Chapter 5

2264 Words
Umuwi na kami ni Gretchen sa bahay namin at nagpaalam ako kay lola. "Lola dun po ako kina Gretchen matutulog please?" "Lagi ka nalang dun natutulog, dapat nagpapaalam ka din kina mommy at daddy mo para alam din nila na dun ka minsan natutulog." "yes lola nagpapaalam naman ako kina mom and dad, no worries lola umoo naman sila." nakangiting kong sabi sa kanya. "malapit na ang debut mo apo, pumirmi ka muna dito next week para maayos na ang mga kailangan sa debut mo. Maglista kana ng mga gagawin ang mga kailangan para kung meron pa idagdag eh mabilis na lang gawin." "opo lola, paguusapan din namin mamaya ni Gretchen ang tungkol diyan." "yung gown mo napuntahan mo na ba?" "opo lola malapit na daw po matapos." Kumuha lang ako ng aking damit at ibang gamit para sa pagstay ko kina Gretchen. Umalis na din kami kaagad para maayos ko na din ang debut ko. magpapatulong ako sa kanya sa mga theme and everything. Actually napagusapan na namin ni mommy na simple lang dahil yun ang gusto ko. Sa una ayaw pumayag ni mommy dahil isang beses lang daw ang debut pero ayoko na gumastos pa ng malaki sina mommy kaya gusto isang simple lang. konting bisita lang at konting program. Nagpatulong ako kay Gretchen kung ano ba dapat ang pwedeng gawin sa debut ko. And nagsuggest siya na kung gusto ko daw ng parang enchanted forest theme ng aking debut because i like plants and flowers naman daw. Binigay niya sa akin yung contacts niya nung nagdebut siya to know more sa mga expenses. And i will give it also to mom para alam niya ang mga plans for my debut. Naglist narin kami ng kasali sa program like 18 flowers, 18 candles, 18 gifts etc. "sis paano ko ba ayain ang kuya mo na siya ang maging escort ko?" "eh sabihin mo sa kanya tomorrow." "sige after lunch na lang ako aalis dito kasi madami pa ako tatawagan para sa preparation ng debut. haaay ang hirap naman ng malayo ang parents." "andito naman kami sis to help you and suggest para may mga ideas ka." "oo naman alam ko nama yun sis." Halos madaling araw na ng matapos kami ni Gretchen. Sinabi ko sa kanya na mauna na siya matulog at iinum muna ako ng water dahil bigla na lang ako nauhaw. Feel at home naman na ako kapag andito ako sa bahay nila. Paglabas ko sa kwarto ay tumabad sa akin ng dim na paligid. Ang ganda talaga ng bahay nila. Pinarenovate na ito ni Marco at nagmukhang modern na ang bahay nila sa dami ng ilaw na pinalagay at gusto niya lahat dim lights kapag gabi. Gusto niya lahat nakaopen ang dim lights. Pagkadating ko sa kusina ay nagulat pa ako at my taong nakatalikod, kung hindi ko siguro kabisado ang likod niya ay napasigaw na ako. "why you're still awake? "kakatapos lang namin ayusin ang program for my debut, can i ask you something?" tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng baso sa shelves and humarap ako sa kanya na nasa bar counter. "what is it? ang dami mo ng hinihingi na pabor sa akin Aileen wag mo sabihin na dito ka matutulog next week?" nakakunot noo niyang tanong. First time niya ako tinawag sa pangalan ko, lagi na lang bata ang tawag niya sa akin. "pwede bang ikaw ang maging escort sa birthday ko?" kinakabahan kong tanong sa kanya. "why? di ba madami ka naman manliligaw sabi ni Gretchen. Yung lalaking nagbibigay sayo lagi ng flowers hindi mo pa ba boyfriend yun?" "no! hindi ko siya bf at di ba nga ikaw ang gusto ko. mahirap bang makita yun? lagi na nga lang ako nagpapapansin sayo eh. manhid ka talaga kahit kailan." "ayoko sa bata na katulad mo, hindi ko rin maipapangako na makakaattend ako sa birthday mo dahil lagi ako busy sa work." "kahit saglit ka lang naman sa birthday ko ok lang basta ikaw ang escort ko." pamimilit ko pa sa kanya. "I'll think about it. sabihan na lang kita pag gusto ko na." "Please pumayag kana para mafinalize ko na. please please?" lumapit na ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya na ikinatingin niya sa akin. Mukhang nagulat pa siya at napaiktad sa paghawak ko sa kanya. "ok fine!" sabi niya sabay tabig sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. parang nakuryente siya sa pagkakahawak ko sa kanya. "yes! thank you!" masayang sabi ko at niyakap ko na siya pero bigla niyang kinalas ang mga kamay ko sa kanya. "basta wala ng bawian yan ha!" sabi ko sa kanya at kumuha na ako ng tubig sa ref. Pagkatapos kong uminom ay nagpaalam na ako sa kanya at umakyat na ako sa kwarto ni Gretchen. Masaya akong natulog dahil pumayag na si Marco na siya ang maging escort ko.Sana hindi na magbago ang isip niya, 65 days more and I'm officially an adult by then. Ilang tulog na lang. Pagkagising namin ni Gretchen kinabukasan ay sinabi ko sa kanya na uuwi ako ng maaga para matawagan ko ang mga binigay nya sa akin para sa magaayos ng aking debut.. "sure sis, just pm me if you need help" "sige sis thanks! nandiyan na si Mang Raul alis na ako thanks sis!" at nagpaalam na ako sa kanya. Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga ako saglit at tinawagan na sila mommy. "Hi mom kumusta po?" "hi anak ok lang naman kami ng daddy mo dito ikaw kumusta ka diyan? naayos mo na ba ang mga kailangan sa debut mo?" "yes mom may mga list na ako. " "just send it to me yung copy ng list mo para mareview ko rin.And anak napuntahan mo na ba yung nagtatahi ng damit mo?" "napuntahan ko na mom hindi pa nila tapos." sabi ko sa kanya. Nagusap pa kami ni mom tungkol sa upcoming debut ko. Sabi niya pag kacontact ko na ang mga magaayos. Uuwi pa lang ang parents ko three weeks before my debut. They have a limited vacation because they are both working in the hospital, they are both nurse. Ayaw ko maging nurse because i dont want to be always on duty and it is one of the toxic work. Mahirap maging nurse, always busy and no time for themselves. Just like my parents they are really harworking. I salute them dahil nakakaya nila ang toxic life nila. I hope someday they will retire and I will take good care of them pagnagkawork na ako. Kaya pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral dahil I want them to retire soon so that they can enjoy their time with each other. Balak naman nila na after ko makagraduate ay kukunin nila ako. I visit them sometimes kapag vacation pero hindi yun sapat. Gusto ko lagi ko sila nakakasama. Kaya lang mahirap naman kapag dito sila sa Pilipinas magwork. Ang baba daw ng salary. Dumating ang araw ng padating nila mommy and daddy, sinundo namin sila sa airport. "mom dad i missed you!" tumakbo ako palapit sa kanila ni daddy at niyakap sila ng mahigpit. "namiss ka rin namin anak." "tara na po para makapagpahinga na po kayo." At umuwi narin kami, ng gabing iyon ay nagkaroon ng konting salo salo. Dumating ang iba namin kamag-anak at pati narin sila Gretchen and si Marco ay late ng nakarating dahil busy sa work niya. Simula nun last na tulog ko sa kanila ay hindi pa kami nagkikita dahil busy din ako sa school. buti na lang at katatapos lang ng exam namin. Lahat ng kamag-anak namin ay binati ako at sinabi na dadalo sila sa debut ko. Kinabukasan ay pinuntahan namin ni mommy ang nagtatahi sa damit ko. and pati na yung office ng coordinator and yung gagawa ng cakes. pinapunta na lang ni mommy sa bahay ang magiging emcee. Ginanap ang aking debut sa M&G Hotel, inoffer ni Marco ang Hotel nila ng nalaman na wala pang venue. Nasa second floor na ako at inaayusan na ako after an hour ay maguumpisa na ang event. Nagsasalita na ang emcee pero inaayusan parin ako. Tinanong ko kay Gretchen kung nandiyan na si Marco pero ang sabi wala pa daw. Dito na din kasi siya nagbihis at dito narin siya matutulog for sure. "Wala pa ba si Marco?" "sis wala pa, ang alam ko sinundo niya kanina si ate Trina." "Ganun ba." bigla akong nalungkot sa sinabi niya dahil dumating na naman si tuko. "Naku sues cheer up, be positive dahil araw mo ngayon." sabi ng baklang nagaayos sa akin. ngumitibako sa kanya ng pilit. At biglang tinawag na ang pangalan ko eksakto naman na tapos ng ang buhok ko. Tinulungan ako ni Gretchen na buhatin ang baba ng gown ko dahil sobrang haba at bigat din. "Lika na sis, it's your time to shine! smile." pag cheer pa sa akin ni Gretchen. Paglabas namin ni Gretchen ay namangha ako sa venue sobrang ganda parang nasa enchanted forest nga ako. Ang ganda ng pagkakaayos ng mga flowers. "Let us welcome our debutan Ms. Aileen De Mesa! please remain standing everyone." sabi ng emcee. "naglakad na ako pababa ng hagdan at si Gretchen ay sumakay na ng elevator. Habang pababa ako ay napako ang tingin ko sa isang tao. na alam kong ako ang hinihintay niya. mataman niya akong tinitigan at ngumiti siya sa akin. First time niya akong nginitian. biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa pag ngiti niya. Sana birthday ko lagi para lagi siyang nakangiti sa akin. sabi ko sa sarili ko. nung malapit na ako sa kanya ay inilahad niya ang kanyang palad upang alalayan ako. "thank you." sabi ko sa kanya "happy birthday! i wish you success in life" sincere niyang sabi sa akin. "kinilig naman ako sa sinabi niya kasi ramdam ko na totoo siya sa akin ngayon. iginiya niya ako sa aking upuan at nagsimula na ang program. Naging maayos ang program at very organize ang lahat. Nun isinayaw ako ni Marco dahil isa siya sa 18roses ay parang ayaw ko ng huminto. pero biglang tinawag na ng emcee ang susunod. Dahil si Daddy ang next ay ibinigay na niya ako. "iho maybi dance woth my daughter?" tanong ni daddy sa kanya. "yes sir." sabi niya at ibinigay na niya ako kay daddy. "anak happy birthday ulit. nasa legal age kana sana maging responsible ka sa lahag ng actions mo in the future. think twice sa lahat ng decisions mo." "yes po dad. thank you po for all your sacrifices para sa akin. love na love ko po kayo ni mommy." naiiyak kong sabi sa kanya. " wag ka umiyak anak baka mabura ang make up mo." sabi pa ni daddy na ikinatawa ko. "daddy talaga nageemote ako eh panira ka" sabay tawa naming dalawa. Natapos ang debut ko na maayos at sobrang pagod ko. magkatabi naman kami ni Gretchen dito sa room na inoccupy ko. "sis happy birthday ulit. Grabe abg dami mo bisita." sabi niya sa akin. "kaya nga sis akala ko eh konti lang ang bisita ko yun pala ang dami." " grabe ang daming ngbigay sayo ng gift. nakita mo yung binigay ni Lance?" "grabe ang bongga ng binigay niyang bulaklak sayo."kinikilig na sabi niya sa akin. Sasagot na sana ako ng may kumatok. "wait sis bubuksan ko lang"sabi ni Gretchen Pagbukas ni Gretchen sa pintuan ay bumungad sa kanya ang kanyang kuya. May hawak na isang bouquet ng white rose at sa isang kamay ay isang maliit na box. Nagtuloy tuloy siya sa pagpasok kahit hindi pa siya sinabihan ni Gretchen na pumasok na siya at lumapit siya sa akin at ibinigay ang mga hawak niya. "happy birthday again Aileen."nakatitig siya sa akin sabay abot sa ibinigay niya.Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil kinakabaha ako at ang lakas ng t***k ng aking puso habang inaabot ang mga bigay niya. "tha-thank you" nauutal ko pang sabi sabay kuha sa mga bigay niya.At pagkakuha ko ay hinalikan niya ako sa pisngi na ikinatulala ko dahil at umalis na siya kaagad. "hoy sis anyare sayo? tulaley kana oh! si kuya lang yun, diyosmiyo marimar kakahiwalay niyo lang kanina sa baba at ang tagal ka niyang isinayaw tapos tulaley ka na naman sa isang halik lang sa pisngi buti sana kung sa lips, hmp" pang-aasar niya sa akin. "sis kurutin mo nga ako parang nananaginip pa ako eh." sabay tawa ko. "kaloka ka girl sampalin kaya kita sa magkabilaang pisngi para magising kana sa katotohanan." "ikaw naman sis ang brutal mo! kaloka?" sabay talikod ko sa kanya at ipinatong ko sa isang round table sa may gilid ang bulaklak na bigay ni Marco. At binuksan ko ang bigay niyang regalo na nasa maliit na box. Pagkabukas ko sa box ay tumambad sa akin ang isang kwintas na white Gold at may pendant na letter M? nagtaka ako bakit M? at may isang diamond na nasa tuktok ibabang curve ng M. "sis mali yata ng bigay ang kuya mo? bkit M? eh A naman ang initial ko?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Pero walang sumagot sa tanong ko. pagtingin ko sa kanya ay nakatulog na. haay sorang pagod siguro niya kaya nakatulog na siya. iniligpit ko na ang kwintas at inilagay ko sa aking bag baka makalimutan ko pa kinabukasan. Naglinis na ako ng aking katawan at tumabi narin kay Gretchen. Pero hindi ko pa makuha ang tulog ko dahil iniisip ko ang mga actions kanina ni Marco. Sobrang alalay niya sa akin kanina. Kahit sa pagkain ay inasikaso niya ako. Feeling ko naging boyfriend ko siya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD