Maaga akong nagising kinabukasan, paggising ko ay tulog pa si Marco. Dahan dahan kong inalis ang kaniyang braso na nakayakap sa akin. Naririnig ko pa ang munting mga hilik niya. Pinagmasdan ko saglit ang kaniyang maamong mukha. Maihahalintulad mo ang mukha niya sa isang artista na mga Italyano at parang arabo kaya ang daming nahuhumaling din dito sa kumag na ito. Tiyak na paglaki ng kambal ay pagkakaguluhan din sila ng mga babae. Sana lang ay hindi sila gumaya sa tatay nila na babaero. Ang tangos talaga ng ilong niya, nahiya naman ang ilong kong maliit lang. Hmp makabangon na nga mamaya kapag nagising eh humirit pa. Kaya napabangon na ako kahit alas singko pa lang ng umaga. Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako. Naabutan ko si Myla na naghahanda ng mga iluluto. "Hi!Good morning Myl

