Kabanata 3

1749 Words
“HANAPIN niyo, tiyak na hindi pa iyon nakakaalis!” bulyaw ng lalake sa mga kasama nito. Napasiksik ang dalagang si Lalyn sa dibdib ng binata na ikinukubli ang mukha. “Ikaw ba ang hinahanap nila?” tanong ni Edward sa dalaga na parang kuting na nakasiksik sa kanya at halatang may tinataguan. “Gusto nila akong tangayin. Tulungan mo naman ako, sir.” Pakiusap nito na nanatiling nakasubsob sa dibdib ni Edward at nag-iikot-ikot pa rin ang mga humahabol sa kanya sa parking lot. Napahinga ng malalim si Edward na pinasilab na ang kotse palabas ng parking. Dama niya kasing takot na takot ang dalaga at nanginginig na ang katawan nito. Nang makalayo-layo na sila, itinabi na ni Edward ang kotse sa gilid ng kalsada. “Bumaba ka na,” anito. Nahihiyang nag-angat ng mukha ang dalaga na napalinga sa paligid. Bakas ang takot sa mga mata nito. “Uhm, saang banda na ba ito, sir?” nahihiyang tanong nito at nakaupo pa rin siya sa kandungan ng binata. “BGC. Baba na,” masungit nitong sagot. Alanganing ngumiti ang dalaga na tumango. “Salamat, sir. Kahit hindi mo ako kilala ay tinulungan mo ako. Malaking bagay sa akin na makatakas ako sa kanila,” saad nito na tinanguhan lang ni Edward. Maingat na bumaba ng kotse si Lalyn. Dama pa nito ang pangangatog ng mga tuhod pagkababa ng kotse. Kaagad din namang umalis ang binata na ikinangiti nitong napasunod ng tingin sa kotse ng binata. “Gwapo sana. Kaya lang sobrang sungit,” bubulong-bulong saad nito na nag-abang na ng taxi. Kailangan na niyang lumipat ng apartment at trabaho. Nagtatrabaho ito sa isang convenient store bilang manager doon. Pero natipuhan siya ng anak ng amo niya. Hindi naman siya manhid para hindi mahalata kung anong pakay ng binata sa kanya. Kaya una pa lang ay umiwas na ito. Alam kasi ng binata ang apartment niya. Dati ay nananakot lang ito sa kanya na aalisin siya sa trabaho kapag hindi siya pumayag sa gusto nito. Pero nang minsang sapilitan siyang pinasok ng binata sa apartment niya na lasing ito at muntik na siyang mahalay, natakot na ito para sa kapakanan. Ilang araw na itong hindi pumapasok sa trabaho kaya pinapahanap na siya ng boss niya. At ang hindi nito inaasahan, ang ginawang paninira ng binata sa kanya sa mga magulang nito. Pinagbintangan itong tumangay ng kita sa store! Kaya naman hinahabol siya ng mga ito ngayon na tinataguan nito. “Saan ako tutuloy nito ngayon?” usal nito na palakad-lakad sa gilid ng daan at walang dumaraang taxi. Napalapat ito ng labi na napalinga sa paligid. Wala pa naman siyang pwedeng matuluyan ngayong gabi at wala naman itong masasabing kaibigan dito sa syudad. Hindi naman siya pwedeng bumalik sa probinsya nila dahil lalo silang malulubog sa utang sa hirap ng buhay doon. Sa kakalinga nito, nahagip ng paningin niya ang isang bakeshop na nangangailangan ng baker! Namilog ang mga mata nito nagmamadaling lumapit sa shop at napasilip pa sa loob. “Yes, ma'am? May kailangan po ba kayo?” tanong ng guard dito. Sarado na kasi ang shop pero nakabukas pa ang mga ilaw sa loob. “Uhm, boss, pwede bang magtanong?” lakas loob nitong tanong sa guard na tumango. “Ano po iyon, ma'am?” magalang sagot nito. Pilit ngumiti si Lalyn na napabuga ng hangin para ibsan ang kabang nadarama nito. “Itatanong ko lang sana kung hiring pa kayo dito? Maga-apply po sana ako,” magalang sagot ni Lalyn dito na napalingon pa sa loob ng shop. “E, ma'am, may hiring po kami dito. Pero sarado na po kasi ang shop. Pero nandidito sa loob si Ma'am Tarah. Pwede kitang samahan sa kanya. Mabait naman ang boss namin e.” Anito na ikinamilog ng mga mata ng dalaga! “Totoo po!? Pwede po!?” bulalas nito na ikinangiti at tango ng guard. “Tara po sa loob, ma'am.” Saad nito na pinagbuksan ito ng pintuan. Kabado ito lalo na't wala naman siyang dalang resume. Gusto niya lang maitanong sa may-ari kung qualified siya at bukas na dadalhin ang mga requirements na kakailanganin niyang isubmit. Pagpasok nila sa maliit na opisina ng shop, naabutan nila dito ang isang supistikadang babae na nakaupo sa swivel chair at abala sa mga nilalagdaang papeles. Kumatok sa pintuan ang guard na ikinaangat nito ng mukha. “Good evening, ma'am. May aplikante po kasi na nagtatanong,” magalang saad nito. Napasulyap pa ang babae sa wristwatch nito at kitang pasado alasotso na ng gabi. “Hindi ba't masyado ng gabi para sa paga-apply?” tanong nito. Napakalambing ng boses niya na parang anghel sa amo at ganda ng mukha. Alanganing ngumiti si Lalyn na kitang nahihiya. “Pasensiya na po kayo, ma'am. Desperada na po kasi akong makahanap ng trabaho.” Magalang saad ni Lalyn dito. Napanguso ito na napasuri pa sa kabuoan ng dalaga. Maya pa'y matamis itong ngumiti na sinenyasan si Lalyn na maupo kaharap ito. Nahihiyang lumapit si Lalyn na naupo sa silya at iniwan naman na sila ng guard. “Bagong salta ka ba dito sa syudad?” tanong nito na ikinailing ng dalaga. “Hindi po, ma'am. Matagal na ako dito. Pero nawalan kasi ako ng trabaho at kailangan ko ng bagong trabaho at matutuluyan. Hindi na kasi ako ligtas sa dating pinagtatrabahuan at apartment ko e.” Pagtatapat ni Lalyn na ikinasalubong ng mga kilay nito. “Bakit? Ano bang problema mo sa dating trabaho at apartment mo?” nag-uusisang tanong ni Tarah dito na pilit ngumiti. Bakas ang takot at pag-aalinlangan sa mga mata nito. Pero sa huli, umamin pa rin ito sa kaharap at kailangan niyang maging honest dito para pagkatiwalaan siya. “Uhm, dati po akong nagtatrabaho sa isang convenient store, ma'am. Manager po ako ng store at all around na rin. Ako ang madalas maiwan mag-isa doon at tiwala sa akin ang mga amo ko. Mahigit dalawang taon na rin po akong nagtrabaho doon. Pero isang araw, nakilala ko po ang anak na binata ng amo ko. Natipuhan po niya ako pero hindi ako pumayag sa gusto niya. Gusto lang naman kasi niya akong gawing parausan, ma'am. Kaya hindi ako pumayag. Isang gabi, bigla na lamang siyang sumulpot sa apartment ko. Muntik niya na po akong mahalay noon, kung hindi ko lang napuruhan na nasipa ang itlog niya. Nakatakbo ako pero hindi lang pala doon magtatapos ang kalbaryo ko sa kanya,” pagkukwento nito. Matiim lang namang nakatitig si Tarah dito na nakikinig. Kita naman nitong nagsasabi ng totoo ang dalaga. Isa pa, magaling itong mangilatis ng kaharap. At sa nakikita nito, nagsasabi ng totoo ang dalaga. “Pagkatapos?” anito. Napahinga ng malalim si Lalyn na pilit ngumiti at sinalubong ang mga mata nito. “Kinabukasan po ay pumasok pa rin ako sa trabaho. Pero doon ko nalaman na nawawala ang isang buwang kita ng store at ang kumakalat na balita. . . tinangay ko po, ma'am. God knows, ma'am. Wala akong kinukuha maski piso sa store. Hindi ako magtatagal doon kung una pa lang ay nagnananakaw na ako sa kita ng store. Pero malakas ang kutob ko kung sino ang may pakana para ma-framed-up ako. Ang anak ng amo ko. Dahil siya lang naman ang nakakaaway ko dito. Hindi ako makabalik-balik sa apartment ko dahil may mga lalakeng umaaligid doon. Katulad na lamang kanina, habang naghahanap ako ng maaari kong matuluyan ay nakasalubong ko ang mga lalakeng humahabol sa akin. Mabuti na lang at may binatang tumulong sa akin. Sa takot at taranta ko kanina na maabutan nila ako, pumasok ako sa kotse niya. Mabuti na lang at hindi niya ako ibinuko kahit hindi niya ako kakilala. Pinaharurut niya palabas ng parking lot ang kotse niya kaya nakatakas ako. Pero tiyak akong hindi pa dito nagtatapos ang paghahanap nila sa akin. Kaya naghahanap po ako ng bagong trabaho para hindi ako maubusan ng pera. Ako kasi ang nagpapaaral sa bunso namin sa probinsya at inaasahan ng mga magulang ko, ma'am. Kaya hindi ako pwedeng tumambay dito at pare-pareho kami ng pamilya kong magugutom.” Pagkukwento nito na nangingilid ang luhang naiisip ang pamilya niya. Bukod sa matanda na ang mga magulang niya, siya ang sumusuporta sa pag-aaral ng nakababatang kapatid nito. Napanguso naman si Tarah na sinusuri ng tingin ang dalaga. Kung nagsasabi ba ito ng totoo? O gumagawa lang ng kwento para maawa siya dito at tanggapin ito sa kanyang shop. “Ano bang kaya mong gawin, hija? Baker lang kasi ang kailangan ko dito sa shop e.” Ani Tarah na ikinaaliwas ng mukha nitong tila nakakuha ng pag-asa. “Kaya ko po iyon, ma'am. Hindi ako professional na baker pero. . . masasabi ko pong marunong akong mag-bake.” Agarang sagot nito. Napatango-tango naman si Tarah na tumayo na sa swivel chair nito. “Follow me. Impressed me with your baking skills. Hindi kasi ako pwedeng mag-hire ng kung sino-sino lang dito sa shop. Pero kung pasado naman ang gagawin mo sa panlasa ko, tatanggapin kita dito.” Saad ni Tarah. “I'll do my best po, ma'am.” Magalang sagot ni Lalyn dito na sinundan si Tarah. HABANG nagbi-bake ng cake at cupcake si Lalyn ay matamang namang pinapanood ito ni Tarah. Sa nakikita nito ay hindi nga nagsisinungaling ang dalaga na marunong mag-bake. “Anyway, what's your name? How old are you? Where did you from?” magkakasunod nitong tanong sa dalaga. “Uhm, I'm Lalyn Hermosa po, ma'am. Twenty seven, from Bicol po.” Magalang sagot nito na ikinatango-tango ni Tarah. “Married?” “Single po, ma'am.” Sagot nito. Pasimple namang itinext ni Tarah ang anak nitong pulis. Si Edward. “Son, there's a new applicant here. Her name is Lalyn Hermosa. Twenty seven years old from Bicol. I want you to know her background and send to me immediately.” Matapos itext ang anak, muling ibinulsa ni Tarah ang cellphone na pinanood ang dalagang maingat na naglalagay ng icing sa cupcakes. Napapasuri ito sa kabuoan ng dalaga. Maganda ito kahit morena ang balat at may kaliitang babae. Magaan naman ang loob nito sa dalaga kaya tiyak niyang mabait ito. Maya pa'y nag-vibrate ang cellphone nito sa bulsa na kaagad nitong binasa ang reply ng anak niya. "I've already checked her background, Mom. Yes, there's a girl named Lalyn Hermosa from Bicol. She looks familiar to me. I'm not sure pero pupuntahan ko na lang kayo d'yan." Reply ni Edward ditong napangiti. "Okay, son. We'll wait for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD