Chapter 7

1756 Words
Sumapit ang araw na magstart na kami sa aming OJT. Nakiusap ako kay Marco na dun na lang ako mag OJT at pumayag naman siya. Maaga akong nagising dahil magprepare pa ako sa pagpunta sa M&G Hotel para sa aking pag OJT. Gusto ko maaga akong pumasok para naman matuwa sakin ang aking love of my life. Pagpasok ko pa lang sa Hotel ay binati na ako ng guard at dahil kilala na ako ay pinatuloy na ako at duretso ako sa HR dahil yun ang sabi sa akin ng secretary ni Marco nung tinawagan ako. Kumatok ako sa pintuan at pinatuloy ako ng tao na nasa loob. "come in" binuksan ko ang pintuan at pumasok ako ng nakangiti. "hi! Good morning ma'am I'm Aileen de Mesa. nakangiti kong sabi. "good morning Ms. De Mesa have a seat, im Mirasol Trinidad Head of HR Dep't " at umupo ako sa upuan na nasa harap ng kanyang table. She discuss the rules of the Hotel.Tapos sinabi din niya na pansamantalang sa Finance Department ako iaassign. Magiging assistant ako ng head ng Finance Department. Pinuntahan na namin ang Finance Department at ipinakilala na ako sa Head of Finance at sa kanyang assistant na siyang magbibigay sa akin ng aking mga gagawin. Kilala na ako ng ibang empleyado nila dahil sa lagi namin pagpunta ni Gretchen dito sa Hotel nila. Naging malapit at magkaibigan narin kami ni Sheryl dahil siya ang nakakasama ko sa pagaayos ng files at tinutulungan ko din siya sa ibang mga inuutos sa kanya ni Ms. Perez ang Head of Finance.Tatlong beses sa isang Linggo kung magpunta ako sa Hotel. Isang beses ay dumalaw si Gretchen sa Hotel at pinuntahan ako. "Hi! sis kumusta?" bati niya sa akin. Nagbeso and hug ako sa kanya "Hi! eto ok lang mababait ang mga kasama ko dito. Bakit ka nandito? Wala ka ba OJT sa Saavedra Accounting Firm?" "Wala sis madami daw sila gagawin ngayon, ewan ko ba sa boss namin dahil may toyo ata." sabay tawa niya. "Ganun? So pano yun magkakaron ka ng extension ng 1 araw dahil parang half day ka ngayon?" "naku sis sila ang may kasalanan nun hindi ako kaya dapat gawin nilang complete ang araw ko ngayon. Ano tara early lunch tayo?" "Mamaya na sis maaga pa tignan mo ang dami namin ginagawa." sabay pakita ko sa kanya ng ginagawa ko. May mga nirerecord ako na mga files. "awww ok so hintayin na lang kita pero puntahan ko muna si kuya." sabay tayo niya at umalis na siya. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko hanggang sa magtanghalian na. Biglang tumunog ang telephone na nasa tabi ni Ms. She at ipinasa niya sa akin ang tawag dahil gusto daw ako kausapin ni Gretchen. "sis halika na dito lunch na tayo." sabi ni Gretchen sa kabilang line. "ok sis magligpit lang ako saglit and magpaalam din ako kay Ms. She san tayo maglunch?" tanong ko sa kanya. "umakyat kana lang dito sa office ni kuya dito na lang tayo maglunch. Nagorder na ako ng food natin." "ok lang ba sa kanya? hindi ba nakakahiya? tanong ko pa sa kanya. dahil imula nung mag OJT ako dito ay hindi ko pa siya nakikita at nakakausap. Ang huling paguusap namin ay nung napagalitan niya ako. Napahilamos ako ng aking mukha dahil parang nahihiya talaga ako na magpakita sa kanya. Tumayo na ako at nagpaalam kay Ms. She na maglunch ako kasabay ni Gretchen pero hindi ko na nabanggit na sa office ng Big Boss ako maglalunch. Bago ako umakyat ay dumaan muna ako sa CR at sinipat ang aking sarili kung ayos lang ang itsura at damit ko. Simula kasi nung sinita niya ako ay naging conscious na ako sa aking pananamit. Nakaskirt ako na pencil cut navy blue at tinernuhan ko ng white blouse na simple lang and navy blue stilleto heels na may mga stone sa strap niya. Pagkatapos ko mag-ayos ay pumunta na ako sa taas at tinungo ang office ng Big Boss Nadaanan ko ang secretary niya at binati ko. "hi! kumusta? pwede ako pumasok sa loob nandiyan kasi si Gretchen tinawagan ako." sabi ko sa kanya. "hi! ok lang naman ako. ikaw kumusta ang OJT mo? office girl na office girl kana tignan sa suot mo." "hahaha kaya nga malapit na sa katotohanan, sana iabsorb ako dito." sabay ngiti sa kanya ng alanganin. "oo naman iaabsorb ka ni Sir ikaw pa malakas ka dun takot lang niya sa parents niya kapag tinanggihan ka. Hala next time na lang tayo magkwentuhan at baka hinihintay kana sa loob. Pasok kana." At dumiretso na ako sa pintuan pero huminto munaako at huminga ng malalim. Parang mas doble ang kaba ko ngayon na nagtratrabaho ako dito kesa nun nagpupunta kami n Gretchen para lang kulitin siya. Kumatok ako muna ako bago pumasok. "Good afternoon Sir." Bati ko sa kanya ng alanganin dahil parang nahiya ako. Tinanguan lang ako di na ako binalingan ng tingin. madaming mga papeles ang nasa harap niya. Mukhang busy siya at seryoso sa ginagawa. Tinabihan ko na lang si Gretchen. "sis parang nakakahiya na dito pa ako maglunch kasi boss ko na siya." bulong ko kay Gretchen. "ano ka ba sis bakit ganyan ka ngayon, dati dati kapag gusto mo siya makita eh tuwang tuwa ka bakit ngayon nagbago ka." pansin niya sa akin. "ewan ko ba sis simula nung sinita niya ako sa aking suot nun eh nahiya na ako sa kanya." "tapos tignan mo nga suot mo ngayon ang haba ng skirt mo dinaig mo pasi Maria Clara sa suot mo balot na balot ka sis naka turtle neck ka pa na blouse." "baka kasi magalit si Marco." sabi ko na lang sa kanya. Si Luke ang nagdeliver ng pagkain namin, nginitian niya ako at ng hi din ako sa kanya dahil mababait sila sa akin kapag naglalunch kami ni Ms. She sa canteen. "Hi!" sabi niya sakin at binati niya rin si Gretchen at tinanong pa ako kung pumasok ako ngayon dito. "Hi! oo maglunch lang kami ni Gretchen" tugon ko sa kanya at bago pa makapagsalita ulit si Luke ay nagdabog si Marco at sinabi niya kay Luke na kung tapos na siya sa pagbigay ng food ay makakaalis na siya. Humingi naman ng dispensa si Luke kay Marco bago umalis. Binalingan ako ni Marco."are you always like that? flirting to all the guys na kakilala mo?" "huh?" gulat kong sabi at baka mali ako ng nadinig. "lahat ba ng lalaking kakilala mo nginingitian mo?" "what? alangan dedmahin ko ang mga taong lumalapit sa akin. fyi pagiging friendly ang tawag dun hindi pagflirt. Kumain kana kaya baka gutom lang yan." at pumunta na siya sa table kung saan nakalapag na ang pagkain namin. "i dont want to see you flirting inside my premises! nagkakaintindihan ba tayo?" "yes boss, ano ba yan alam mo naman na ikaw lang ang handsome sa paningin ko." sabay pacute sa kanya. "kumain kana para makabalik kana sa baba." "Yes. Boss Sungit!" Hanggang sa kumain na kami na walang imikan pero bago ako umalis ay kinausap niya muna ako tungkol sa mga work na ginagawa ko. Pinaupo niya ako sa visitor's chair na nasa gilid ng table niya. "kumusta ang work mo? hindi ka ba nahihirapan?" "ok naman masaya, mababait din ang mga kasama ko dun sa department and they are all friendly." "bakit nababalitaan ko madami daw kumakausap sayo? especially boys madami daw pumoporma sayo." "diba sabi ko nga po Sir eh they are all friendly." "ayoko ng may nagliligawan sa loob ng Company ko, nagkakaintindihan ba tayo?" "eh paano na ako sayo?" sabay pungay ng mga mata ko . "pwede ba magseryoso ka sa buhay ang bata bata mo pa ganyan kana" "hmp kahit kailan ang sungit mo. pwede na po ba ako bumalik sa baba?" "ok sige na para matapos mo na ang binigay sayo na work." pagtataboy niya sa akin at binalingan na niya ang mga papeles na nasa harapan niya. Sa ikawalang Linggo ko ay may nagbibigay na sa akin ng bulaklak at isa na doon si Luke ang Chef ng Hotel. Sinabihan ko na wag na ako bigyan ng mga kung ano ano dahil hindi ako nagpapaligaw at may hinhintay ako. Isang araw ay niyaya ako ni Luke na magmerienda after office hours dahil matatapos din daw ang shift niya ng alas singko. Pumayag naman ako dahil wala naman ako gagawin at busy naman si Gretchen. Habang palabas ako ng Finance Department ay sinalubong na ako ni Luke. "Hi! tapos kana?" "Hi! yes tapos na ako." habang naglalakad na kami palabas ay tinanong niya ako kung saan ko daw gustong kumain at sinabi ko na siya na ang bahala dahil mas madami na siyang alam na mga restaurant. Palabas na kami ng elevator ng may tumawag sa akin. Hindi ko napansin ang pagtawag niya dahil nakafocus ako sa mga kwento ni Luke. "Aileen!" biglang umalingawngaw ang sigaw ni Marco na pagalit. Lumapit ako sa kanya na nasa reception. "yes Sir? may kailangan ka po? "sumabay kana sa akin umuwi." Nakakunot noong sabi niya dahil sumunod sa akin si Luke. "Boss may pupuntahan pa kami ni Aileen." sabad naman ni Luke. "At saan mo naman dadalhin siya dadalhin?" galit na tanong niya kay Luke "Magmemerienda lang sana boss." malumanay na sabi ni Luke. "What did I told you before Aileen?" baling niya sa akin ng hindi pinansin ang sinabi ni Luke. "eh ano bawal magligawan sa Company mo."nakayukong sabi ko. nag-angat ulit ako ng aking mukha sinabi ko na hindi kami nagliligawan. "eh hindi naman po kami nagliligawan Sir." "tara na, ayoko ng nghihintay Aileen." sabay talikod na niya at sumunod na lang ako sa kanya. sumunod ako sa kanya pero huminto ako saglit at humarap kay Luke. "next time na lang galit si Boss." sabi ko na lang sa kanya. At malungkot na tumango siya sa akin. Sinundan ko na si Marco at pagkasakay ko sa kanyang sasakyan ay pinaharurot na niya ang sasakyan. Habang nasa daan ay wala kaming imikan pero biglang tumikhim siya at nagsalita. "tomorrow dun kana sa akin magtratrabaho." "pero madami pa akong tatapusin na binigay ni Ms. She." "just leave it to her, I will talk to her tomorrow." "nakakahiya naman na iwan ko siya." "bakit ka mahihiya eh ako naman ang mag-uutos. sino ba ang boss?" "sabi ko nga ikaw." "dumiretso ka sa office ko bukas ayaw kong dumaan ka pa kung saan saan." "yes Boss Sungit." Hindi na niya ako kinausap pa hanggang sa nakarating na kami sa bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD