Chapter 6

1377 Words
Lumipas ang ilang buwan at taon. Naging busy na kami sa school. Ang daming mga projects na gingawa namin. May thesis pa kami na tinatapos. Pero naging ok lahat dahil naging cooperative lahat ng mga kagroup namin. Dahil naging successful ang natapos namin ana thesis ay nagcelebrate kame sa isang bar. Pinayagan ako ng mga magulang ko na paminsan minsan pwede ako pumunta sa bar pero may mga limit na pwede kong gawin. Alam naman ng parents ko na alam ko ang limitasyon ko sa mga bagay na bawal. SAbi nga ni mom drink moderate para walang pagsisihan sa mga magiging actions ko if ever na malasing ako. Nagbibihis na ako ng tumawag sa akin si Gretchen. "sis papunta na ako diyan. Ano dito ka ba sa bahay matutulog or ako ang matutulog diyan sa inyo?" "sis ako nalang matutulog diyan sa bahay niyo para naman makita ko si Marco." sabi ko sa kanya. "owkie dokie sis! naku magugulo na naman si kuya." sabi pa niya sa akin. "grabe ka naman hindi ko n nga siya kinukulit eh. gusto ko lang na lagi siyang makita. ay sis pwede kaya na dun na lang ako sa hotel nyo mag ojt?" "kausapin natin si kuya sis. pero gusto ko sa ibang company ako mag ojt." "bakit? ayaw mo ba sa hotel ninyo?" ""hindi naman sa ayaw ko pero gusto ko makaexperience sa iba." "ok sis paguspan natin yan mamaya see you later!" "alright see you!" Pagdating niya ay lumipat na lang siya sa car namin at kay Mang Raul na lang kami nagpahatid sa U_Bar. "wow sis ang hot mo sa suot mo na black mini dress. baka naman mapulmunya ka niyan ha at backless pa talaga ang suot mo." "naku ngayon lang naman ako nagsuot ng ganito."sabay tawa ko. "at may dala akong coat" sabi ko pa sa kanya. "grabe sis ikaw na talaga." sabi naman niya sa akin. "sis ikaw din naman ang sexy mo sa suot mo." sabi ko din sa kanya dahil naka croptop xa and fitted na skirt. "yeah lets party and celebrate sis. dahil malapit na tayo sa katotohanan." sabay tili naming dalawa. Pagdating namin sa bar ay nadoon na ang aming mga kagroup at ibang mga kaklase dahil sikat ang U-Bar talagang madaming pumupuntang mga elite na mga tao. Nakita namin si Justine and Arian na kagroup namin at kinawayan niya kami. "Hi!" bati namin sa kanila at nakipagbeso beso kami. "woooh lets partyyyyy! "sigaw ni Justine at binigyan pa niya kami ng cocktail drink. "thanks!" magkasabay namin na sabi ni Gretchen. "sa wakas medyo petiks na tayo next week."sabi ni Arian. Hindi namin namamalayan napaparami na pala ang inom namin. Biglang niyaya ako ni Justine na magsayaw. "sayaw tayo?" baling niya sa akin. "sure" at tumayo na kaming dalawa. Hindi ko namamalayan na may mga mata na palang nakatingin sa akin kanina pa. At nagbabaga na ang kanyang mga mata sa galit. Nagsasayaw kami ni Justine at medyo wild na ang sayaw namin. ng biglang may humila sa akin. Hinila palabas ng bar at nagpunta kami sa parking lot sa may sasakyan niya. "what are you doing inside the bar!" galit na galit na sabi niya. muntikan pa akong matumba sa pagkakahila at pagkasalampak niya sa akin sa gilid ng kanyang kotse. Bigla akong nahimasmasan sa kanyang ginawa. "are you a w***e at ganun ka kung magsayaw?" Tinignan ko siya ng masama at sinampal ko siya. "wala akong ginagawang masama nagsasayaw lang kami ni Justine! walang malisya dahil bakla siya!" "bakla man o straight siya hindi parin maganda ang pagsasayaw mo sa gitna ng dance floor!" Binuksan niya ang kanyan sasakyan at pinapasok niya ako sa pasenger seat. "stay there, puntahan ko lang si Gretchen." sabi niya sabay bagsag sa pintuan ng kanyang sasakyan. Napahilamos ako ng aking mukha dahil sa nagyari. Walang imik na sumakay si Gretchen sa likod at siya naman ay nagdrive na pauwi. Hindi na niya ako tinanong kung uuwi ba ako sa bahay or dun ako matutulog sa kanila.Tahimik lang kami habang binabagtas namin ang daan pauwi. nararamdaman ko ang galit ni Marco dahil sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Napahawak na lang ako sa handle dahil natatakot ako sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Buti nalang at wala ng masyadong sasakyan dahil hating gabi na. Pagdating namin sa bahay nila ay deretso siya sa loob ng kanilang bahay. hinintay ako ni Gretchen sa labas ng pintuan. Nanginginig akong lumabas ng sasakyan. "sis galit si kuya. bakit daw ganyan ang suot mo. sinigawan niya ako kanina. first time niya magalit ng ganun."nanginginig din na sabi ni Gretchen sa akin. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. pero bago kami makapasok ay napahinto kami sa may b****a ng hagdan dahil hinihintay niya kami na makapasok. "follow me Aileen!" galit na sabi niya sa akin. Tinignan ko si Gretchen at kinakabahan ako sa mangyayari. "sige na sis hintayin na lang kita sa kwarto ko." At sinundan ko na lang siya sa opisina niya at nakaupo na siya nang makapasok ako. Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan na nasa harapan niya. "ano yang suot mo Aieleen? ganyan na ba magdamit ang mga kabataan ngayon? ganyan ka ba pag pumupunta sa Bar! ano ka slut!" sabi pa niya na galit na galit. yumuko ako at sinagot siya. "ngayon ko lang naman sinuot eto, gusto ko lang magcelebrate dahil natapos ang aming thesis." sabi ko sa mababang tono. "magcelebrate na ganyan ang suot mo! next time na magsuot ka pa ng ganyan ay parurusahan na kita. tandaan mo yan Aileen!" sabi niya na magkasalubong ang kanyang dalawang kilay. "oo na hindi na ako magsusuot ng ganto, bakit hindi ba ako sexy? pangit ba ang suot ko?" lakas loob kong tanong sa kanya. Marahas siyang tumayo at lumapit sa akin.hindi ako nakakibo sa kinauupuan ko. inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. titig na titig sa akin. "subukan mo pang magsuot talaga ng ganyan Aileen matitikman mo ang parusa mo.!" Tumango na lang ako. natatakot ako na baka magkamali na naman ako ng masabi dahil parang umaapoy na sa galit ang mga mata niya. "pumunta kana sa kwarto ni Gretchen at baka maparusahan pa kita ngayon ng wala sa oras.!" umalis siya sa harap ko at tumayo na ako at tumakbo ako palabas ng office niya. Pagkasarado ko sa pintuan ay nanghina ang mga tuhod ko hindi lang dahil sa galit niya kundi dahil sa lapit ng kanyang mukha kanina. Napasandal ako sa pintuan at napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng t***k nito. Umalis na ako at pumasok na ako sa kwarto ni Gretchen. "sis galit siya sa akin." malungkot na sabi ko sa kanya. "hayaan mo na lilipas din yan" pag-alo niya sa akin dahil umiiyak na ako. "magpapalit lang ako sis." sabi ko sa kanya dahil gusto ko na lang itulog ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Late na kami nagising ni Gretchen dahil sa puyat at pagod. Nauna pa ako nagising sa kanya. dahan dahan din akong bumangon. Pumasok muna ako sa banyo at naghilamos bago lumabas sa kwarto ni Gretchen. Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko si manang Cora na angluluto na para sa tanghalian. "good morning po manang!" "good morning din iha. nagluto pala ako ang soup pangtanggal daw ng hangover niyo ni Gretchen sabi ni Sir Marco" "thank you po manang" nginitian ko siya. Kumuha ako ng fresh milk sa ref at uminom bago pumunta sa dining table. "umupo ka muna diyan iha at initin ko lang yung sabaw." "opo manang salamat po" at di nagtagal ay binigay na sa akin ni manang ang niluto niyang sabaw. "wow manang ang sarap po ng niluto niyong soup." puri ko sa kanya dahil masarap talaga ang luto niya. "Dito kana daw mananghalian sabi ni Sir Marco." habol pa niyang sabi sa akin. "sige po manang Cora, balik po muna ako sa kwarto ni Gretchen at sabihin ko kay lola na after lumch nalang ako makakauwi." pagdating ko sa kwarto ni Gretchen ay tulog parin siya. "haay tulog mantika talaga siya." tinawagan ko ang lola at sinabi ko na si Marco ang kasama namin unuwi kagabi at mamaya nalang ako uuwi dahil dito ako maglalunch. tatawag na lang ako kapag magpapasundo ako kay Mang Raul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD