My heart was hammering inside my chest. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. “Mabuti na lang at pareho ang blood type nilang dalawa,” pagpapatuloy pa ni Mommy. Napatuon ang mga mata ko sa bouquet ng red roses at basket ng prutas na nakapatong sa ibabaw ng tukador. Mukhang napansin ito ng aking ina. “Kagagaling lang ni Cyrus dito kanina,” ani Mommy. Napaawang ang labi ko. “Gusto sana niyang bantayan ka hanggang sa paggising mo pero sabi niya babalik na lang daw siya sa mga susunod na araw. Plano niya munang kausapin nang masinsinan ang Daddy mo. He really respected your father. Given the current situation, ayaw niyang magpang-abot sila ritong dalawa ng hindi pa nila napapag-usapan ang tungkol sa relasyon n’yo.” Hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil sa aking narini

