Chapter 3

1193 Words
Aileen Gumising ako na ang sarap sa pakiramdam. Parang naamoy ko ang amoy ni Marco. At naalala ko parang may yumakap sa akin kagab parang totoo na may yumakap sa akin. Bigla ako napabalikwas ng bangon at inamoy ko ang unan parang kaamoy ni Marco. "Imposible naman na tumabi sa akin si Marco kagabi" pagkausap ko sa sarili ko. "hmp erase erase hindi yun tatabi sa akin at galit siya." sagot ko sa kabilang utak ko. Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko pintuan ay nagulat pa ako kay Marco. "Good morning!" bati niya sa akin at dere deretso siya sa loob ng kwarto. Sa gulat ko ay hindi ako nakahuma. "Please closed the door at baka my ibang makakita sayo." dugtong pa niya. Pumunta siya sa isang walk in closet siguro yun. "huwag mong sabihin kahit kanino na dito ka natulog sa kwarto ko kagabi at baka isipin pa nila na may gusto ako sayo." maangas pa na sabi niya. "Ang kapal talaga ng mukha mo bakit dito mo kasi ako pinatulog kagabi." naiinis ako sa mga kilos niya. Hindi ko alam kung may gusto siya sa akin o wala. Sira na ata ang tuktok ng mokong. "Kahit gusto kita Marco hindi ako magiging desperada na magmakaawa ako sayo na gustuhin mo rin ako. At isa pa bata pa ako. Magagalit sa akin si lola pag nalaman din niya."masungit din na sagot ko. May nilabas din siyang paper bag na galing sa isang cabinet at iniabot sa akin. "isuot mo na lang yan mamaya." dugtong niya. Tinignan ko ang laman ng paper bag, pink underwear at white blouse and pink pants. "hmp baka kay tuko eto ha, kalbuhin pa ako nun pag nakita niya" sabi ko sa kanya na seryoso ang mukha ko pero deep inside kinikilig ako. Grabe ang sweet naman ng baby ko. Kagabi binigyan niya din ako ng bihisan at ngayon meron na naman. "sa'yo yan pinabili ko sa secretary ko." seryosong sagot niya habang nagsusuot ng relo. "maligo ka na at magbreakfast na tayo sa baba. Bilisan mo ang kumilos. Ayaw ko sa lahat ay makupad ang kilos Aileen." "Yes boss sungit, grabe ang aga naman natin magdate baby. Sinasagot mo na ba ako?" nakangiti kong tanong. "Puro ka kalokohan kumilos ka na diyan dahil naghihintay din sina mom and dad sa baba. Pag tinanong ka kung saan ka natulog sabihin mo na sa Room 218 ka natulog. Understand?" "Oo na lumabas ka na nga akala ko pa naman niyayaya mo na ako magdate. hmp!" Tinulak ko na siya palabas ng pinto. Nagmadali na akong naligo dahil nakakahiya naman na paghintay ang mga magulang niya. Habang nagbibihis ako naalala ko ang akong cellphone. Tawagan ko muna si lola bago ako bumaba. Pagkatapos kong magbihis ay tumawag na ako kay lola pero hindi niya sinasagot. Nilingon ko ang landline at yung ang ginamit ko para makatawag sa bahay. "Hello, good morning!" bati ni Manang Luz sa kabilang linya. "Good morning po Manang Luz, si lola po?" tanong ko "teka at tatawagin ko." "sige po manang thank you po." habang naghihintay ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Gretchen. "hello sis nasan kana?" bungad niyang tanong "hi good morning sis wait lang at kakausapin ko lang saglit si lola at baka mag-alala na siya sa akin. Pababa narin ako." At nagpaalam na ri siya sa akin. sakto naman na nasa kabilang linya na si lola. "hello apo bakit ka napatawag?" tano g niya sa akin "good morning po lola sasabihin ko lanv na mamaya pa ako makakauwi dahil nandito pa po ako sa hotel." "ipinagpaalam ka na ni Marco kahapon