalayan na naibaba na pla niya.
Tumapat ako sa shower at naligo ako. Gusto ko makatulog ng maayos kaya naligo muna ako.
Mamaya magmemessage ako kay lola na dito ako matutulog sa hotel nila baka kasi mag-alala sila sa akin.
Pagkatapos ko maligo ay nakita ko ang damit na nakapatong sa kama. Isang kulay pink na pantulog.
Natilihan ako dahil alam niya ang favorite kong kulay ng damit at napapaisip ako kung saan niya kinuha.
Alangan naman lumabas pa siya kanina para lang bumili ng pantulog ko? hay bahala siya basta magpapahinga na ako pagkatapos ko magpatuyo ng buhok.
Pagkatapos ko magmessage kay lola ay tinignan ko muna ang paligid at sinilip ko ang laman ng mga drawer. Nagtataka ako bakit may mga gamit at damit panlalaki.
"Teka , damit niya itong mga to ah! kwarto niya ba ito dito? Naku, baka naman biglang pumasok si tuko at awayin ako ha!" pagkausap ko sa aking sarili.
"hmp bahala na pagod na ako kaya matutulog na ako."
Paglapat ng likod ko sa kama ay parang hinihila na ako ng antok.
Bago ako makatulog ay biglang lumundo ang higaan at parang may yumakap sa akin.
Dahil sa pagod at antok ay hinayaan ko ng makatulog ako.
Marco
Nakapalit narin ako dito sa kabilang kwarto. Ito dapat ang ibibigay kong kwarto kay Aileen pero hindinpa gaanong naayos kaya dun siya sa kwarto ko siya pinatuloy. Sinilip ko muna sa cellphone ko kung tulog na siya. Pinalagyan ko ng cctv ang kwarto ko na sa akin lang nakaconnect. Pagtingin ko sa monitor ay nakahoga na siya at parang nakatulog na.
Pumasok na ako sa kwarto ko at tumabi na sa kanya. Gumalaw siya pero hindi siya nagising kaya maingat ko siyang niyakap.
Matagal ko ng gusto o baka mahal ko narin siya unang kita ko pa lang sa kanya pero bata pa siya kaya hindi ko pinapansin kung nagpapapansin siya sa akin.
Pinipilit kong umuwi tuwing biyernes noong nasa grade 11 pa lang sila.
Lihim ko siyang tinitignan kapag hindi siya tumitingin sa akin. Masarap sa pakiramdam na makita ko siya lagi. Kapag natutulog siya sa bahay ay lagi ko sila sinisilip kapag sa madaling araw at ninanakawan ko siya ng halik.
Alam kong marami siyang manliligaw kaya yung ibang nanliligaw sa kanya ay kinakausap ko. Naghire ako ng bodyguard na nagbabantay sa kanila ng kapatid ko. Hindi nila alam na laging may sumusubaybay sa kanila.
Pinilit kong makatulog kahit na hirap ako dahil katabi ko siya ngayon. gigising ako ng maaga bukas baka gumising siya ng maaga at makkta niyang katabi ako.
Paggising kp kinabukasan ay masarap parin ang tulog ni Aileen. Ang amo ng mukha niya talaga. Kinintalan ko muna siya ng marahan at baka magising siya tsaka dahan dahan akong bumangon. Kumuha ako ng damit ko at sa kabilang kwarto ako naligo at nagbihis.