Lumipas ang halos apat na taon ay naging maayos ang paglaki ng aking mga anak. Mahirap pero kinaya ko minsan nagkakasakit sila pero naagapan naman ni mom and dad. Nagtrabaho narin ako para may pangtustos ako sa aking mga anak. Nag-ipon ako para sa pagpapatayo ko ng aking Accounting Firm at balak ko na magtayo ako pag nakauwi na ako sa Pinas.
Nasa isang coffee ni Bea at Lance. Nagusap kaming tatlo tungkol sa nalalapit na pag-uwi ko.
"So talagang hindi kana magpapapigil sa pag-uwi?" tanong sa akin ni Bea.
"alam mo Bea kung nagdesisyon yan eh talagang final na yun" sabi naman ni Lance.
Sumimsim ako sa coffee na inorder ko. Simula pa lang ay talagang naadik ako sa coffee pero nun nalaman ko na buntis ako ay pinatigil ni mom and dad dahil makakasama daw sa babies ko.
Ngayon na lang ako nagcoffee talga dahil hindi na ako nagbreastfed sa kambal.
"Hindi ka ba uuwi Bea?"
"Hindi pa ako makapagdecide ngayon."
"May limang buwan ka pa naman na magdecide dahil dito ko icelebrate ang birthday ng kambal. Hindi kasi makakauwi sila mom and dad. Hindi daw kasi pinayagan si mom ng boss nila pero si dad ay pinayagan kaso ayaw naman niyang iwanan si mom."
"Kailan ba ang uwi nyo? Siguro mga end of March siguro ayusin ko muna ang mga gamit ng kambal.Dahil ipapabox ko pa kasi ang mga gamit nila."
"May ticket na ba kayo?" tanong naman ni Lance.
"Wala pa balak ko na nga magpabooked sa Linggo."
"Parang gusto kong magvacation." sabat ni Bea.
"Ok let's have a vacation then, para may kasama kang uuwi kahit mga three weeks lang kami sa Pinas."
"Ako na ang magbooked ng ticket natin kung ganun. sabihan nalang kita kung magkano. Kailan ba ang prefer mo na uwi? First week or second week?"
Maybe second week ikaw na ang bahala dahil kasama ko naman kayo."
"Alright ako na bahala at tanungin ko muna si boss Lance." natatawang sabi ni Bea.
"Itaon mo ng sabado para matapos ko ang mga meetings ko and ibang mga important matters." sagot naman ni Lance na tinignan ang schedule niya sa kanyang Ipad.
Pagdating ko sa bahay ay naririnig ko na ang tawanan ng mga anak sa labas ng bahay. Siguro ay naglalaro na naman ng habulan ang mga maglolo. Ganyan sila kapag kasama nila ang lolo nila.
"hello guys, Good evening!" bungad ko sa kanila at tumakbo na palapit sa akin ang kambal.
"nanay nanay nanay!" sabay na tawag sa akin nila jacob and joshua. Sobrang bigat na nila dahil hanggang ngayon ay nagdedede parin sa bote kahit kumakain na sila ng rice.
Niyakap ko silang dalawa at gusto pa nilang magpabuhat pero hindi ko na sila kaya dahil ang bigat at laki na nila. Habang lumalaki sila ay talagang hindi maipagkakaila na anak sila ni Marco.
"how are you my babies?" tanong ko sa kanila.
" We're fine nanay." sagot ni Jacob.
"Nanay where's our pasalubong?"tanong naman ni Joshua.
"I'm sorry babies I forgot, next time I will buy you doughnut ok."
"yes nanay it's fine" sagot ni Jacob.
Mas nakakaintindi si Jacob kaysa kay Joshua. Magkaiba ang ugali nilang dalawa lalo na kapag hindi nila kilala ang mga tao na lumalapit sa kanila. Lalo na si Jacob nakapasungit, like his father.
"Nanay we will make a christmas tree tomorrow mamila promise to us."
"yes nanay we will going to cut a christmas tree!" excited na sabi ni Joshua
"ok just behave tomorrow ok?"
"yes nanay!" sabay nilang sagot sa akin.
"ok let's take a shower" At nagtatakbo na silang umakyat sa kanilang kwarto. May sarili silang kwarto dahil mga big boys na daw sila.
"nanay you go out of here we can manage to take a bath and change our clothes."sabi ni Jacob.
"yes nanay we are big boys na, our birthday are coming and we are turning three by then."
"you're still nanay's baby. you're still two years old so go inside the bath room and I will just watch over you."
"babies brush your teeth properly ok?"
"yes nanay" sabay nilang sagot.
mabilis silang natapos. Naturuan sila ng maayos kaya kahit baby pa sila ay parang ang tanda na ng kilos nila parang four years old na sila dahil malaki silang bulas.
Nakahiga na sila ng biglang nagtanong sila sa akin tungkol sa daddy nila.
"nanay when are we going to meet tatay? lolodad said that he is leaving in the Philippines." Joshua asked.
"soon anak you will meet tatay, for now you sleep so that you will become taller when you meet tatay ok?"
"ok nanay goodnight." sabi ni Joshua.
"goodnight babyJosh." sabay halik ko sa noo niya.
"goodnight nanay sleep tight!" sabi naman ni Jacob
"goodnight baby. sleep tight too." pinikpik ko muna para makatulog sila kaagad. nasanay sila na tinatapik tapik ko sila or hinahagod ko ang likod nila para makatulog kaagad.
Lumabas na ako ng nakita ko na malalim na ang tulog nila. Dahan dahan kong sinarado ang pintuan para hindi sila magising.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko sa office. Isa din akong executive assistant kagaya ni Bea pero ang boss ko ay Canadian.
"good morning nanay!"bati sa akin ni Jacob pupungas pungas pa siya na lumabas sa kanilang silid. Early bird talaga ang anak kong ito samantalang ang isa ay tulog mantika.
"good morning baby, where is your brother?"
"He's still sleeping and snoring" sabi niya na natatawa.
"ok let's get you breakfast before I go to work. you're mamila is cooking a delicious food."sabi ko sa kanya.
"ok nanay"
Pagdating namin sa kusina ay nakapagluto na si mom ng pagkain. Maaga din siyang nagising para makapagprepare, Dahil day off niya today ay siya na ang nagluto.
"good morning mamila!" bati niya kay mom at hinalikan naman siya ni mom.
"good morning apo!" bati naman ni mama.
"mamila what did you cooked for breakfast?"
"I cooked your favorite and you're nanay's favorite."
"wow adobo?"
"yes apo, I cooked adobo because your nanay will take some for her lunch."
"ok mamila, I want to eat now, I feel starving because of the smell of your adobo."
"ok, you seat down and I will put food in the table now."
"yes mamila"
Iniwan ko muna sila dahil maliligo muna ako.
Nagpaalam na ako sa maglola si Josh ay tulog pa kaya pinuntahan ko nalang siya sa kwarto nila at kinintalan ng mahinang halik sa ulo para hindi siya magising.
Nagbaon ako ng adobo na niluto ni mama. Malapit na ang pasko kaya mamaya ay ayain ko ang dalawa na mamili na ng ibang gift dahil maglalagay na sila ng christmas tree mamaya. This will be their third christmas here.
Hindi nagtagal ay sumapit ang Pasko at New Year nagcelebrate kami na masaya dahil madaming mga kabayan na kawork ni mama at kawork ko nainivite namin. We celebrated Christmas by giving some gifts to our family and close friends.
Nagvisit na din kami sa house nila Bea and Lance dahil ininvite din nila kami, pero nagpaiwan na sila mama dahil may mga work din sila. kahit holidays ay may work sila.
Tuwang tuwa ang kambal dahil ang dami nilang nareceived na gifts. Madadagdagan na naman ang mga ipapadala ko pero paipiliin ko nalang sila ng mga gusto nila dahil iiwan nalang namin yung iba dito.
"Nanay look oh I received an Audi racing Car. I loved it!" natutuwang sabi ni Jacob.
"wow nanay me too I have Audi racing car."
"wow awesome! who gave it?"
"titoninong Lance" sabay nilang sabi
"alright say thank you to him when you see him ok?"
"yes nanay" sabay ulit nilang sabi.
"nanay tita ninang Bea gave me a robot!"sigaw ulit ni Jacob na sobrang saya
"nanay me too titaninang gave me a robot" sabi naman ni Josh.
"ok say thank you to ninang Bea when you see her"
"yes nanay!"
Ilang araw nalang ay birthday na ng dalawa nag hirap magprepare dahil madaming gustong imbitahin nila mom and dad.
Sabi ko close friends lang dahil ayoko pang malaman nila na may mga anak na ako. Pinutol ko narin ang communication ko kay Kyla and Gretchen dahil lagi nilang napapansin na nagbabago ang aking figure.
Alam ko sobrang galit na ni Gretchen sa akin pero sana maintindihan niya din ako balang araw. natatakot ako na harapin sila kaya ang kinuha kong bahay ay malayo sa amin. Kumuha ako sa Batangas dahil may nagoffer kasi sa akin ng lupa doon at binili ko. Nagpagawa ako ng plano kay Lance at mabilis na napagawa ko. Matatapos narin ang bahay namin bago kami makauwi.
May friend din si Bea na taga Batangas kaya madali para sa akin ang nagpagawa. Tinulungan kami ng friend niya na si Claire sa pagpapagawa ng bahay namin.
"friend malapit na ang birthday ng kambal."sabi sa akin ni Bea. Sabay kami naglunch dahil nagbaon din siya.
"oo nga friend need ko na ifinalize lahat ng kailangan para sa birthday nila."
"ano pa ba ang kulang?"
"nakapagorder naman na ako ng foods and cakes. May mag cater naman and for the decor meron narin lahat ok na pero I need to confirm pa ang lahat baka mamaya may cancelled sa mga kinuha ko mahirap na ang maggahol."
"yes, so saturday mo icelebrate?"
"yes, dahil syempre may mga work ang iba pag weekdays."
"oo nga eh, at malapit kana rin umuwi."
"sana maging ok ang pag-uwi namin. ayaw ko pa siyang makita friend."
"if you're path will cross wala kang magagawa dahil tadhana ang maghahatid sa inyo sa isa't-isa."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"Nakabihis na ba ang kambal? may mga bisita na sa garden. Ang daming mga bata sa labas." sabi ni Bea sa akin. Siya ang kasama ko sa pagprepare ng birthday para sa kambal.
"Nagbibihis pa lang sila. Binibihisan ni mom."
"Akyatin ko nga tignan ko kung kasing gwapo parin sila ng kanilang tatay o baka mas gwapo na sila kaysa sa tatay nila."
Ang theme ng birthday nila ay isang Prince theme. Nakapang prince sila at ang mga bisitang babae ay nakaprincess dress.
"Grabe ang ganda ng ginawa nila sa venue parang nasa princess world ako friend. Ang galing ng gumawa." saad ulit ni Bea habang papasok kami sa loob ng bahay.
Sabay kaming umakyat para makita ko kung tapos na ang mga bata. Dahil madami na ang mga bisita na dumating kaya dapat ay magstart narin kami.
"Hi! babies happy birthday!" bati ko sa mga anak ko at kinintalan ko sila ng halik sa pisngi. Gusto kong pupugin sila ng halik pero nagagalit sila sa akin.
"thank you nanay you greeted us ten times already." sabi sa akin ni Joshua pero malambing ang pagkakasabi niya na nakangiti ito.
"thank you nanay!" sabi din sa akin ni Jacob at lam kong naiirita siya sa suot niya samantalang si Joshua ay feel na feel ang prince coat niya.
"Grabe friend ang gagwapo ng mga babies mo. Madami silang paiiyakin na mga babae paglaki."
"Sana hindi naman friend, naku papaluin ko talaga sa pwet pag ginawa nila yun."
"mom ready na po sa baba tara na po" baling ko kay mommy na nagaayos ng kanyang makeup.
"sige anak sunod na ako malapit na ako matapos dito. Dalhin nyo na yang dalawang tsikiting at excited na sila na lumabas."
"ok mommy."
"let's go?are you ready to see the party?" tanong ko sa talaga.
"yehey!" sigaw ni Joshua
"yes mom!" sabi naman ni Jacob.
Pagdating namin sa labas ay namangha silang dalawa dahil ang ganda talaga ng pagkakadecorate nila.
"wow nanay I feel like I'm inside the castle." sabi ni Joshua
"wow nanay fantastic!" sabi naman ni Jacob.
"I"m glad you like it."
"We love it nanay!" sabay nilang sabi sa akin.
Nagumpisa ang party at tuwang tuwa ang mga anak ko. Ang sarap ng feeling na masaya sila. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ni Marco pagnakita niya ang mga bata. Sana tanggapin niya. Alam kong magagalit siya sa akin noon kapag sinabi ko na buntis ako. Baka hindi niya tanggapin ang pinagbubuntis ko.
"nanay thank you." sabi ni Jacob sa akin.
"you're welcome baby."
"nanay thank you" sabi din sa akin ni Joshua at niyakap nila akong dalawa.
Madaming bata ang dumalo sa kanilang birthday. Mas madami ang babae kesa sa lalaki.
Sa sobrang pagod ng mga anak ko ay nakatulog sila pagkahiga nila.
"Friend plakda ang dalawa sarap na ng tulog nila oh."
"Sobrang pagod nila friend. madami pang ililipig sa labas."
"No worries friend at madami ang mga nagliligpit sa labas.."