I didn't know how to react to my Mom. Wala akong planong sabihin sa kanya ang tungkol sa pagtataksil ni Noah. Though I had second thought of running away from our wedding I haven't made a final decision on everything. Basta't ang alam ko lang ngayon ay hindi pa ako nakahandang mag-krus na namang muli ang mga landas namin ni Noah. Hindi ko alam kung makakaya ko bang kumalma.
Pagkatapos kong magbihis ng pambahay na damit ay dumiretso na ako ng punta sa dining room. Abala na ngayong naghahain ang dalawa naming kasambahay.
"Nagpaluto ako ng kare-kare kay Minda. Hindi ba't paborito iyon ni Noah?" magiliw na tanong ni Mommy.
Tila ako masasamid dahil sa sinabi niya. Kaagad kong ininom ang lamang tubig ng basong nasa aking tapat. Kung pwede nga lang na lason ang ipakain sa kanya ngayong gabi. Namuo na naman tuloy ang iritasyon ko kay Noah.
"Your final fitting for your gown will be next week right?" Nag-angat ako ng tingin sa aking ina.
"Yes Ma," tipid kong sabi. Napatingin ako sa kaliwang kamay ko. Wala na roon ang aking engagement ring. Kaya naman pilit kong iniiwas sa paningin ni Mommy ang aking palasinsingan.
Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin sa mga pagkaing hinahain sa hapag.
"Malapit na rin ba si Noah? Padating na raw kasi ang Daddy mo. Alam mo naman 'yon mainipin kapag oras na ng pagkain."
Natigilan ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Dalawang araw na rin kasi kaming walang communication ni Noah.
As I was clearing my throat ay siya namang pag-agaw sa atensyon namin ni Mommy ng isang baritonong boses.
"Good evening Tita!"
I raised an eyebrow upon hearing Noah's voice. I even crossed my arm as I glued myself on my seat. Just hearing his voice made me want to point a gun at his manhood!
Lumapad ang ngiti ng aking ina pagkakita kay Noah. Agad naman siyang nilapitan ng huli. Pagkatapos nitong makipagbeso sa kanya ay walang pasubali siyang lumapit sa akin.
Napapitlag ako nang mabilis niyang ginawaran ng isang pinong halik ang kaliwang pisngi ko. Napahawak ako sa isa niyang braso. Halos maitulak ko na siya dahil sa naging asta niya.
"I miss you Sweetheart!" bulong niya pa sa kaliwang tainga ko gamit ang kalmadong boses. Nagtagis ang bagang ko dahil sa paglukob sa pagkatao ko ng labis-labis na iritasyon. Pero pinipilit ko pa ring umakto ng normal dahil kaharap namin ngayon ang aking ina.
Marahan ko siyang hinarap. Isang mapait at pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya.
"Maupo ka na, you must be starving," wika ko. I couldn't believe na kinaya kong makipagplastikan nang ganito sa kanya.
Namuo na naman ang inis ko nang nginitian niya ako nang pagkatamis-tamis bago tuluyang naupo sa nakasanayan na niyang pwesto rito sa aming dining room.
Nag-usap sila saglit ni Mommy na katabi na niya ngayon ng upo sa pahaba naming dining table. Magkatapat ang upuan naming dalawa.
Pinilit ko na lang pakalmahin ang aking sarili sa kabila ng panaka-nakang pagsulyap sa akin ni Noah habang nag-u-usap sila ni Mommy. Halos maubos ko na ang lamang tubig ng aking baso kahit na hindi pa naman kami nagsisimulang kumain ng hapunan.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Daddy. Tumayo ako upang makapagbigay ng kortesiya. I gently bestowed a kiss on his right cheek.
Dumako agad ang mga mata niya sa kinauupuan ni Noah. Mabilis naman itong tumayo upang mabati rin si Daddy.
"Good evening Sir!"
Kagaya ng dati ay malamig pa rin ang paraan ng pakikiharap ni Daddy sa kanya. Tinapunan lang siya nito ng tingin pagkaraan ay umupo na sa kabisera.
I could feel that Noah was agitated. His Adam's apple protruded as he swallowed repeatedly. Tila isa siyang maamong tupa sa harap ng aking ama. Pasalamat na lang siya at wala akong balak ipagtapat sa aking ama ang ginawa niyang kataksilan.
"Nasaan na nga pala si Anthony? Hindi pa kayo nagsabay?" kuryosong tanong ni Mommy habang nagsisimula na kaming kumain.
"He has a dinner meeting," Pagtutukoy ni Daddy sa kapatid ko.
"Penelope, did you review the report that I sent to your office?" seryosong tanong pa ng aking ama.
Pansamantala ko munang ibinaba ang tangan kong kubyertos. Sa sobrang stressful ng trabaho ni Daddy ay hindi talaga maiiwasan na mapapag-usapan pa rin namin sa hapag ang mga problema sa aming negosyo.
I quickly nodded. "Yes Dad, I'll prepare my strategic plan tomorrow."
Habang patuloy kaming nag-u-usap ni Daddy ay mataman namang nakatanaw si Noah sa aming dalawa.
"Hijo, totoo nga bang nakadispalko ng pera ang isang manager ng opisina mo?" Noah seemed stunned. Mukhang hindi niya nagawang paghandaan ang tanong na iyon ng aking ama. He slowly tilted his head on order to gape at my father's direction.
"As their boss, I don't understand why you didn't catch your subordinate's anomalies."
Napatitig nang matagal sa kanya si Noah. Halatang nag-iisip nang mabuting isagot sa problemang ibinabato sa kanya ngayon ng aking ama.
"Sir, the said incident was already under the investigation of the Audit Department. As the Chief Finance Officer I don't want to derive my decision based on hearsays. I wanted to see evidences and the Audit Findings that will point Mr. Salvador as the main culprit." Deretsahan niyang utas.
Mukhang may nakahanda pang mga follow-up questions ang aking ama dahil dito ay napatikhim si Mommy. "Rogelio, mamaya na 'yan pakainin mo muna ng hapunan ang future son-in-law mo!"
Bahagya pang natatawa si Mommy habang sinasabi iyon. My father's intense gaze on Noah diverted to my mother.
Tahimik na nag-uusap sina Mommy at Noah habang kami ay kumakain na ng hapunan. Nanatili lang akong walang imik. Hindi ko pa kasi talaga kayang makipag-kaswalan kay Noah.
Nang kumakain na kami ng dessert ay kinausap na namang muli ni Daddy si Noah. I think they were talking about the new marketing plan of our company.
Hindi ko alam kung paano ko na-survive ang gabing iyon nang hindi ko napapagbuhatan ng kamay si Noah. Mabuti na lang din at hindi man lang nahalata ni Mommy ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa ng fiancé ko.
Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na rin sa bahay si Kuya Anthony. Kumpara kay Daddy ay malapit ang loob nito kay Noah.
Naabutan kong umiinom ng wine sina Daddy, Kuya at Noah sa may veranda.
"Dad, mauna na po akong pumanhik." Sinulyapan ako agad ni Daddy. Naagaw ko rin ang atensyon nina Kuya Anthony at Noah na abalang nag-uusap.
"Are you okay hija? Mukhang kanina ka pa nga tahimik. Magkakasakit ka pa yata?" ani Daddy sa nag-aalalang boses.
Napadako ang mga mata ko sa direksyon ng kinauupuan ni Noah. Nababanag ko sa mga mata niya na labis din siyang nababahala sa kalagayan ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Masyado lang akong stress nitong nakakaraang mga araw Dad!" My Dad nodded for acknowledgement.
"If you're not feeling well, you can excuse yourself from work. Ihabilin mo na lang muna kay Amelia ang mga importanteng task mo para bukas." Maagap akong tumango kay Daddy.
"Noah, pagsabihan mo nga 'tong girlfriend mo. Masyado na yatang workaholic," biro naman ni Kuya Anthony. Isang pilit na ngiti ang iginanti ko sa kanya.
I immediately granted a swift kiss on my Dad's right cheek gayundin kay Kuya Anthony. Kahit na nag-a-atubili akong gawin din 'yon kay Noah ay itinuloy ko na lang. As much as possible ay ayoko munang ma-involve ang pamilya ko sa away naming dalawa. I bestowed a peck on the devil's cheek.
Akmang kakausapin ako ni Noah pero pilit akong umiwas sa kanya saka ko sinabayan ng alis.
***
Bago umuwi si Noah galing sa bahay namin ay nakatanggap ako ng ilang missed call at text messages galing sa kanya.
Noah: Sweetheart let's talk please.
Noah: I'm really sorry Phene.
Noah: Sweetheart, nahihirapan na ako sa ginagawa mong pag-iwas. Ayusin natin 'yong relasyon nating dalawa. I'm really sorry.
Hindi ko alam kung kanino nakuha ni Noah itong bagong cellphone number ko. Kamuntik ko na naman tuloy maibato sa pader itong bagong bili kong Iphone.
Sorry? Ano'ng akala niya? Sa isang sorry niya lang ay mapapatawad ko na siya sa ginawa niyang kataksilan sa'kin?
Gano'n na lang ba kadali 'yon? Pagkatapos siyang magpakaligaya sa piling ng iba, sa isang sorry lang niya inaasahan na niya na babalik na muli sa dati ang lahat! Pinagpatayan ko na lang siya ng cellphone para hindi ko na siya makausap.
Kinabusan paggising ko ay ibinalita na lang sa akin ni Mommy na umuwi na rin daw agad si Noah pagkatapos ng pag-i-inuman nila nina Daddy.
Nagdesisyon akong mag-leave of absence ngayong araw. Parang sasabog na rin kasi ang utak ko dahil sa dami ng iniisip ko. Pagkakain ng agahan ay nagpaalam ako kay Mommy na pupuntahan ko si Abby sa photostudio nito.
Apat kaming matalik na magkakaibigan. Ako, si Abby, si Martina at si Cyrus. They were my best friends since our primary school years;sa Xavierville International School kami nag-aral. Pare-pareho kaming mga anak ng mayayamang mga negosyante.
Abby was kind of surprised after seeing me inside her studio. Naroon siya ngayon sa kanyang corner office located at the western part of her studio.
Napahinto siya sa kaniyang ginagawang pagtse-check sa mga dokumento na nakalatag ngayon sa ibabaw ng kanyang lamesa. Kaagad siyang tumayo.
"Did you drive alone?"
Tumango ako pagkatapos niya akong tanungin. She kissed me on my right cheek and smiled afterwards. She was so delighted to see me. I sat on the chair in front of her table.
"Himala wala ka ng kasamang mga bodyguards kapag umaalis ka ng mag-isa at saka I can't believe na pinayagan ka ng mag drive ng Mommy mo." I grinned after hearing those observations from her.
"I spoke to my parents about it, sabi ko ay mas nahihirapan akong kumilos. Baka mas lalo akong maaksidente niyan kapag may laging sumusunod sa akin kaya since last week ay tinanggalan na ako ni Daddy ng mga bodyguards."
"It's good. Naalala ko tuloy 'yong nangyari noon na kamuntikan pang mahampas ni Martina ng takong ng high heels niya iyong isang bodyguard mo na nagagalit sa amin dahil masyado ka raw naming nilasing. I mean what the hell? Party night-out nga anong ine-expect nila na iinumin natin do'n? Tubig?" Hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa sinabing iyon ni Abby.
"I am happy that I'm free at last." I smiled to my hearts' content.
"Ikakasal ka na kasi, kaya natanggap na rin siguro iyon ng parents mo. Hindi habambuhay ay kailangan mo ng bantay. You have to live a life of your own. Soon you will have a family of your own."
"Y-Your last sentence... It makes me sad. I don't think it will ever happen." I uttered weakly while stammering a bit.
Kapansin-pansin ang mabilis na pagkunot ng noo ni Abby.
"What are you talking about?" Umawang ang mga labi niya.
"I was talking about my wedding," paglilinaw ko sa kanya.
She seemed caught off guard. Mayamaya pa ay pinanlakihan niya ako ng kanyang dalawang mata.
"What the hell Phene?" Abby's caustic remark. I gave her a savage look. Hindi ko na lang namamalayan ang unti-unting pagdausdos ng mga luha mula sa aking mga mata. Hanggang sa ang mahinang pag-iyak ko ay nauwi na sa paghagulgol.
Dalawang araw na ang nakalilipas magmula ng mahuli ko ang pagtataksil ni Noah ay ngayon lang ako umiyak nang ganito. Isinalaysay ko kay Abby ang lahat ng nasaksihan ko sa loob ng condominium ni Noah.
Pilit akong pinapakalma ni Abby. Ikinuha niya pa ako ng isang bottled water at pilit na pinainom ang laman noon.
Nang bahagya akong kumalma ay naaninag ko ang takang-taka niyang reaksyon.
"I can't believe that Noah will cheat!" palatak niya. May namuo na namang butil ng luha sa aking magkabilang mga mata.
"Kung kailan naman five years na kayo saka pa siya nakaisip na gumawa ng kalokohan!" Abby clenched her fist while looking intently at me.
"At worst ilang buwan na lang ay ikakasal na kayong dalawa!"
Napayuko ako habang walang tigil na napapasinghap. "I already returned our engagement ring!"
Halos lumuwa ang mga mata ni Abby dahil sa mga huling sinabi ko. Kinuha niya pa ang kaliwa kong kamay upang matingnan ang aking palasinsingan.
"I told him that I'm calling off our wedding!"
"Are you sure about this Phene? Nag-usap na ba kayong muli ni Noah?" Nag-aalala niyang wika.
Walang tigil ang ginawa kong pag-iling sa kanya.
"Ayoko na Abby. Hindi ko na kayang patawarin si Noah. Wala ng kasalang magaganap!"