Sick
“Derecho ka nalang sa condo ko,” Wika ng nasa kabilang linya.
I’m here at the the establishment where he is residing. Sa parking lot pa lamang at palabas na ng sasakyan. Kailangan kong magmadali at baka may makakita pa sakin rito. Palagi pa naman ay pumupunta ang mga taga SSU sa BGC, mas mabuting mag-ingat.
“Is there a problem? The reason why you called me?” Tanong ko at pansamantala munang huminto sa paglalakad.
“Nothing, just come here..”
Madaming papasok sa building mabuti at hindi pamilyar ang lahat ng naroroon.
“Ibababa ko na. I’m already at the entrance.”
“Kay, bye.”
“Okay..”
Binabaan ko na ito at pumasok na sa entrance ng building. The guard greeted me, malamang ay pamilyar na sakin dahil panay ang punta ko rito.
“Good afternoon, Ma’am! Bibisitahin nyo po si Ser?” Bati nito. May pormal na ngiti ito sa labi.
“Yes, po. Hindi naman siguro nagdala ‘yon ng babae, ano?” Biro ko.
“Naku, hindi po. ‘Wag kayong mag-aala, Ma’am. I-rereport ko sa’yo agad.” This is what I like about kuya Gardo na security guard rito. He’s really friendly.
I chuckled, “Sige po, mauuna nako.” Ngiti ko at nagpaalam na.
Ano kaya ginagawa no’n ngayon? Hindi ko alam ba’t ako pinapatawag nito ngayon. Hindi ko rin nakita ito sa paaralan kanina, it’s such a rare sight that he’s absent.. O baka hindi lang talaga kami nagtagpo?
And why’s the elevator taking too long? God, baka may makakita pa sakin rito, and if that happens.. I don’t know anymore. Sa establishemento pa lang ba ito, malalaman na nila kung sino ang pinupuntahan ko. We would face consequences, magkakagulo at– No. Tama na muna ang pag-iisip, Lucianna. Maging maingat ka na lamang kung ayaw mong mangyari ang iniisip.
My phone beeped, it was a message from him.
Smarty Ass:
I’ll order dinner later. Dito kana kumain, malapit ng gumabi.
Oh? Plano ko pa naman sanang sa labas ako kumain. I was craving for something but then..
Me:
Alright.
Pinatay ko na ang aking telepono at papasok na sana ako ng bumukas ito ngunit na estatwa sa nakita. A figure of a man, what the hell? Mapaglaro nga ang tadhana, bakit narito si Kuya Achileas? But his car, nasa parking lot pa ng universidad ‘yon ah? But why am I even shocked about that. Of course, they’re close.. Lucianna.
I was so shocked, hindi ko namalayang nasa harapan ko na ito ng may kakaibamg titig. Nang-aakusa.
“Why are you here?” Pagtataka nito.
Stay composed, Lucianna. No matter what he asks, maging kampante ka lang nang hindi mapansin.
“Pinapapunta ako ni Sasha ngayon. She’s here at her friend’s condo..” Kalmadong sagot ko. “Si Chelsea, remember?”
He was doubtful at first, ngunit naniwala rin naman ito kalaunlan. “Hindi ka pa papasok?”
Akmang tatango na sana ako ng tumunog ang aking telepono. God, ba’t ngayon pa. But I remained sane and calmly answered the phone. Nasa harapan si Kuya at nakatitig sakin. Isang maling galaw ko lamang ay wala na.
“Are you trapped or something?” Bungad ng nasa kabilang linya. “Ba’t wala ka pa?”
Paano ko ba ito sasagutin ng hindi nakakahalata si Kuya kung sino ang katawagan ko? I collected my thoughts and formed an alibi.
“Yes, Sasha?” Simula ko. “Huh? Is there something wrong?” I acted so confused.
Alam kong may kunti pang pagdududa kay Kuya kaya mas mabuti munang hindi ituloy ang pabisita ko sakanya. I should be wary.
“What?”
“It’s okay, I understand. Uuwi nalang ako, nakasalubong ko din naman si Kuya Achi.” I purposely mentioned my brother’s name para malaman nito ng totoong dahilan kung bakit hindi kami magkasundo sa telepono.
“Crap, I forgot to tell you about your brother. But he already left an hour ago.”
Pero bakit nakasalubong ko siya ngayon na matagal na pala itong umalis sa condo ng lalaking ‘yon? Something’s not right here, but I should not dig more. Parehas lang din naman kaming may tinatago. Anong karapatan kong kwestyonin ito?
Napatingin ako kay Kuya na nakatingin tin sakin. You should thank me Kuya for not being born nosy of a sibling.
“Sige, gotta go na.”
“May magagawa pa ba ako? But I badly wanna see you,” Ani sa mababang boses. “It sucks having this situation. So, tomorrow it is?” Buntong hininga nito.
“I’ll just text you later. But, bye for now.”
“Okay..”
Tinapos ko na ang tawag at inaya na lamang ang kapatid na umalis na. Wala pa naman itong dalang sasakyan, don’t tell me he’ll commute by taxi?
“Sinong pinuntahan mo dito?” Tanong ko habang papaalis kami ng estbalishemento.
“I visited your Kuya Kierr, that bastard’s sick as f**k. Mukhang mamamatay na.”
‘Yon nga lang ba Kuya? Si Kierr lang ba? Napangisi ako sa aking isipan. May kinakabaliwan ang dalawang kapatid ko ngayon. Ang alam ko kay Kuya Constantine ay tiga Engineering department. Naghahabol ito ngayon dahil hindi pinagtutuonan ng pansin ng babae.
Buti nga.
“Okay, if you say so..” Patay mali kong wika. “Saw your car at the school. Sasabay ka sakin?” Dugtong ko.
“Yes? And don’t you dare let me take a taxi, Lucianna. I’m your brother.” Banta nito sa mariing boses. As if I can, mapagalitan pa ako nila Mama dito panigurado at magsusumbong.
“Why? Isusumbong mo ako, Kuya? What are you, a gay?”
I rolled my eyes at him, ang arte. Ano naman ang masama sa mag commute diba? Spoiled brat. Kala mo naman hindi nahulog sa putikan noon, iyak na iyak pa nga siya halos hindi na makakita dahil puno ng putik ang mukha niya. Pinagalitan pa ako nila Lolo dahil do’n. Di ko naman kasalan ba’ t to makulit ayan tuloy nahulog.
“Tss. Kaya walang gustong lumapit sa’yo na lalaki eh. Masama bunganga mo,”
Kung masaka bunganga ko, ano nalang siya? Duh. Hindi ko malimutan ang sinabi nya kay Claire no’ng high school, he rejected her with harsh words. Sino kaya mas masama samin ngayon? Pinahiya niya pa sa mga estudyante, madami kaseng nakatingin. ‘Yon ang mga panahon na gusto ko nang itakwil ito bilang kapatid.
Teka, Claire’s staying here diba? Nasabi sakin ‘yon ni Sasha. She’s here in this tower, kamakailan lang. Bumalik na sa Pilipinas, galing ibang bansa.
“Should I list down girls whom you rejected, Kuya Achi?” I sweetly said to him pero ang totoo ay gusto ko nang ibalibag ito.
Akala mo naman inosente. Halos magpakatay na nga ‘yong iba dahil sakanya. Both of my brothers are jerk. Hindi na dapat itanggi ‘yon. Nakakahiya sila.
“Then should I list down boys you rejected, my dear sister? Man, they were so obsessed with you..” Iling iling ni Kuya para bang kataka-taka. “Ginayuma mo ba sila, Lucianna? Wala namang espesyal sa’yo.” Saka tiningnan ako ng nakaka-insulto.
“Bulag rin ba ang mga babae mo? I mean..” Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. “Gosh. I feel sorry for them,” Malungkot kong wika.
Gusto ko lang itong pikonin, alam ko namang gwapo ang dalawa kong kapatid. Magkaprehas sila naman pagdating sa mukha, no need to compare in that area.. kambal eh. Ang kaibahan lamang ay maputi si Kuya Constantine habang kabaliktaran naman si Kuya Achi, kulay kayumanggi ang balat nito. Parehas matangkad at matipuno, ang mga kilay na makapal at abelyanang mata na nakakahalina. It’s just that Kuya Achi has a small mole near his eyes, and it made him more manlier. While me, being their sister, have the same features as them. Na kapag binihisan ng pang babae ang kambal ay magiging ako na. Ngunit ang kulay ng aking balat ay katulad ng kay Kuya Constantine.
But I wish to have Kuya Achi’s sunkissed skin color. Ang ganda kaseng tingnan, hindi katulad ng akin. I’m so pale that it looked like I ran out of blood.
“Really? Then why–“ hindi natapos ang idudugtong sana ng kapatid ng may sumigaw.
Sa mga oras na ‘yon ay gusto ko nalang bigla mag teleport at ‘wag nang bumalik. Damn.. masama bang humiling na sana liparin ng ipo ipo si Kuya Achi ngayon ng hindi na siya magtanong?
“Ma’am! Okay na ba si Ser? Ang dali mo naman po yata?”
Fuck.