LUMIPAS ang mga araw na hindi na muling dumalaw si Edward sa mga grandparents nito. Araw-araw pa rin naman nitong tinatawagan ang lola niya at kinukumusta ang mga ito. Wala kasing ibang kasama sa mansion ang mga grandparents nito, kundi mga katulong at bodyguard lang. Mag-isang anak ang kanyang ina. At anak siya sa pagkadalaga ng Mommy niya. Hindi na ito nag-asawa pa kaya wala na itong naging kapatid.
Hanggang isang araw. Tumawag ang ina nito at ipinaalam sa kanya ang bagay na kailanman ay hindi nito inaasahan! Ipinaalam ng Mommy Tarah nito na buntis ito! At ang masaklap, hindi nito nakilala ang nakabuntis sa kanya!
Ang sabi ng ina niya, hindi naman siya pinilit ng lalake. It just happened. Pumunta kasi ito sa isang Bar ng kaibigan dahil birthday daw ng kaibigan niya. Tumuloy ito sa kalapit na hotel dahil may kalayuan ang condo niya mula sa Bar.
Dahil nabuntis ang ina nito, nagpahinga na ito sa pagiging modelo. Pero nanatiling sa Vancouver ito nakatira dahil katulad niya, kokontrolin lang ng lolo niya ang buhay nito kapag umuwi siya ng Parker's mansion.
Noong una ay nagalit si Edward. Lalo na't hindi kilala ni Tarah kung sino ang nakabuntis sa kanya. Ni hindi nito matandaan ang pangalan ng lalake! Pero kalauna'y unti-unti din nitong natanggap at itinuloy ng Mommy niya ang pagbubuntis nito.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Nakapag desisyon ang Mommy nito na umuwi na ng bansa kasama ang nakababatang kapatid nitong si Matteo! Sobrang saya ni Edward dahil pumayag ang Mommy niya na tumira ang ina niya sa poder niya. Buong buhay kasi nito, ngayon niya lang makakasama sa iisang bubong ang ina nito.
Dinadalaw niya naman si Tarah sa Vancouver. Pero todo ingat sila na ultimo lumabas ay halos nakabalot na ang Mommy niya para hindi ito makikilala ng mga tao. Idagdag pang bagong hiwalay na ang Daddy nito at kanyang stepmom. Naaprubahan na rin ang annulment nila kaya hindi nito mapigilang umasa na mabubuo na ang pamilya nila!
Akala ni Edward ay magiging maayos na ang lahat. Na mabubuo na sa wakas ang pamilya nila. But he was wrong. Dahil sa pag-uwi ni Tarah, napag-alaman nila kung sino ang ama ng kapatid nito. Ang lalakeng naka-one night stand nito noon sa Vancouver, five years ago ay walang iba kundi. . . ang matalik niyang kaibigan!
Si Luke Payne Jr!
Nagalit si Edward sa kaibigan nito. Lalo na’t kalauna'y nagpakasal sila ng kanyang ina. Alam naman ni Edward na walang gusto ang Mommy niya kay Luke. Pinakasalan niya lang ito dahil sa pagmamakaawa ni Matteo sa ina nila. Matteo was only four years old. Kaya naiintindihan niya ang ina na mas pinili nito si Luke kaysa sa kanyang ama. Dahil maging siya ay parang kinukurot sa puso at hindi rin matiis na umiiyak ang kapatid niya at nakikiusap sa kanila ni Tarah. Na magpaubaya na siya para kay Matteo.
Nang maikasal na si Tarah at Luke, tumira na ang ina at kapatid nito kay Luke. Kaya muling mag-isa ito sa bahay.
Isang gabi, tumawag ang lola nito na dinala sa hospital ang lolo niya dahil tumaas ang blood pressure! Nagmamadali si Edward na nagtungo sa hospital. Kahit naman hindi sila magkasundo ng kanyang lolo, hindi niya ito matitiis!
“Lo, naman kasi. Sinabihan ko na kayo na magpahinga na, ‘di ba?” pagalit ni Edward sa lolo nito.
“Paano ako magpapahinga, ha? E pareho kayong matigas ang ulo ng Mommy mo! Hindi ko nga kasi pwedeng ipagkatiwala sa iba ang kumpanya because it's our family’s legacy! Dugo’t pawis ko ang pinangpuhunan ko para mamayagpag sa industriyang ito ang kumpanya natin. Hindi ko iyon kayang ipagkatiwala sa ibang tao,” makatwirang sagot ng matanda.
Napahilot sa sentido si Edward. Alam na nito kung saan patungo ang kanilang usapan.
“Lo, intindihin niyo rin naman na may sarili din kaming pangarap ni Mommy. Isa pa, wala po akong alam sa pagpapatakbo ng kumpanya. Malugi pa sa mga kamay ko ang kumpanya niyo. Masisi pa ako,” pagmamaktol ni Edward.
“Tignan mo ‘tong batang ‘to. Hindi mo pa nga sinusubukan pamunuan, sinesentensyahan mo na kaagad. Ayaw mo lang pamunuan ang kumpanya. Manang-mana ka sa Mommy mo. Kaya paano ako magpapahinga ha? Hangga't hindi isa sa inyo ng Mommy mo ang mamuno doon, hindi ako makakapag pahinga. Kung malaki lang si Matteo, hindi ko na kayo pipilitin e.” Panenermon ng matanda dito.
Napakamot sa batok si Edward na hindi na umimik pa. Kapag makipag debate pa siya sa lolo niya, lalo lang mapapasama ang kalusugan nito.
“Anyway, how was your Mom with her young husband?” pag-iiba ng lolo nito sa kanilang usapan.
Napahinga ng malalim si Edward na napailing.
“I don't know, Lo. Hindi ko naman po sila pinupuntahan e. Pero tinawagan ako ni Mommy kagabi. Maayos naman daw po sila.” Sagot nito.
“Bakit hindi mo pinupuntahan? Alam mong maligalig si Lukey. Paano kung hindi pala maaayos ang pagsasama nila ng Mommy mo? Hindi ka ba nag-aalala sa ina at kapatid mo?” pagalit ng lolo nito.
“Lo, babaero lang po si Lukey. Pero hindi po siya masamang lalake. Kahit gago ‘yon, alam kong hindi niya magagawang saktan si Mommy at Matteo. Baka nga. . . si Mommy pa ang umaalila do’n e.” Turan nito na hinihilot ang sentido.
Naiiling naman ang matanda na hindi na umimik pa. Alam niyang napilitan lang si Tarah na magpakasal sa ama ni Matteo. Nasa tamang edad na ang mga ito. Ang mahalaga naman sa kanya ay ang kapakanan ng kanyang mga apo. Nakikinita nito si Edward kay Matteo noong maliit pa ito. Kung saan nangungulila ito sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.
Hindi naman lingid sa kaalaman nilang naiinggit si Edward sa mga kaibigan nito na kumpleto ang pamilya nila. Kumpara sa kanya na grandparents niya ang kasama sa bahay. Ni minsan ay hindi nito naranasang mag-celebrate ng birthday, chirstmas, new year at graduation na kasama niya ang Mommy at Daddy niya. Kaya hindi na siya nanghimasok pa sa dalawa. Dahil ayaw din niyang maranasan ni Matteo ang naranasan ni Edward habang lumalaki ito. Ang hindi nito nakasama sa iisang bubong ang kanyang ina at ama.
“How about you, Edward. Kailan ka magpapakasal?” baling nito sa binata na napaubo!
Napainom ng tubig si Edward na malalalim ang paghinga mula sa pagkakasamid nito.
“Lo naman. Sinabi ko na po 'di ba? Wala pa akong planong mag-asawa. Hwag namang pong pati ang bagay na iyan ay panghimasukan niyo.” Sagot ni Edward dito.
"Kung wala kang mapiling mapangasawa, ako na lang ang hahanap. Marami akong kilala na pwede mong matipuhan, Edward." Saad nito na bakas ang kaseryosohan sa itsura.
"Hwag na muna, Lo. Kakakasal pa nga lang ng mommy e." Alibi nito para makaiwas sa usapang kasal.
“Tumatanda na ako, Edward. Hindi ko na maaabutan ang magiging apo ko kay Matteo. Pero ikaw? Pwedeng pwede pa.” Wika ng matanda dito na napailing na tumayo na.
“Alis na po ako, Lo. Dadalaw na lang po ulit ako bukas,” pag-iwas nito sa usapan nilang mag-lolo.
“We're not done yet, Edward. Binabastos mo na ba ako ngayon?” wika ng matanda na nagpaalam na ito sa lola niyang nakikinig sa usapan nilang mag-lolo.
“Lo, it's not like that, okay? Babalik na po kasi ako sa trabaho,” magalang saad nito sa matanda at nagmano na dito.
“Gusto mo akong tantanan ka sa trabaho mo, hindi ba?” seryosong saad nito na ikinatigil ni Edward.
“O-opo, Lo.” Sagot ni Edward dito na sumilay ang mapaglarong ngisi sa mga labi.
“Kung gano'n. Bigyan mo ako ng apo ko sa'yo, Edward. Bahala ka kung pakasalan mo ang ina niya o ‘yong bata lang ang kukunin mo. Basta bigyan mo ako ng apo. Para naman. . . may iba na akong alagaan. Handa na akong bumaba sa pwesto at mamili kung kanino ko ipagkaka tiwala ang kumpanya. Pero bago iyon. . . bigyan mo ako ng apo,” maawtoridad nitong saad na ikinaawang ng labi ni Edward.
“Lo naman. Hindi naman madali ang hinihingi niyo e. Ano ‘yon, hihila ako ng babae d'yan sa gilid at pupunlahan?” pabirong reklamo ni Edward dito.
“I'm serious, Edward. Kung ayaw mong patigilin kita ng sapilitan sa profession mo? Bigyan mo ako ng apo.” Saad nito na bakas ang kaseryosohan. “Mamili ka. Pamumunuan mo ang Pharmaceutical natin? O bibigyan mo ako ng apo?”
Napakamot sa ulo si Edward na kita ang iritasyon sa gwapong mukha nito. Nagpipigil lang itong sumagot ng pabalang kahit naiinis na ito sa usapan.
“I'll think about it, Lo.”
“No, Edward. You have to decide now. Alin sa dalawa ang pipiliin mo?” anito na matiim na nakatitig sa binata.
Napabuntong hininga si Edward na malamlam ang mga matang nakatitig sa lolo nitong naghihintay ng sagot nito.
“Fine. Bibigyan ko kayo ng apo as soon as possible, Lo. Kaya hwag niyo na pong pakikialaman ang profession ko. Masaya po ako sa trabaho ko. Magpagaling po kayo,” sumusukong sagot nito na ikinangiti ng matanda.
“I'll expect that, young man.”
KAKAMOT-KAMOT sa ulo si Edward na lumabas ng hospital. Naiinis ito dahil naisahan siya ng lolo niya. Mas gugustuhin naman niyang bigyan na lamang ito ng apo nang magtigil na sa kakakulit sa kanya na pamunuan ang kumpanya nila.
“Kainis! Saan naman ako kukuha ng babaeng pakakasalan ko?” inis nitong turan.
Nagdadabog itong pumasok ng kotse. Akmang isasara na niya ang pinto nang may sumulpot na babae at nagpumilit na sumakay sa kanya!
“What do you think you're doing, ms? Get out of my–umhpt!”
Napakapit ito sa baywang ng dalaga na siniil siya sa mga labi na tuluyang isinarado ang pinto! Namimilog ang mga mata ni Edward na hindi makakilos at nakadamba sa kanya ang dalaga na sapilitan siyang hinalikan sa mga labi!
Dama niyang nanginginig ang dalaga at hindi naman ito gumagalaw. Nakalapat lang ang mga labi nito sa kanya at mukhang may tinataguan!
Ilang minuto ang nakalipas, bumitaw din ang dalaga na napagala ng paningin sa labas ng kotse.
“What's your problem? Bumaba ka na nga!” sikmat ni Edward dito.
“Sorry, sir. May humahabol po kasi sa akin e,” bulalas nito na bakas ang takot sa boses at mukha.
“I don't care, ms. Get out,” ingos ni Edward dito.
Kapwa natigilan ang dalawa nang magsalubong ang kanilang mga mata. Hindi kasi kaagad nakita ni Edward kanina ang mukha nito at natatabingan ng mahaba nitong buhok. Napalunok si Edward na biglang bumilis ang pagtibok ng puso nito na mapatitig sa mga mata ng dalaga!
“W-wow.”