
They said happy is the man who marries the one he loves, but happiest are those who love the one they marry.
Minsan ng niloko ni Noah si Penelope... Nangyari ito ilang linggo matapos ang kanilang engagement party. Ngunit sa kabila ng lahat ay humantong pa rin ang relasyon nilang dalawa sa simbahan dahil sa labis na pagmamahal ni Penelope kay Noah. Pinatawad niya lahat ng kasalanang nagawa ni Noah sa kanya huwag lang silang humantong sa hiwalayan.
Ngunit ika nga nila ang pagtitiwala ay maihahalintulad sa isang salamin- na kapag nagkalamat na ay napakahirap nang buuin. Patuloy na mababahiran ng pagdududa ang pagsasama nilang mag-asawa. Dadating ang punto na tuluyan nang mawawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Hanggang sa unti-unting mahuhulog ang damdamin ni Penelope sa iba. Magagawa niya bang gantihan si Noah sa kasalanang nagawa nito sa kanya? Tuluyan na nga bang mawawasak ang sagrado nilang pagsasama?