apo kaya ok lang. Mag-ii gat sa pag-uwi." "sige po lola, bye po." Pagbaba ko ay biglang nabaling ang tingin nila sa akin. Binati ko silang lahat sabay umupo ako sa tabi ni Gretchen . "kumusta ang tulog mo iha?" tanong ng mommy ni Gretchen. "nakatulog po ako ng maayos." "oh siya kumain na tayo" habang kumakain ay panay ang kwento ni Gretchen sa nangyari kagabi. Masaya ang birthday celebration niya dahil kumpleto sila. "Aileen iha ihahatid kana ni Marco." sabi ng mommy nila. "ok po Auntie, thank you po sa pabreakfast nyo." sabi ko. Grabe ang saya ng umaga ko dahil ihahatid pa ako ng baby ko. Pero napasimangot ako dahil katabi niya si tuko at malamang na kasama ya sa paghatid. Marco Bago ako umalis kanina ang pinicturan ko muna. Lihim ko siyang kinukuhanan ng picture. "Nagiging stalker na ako sa lagay na ito." Pagkatapos ko magbihis ay bumalik ako sa kwarto ko. Paglabas ko ay binati ako ng isang janitor nagtaka pa siya kung bakit ako dito lumabas. "Magandang umaga Sir!" bati niya sa akin at tinanguan ko lang siya. Kumatok ako sa kwarto ko dahil alam kong gising na siya. Natatawa pa ako dahil inaamoy amoy niya ang unan ko. Nagulat siya sa akin kaya pumasok na lang ako. Pagkabigay ko sa kanya ng damit niya ay lumabas na din ako at nagbilin sa kanya na bumaba na kaagad. "Auntie Karen, Uncle Danilo salamat sa breakfast alis narin po ako." sabi niya kina mom and dad. humalik na din siya sa kapatid ko. "taralets - baby? mahina niyang binanggit ang baby. pero nun tumayo na si Trina ay sumimangot siya ng palihim ngunit nakita ko eto. "tara na" sabi ko naman. Nasa likod namin siya ni Trina at bulong siya ng bulong. Pinagbuksan ko siya ng pintuan sa likod dahil sa harap naman uupo si Trina. Biglang tinabig niya ang kamay ko at bubulong bulong "pagentleman hmp" narinig kong sambit niya "love kelan ka papasyal ng manila? hindi kana nakakadalaw sa bahay simula nun ikaw na ang nagtake charged sa business nyo" tanong ni Trina. She is my long time girlfriend, on and off kami. Dahil sa trabaho niya. Everytime i tried to quit our relationship gumagawa siya ng gulo. Kaya hinahanapan ko siya ng butas para kapag totally nakipaghiwalay na ako sa kanya ay wala ng problema. Alam kong may kinakatagpo siya kapag nasa ibang bansa siya kaya hinahayaan ko na siya. wala na rin ako nararamdaman sa kanya. "maybe one of this days dahil may aaaikasuhin ako sa manila." Sagot ko sa kanya. madaming pagkakataon na niloloko niya ako. "ayaw mo ba magmodel Aileen? Pwede ka maging model dahil sa height mo." sabi ni Trina kay Aileen. "Hindi siya papayagan ng mga magulang niya Trina kaya wag mong lasunin ang utak ng bata." sabad ko. "love tinatanong ko lang siya kaya relax ka lang." lambing na sagot niya sa akin. hindi na ako kumibo pero biglang nagsalita si Aileen. "may iba akong gustong gawin at wala akong hilig sa mga ganyan." sagot ni Aileen "ok, pero pag nagbago ang isip mo sabihan mo lang ako at irerecommend kita sa agency namin." nakangiting pagkumbinsi pa niya kay Aileen. "pag-iisipan ko." sagot naman niya na ikinainis ko kaya binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan ko. Pagkarating namin sa harap ng bahay nila ay bumaba na siya kaagad at nagdoorbel siya. Pinagbuksan naman siya kaagad ng driver nil na si mang Raul. Umalis na kami ni Trina at bumalik na sa hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD