Aileen
Simula nung gabing niyaya ako na magsayaw ni Lance ay halos lagi na siya nakabuntot sa amin ni Gretchen. Nakaabang na siya sa akin sa may gate or sa may entrance ng building namin. "Hi! Good morning Aileen, flowers for you!" masayang bati sa akin ni Lance sabay abot niya sa akin ng rose.
"Hello! good morning. Anyway, thank you. Sana Lance last na etong pagbibigay mo sa akin ng flowers dahil halos mapuno na ang kwarto ko sa mga bulaklak na bigay mo. Tsaka alam mo naman ang status mo sa akin di ba? Ayaw ko na saktan ka pero yun talaga ang nararamdaman ko." malungkot na sagot ko sa kanya.
"ok lang yun Aileen gusto ko lang iparamdam sayo na mahal talaga kita. atleast i take the risk na manligaw at wala ako pagsisihan balang araw. Malay mo mabaling na sa akin yun pagtingin mo."Lakas loob lang sabi sa akin.
"Ikaw ang bahala basta sinabihan na kita. pero sana ibaling mo na talaga sa iba yung nararamdaman mo sa akin." Malumanay na saad ko.
"Sige na baka malate ka pa sa first subject mo." pagtataboy ko sa kanya.
"Sige, ingat ka! kita nalang tayo sa canteen mamaya. bye!" nagwave na siya at lumakad na palabas ng building namin at ako naman ay nagtuloy na sa pagpasok ko sa room namin. Nasa second floor ang first subject namin.
Pagdating ko sa classroom namin ay nandun na si Gretchen.
"Hi! good morning sis!" bati sa akin ni Gretchen at ngumiti ng nakakaloka. Alam ko na ang ibig niyang sabihin! Nakita na niya ang hawak kong bulaklak.
"good morning! whats with your face? anong meron at ngingiti ngiti ka diyan?" naiinis kong sabi sabay pasalampak na umupo ako sa upuan ko.
"hahaha chill sis ang aga aga nakabusangot ka. Lika picturan naten yang dala mo at ipopost ko sa ig ko." natatawang sabi pa niya na ikinainis ko.
" sis ha ang aga aga nang-aaar ka." nakasimangot kong sabi
"ano ka ba sis ayaw mo nun madami ang makakakita at malay mo maopen ni brother at makita niya na may mga nanliligaw parin sayo.
Pinicturan ni Gretchen yun bulaklak at pinost niya sa kanyang IG account.
"sana all sis Aileen de Mesa may everyday bulakalak." tagged sa akin ni Gretchen.
ang dami kaagad nagcomment sa post ni Gretchen
"sana all talaga."
"pakilala mo naman kami sa manliligaw mo baka my kapatid"
"wow ang haba ng buhok mo Aileen"
"sagutin mo na si fafa!"
"sagutin mo na si fafa Lance sissy!" comment ng isang baklang kaklase namin.
"hala si Lance na varsity player?"
"waaah si fafa Lance? akin na lang sis kung ayaw mo sa kanya."
at madami pa ang nag comment.
"grabe sis dami kaagad nagcommnent sa post ko" halos mabasa na lahat ni Gretchen ang mga nagcomment sa post niya.
"kasi naman sabi ko sayo wag mo na ipost tignan mo naging controversial tuloy. mamaya niyan may mangaway sa akin na fans niya. Alam mo naman na sikat si Lance eh!" nakasimangot kong sabi sa kanya.
"hayaan mo sila at ikaw naman ang mahal ni fafa Lance." kinikilig si Gretchen.
Lahat ng kaklase.ko kanya kanya ang ginagawa sa kanilang upuan may nakikipagkwentuhan, may nagrereview. May nagpapatugtog ng gitara.
Biglang tumahimik ang mga kaklase ko at umayos ng upo dahil dumating na ang professor namin na si Prof Valdez.
"Good morning class! how's your day?"
"Good morning Prof"
"Good morning ma'an!" bati namin sa kanya.
May edad na si Prof Valdez pero gusto parin daw niya magturo dahil yun daw ang libangan niya. Nasa ibang bansa na daw ang mga anak niya at siya na lang ang naiwan dito sa Pilipinas dahil mas gusto niya ang weather dito kesa sa US. Isang balo si Prof Valdez.
Masipag siya magturo kaya gustong gusto ko siya na Professor.
After ng discussion niya sa Accouting 4 ay binigyan na niya kami ng assignment. "ok class that's all for today, I hope naintindihan nyo ang mga naidiscuss ngayon." pagkasabi nun ay nagpaalam na siya sa amin.
Nagtuloy tuloy ang subject namin hanggang sa magbreak time na kami.
Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay may mga girls na patingin tingin sa akin. Naconscious tuloy ako sa mga tingin nila. At may mga naririnig ako na binubulong nila na "siya pala yung nililigawan ni Lance." Binulungan ko si Grethen "tignan mo ang ginawa mo pinagtitinginan tuloy ako ng mga schoolmates natin." sabi ko sa kanya.
"Relax ka lang sis wala naman magagawa ang mga yan." sabi naman niya sa akin at ng nakarating na kami sa canteen ay nakita ko kaagad si Lance at ng mga kasama niya sa varsity. Sinensyasan niya ako na dun na lang daw kami sa group nila pero umiling ako. Bigla siyang tumayo at pumunta sa akin. "Hi! dun na lang kayo sa table namin maluwang naman." nakangiti niyang saad sa akin. "Hi! naku wag na Lance nakakahiya naman sa group ninyo." sabi ko naman sa kanya. Naramdaman ko nalang ang pagsiko sa akin ni Gretchen. at napatingin ako sa kanya.
"sis tawag tayo dun ni Bren." sabay nguso niya na tinuturo ang pwesto nila Bren na kasama nga sa grupo nila Lance.
"kasama namin si Bren dahil sumali siya sa basketball. Tara dun na lang kayo. Binilhan na lang namin kayo ng pagkain." Pangungulit pa ni Lance.
"sige na nga pero Lance last na eto ha. friends lang talaga ang gusto ko sayo" sabi ko sa kanya na di naman na siya sumagot at naglakad na lang kami sa table nila.
"Hi!" bati ko sa mga kaibigan ni Lance.
"dito ka na lang umupo sa tabi ko sabi ni Lance at iniwan na din ako ni Gretchen at tumabi kay Bren.
"sige" sagot ko sa kanya at nilagyan na din niya ako ng pagkain.
"wow gentlemen pare, iba tlga nagagawa ng pag-ibig!" kantyaw sa kanya ng mga kaibigan niya. Nginitian na lang niya ang mga ito.
" ako na lang Lance nakakahiya naman sayo."
"may gagawin ba kayo mamaya? may laro kami mamayang hapon. sana manood kayo" pag-aya niya sa akin.
Tinignan ko naman si Gretchen at siya na ang sumagot dahil alam niyang ayaw ko manood ng mga ganyan.
" sige Lance pupunta kami ni sis at panonoorin din namin si Bren kung magaling ba siya maglaro." sagot ni Gretchen sa kanya.
natapos na kami sa pagkain at nagpaalam na kami.
"sige see you ulit mamaya" sabi sa akin ni Lance.
naglalakad na kami pabalik sa room ng kinalabit ako ni Gretchen.
"sis bakit ayaw mo pagbigyan si Lance? isang buwan na yan nagpaparamdam sayo. Dun ka na lang wag na kay kuya kahit kapatid ko pa yun. Dahil mukhang wala kang pag-asa sa kanya."
"sis kung pwede nga lang turuan ang puso."
"kaw ang bahala tutal mga bata pa naman tayo. Anyway, paano ako magpapaalam kay kuya? ang alam niya eh maaga tayo uuwi ngayon." malungkot na sabi niya sa akin.
Dahil half day lang kami ngayon ay napagusapan namin ni Gretchen na sa Hotel na lang nila kami kakain at para makita ko din ang kuya niya.
"sis dun na lang tayo maglunch sa M&G" sabi niya sa akin na ikinaliwanag ng mukha ko.
"talaga sis? i love you talaga!" masayang sabi ko sa kanya sabay yakap ko dahil makikita ko na naman si Marco.
"oo alam ko naman na hinihintay mo na magsabi ako." sabay tawa niya.
" Hinatid kami ni Mang Raul sa M&G Hotel
Pagdating namin sa entrance ng M&G Hotel ay binati kami ng guard at ng ibang staff. Kilala na kami dito dahil halos weekly kami pumupunta ni Gretchen. Alam niya na crush ko na noon pa si Marco at siguro mahal ko na talaga siya.
Tuloy kami sa pagpasok sa elevator, nasa loob na kami ng elevator at malapit ng magclose ng pintuan ngunit may pumigil dito.
Hingal na hingal ang lalaki habang papasok sa loob ng elevator. At ngumiti sa amin ni Gretchen dahil dalawa lang kami sa loob ng elevator. Pero sumimangot si Gretchen.
"Kilala mo sis?" bulong ko sa kanya.
"Oo, friend yan ni kuya."
"Hi! dadalawin nyo si Marco?" tanong niya.
"Oo, ikaw san ka pupunta? Kuya Frank pwede ba wag ka bad influence kay kuya. Malapit na kita isumbong kila mommy kasi lagi mo siya inaaya magpunta sa bar." masungit na sabi ni Gretchen.
"Gretchen baby don't be rude to me. Paminsan minsan lang namin kami mag bar. Para lang makapag unwind lang kami at pangtanggal ng stress."
"pangtanggal ng stress? eh halos every weekend na lang kayo umaalis."
Paglabas namin sa elevator ay hindi na natapos ang pagsusungit ni Gretchen kay kuya Frank. Pagdaan namin sa table ng secretary ni Marco ay binati kami at sinabi na maghintay lang kami saglit at may kameeting pero malapit na daw matapos.
Umupo muna kami sa waiting area. Pero si Frank ay nakipaglandian na sa secretary ni Marco.
"tignan mo yan si kuya Frank playoy talaga, kahit sino nilalandi.Grabe ang pagkalandi niyan."
"bakit ka affected sis? may gusto ka ba sa kanya? ikaw ha paano na lang si Bren kung may gusto ka pang iba." sabi ko sa kanya.
Sakto naman na sasagot na sana si Gretchen ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Marco. Tumayo na kami ni Gretchen at nauna na ako na naglakad papunta sa loob.
"Hi!" bati ko sa kanya.
"ano na naman ang ginagawa mo dito bata?" tanong niya sa akin.
"magpapalibre sana kami ni Gretchen. Hindi pa kami naglunch." sabi ko sa kanya at nagpacute pa ako pero walang effect at busy sa pagbabasa ng kung anong files.
"hindi mo ba alam na nakakaistorbo kayo ng trabaho ko? every week na lang nandito kayong dalawa"
"kaloka isang beses lang sa isang linggo kami magpunta dito nagagalit kana. paano na lang kung araw arawin ko ang pagpunta dito?"
sabi ko sa kanya at bigla niya akong tinignan ng masama.
"kuya nasa labas si kuya Frank." singit ni Gretchen.
Nakaupo na kami ni Gretchen sa harap ng table niya. "Isa pa yan bakit ba ang hilig niyong ginugulo ang araw ko. Wala ba kayong magawa sa mga buhay niyo? kayong dalawa wala ba kayong pasok at nandito kayo?"
"baby wala kaming class mamaya and ipagpaalam ko na din sana na manonood kami mamaya ng basketball mamaya dahil nagyaya si Bren. At kung sana payagan mo ulit ako na matulog sa inyo." nakangiti kong sabi.
Tumingin siya sa akin at tinungkod niya ang dalawang siko niya sa mesa. "bakit kayo babalik sa school kung tapos na pala ang klase niyo? At anong mapapala niyo ng panonood ng basketball? mapapagod lang kayong dalawa." mahabang litanya niya na magkasalubong ang kilay. Magsasalita sana ako pero naputol kasi biglang pumasok si kuya Frank.
"Hi! Pare ang aga yata ng manliligaw mo." sabay tawa niya.
Bigla akong napatingin sa kanya. Paano niya nalaman na crush ko si Marco.
"Anong meron at nandito ka?" tanong naman ni Marco.
"Liligawan din sana kita. punta tayo sa bar mamaya? Nag-aaya si Greg." sabi niya
"di ko maipapangako at madami akong pinagaaralan na mga papeles."sabi niya kay Frank.
"ikaw ang bahala basta pag may time ka daan ka mamaya."pangungulit pa n kuya Frank.
Umupo si kuya Frank sa sofa na mahaba at ibinalik na lang ni Marco angbtingin niya sa akin.
"kayong dalawa hindi pa ba nakapaglunch?" tanong niya sa amin pero sa akin siya nakatingin.
"hindi pa nga baby, di mo ba narinig ang sinabi ko kanina?" nakasimangot ko ng sabi.
"ah baby ako rin hindi pa naglunch" natatawa din sabi ni Kuya Frank na ikinainis naman ni Marco.
"bakit ba ako ang iniistorbo niyo sa paglalunch ninyong tatlo!" naiinis na sabi ni Marco at tinawagan ang secretary niya at nagpaorder ng pagkain namin.
Maya-maya ay dumating na ang order niyang food namin may kasama pang dessert na favorite ko ang leche flan.
"Wow, ang sasarap naman with leche flan pa. Talagang alam mo ang favorite ko baby." nakangiting sabi ko sa kanya habang binubuksan naman niya ang nga pagkain na dinala ng isang waiter kanina.
"Si Malou ang nag-order niyan." masungit na naman na sabi niya.
"baby don't be too cold to me, pag naging tayo bahala ka pahihirapan din kita." sabi ko na lang.
Pero hindi niya ako sinagot pero bumaling siya kay Kuya Frank af sinabing kumain na siya para makaalis na din dahil.madami daw siyang trabaho.
"kumain ka na Frank para makaalis ka na."
"dude grabe ka sa akin. basta pumunta ka mamaya may importante din tayong pag-uusapan." sabi niya at nagkatinginan silang dalawa na parang sila lang talaga ang nakakaintindi ng tinginan nila.
"basta tignan ko kung makakaabot ako, hindi ko maipapangako na makakapunta ako."
"wag mo muna kasi isipin ang baby mo." sabi pa niya
"ay hindi pa pla ako nagpapakilala Frank nga pala."
"Aileen po" sabi ko sa kanya sabay abot na din sana sa kamay noya dahil nakikipagkamay siya pero bago ko maabot ang kamay niya ay tinabig na ni Marco.
"kumain na tayo."
kumain na kami at walang imik ang mga kasama ko pero sa gitna ng pagkain namin ay tumunog ang cellphone ko. Nagexcuse akonpara sagutin ang tawag.
"hello?"
"hi! nasan ka? sabay sana tayo maglunch."
"Lance pasensiya na next time na lang at nandito kami sa M&G Hotel dito na kami naglunch ni Gretchen."
Ganun ba. sige next time na lang. Pero manonood ba kayo mamaya?" tanong pa niya.
"Gusto ko sana na manood pero hindi pa kami pinapayagan eh." malungkot na sabi ko. Totoo naman gusto kong manood pero hindi pa nakapag oo si Marco.
"Sige na mamaya na lang Lance at kumakain kami. Bye!" paalam ko sa kanya.
"Sino tumawag? manliligaw mo?" tanong sa akin ni kuya Frank.
"Naku kuya Frank madami yan manliligaw sa school pero di niya binibigyan ng pag-asa. etong si Lance ang masugid na manliligaw talaga niya." si Gretchen na ang sumagot. At alam kong nakikinig lang naman si Marco.
"aah madami pala angbkaribal." sabi ni kuya Frank na nalilito ako sa sinabi niya. At biglang binaba ni Marvo at kutsara at tinidor nkya ng padabog.
"Bilisan nyong kumain at ng makaalis kayo." tumayo na siya at bumalik na sa upuan ng hindi pa niya natatapos ang pagkain niya.
"wag mo ng pansinin ang babh mo may regla lang yan" bulong sa akin ni kuya Frank.
"bilisan mo diyan Frank kanina pa ako nagtitimpi ngbgalit sayo."
Ngingiti ngiti lang si kuya Frank sa sinabi ni Marco at binilisan na niya angboagkain. Pagkatapos kumain n li Kuya Frank ay umalis na din at may tumawag na sa kanyang cellphone.
"Gretchen tawagin mo na lang si Malou after nyo kumain para mailigpit ang pinagkainan ninyo." sabi ni Marco.
"yes kuya" sagot naman ni Gretchen.
"sungit talaga ng kuya mo sa akin."malungkot kong saad sa kanya.
"sagutin mo na kasi si Lance. Gwapo din naman yun at magaling pa. Graduating na siya diba?" tanong niya sa akin.
"oo, ang alam ko dito siya magboboard exam tapos pag nakapasa na siya eh lilipad na siya papuntang U.S." ang sabi ko naman sa kanya.
"ay ganun? eh pano ang panliligaw niya sayo?"
"dba nga wala siyang pag-asa"
"bilisan niyo na diyan." sabi naman ni Marco
Binilisan na lang namin ang pagkain at hindinna kami nagkwentuhan.
"Marco pwede ba kami manood mamaya? at pwede din ba ako makitukog ulit sa bahay nyo?"
"hindi!" sagot niya na hindi nakatingin sa akin. Lumapit na ako sa kanya at umupo na sa kanyang receiving chair sa harap ng table niya.
"sige na please baby?" pamimilit ko pa sa kanya.
"bakit ba ang kukit mo bata? pag sinabi ko na hindi hindi kayo pupunta."
"Sige hindi kami pupunta pero pwede ako makitulog sa inyo?"
"buti hindi nagagalit ang lola mo sa kakulitan mo."
"love ako ni lola kaya hindi siya nagagalit sa akin. ikaw lang naman ang di naglalove sa akin eh." patampo kong sabi sa kanya.
"oo na nga sige na dun kana matulog mamaya"
"yes!" sa sobrang tuwa ko napatalon akonat napasuntok sa hangin.
"para ka parin bata"
"malaki na ako pwede na din ako gumawa ng bata." nakangiti kong sabi sa kanya pero napasimangot siya."
"umuwi na kayo mamaya."
"pwede pa kami tumambay muna dito? please baby? di ka namin guguluhin, promise!" sabi ko sana at itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko na nagpromise sa kanya.
Bumuntong hininga siya at tumango, ibinalik na niya ang kanyang tingin sa ginagawa niya.
Nakaupo lang kami ni Gretchen sa sofa at nagscroll sa mga IG account namin.Hanggang sa nagpaalam na kami kay Marco at mukhang busy nga talaga siya.