Bumagal ang paraan ng aking paghinga dahil sa sobrang kaba. Akala ko kung ano na ang sasabihin ni Abby. To lessen the stiffness in the atmosphere, I tried to divert our topic. “Kausap ko nga pala kagabi si Martina. Tuloy na ‘yung pagbalik niya ng Manila by next week.” Napatango-tango si Abby. Pumunta siya ng pantry upang kumuha ng mga platito at tinidor. Cyrus got himself busy fiddling on his cellphone. “Hay na-miss ko ‘yung lukaret na ‘yon! Masyado naman kasing workaholic!”si Abby. She sliced the blueberry cheesecake into eight. Nilagyan niya ng isang hiwa ang platitong nasa tabi ko. “Na-miss ko tuloy magtrabaho,” saad ko habang bumubungtong-hininga. Napatuon sa akin ang atensyon nilang dalawa. “Ano na nga pala ang sabi ng Daddy mo? Pumayag na ba siya na makabalik ka sa I.P.A.?” Malu

